CHAPTER 02

661 Words
NAGISING ako sa loob na ambulansya. Pinapaypayan ako ni Janine. Marahan akong bumangon at nagtanong sa kanya. “Anong nangyari?” “Salamat naman at nagising ka na! Nanghimatay ka lang naman nang makita mo `yong pugot na ulo!” Bakas sa mukha ni Janine ang saya. “Kaya mo na bang maglakad? Okay ka na?” Marahan akong tumango. Bumaba na kami ng ambulansiya matapos na magpasalamat sa nurse na tumulong sa akin nang manghimatay ako kanina. “Kaya mo pa bang mag baby sit, Erika?” tanong ni Janine habang naglalakad kami papunta kina Mrs. Sanchez. “Oo naman! Kaya ko pa…” “Grabe naman pala ang nangyari doon sa pamilyang minasacre! Isang nakatakas na serial killer pala ang pumatay sa kanila. Nakinig ko pa nga sa mga pulis na talagang tinorture muna sila bago pinatay! Nakakapangilabot talaga, biruin mo pati iyong two-years old tinepok ng hayop na killer na iyon!” Kwento ni Janine. “Sa tingin mo, Erika, bakit may mga ganoong kahayop na tao?” “Hindi ko alam, Janine. Ang mabuti na lang natin na gawin ay mag-ingat…” MAALIWALAS ang bahay ni Mrs. Sanchez. Two-storey at konkreto. Halatang may-kaya ang pamilya nito. Patunay ang mga mamahaling muwebles na nakikita ko sa salas. “Bababa na si ate. Hintayin niyo na lang.” Sabay lapag ng kasambahay ng dalawang baso ng juice at sandwich sa mesita sa salas. “Mag meryenda muna kayo.” Nakangiti pa iyong kasambahay at umalis din ito nang mag pasalamat kami ni Janine. “Bakit kaya kailangan pa ng mag-aalaga ni Mrs. Sanchez sa mga anak niya, e, may kasambahay naman pala siya?” usisa sa akin ni Janine. Naubos kaagad nito ang sandwich. “Aba, malay ko! Malalaman natin kapag nakausap na natin siya…” Sabay kaming napatayo ni Janine nang makita namin na isang ginang ang pababa mula sa hagdan. May katabaan ito at mahahalata mong mabait siya dahil sa palangiti ito. “Magandang hapon, maupo kayo,” anito. Ikwenento namin ni Janine na ako na lang ang magtatrabaho para dito at pumayag naman ito. “Ah, Mrs. Sanchez, pwede pong magtanong?” saad ni Janine pagkatapos. “Ano iyon, iha?” “Bakit kailangan niyo po ng babysitter, e, may kasambahay naman kayo?” “Ah, iyon ba? May lagnat kasi ang kasambahay ko na si Thess. Mahirap na baka mahawa pa ang mga anak ko. Isa pa, ngayong gabi ko lang naman kailangan ng babysitter dahil may pupuntahan lang kami ng asawa ko. Debut kasi ng pamangkin ko mamayang gabi,” paliwanag ni Mrs. Sanchez. Habang nag-uusap kami ay dalawang teenager ang dumating. Isang lalake at babae. Mukhang galing ang mga ito sa school dahil naka-uniform ang mga ito. Humalik ang dalawa sa pisngi ni Mrs. Sanchez. “`Eto nga pala ang dalawa kong anak. Si Calvin, 3rd year high school at si Christine, 2nd year na siya…” pagpapakilala ni Mrs. Sanchez sa mga anak niya. Maya-maya ay nag-paalam na si Janine dahil baka daw siya gabihin sa pag-uwi. “Ang mabuti pa, Erika, samahan mo ako sa taas upang makita mo ang aalagaan mo,” ani Mrs. Sanchez nang makaalis na si Janine. “Sige po…” sagot ko. Isang one year old na lalaki pala ang aalagaan ko. Ang cute-cute nito habang natutulog sa crib. Itinuro sa akin ni Mrs. Sanchez ang tamang pag-aalaga kay Baby Toby. Pagtitimpla ng gatas, pagpapalit ng diaper at kung anu-ano pa. Ilang saglit pa ay dumating na ang asawa nito na isa palang pulis na may mataas na katungkulan. Bago umalis si Mrs. Sanchez ay nagbilin ito ng ilang bagay sa amin. “Calvin, Christine, `wag pasaway, ha. May sakit si Yaya Thess kaya hindi siya gaanong makakakilos. Erika, ikaw na ang bahala kay Baby Toby. May tiwala ako sa iyo. Oo nga pala, i-lock niyo ang mga pinto bago kayo matulog.” Matapos iyon ay tuluyan nang umalis ang mag-asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD