CHAPTER 03

798 Words
“ATE ERIKA, handa na po ang dinner. Kumain po muna tayo,” ani Christine sa akin habang karga ko ang natutulog na si Baby Toby. “Okay lang ba na iwan ko si Baby Toby dito mag-isa?” “Oo naman po! Hindi naman po iyan pasaway. Isa pa, tulog na naman siya, e.” Ngumiti ako sa kanya. “Sige, susunod na lang ako...'” Pagka-alis ni Christine ay ibinaba ko na sa crib si Baby Toby at tumuloy na ako sa komedor. Masarap ang nakahain sa mesa. Mainit na kanin, pritong tilapya at sinigang na baboy. “Nasaan si Yaya Thess niyo? Hindi ba siya sasabay sa pagkain natin?” ani ko habang kumukuha ng umuusok na kanin. “`Wag niyo na po siyang alalahanin. Kumakain na po `yon sa kwarto niya. Ayaw ditong kumain baka daw makahawa pa ng lagnat niya,” sagot ni Calvin. Habang kumakain kaming tatlo ay panay ang kwentohan namin. Mabait naman pala talaga ang mga anak ni Mrs. Sanches. Matapos kumain ay naghugas ng pinggan ang magkapatid. Napagdesisyunan namin na manood ng DVD sa salas. Naki-join din sa amin si Thess na nagsuot na lang ng face mask. The Strangers ang pinanood namin. Tungkol iyon sa mag-asawang pinasok ng tatlong killer. Hindi naman nakakatakot pero iyong fact na mangyari sa iyo ang ganoon ay talagang nakakapanindig ng balahibo. Habang nanonood ay napansin ko na puro may grills ang mga bintana sa kabahayan at ang main door ay gadena na may malaking susi ang lock. “Thess, bakit ganyan iyong lock ng pinto?” tanong ko. “Naku, simula nang mauso ang mga p*****n na `yan, natuto na kaming i-lock nang mabuti itong bahay. Nakakatakot naman talaga. Parang kahit saan ka pumunta hindi ka na safe!” ani Thess. Nagkibit-balikat ako. “Sabagay, mabuti na iyong nag-iingat. Teka lang, kukuha lang ako ng tubig. Nakakauhaw naman iyang pinapanood natin!” Natatawang turan ko. Tumayo na ako at nagtungo sa kusina. Bubuksan ko na sana ang ref nang mapansin kong bukas iyong back door sa kusina. Napag-desisyunan kong sarahan iyong back door. Pero nagulat ako nang may makita ako sa sahig… Mga bakas ng paa?! Kaninong bakas ang mga ito? Hindi kaya… May nakapasok sa loob ng bahay?! Sinundan ko iyong bakas at nawala iyon sa harapan ng banyo. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Marahan kong binuksan iyong pinto ng banyo at sumilip pero wala akong nakita. Biglang may humawak sa likod ko na labis kong ikinagulat. Paglingon ko ay nakita ko si Christine. “Anong ginagawa mo diyan, Ate Erika?” tanong niya sa akin. Napahawak ako sa dibdib ko. “Ginulat mo naman ako, Christine! May nakita kasi akong bakas ng mga paa!” Itinuro ko pa sa kanya ang mga bakas sa sahig. “Ah, ako po ang may gawa niyan. Lumabas po kasi ako kanina. Hindi ko siguro namalayan na naputikan ko ang sahig. Sandali lang at pupunasan ko po ang sahig.” “Ganoon ba? Akala ko naman ay may ibang taong nakapasok.” Bumalik na ako sa salas. Tinapos lang namin ang pelikulang pinapanood namin at natulog na rin sina Thess, Calvin at Christine. Ako naman ay nagtimpla ng gatas at pinainom iyon kay Baby Toby at nakatulog na rin ito pagkalipas ng ilang sandali. Nagbalik ako sa salas upang manood ng TV. Maaga pa naman para matulog, alas nueve y media pa lang. Isang telenovela sa isang channel ang pinapanood ko nang biglang umiyak si Baby Toby. Pinuntahan ko siya kaagad upang i-check. Basa pala ang diaper kaya umiyak. Agad ko iyong pinalitan ng bago. Pagbalik ko ng salas ay ganun na lang ang laki ng pagtataka ko. Ang huling natatandaan ko ay buhay ang TV nang iwan ko ito pero bakit ngayon ay patay na ito? Hindi kaya... Ah, baka naman pinatay ni Thess. Akala siguro ay hindi na ako manonood. Ang mabuti pa ay matutulog na ako. Bale, sa kwarto ni Baby Toby ako matutulog. Papanhik na sana ako ng biglang mag-ring ang telepono sa may salas. Agad ko iyong sinagot. “Hello?” Walang nagsalita sa kabilang linya. “Hello? Sino po `to?” Wala pa ring nagsalita kaya binaba ko na iyon. Sakto naman ng ibaba ko ito ay muli iyong nag-ring. Napapitlag tuloy ako sa gulat. “Hello?” Wala ulit sumagot. Doon na ako nainis. Para kasing niloloko na ako. “Hello?! Sino ka ba? Bakit di ka nagsasalita?! Hindi ako nakikipaglokohan sa iyo kaya--” “Gusto kong maligo sa dugo mo, Erika!” Nahihintakutang naibaba ko ang telepono. Natakot ako sa boses at sa sinabi ng nasa kabilang linya. Sigurado ako, lalaki ito. Baka naman may nangloloko lang sa akin. Lilisanin ko na sana ang salas nang biglang tumunog ulit iyong telepono.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD