CHAPTER 04

727 Words
NANGINGINIG ako nang unti-unti kong damputin iyong telepono. Sigurado ako, ang lalaking iyon na naman ang tumatawag! “Tigilan mo na ako!!”' Agad na sabi ko pagkalagay ko ng telepono sa aking tenga. Sinadya kong tapangan ang aking pagsasalita. “Hindi kita titigilan…” Tama nga ako, ang lalaking iyon ulit ang tumawag! Malalim ang boses niya. “Ano bang gusto mo?! Kung tinatakot mo ako, pwes para sabihin ko sa iyo hindi ako natatakot sa iyo!” Narinig ko ang mahinang pagtawa nung lalaki sa kabilang linya. “Talaga? Hindi ka natatakot? E, bakit kitang-kita ko sa mukha mo na takot na takot ka!” Lalong gumapang ang takot sa katawan ko sa sinabi niya. Ibig sabihin nakikita niya ako! “N-nakikita mo ako?! Nasaan ka?” at biglang nang-hang na ang kabilang linya. Maaaring nakikita niya ako mula sa bintana kaya sinarado ko ang mga iyon. Pinatay ko na rin ang ilaw sa buong kabahayan upang hindi talaga ako makita ng kung sino mang hayop na iyon! Umupo muli ako sa sofa. Sino ba ang lalaking iyon? Papaano kung pumasok siya dito? Diyos ko! Kailangan kong humingi ng tulong. Di-nial ko ang hotline ng pulis... “Hello! This is police hotline. Anong maitutulong namin?” “T-tulungan niyo po ako. May lalaki pong panay ang tawag sa akin. Tinatakot niya po ako!” “Okey, miss, ano nga palang pangalan mo?” “Erika… Erika po.” “Miss Erika, ito bang tumatawag sa inyo ay binabantaan kayo dahil kung hindi naman hindi namin kayo matutulungan. Tumawag na lang kayo sa phone company para ma-block ang caller na ito.” “Binabantaan niya ang buhay ko!” medyo nag pa-panic na rin ako. “Ang sabi niya, g-gusto niyang maligo sa dugo ko!” “Calm down po… Ganito po ang gawin niyo, i-lock niyo ang buong bahay at kung sakaling muling tumawag sa inyo ang anonymous caller na tinutukoy niyo, try niyong pahabain ang pag-uusap niyo. Ito ay upang ma-trace namin kung nasaang lugar ang caller na ito. Nakuha na rin namin ang address ng bahay niyo base sa number na gamit mo sa pagtawag dito sa amin.” Matapos ang pag-uusap namin ay hindi na ako mapakali. Paikot-ikot ako sa salas... Maya maya ay natigilan ako sa muling pagtunog ng telepono. Agad ko iyong sinagot gaya nang sabi ng nakausap ko. “Hello?” Walang sumagot. Tanging mga mahihinang hingal o paghinga lamang ang naririnig ko. “Sino ka ba talaga?!” Walang sagot. “Kung ang intensiyon mo ay ang takutin ako, okay, nagwagi ka na! Natatakot na ako kaya tumigil ka na!” halos pasigaw na sabi ko. Biglang nag-hang ang telepono. Nanghihina akong napaupo. Takot na takot ako. Muling nag-ring ang telepono at agad ko iyong sinagot. “Ano ba talagang gusto mo?!” sigaw ko. “Erika, ang police hotline ito! Lumabas ka na ng bahay!” Napakunot-noo ako. “Ano po? Bakit?” nagtatakang tanong ko. “Na-trace na namin kung nasaan ang caller na nananakot sa iyo! Siya ay nasa mismong loob ng bahay niyo! Lumabas ka na agad!” Hindi ko na narinig pa ang ibang sinasabi niya. Nabitiwan ko ang telepono sa sobrang gimbal ko sa nalaman ko. Nasa loob ng bahay ang lalaking nananakot sa akin? Pero paano siya nakapasok? Bigla kong naalala nung makita kong bukas iyong back door... Nanlamig ako nang may bigla akong maalala. “Diyos ko! Si Baby Toby!” bulalas ko. Kinakabahan akong pumunta sa kwarto ni Baby Toby. Kinarga ko siya at dinala sa kwarto ni Christine. “Ate Erika, bakit kayo nandito?” takang-tanong ng nagising na si Christine. Ibinigay ko si Baby Toby sa kanya. “Mamaya na ako magpapaliwanag! Ikaw muna ang bahala kay Baby Toby. Kahit anong mangyari, `wag kang lalabas ng kwartong ito! Mag-lock ka paglabas ko, okay?” “Ate, ano bang nangyayari?!” Hindi ko na sinagot ang tanong niya. Lumabas na ako kaagad ng kwarto. Kukunin ko ang susi kay Thess! Kailangang makalabas kaagad kami sa bahay na ito. Pagkapunta ko sa sa kwarto ni Thess ay ganoon na lamang ang gulat ko sa nakita ko. Nakatali si Thess sa kama at may busal sa bibig. Kakalagan ko na sana siya nang bigla akong makarinig ng malalaking yabag ng paa na papalapit sa kwartong iyon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD