bc

SICK: Part Three

book_age0+
1.4K
FOLLOW
3.5K
READ
others
dark
tragedy
twisted
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Tatlong kwentong muling susubukan ang tibay ng iyong sikmura! Handa ka na ba?

Story #01- Sexy

Story #02- Buffet

Story #03- Hurt

Ito ang ika-tatlong aklat ng SICK Series!

chap-preview
Free preview
SEXY (Teaser & Chapter 01)
SICK 3 presents... •••SEXY••• Palagi ka nilang nilalait at pinagtatawanan... Ang nais mo lang naman ay may magmahal sa iyo ng totoo... Isang kahilingan na didinggin ng kadiliman! Ngunit handa ka ba sa kapalit na hihingin? SEXY 01 “LIPSTICK, blush on, mascara, eyeliner at ang importante na kilay! Kilay pa more at contour pa more! Pak na pak na! Ganda ka ba? Ako? Ganda ako! Magandang-maganda!” Napahinto sa pagsasalita si Teri na isang baklang mahilig mag-make up habang kausap niya ang kanyang sarili sa harap ng salamin. Malungkot niyang ibinagsak ang kanyang balikat. “Pangit… Ang pangit mo talaga, Teri! Kahit kailan ay hindi ka na yata gaganda! Pangit!” aniya sabay alis sa harapan ng salamin. Tipikal na bakla si Teri. Nagsusuot siya ng maiikling shorts at pambabaeng damit. Nagme-make up at pakendeng kung maglakad. May kulay ang kanyang buhok. Kulay pula. Alam din ni Teri sa sarili niya na hindi siya magandang bakla. Hindi kasi maganda ang kanyang balat. Kumbaga, dirty daw, sabi ng iba. Siya iyong klase ng bakla na trying hard magmukhang babae ngunit mukha pa ring lalaki kahit anong gawin niya. Lumabas na siya ng kanilang maliit na bahay. Dalawa lang silang nakatira doon ng nanay niya. Iyong tatay niya kasi ay matagal nang sumakabilang-bahay. Sumama sa kabit nito na mas sexy at mas maganda kesa sa nanay niya. At napasimangot siya nang makita niya ang nanay niya nakikipag-tsismisan na naman sa mga kapitbahay nila. “'Naaay!!!” pasigaw na tawag niya dito. “Ay, bakit?!” Lingon nito sa kanya. “Mga mare, sandali lang, ha. Tawag lang ako ng anak kong bakla! Be right back!” anito sabay lapit sa kanya matapos nitong magpaalam sa mga ka-tsismisan nito. “Ano na naman ba iyon, ha?” “Papasok na po ako sa parlor. Ang aga-aga, tsismis na naman kayo. Mamaya mapa-away ka na naman dahil diyan. Maglinis na lang po kayo ng bahay!” Malakas siyang sinapak ng nanay niya. “Hoy, Teri! Hindi porket ikaw ang nagtatrabaho dito at nagpapasok ng pera ay may karapatan ka nang pakialaman ako sa gusto kong gawin. Tandaan mo na anak lang kita at ako pa rin ang naglabas sa iyo sa p**e ko! Hayop na bakla na ito! Lumayas ka na nga! Leche!” Pagtataboy pa nito. “Oo, nanay! Oo, nanay! Palagi na lang akong oo, nanay--” “Bakit?! Sasagot ka pa?!” Inumangan siya nito ng kamao. Napahinto siya sa pagda-drama. “Oo, nanay! Papasok na ako sa parlor!” aniya sabay alis. Ganoon talaga ang nanay niya. Naging bugnutin simula nang iwanan sila ng tatay niya. Ngunit kahit hindi maganda ang naging kapalaran niya sa kanyang pamilya, happy naman ang kanyang buhay pag-ibig. Two months and getting stronger na ang relasyon niya sa tambay na si Bogs. Si Bogs na ubod ng gwapo at puti. Hindi kasi ito nagtatrabaho kaya hindi naiinitan kaya maputi. Tapos ang laki pa ng katawan at malaki din ang… pagmamahal sa kanya! Ang sarap-sarap pa ni Bogs… na magmahal. Hay! Si Bogs na lang talaga ang nagpapasaya sa kanya. Imbes kasi na ang nanay niya ang maging source ng happiness niya ay ito pa ang nagbibigay sa kanya ng stress! Kung itrato kasi siya nito ay parang hindi siya nito anak. Pero, ano nga ba ang magagawa niya? Ang ina ay ina. Hindi naman niya ito pwedeng pabayaan. Naku, kailangan na pala niyang magmadali dahil baka kapag na-late na naman siya ay bungangaan na naman siya ng amo niyang parang dragon sa sobrang sungit na si Garuda. Ang lakas nitong asarin siya porket tunay itong babae. Ngunit kahit babae ito ay mukha din naman itong bakla. Ayaw niyang mapagalitan ngayon. Mahirap pa namang makasakay ngayon ng jeep dahil Monday. Maraming pasahero. Binilisan na lang ni Teri ang paglalakad hanggang sa makarating na siya sa may terminal ng jeep. Mabuti na lang at hindi ganoon kahaba ang pila. Inilabas niya ang kanyang cellphone. Iti-text na sana niya si Bogs para mag-good morning dito nang isang eksena hindi kalayuan sa kinatatayuan niya ang umagaw ng kanyang atensiyon. “Ano ba?! Hindi ka ba makaintindi? Wala nga akong pera! 'Wag ako ang pestehin mo!” Napataas ang kilay ni Teri nang makita niya na tinatarayan ng isang maganda at sosyal na babae ang isang matandang babae na sa tingin niya ay namamalimos dito. Bahagyang kuba ang likod ng matanda at naghahalo ang puti at itim sa buhok nito. Luma at marumi na ang suot nitong damit na para bang matagal na nitong suot iyon. Nakaramdam siya ng awa para sa matandang babae. Mabilis kasi siyang maawa sa matatanda. Malaki ang puso niya para sa mga ito. “Kahit magkano lang naman, ineng… Kailangan ko lang talaga ng pera para sa gamot ng anak ko na nasa ospital.” Pakiusap ng matanda. “Alam niyo, ale, hindi ako charity, okay? Lubuyan niyo na nga ako at baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at masaktan ko pa kayo. Ang kulit niyo!” Aba! Napaka demonya naman ng babaitang iyon! Naiinis na turan niya sa kanyang isip. “Kahit magkano lang naman, ineng…” At nagwala na nga ang babae nang hawakan ito ng matanda sa kamay. “Ano ba?! Bitiwan mo ako!” sigaw ng babae sabay tulak sa matanda. Mas lalo itong nakakaawa dahil tila nahihirapan ito sa pagtayo. Hindi na niya kaya ang kanyang nakikita. Kung walang kikilos, siya na lang ang kikilos. Ngunit nang akmang lalapitan na niya ang matandang babae ay isang simple ngunit maganda ring babae ang lumapit dito at tinulungan ito. “Bakit mo naman itinulak?! Wala ka bang awa!” sigaw ng babaeng dumating sa malditang babae. “Excuse me! Ang matandang 'yan ang sisihin mo. She’s so kulit at mabaho. Tingnan mo, ang daming langaw na sumusunod sa kanya! Eww!!! Gross!” Mataray na sabi nito sabay alis. Mabuti na lang at tinulungan ng babaeng iyon ang matanda. Nakaaawa naman kasi talaga ito. Nakita pa ni Teri na may inabot na pera ang babae sa matanda. Malungkot na sinundan ni Teri ng tingin ang matanda nang paalis na ito. Sa wari naman niya ay totoo na kailangan nito ng pera. Kinuha niya ang kanyang wallet upang tingnan kung may pera pa ba siya. May tatlong daan pa siya doon at ilang barya na budget niya para sa pamasahe. Mabilis siyang nagdesisyon. Tinapik niya ang nasa unahan niya. “Ate, dito po ako, ha. Pakitingin naman po ng pwesto ko sa pila,” aniya. “Anong ate? E, mas mukha ka pang matanda sa akin!” Sungit naman! Pilit siyang ngumiti. “Basta, patingin na lang. Salamat!” At tumakbo na siya papunta sa matanda. Hindi pa naman ito nakakalayo kaya naabutan niya pa. “Mother! Mother!” tawag niya dito. Lumingon ito sa kanya at huminto sa paglalakad. “Ano iyon?” Medyo natakot siya sa hitsura nito sa malapitan. Hindi naman sa panglalait ngunit mukha itong mangkukulam. Malaki ang mata at kulubot na ang balat. Hinugot niya ang tatlong daan sa kanyang wallet at ibinigay iyon dito. “Tulong ko na po 'yan sa inyo para sa anak niyo.” “Maraming salamat sa iyo. Napakabait mo!” “Wala po iyon. Budget ko po sana iyan sa pagkain pero sa inyo na.” “Salamat talaga…” May inilabas itong isang maliit na bote na may laman na kulay itim na likido. “'Eto, sa iyo na ito. Hindi ganoon kalakas ang kapangyarihan ng likido na iyan kaya hindi ko iyan magagamit sa problema ko. Ngunit, sa tingin ko ay magagamit mo iyan.” Nakangiwi niyang tinanggap iyon at tiningnan. “Ano naman ito, mother? Mud pack? Bakit ang kaunti naman. Kulang ito sa malaki kong mukha! Don’t tell me, this is a gayuma! Hindi ko na po kailangan dahil masaya na po ang aking love life--” “Tutuparin ng likidong iyan ang iyong kahilingan! Inumin mo iyan at humiling ka at magkakaroon ng katuparan ang iyong kahilingan. Kapalit iyan ng pagtulong mo sa akin.” Ay, ganoon? So, engkantada ba itong si mother at may paganito siyang ganap o sadyang adik lang siya? Aniya sa isip habang pinagmamasdan ang bote. “Pero, mother--” Naglalakad na pala palayo ang matanda sa kanya. “Mother!” habol na tawag niya dito ngunit hindi na siya nito nilingon. Kumibit-balikat na lang si Teri at isinilid ang bote sa kanyang shoulder bag. Bumalik na siya sa pila. Sakto naman dahil may isang jeep na dumating kaya nakasakay na siya agad. -----^^^----- LAKING pasasalamat ni Teri dahil hindi siya late ngunit napagalitan pa rin siya ni Garuda dahil ang dumi daw ng parlor nito. Hindi man lang daw siya naglinis bago siya umalis kagabi. Sa pagkakatanda niya kasi ay si Veronica na isa ding bakla na nagtatrabaho din sa parlor na iyon ang nakatoka sa paglilinis. “Pero, Mamsh Garuda, si Veronica po ang--” Mangangatwiran pa sana siya ngunit bigla siyang binato ni Garuda sa mukha ng suklay. “Sasagot ka pa! Sasagot ka pa!” High-pitched na sigaw nito. Napayuko na lang siya. “Sorry po…” Iyon na lang ang nasabi ni Teri. Pag-alis ni Garuda ay kinausap niya si Veronica. Hiyang-hiya ito sa kanya ngunit naintindihan naman niya nang magpaliwanag ito sa kanya. Kailangan daw nitong makauwi agad dahil hindi pa kumakain ang pamilya nito ng hapunan kay nagmamadali ito sa pag-uwi. Nakalimutan na nito ang maglinis bago umalis. Maunawain naman siya kaya hinayaan na lang niya. Bigla niyang naalala na wala na nga pala siyang pangkain mamayang tanghali. Binigay niya kasi iyong pera niya doon sa kaawa-awang matanda. Pamasahe lang ang natira sa kanya. Alangan naman na laklakin niya iyong itim na likido na ibinigay no’ng matanda. Hindi naman siya mabubusog niyon. Ah, alam na niya. Tatawagan niya si Bogs. Wala pa namang magpapagupit kaya pwede pa siyang makipag-usap sa kanyang boyfriend. Kinikilig at excited niyang inilabas ang kanyang cellphone at tinawagan si Bogs. Ilang ring lang at sumagot naman ito agad. “Hello, bebelabs? Bakit?” ani Bogs. Naitirik ni Teri ang mata sa sobrang kilig nang marinig ang magandang boses ni Bogs. “Hello, bebelabs! May favor sana akong hihingin sa iyo, e…” Akala mo ay malanding pusa na sabi niya. Nagiging ganoon talaga siya kapag kausap ito. “Ano 'yon, bebelabs? Ahh…” Nagtaka siya nang tila umuungol si Bogs. “Okay ka lang ba, bebelabs? Parang… umuungol ka!” “Ahh… H-hindi, bebelabs! Ano ba kasi iyon?” “Ano kasi, bebelabs… Wala na kasi akong pera. Wala na akong pangkain mamaya, e. Baka naman pwedeng pautangin mo ako ng pera. Kahit five hundred lang.” “Bebelabs, wala na akong pera. Ahh…” “Okay ka lang ba talaga? Ungol ka nang ungol ka diyan.” “'Wag mo na lang kasing pansinin ang ungol ko. Kung anu-ano naman naririnig mo, bebelabs. Ikaw talaga! Sorry talaga. Wala na akong pera.” “Pero, bebelabs, kakabigay ko lang sa iyo kahapon ng one thousand, 'di ba? Ubos na agad?” “May natira pang two hundred. Sige, papahiram ko sa iyo mamaya. Daan na lang ako diyan bago ka mag-tanghalian. Pero, limang daan mo na iyon ibabalik, ha!” “Sige, bebelabs! Thank you so much. I love--” Napangiwi siya nang maputol na ang linya. “Ano 'yon?” Sinubukan niya ulit tawagan si Bogs ngunit patay na ang phone nito. Salamat naman at nakautang siya kay Bogs. Two hundred ang ipapahiram nito pero five hundred pesos na kapag ibabalik niya. Iyon naman ang gusto niya kay Bogs. Business-minded ito. Nakakapag-isip ito ng paraan para kumita ito kahit walang trabaho. “Hay! Nakaka-inlove ka talaga, Bogs!” Tila nangangarap na turan niya. “Hoy! Ano naman 'yan, Teri?” untag sa kanya ni Veronica. “'Eto, kinikilig na naman!” “Kay Bogs?” “Kanino pa ba? E, siya lang naman ang one and only boyfriend ko!” “Usog ka nga.” Tumabi si Veronica sa kanya sa pagkakaupo sa mini sofa sa parlor. Binuksan nito ang pamaypay at nagpaypay. Medyo mainit pa kasi doon dahil hindi pa bukas ang aircon. Kapag kasi wala pang customer ay hindi pa nila iyon pwedeng buksan. “Siya lang ang one and only mo pero si Bogs ba, ikaw lang ang one and only niya?” “Ano bang pinagsasabi mo diyan, bakla ka!” “Hindi mo ba talaga napapansin o sadyang manhid ka lang?” “Alam mo, ang dami mong paliguy-ligoy. Diretsuhin mo na kasi ako, Veronica!” Hindi niya alam pero parang kinakabahan siya sa sasabihin ni Veronica. “Okay. Sasabihin ko na siya ang napapansin ko pero huwag kang mabibigla. Napapansin ko kasi na parang close na close si Garuda kay Bogs. Aba, no’ng isang araw, inilibre ni Garuda si Bogs ng banana cue at samalamig sa may kanto! 'Di ba, kaduda-duda iyon?” Malakas na tumawa si Teri sabay hampas ng malakas sa balikat ni Veronica. “Alam mo, nakakatawa ka! Inilibre lang, close na agad? Alam mo naman si Garuda, 'di ba? Baka nagwapuhan lang iyon kay bebelabs ko. Gwapo naman talaga si Bogs ko, e.” Pakurap-kurap na turan niya. “Ah, basta! Kung ako sa iyo, hindi ako magpapakampante diyan kay Garuda. Alam mo naman ang ahas, minsan, nasa tabi mo lang!” “E, ikaw ang nasa tabi ko!” “Gaga ka! Bahala ka na nga diyan. Sabagay, love life mo naman iyan. I am just a concerned friend sa iyo.” Sabay silang napatayo ni Veronica nang may pumasok na babae sa kanilang parlor. “Magpapa-manicure ako!” ani ng babae. Sandaling nawala sa isip ni Teri ang sinabi ni Veronica nang mag-umpisa na siyang mag-manicure sa babae. Ngunit nang matapos na siya ay saka niya iyon naisip. Bakit parang may parte ng pagkatao niya na gustong maniwala kay Veronica. “Hindi naman siguro iyon gagawin sa akin ni Bogs. Mahal na mahal kaya ako no’n…” Mahinang sabi niya sa kanyang sarili. TO BE CONTINUED…

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG II

read
619.3K
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.3K
bc

POSSESIVE MINE

read
971.2K
bc

NINONG III

read
364.2K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.0K
bc

OSCAR

read
227.2K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
26.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook