SEXY 02

2261 Words
“THANK you so much, bebelabs! Love na love mo talaga ako!” Hahalikan sana ni Teri si Bogs sa bunganga ngunit umiwas ito. “Why? Is there something wrong?” Nagtataka niyang tanong. Naduduling-duling na si Teri sa sobrang gutom. Dahil imbes na before lunch ay after lunch dumating si Bogs sa parlor. Alas tres talaga ng hapon. Kaya naman hanggang ngayon ay hindi pa rin siya kumakain ng tanghalian. Halos magkasunod na dumating si Garuda at ang nobyo niya. Nauna lang ng ilang minuto si Garuda. Umiling sa kanya si Bogs. “Wala, bebelabs. Hindi pa kasi ako nagto-toothbrush, e,” katwiran nito. Hinawakan niya sa pisngi si Bogs. “Ano ka ba, bebelabs? Keri lang! Tanggap ko kahit bad--” Natigilan si Teri nang mapansin niya na may parang pantal sa leeg si Bogs. Mapula ang mga iyon. “Bakit ang dami mong pula sa leeg? Chikinini ba 'yan?” Nagdududa niyang turan. Napansin niya na naging malikot ang mata ng kanyang nobyo. “Anong chikinini? Hindi iyang chikinini! Kagat lang ng lamok 'yan!” Umiiwas ang mata nito na makipagtitigan sa kanya. “Ganoon ba? Hayaan mo at bibilhan kita ng katol. Idaan ko sa bahay niyo mamaya, ha?” aniya kahit sigurado siya sa sarili na chikinini ang nasa leeg ni Bogs. Naniwala na lang siya dito para hindi na sila mag-away pa. Ayaw na ayaw kasi ni Bogs na hindi niya ito pinapaniwalaan. Maya maya ay nagpaalam na si Bogs sa kanya. Uuwi na daw ito. Siya naman ay nilapitan si Garuda na nasa harapan ng TV at nanonood ng pangtanghali na teleserye. “Mamsh Garuda, lalabas lang po ako, ha. Kakain lang po ako at hindi pa ako nagla-lunch.” “Hindi pwede!” Mabilis na sagot nito. Inirapan pa siya ni Garuda na para bang may malaki siyang kasalanan dito. Kahit hindi niya matandaan na may nagawa siyang mali sa kanyang among babae. “Pero, mamsh, gutom na gutom na po ako. Nahihilo na po ako sa gutom. Saka wala pa naman pong customer--” “Wala akong paki, Teri! Paano kung may dumating?” “Bibilisan ko po, mamsh! 'Andiyan naman po si Veronica--” Tumayo si Garuda sa harapan ni Teri at iniliyad nito ang malaki nitong dibdib na para bang iniinggit siya nito dahil malaki ang s**o nito. “Kapag sinabi kong hindi pwede, hindi pwede! Bakit ba ang kulit mo, Teri?! Anong gusto mo? Pagkain o trabaho?!” “T-trabaho po.” “Iyon naman pala, e. Pwes! Sundin mo ang gusto ko!” “Okay. Fine.” Wala nang nagawa si Teri. Kahit nanginginig at nahihilo na siya dahil sa gutom ay hindi na lang siya kumain. Baka kapag sinuway pa niya si Garuda ay tanggalin siya nito sa parlor nito. Ang hirap pa namang humanap ng trabaho sa panahon na ito. Lalo na’t hindi naman siya nakatapos ng pag-aaral. Third year high school lang ang inabot niya. Pinatigil na kasi siya ng nanay niya dahil hindi na nito kayang tustusan ang kanyang pag-aaral. Malungkot siyang tumabi kay Veronica sa sofa. Hawak nito ang cellphone nito. “Bakla, kunin mo 'yong bag ko. May burger at tubig ako doon. Iyon na lang muna ang kainin mo,” ani Veronica. Tila sinadya nitong hinaan ang pagsasalita para hindi marinig ni Garuda. “Bilisan mo at baka makita ka ni Garuda. Pansin ko lang, imbyerna talaga sa iyo ang babaitang 'yan.” “Thank you, Veronica!” Mangiyak-ngiyak niyang sabi. “Go na, bakla!” anito. Kinuha niya ang bag ni Veronica na nasa counter at kinuha niya doon ang isang burger at isang bottled water. Nagtago na lang siya sa counter at baka masita pa siya ni Garuda kapag nakita nitong kumakain siya. Mabilis niyang inubos ang isang burger kahit ilang beses na siyang muntik na mabulunan. Kahit papaano naman ay nabawasan ang gutom na nararanasan niya. Mamaya na lang siya babawi sa hapunan. Talagang kakain siya ng maraming-marami mamaya. -----^^^----- ALAS-OTSO pa ng gabi ang oras ng pagsasara nila ng parlor ngunit ala-siyete pa lang ng gabi ay nagpaalam na si Garuda sa kanila ni Veronica na kailangan na nitong umalis. Sila na lang daw ang bahala sa parlor at may pupuntahan pa daw ito na importante. Pagsapit naman ng closing ay hindi kinalimutan ni Teri at Veronica na maglinis bago umalis. Baka kasi kapag hindi na naman sila naglinis ay mabungangaan na naman sila ni Garuda. Magkaiba ang baranggay na tinitirhan nila ni Veronica kaya sa ibang jeep ito sumakay. Nauna na ito habang siya ay matiyagang naghihintay ng masasakyang jeep sa gilid ng kalsada. Panay ang text niya kay Bogs at pati sa Messenger nito ay nagme-message siya ngunit wala siyang nakukuhang reply mula dito. Baka naman may ginagawa lang si Bogs… aniya sa sarili. Ibinalik na niya ang cellphone sa kanyang bag at baka ma-snatch pa iyon. Mahirap na kapag nawala sa kanyang ang cellphone dahil wala pa siyang pambili ng bago. Habang ibinabalik niya ang cellphone sa bag ay nakita niya roon iyong maliit na bote na ibinigay sa kanya no’ng matandang tinulungan niya kanina. Kinuha niya iyon at tiningnan. Inalog pa niya at binuksan. Inamoy niya. Napangiwi siya dahil sa malansa at masangsang niyong amoy. “Ang baho naman nito tapos ipapainom pa niya sa akin!” pakli ni Teri. May nakita siyang basurahan sa tabi niya. Itatapon niya sana ang bote nang may makita siyang jeep na paparating. Kaya imbes na maitapon ang bote ay sa bag niya ulit iyon inilagay dahil sa kanyang pagmamadali. “Ay! Para! Para!” Malakas na sigaw ni Teri. Muntik pa siyang masubsob sa pagsakay niya sa jeep dahil hindi pa nga siya nakakaupo ay umandar agad iyon. “Putang ina naman, manong!” Hindi napigilang mura ni Teri. -----^^^----- PAKANTA-KANTA si Teri habang tinatahak niya ang daan papunta sa bahay nina Bogs. Dala niya ang katol na ipinangako niya dito. Kahit inaatake na naman siya ng gutom ay mas pinili na lang niyang dumaan muna sa bahay ng kanyang nobyo bago umuwi. Talagang mas inisip muna niya si Bogs kesa sa kanyang sikmura. Wala siyang pakialam kahit magkaroon siya ng ulcer basta maibigay lang niya ang kailangan ni Bogs. Sa wakas ay nakarating na siya sa bahay ng kanyang nobyo. Nakabukas ang pinto kaya pumasok na siya. Naabutan niya ang nanay ni Bogs na nasa kusina at nagluluto. Alam naman nito ang relasyon nila ng anak nito kaya kilala na siya nito. “Good evening po, mother! Si Bogs po?” agad na tanong niya. “Ah, e… W-wala siya dito, Teri.” Tila natatarantang sagot nito. Maniniwala na sana siya sa sinabi nito ngunit nakita niya ang tsinelas ni Bogs sa labas ng bahay bago siya pumasok. Napatingin si Teri sa nakasaradong pinto ng kwarto ni Bogs. Alam niya na iyon ang kwarto nito dahil ilang beses na silang naglabing-labing sa silid na iyon. Maraming beses na siyang dinala ni Bogs sa langit sa silid na iyon. Ah! Kapag naaalala niya ang kahubdan ni Bogs ay hindi niya mapigilang hindi kiligin! Grabe talaga! “Mother, alam ko nandito si Bogs,” sabi ni Teri at tinakbo niya ang pinto ng kwarto nito sabay bukas. “Teri!” Pipigilan pa sana siya ng nanay ni Bogs ngunit huli na ang lahat dahil nabuksan na niya ang kwarto ng anak nito. Nabitawan ni Teri ang dala niyang katol sa nakita niya sina Bogs at Garuda na may ginagawang kababalaghan. Nakapatong si Bogs kay Garuda at walang saplot ang dalawa. Napalingon sa kanya si Bogs at nataranta ito nang makita siya. Mabilis itong tumayo at nagtapis ng kumot sabay lapit sa kanya. “Teri--” “Hayooop!!!” Isang malakas na sampal ang pinatikim niya dito. Si Garuda naman ay nabihis agad sabay lapit kay Bogs. Panty at bra lang ang suot nito. Para itong ahas na umangkla sa braso ng kanyang nobyo. “Kailan pa? Kailan niyo pa ako niloloko?” Tuluyan nang napaiyak si Teri sa sobrang sakit. Hindi niya inaasahan na totoo nga ang sinabi sa kanya ni Veronica. May relasyon nga ang dalawa. Tinabig ni Garuda si Bogs at ito ang humarap sa kanya. “Teri!” nanginginig na parang si Zsa Zsa Padilla na tawag nito sa kanyang pangalan. “'Wag mo akong ma-Teri-Teri! Ang tanong ko ang sagutin mo! Are you f*****g my husband?!” Bigla siyang sinampal ni Garuda. “Husband? Oh, really, Teri? Kailan mo pa naging husband si Bogs? 'Wag kang ambisyosa, bakla, dahil isa ka lang chakang bakla. Bakit? Meron ka ba nito?” anito sabay hubad sa panty. “Yuck! Kadiri! Mukhang pusang nakainom ng suka 'yang kepyas mo!” Kulang na lang ay maduwal siya sa ipinakita nito. “Kahit na! Wala ka nito dahil hindi ka isang babae. Bogs just used you, Teri! Hindi ka ba nakakahalata?” “Una siyang naging akin!” “Una nga siyang naging sa iyo pero sa akin na siya ngayon. Alam mo, hindi ka naman talaga minahal ni Bogs dahil hindi ka babae! Ginamit ka lang niya at nagpagamit ka naman!”At malakas na humalakhak si Garuda. Hinawi niya si Garuda sabay tulak dito sa tabi para makita niya nang maayos si Bogs. “Bebelabs, sabihin mong hindi totoo ang sinasabi ni Garuda. Sabihin mo!” Hinawakan niya ang magkabilang balikat nito at inalog-alog. “T-teri…” “Bogs! Ako ang mahal mo! Bibigyan kita ng allowance every month. Five thousand a month! At may supply ka pa ng grocery worth five thousand kada buwan!” singit ni Garuda. Grabe naman itong si Garuda. Wala na gad siyang kalaban-laban sa offer nito kay Bogs. “At kaya kitang bigyan ng anak gaya ng gusto mo!” Malungkot akong tiningnan ni Bogs. “Sorry, Teri, pero pangarap ko talaga ang magkaroon ng anak. Bukod sa ibibigay niyang allowance at grocery, e, iyon ang nagustuhan ko kay Garuda.” “S-so, ayaw mo na sa akin dahil hindi ako babae?” Tumango si Bogs na sinundan ng mala-demonyong tawa ni Garuda. Upang bigyan naman ng kahihiyan ang kanyang sarili ay nagtatakbo palabas ng bahay na iyon si Teri. Nadapa pa siya paglabas niya ng pinto kaya napasubsob ang baba niya sa lupa. Mabilis siyang tumayo at umiiyak na umuwi sa kanilang bahay. -----^^^----- “AYOKO na! Ayoko na! Ayoko na!” Atungal ni Teri pagkapasok niya sa kanilang bahay. Sumandal siya sa dingding at dumausdos paibaba habang umiiyak. Nagulat siya nang bigla na lang may lumipad na sandok sa kanyang mukha at tinamaan siya sa mukha. “Aray ko!” Iyon pala ay ang nanay niya ang bumato niyon sa kanya. “Anong kadramahan iyan, Teri, ha?! Ngayon ka na nga lang umuwi, nag-iingay ka pang hinayupak ka!” Talagang pinagalitan pa siya nito kesa mag-alala sa kanya dahil umiiyak siya. Kakamot-kamot si Teri sa mukhang tinamaan ng sandok at tumigil na siya sa pag-iyak. “P-pasensiya na po kayo, 'nay… Broken hearted lang po kasi ako…” “Broken hearted? Break na kayo ni Bogs?!” Imbes na damayan siya nito ay humagalpak pa talaga ito ng tawa. “Bakit naman po parang ang saya niyo pa? Nasasaktan na nga po ako, e.” “Hindi parang. Masaya talaga ako! Bakit ba kasi ipinipilit mo na mahal ka talaga ni Bogs? Salamat naman at wala na akong kahati sa sinasahod mo. Saka, kahit kailan walang lalaking magseseryoso sa iyo dahil bukod sa pangit ka ay hindi ka naman babae!” “Ang sakit niyo naman pong magsalita! Parang hindi niyo ako anak!” “Para magising ka sa katotohanan! Tama na nga! Bumili ka ng bigas at wala pa tayong sinaing. Gutom na ako kaya bilisan mo!” -----^^^----- MADALING araw na ngunit hindi pa rin nagagawang makatulog ni Teri. Ilang butiki na ang nakita niyang dumaan sa kisame. Panay pa rin ang iyak niya dahil sa nangyari sa kanila ni Bogs. Bakit ba hindi niya naramdaman na may iba ito? At talagang si Garuda pa. Masakit para sa kanya na ipinagpalit siya nito sa tunay na babae. Sabagay, ano ba ang laban niya kay Garuda? Kahit mukha itong bakla ay babae pa rin ito. Doon pa lang ay talo na siya lalo na at gusto palang magkaroon ni Bogs ng anak. “Alam mo, hindi ka naman talaga minahal ni Bogs dahil hindi ka babae!” “Kahit kailan walang lalaking magseseryoso sa iyo dahil bukod sa pangit ka ay hindi ka naman babae!” Mas lalong sumama ang loob ni Teri nang muli niyang maalala ang sinabi sa kanya ni Garuda at nanay niya. Bumangon siya. “Oo na! Alam ko na. Hindi ako babae! Bakit kasi naging bakla pa ako, e!” galit na sabi niya. Bakit kasi hindi pa siya naging babae? Kahit hindi maganda basta babae. Ayos na iyon sa kanya. Biglang natigilan si Teri nang maalala niya iyong bote na ibinigay sa kanya ng matanda. Bumaba siya sa papag na kanyang higaan at pinuntahan ang bag niya na nakasabit sa dingding. Kinuha niya doon ang maliit na bote. “Tutuparin ng likidong iyan ang iyong kahilingan! Inumin mo iyan at humiling ka at magkakaroon ng katuparan ang iyong kahilingan…” Umalingawngaw sa utak niya ang sinabi ng matanda. Mataman niyang tiningnan ang kulay itim na likido na nasa loob ng bote. “Hindi kaya… totoo ang sinasabi ng matandang 'yon? Hindi kaya ito na ang sagot sa problema ko?” tanong ni Teri sa kanyang sarili. TO BE CONTINUED…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD