bc

In This Crazy Town

book_age0+
1.8K
FOLLOW
4.7K
READ
others
dark
drama
tragedy
twisted
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

(TAGALOG STORY)

Isang tago, payak at tahimik na baryo ang Baryo Sapian. Hanggang ang katahimikan nila ay nabulabog. Isang sakit ang kakalat sa maliit na bayan na iyon. Ginagawa nitong bayolente ang kung sino man na magkakaroon nito. Nananakit, naninira at pumapatay! Para bang nasisiraan sila ng kanilang katinuan. Sakit na magiging suliranin ng mag-asawang Nenita at Danilo.

Hindi kaya mas lalo silang mabaliw oras na malaman nila ang puno't dulo ng sakit na kumakalat sa Baryo Sapian?

chap-preview
Free preview
Chapter 01
WALANG pagsidlan ang ligayang nararamdaman ni Nenita habang hinihimas ang umbok sa kaniyang tiyan habang nakaupo siya sa pinaka punong baitang ng hagdan paakyat sa kanilang kubo. May silong kasi ang bahay nila kaya may hagdan iyon. Buntis siya. Anim na buwan na ang dinadala niyang buhay sa kaniyang sinapupunan kaya bahagya nang nahahalata ang umbok niyon. Tatlong taon din ang hinintay nila ng asawa niyang si Danilo simula nang magsama sila. Kapwa ulila na sila sa buhay kaya naman naisipan nila na magsama na lang sa iisang bahay. Sa ngayon ay nakatira sila sa bahay ni Danilo na nagtatrabaho sa taniman ng patatas. "Anak, huwag mo akong papahirapan sa paglabas mo, ha?" turan niya na para bang naririnig na siya ng nasa sinapupunan niya. "Mahihirapan ka talaga niyan, Nenita." Nagulat siya sa biglang pagdating ni Aling Divina. Si Aling Divina ay kilala sa kanilang lugar dahil ito ang nag-iisang albularya sa kanilang lugar. Medyo mataba ito, maliit at parang inaantok ang mata. Mahaba ang buhok nito na umaabot hanggang sa beywang. Ito ang gumagamot sa may mga sakit nilang kabaryo dahil sa napakalayo ng ospital sa kanila. Ilang bundok, ilog at kagubatan ang dapat na tahakin bago makarating sa kabihasnan. Sa pagkakatanda niya ay nasa singkwenta na ang edad nito. Mag-isa na ito sa buhay dahil noong nakaraang taon ay namatay ang nag-iisa nitong anak. "Aling Divina, magandang hapon po," magiliw na bati niya. "Bakit ka nakaupo sa may hagdan? Masama iyan. Mahihirapan ka sa pangangak!" Iiling-iling ito habang papalapit sa kaniya. Agad na bumaba si Nenita at hinarap si Aling Divina. "Ganoon po ba? Pasensiya na pero hindi ko naman po alam. Hinihintay ko lang po kasi dito si Danilo," aniya. "Makikinig ka sa akin dahil alam ko ang mga hindi dapat at dapat gawin ng isang buntis." "Opo. Ano nga po pala ang ginagawa niyo dito? May kailangan po ba kayo?" "Pinapunta ako dito ng asawa mo para hilutin ang tiyan mo. Magpi-pitong buwan na ang tiyan mo kaya kailangang isang beses sa isang linggo ay mahilot kita." "Ganoon po ba? Tayo na po sa itaas." Nagpatiuna si Nenita sa pag-akyat sa kanilang kubo. Pinahiga siya ni Aling Divina sa banig na nasa sahig. Inililis nito paitaas ang suot niyang damit. Isang maliit na bote ang inilabas nito. "Isa itong langis na maganda para sa iyo at sa sanggol na isisilang mo. Nagsisiping pa ba kayo ni Danilo?" "Po?" Nagulat siya sa tanong na iyon ng matanda. "Hindi na po. Bakit po?" "Mabuti naman. Huwag ka munang magpapagamit sa asawa mo habang ika'y buntis." Nilagyan ni Aling Divina ng langis ang dalawang kamay nito. Ipinagkiskis nito ang mga palad at binulungan ng dasal ang mga iyon. Saka nito hinilot ang kaniyang tiyan. Napangiwi si Nenita dahil medyo madiin ang pagkakahaplos ni Aling Divina sa kaniyang tiyan. Tiniis na lang niya dahil alam naman niya na tama ang ginagawa ng albularya. Maya maya ay tapos na ito sa paghilot sa kaniyang tiyan. "'Wag ka munang maliligo ngayong gabi. Papasukan ng kamig ang katawan mo. Bukas ng umaga ka maligo pero maligamgam lang." Inayos na ni Nenita ang kaniyang damit. Sabay silang tumayo ni Aling Divina. Sandali niya itong iniwan upang kumuha ng pera. Inabutan niya ng singkwenta pesos ang matanda ngunit hindi nito iyon tinanggap. "Binayaran na ako ni Danilo. Sige na. Aalis na ako," anito. "Mag-iingat po kayo. Maraming salamat po ulit." Inihatid niya si Aling Divina hanggang sa paglabas ng bahay. Nang mawala na ito sa kaniyang paningin ay saka lang siya pumasok sa bahay upang magluto na ng hapunan. Malapit na rin kasi ang pagdating ng asawa niya mula sa pagtatrabaho. -----ooo----- "NAGPUNTA nga pala dito kanina si Aling Divina. Hinilot niya ang tiyan ko," ani Nenita kay Danilo habang kumakain sila ng hapunan. Walang supply ng kuryente ang kanilang bayan kaya kapag gabi na ay gasera ang nagsisilbing ilaw nilang lahat. "Mabuti naman. Para hindi ka mahirapan sa panganganak mo." Maganang kumakain si Danilo dahil paborito nito ang ulam na niluto niya. Sinigang na hito sa sampalok. "Ang sarap talaga ng sinigang mo! Ang swerte ko talaga sa iyo!" Tiningnan siya nito at matamis na ngumiti. Kapag ganoon ito kumain ay masaya si Nenita. Iba sa pakiramdam na nagugustuhan ng asawa niya ang mga niluluto niya. "Salamat, Danilo. Kumain ka pa." Nilagyan niya ng kanin ang pinggan ng asawa nang makita niyang naubos na nito ang kanin nito. Sa buhay ngayon ni Nenita ay wala na siyang mahihiling pa. Meron siyang responsable at mapagmahal na asawa. Tapos ilang buwan na lang ay magkakaroon na sila ng anak. Sigurado siya na mas magiging masaya sila ni Danilo sa pagdating ng una nilang supling. "Fiesta na pala dito sa atin sa makalawa. Maghanda ka kahit kaunti. Papapuntahin ko dito ang ilan kong mga kaibigan. Bumili ka rin ng tuba. Isang malaking bote. Bibigyan kita ng pera bukas." "Sige..." Matipid niyang sagot. Kung hindi pa binanggit ni Danilo ay hindi maaalala ni Nenita na fiesta na nga pala sa makalawa. Magiging masaya na naman ang mga kabaryo niya dito sa Baryo Sapian. Babaha na naman ng pagkain at alak. Kapag ganitong buwan kasi ay masagana ang ani ng kanilang baryo sa palay at iba pang pananim kaya ipinagdiriwang nila iyon bilang pagpapasalamat sa Diyos. Maliit lang ang Baryo Sapian na may maliit na populasyon. Halos lahat ng nakatira dito ay magkakakilala. Malayo ang baryo nila sa kabihasnan kaya naman napaka simple ng kanilang buhay. Panay bundok, kagubatan at taniman ang matatanaw mo sa paligid. Sa gubat ay nagtatago ang ilang ilog at sapa kung saan sila kumukuha ng tubig na inumin o gamit sa iba pang gawain. Masaya na ang mga tao sa Baryo Sapian sa mga simpleng bagay. Katulad ng masaganang ani, magandang panahon o ang hindi pagkakaroon ng sakit. -----ooo----- PAGBUKAS ni Nenita ng tapayan o lagayan ng inuming tubig ay nakita niyang wala na iyong laman. Nakalimutan yata ni Danilo na ipag-igib siya sa ilog bago ito magtungo sa taniman ng patatas. Nauuhaw pa naman siya at kailangan na niyang uminom. Mukhang wala siyang magagawa kundi ang mag-igib sa ilog. Sa tingin naman niya ay kaya pa naman niya na buhatin ang tapayan kahit may laman na iyong tubig. Hindi naman iyon ganoong kalaki. Dala ang tapayan ay naglakad na si Nenita papunta sa ilog na matatagpuan sa gitna ng kagubatan. Kulang-kulang kalahating oras din ang lalakarin niya sa layo niyon. May ilang ilog at sapa na mas malapit pero hindi iyon ganoon kalinis. Baka sumakit ang tiyan niya kapag doon siya kumuha ng inuming tubig. Mahirap na lalo na at buntis siya. Baka may kung anong mangyari sa magiging anak nila ni Danilo kapag nakainom siya ng maruming tubig. Dahil sa matataas na puno sa gubat ay hindi gaanong pinapawisan si Nenita sa paglalakad. Nasasalo ng mga iyon ang init na nagmumula sa araw. Tila musika sa tenga niya ang mga huni ng ibon at iba't ibang hayop sa gubat. Kampante siya sa paglalakad dahil alam niyang ligtas siya. Wala namang ibang nagpupunta sa gubat na iyon kundi ang mga kabaryo din lang niya. Sa wakas ay narating na niya ang ilog. Malakas ang lagaslas ng tubig dahil medyo mabato ang ilog. Gamit ang isang pangsalok na gawa sa bao ng niyog ay sumalok siya ng tubig at inilagay iyon sa tapayan. Nang mapuno na niya ang tapayan ay isinarado na iyon ni Nenita. Sa linaw ng tubig sa ilog ay na-engganyo siyang uminom mula doon. Gamit ang dalawang kamay ay sumalok siya ng tubig. Ininom niya iyon. Pagtayo niya ay nagulat siya nang may makita siyang matandang babae nakatayo sa kabilang bahagi ng ilog. Titig na titig sa kaniya ang malaking mata nito. Payat ito at puro puti na ang magulo nitong buhok na hanggang balikat lang. Hindi niya kilala ang matanda. Ngayon lang niya ito nakita kaya nahinuha niyang hindi niya ito kabaryo. "M-magandang umaga po, lola..." Medyo nag-aalangan niyang bati. Humakbang ito ng isa at napansin niya na mabilis na gumagalaw ang bibig nito na para bang may binubulong ito na hindi niya naririnig. Nanlalaki ang mata nito na para bang may gagawin itong hindi maganda sa kaniya. Humakbang ulit ito ng isa at sa pagkakataong iyon ay napaatras siya sa takot dito. Nagmamadali niyang kinuha ang tapayan at mabilis na naglakad paalis sa ilog. Nilingon niya ang matanda nang makalayo na siya. Lumakas ang kaba ng dibdib ni Nenita nang makita niyang nakatawid na pakabila ng ilog ang matanda. Nakatayo lang ito doon at nakatingin sa kaniya. Bigla siya nitong itinuro. Mas lalo siyang natakot kaya halos tumakbo na siya. Isang bato ang natapakan ni Nenita na naging dahilan para matapilok siya. Napaupo siya sa lupa. Mabuti na lang at nahawakan niya nang maayos ang tapayan kaya hindi iyon nabasag. Isinantabi muna niya ang tapayan at hinilot ang masakit na paa. Napapangiwi siya sa bawat hagod ng daliri niya doon. Sa wari niya ay napasama ang pagkakatapilok niya. Halos hindi na maipinta ang mukha niya sa sakit. Naalala niya iyong matanda. Nilingon niya ulit ito. Wala na ito sa likod niya. Kahit papaano ay nakahinga na siya nang maluwag. Ngunit napasigaw siya nang pagharap niya ay nakita niya ang matanda sa harapan niya. Nakatayo ito doon at titig na titig sa kaniya at humakbang ito palapit. Takot na takot na napaatras si Nenita habang nakaupo sa lupa. Nagpalinga-linga siya. Baka sakaling may ibang tao na pwede siyang hingan ng tulong. Malakas talaga ang kutob niya na may hindi magandnag gagawin sa kaniya ang matandang iyon. Gumagalaw pa rin ang bibig nito. Panay ang turo nito sa kaniya. "Umalis ka! Iwanan mo ako!" Pagtataboy niya dito. Pero imbes na umalis ay mas lumapit pa ito sa kaniya. Atras nang atras pa rin si Nenita hanggang sa mapasandal na siya sa isang puno. Wala na siyang pupuntahan. Nasukol na siya ng matanda. Naging malikot ang kamay niya. Isang matigas na putol na sanga ang nahawakan ng kaniyang kamay. Mahigpit niya iyong hinawakan. Oras na lumapit sa kaniya ang matandang iyon ay hindi siya magdadalawang-isip na ipagtanggol ang kaniyang sarili!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.8K
bc

The Innocent Playgirl (R18 Tagalog)

read
476.0K
bc

The Sex Web

read
133.0K
bc

My virgin bedcretary ( COMPLETE )

read
1.2M
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.7K
bc

Wanted Ugly Secretary

read
2.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook