bc

SICK: Part Four

book_age16+
410
FOLLOW
1.4K
READ
revenge
dark
twisted
mystery
city
like
intro-logo
Blurb

Nagbabalik na ang mga kwentong susubukan na pabaligtarin ang iyong sikmura! Ihanda mo na ang iyong sarili para sa mga kwentong kakaiba at madugo!

[EAT]

Tasty, savory and... bloody!

[BLACK]

Handa ka bang gawin ang lahat para sa pera? Humanda sa larong gusto niya...

[SLIT]

Mag-iingat sa paglalakad mo nang mag-isa. Nandiyan lang sila. Nag-aabang ng mabibiktima!

chap-preview
Free preview
EAT 01
EAT   “Tasty, savory and… bloody!”                          PANAY ang lunok ng laway ng dalagitang si Clara habang nakatingin sa batang ngumangasab ng fried chicken sa loob ng Jollibee. Nasa labas siya ng naturang fastfood restaurant habang pinapanood ang pagkain ng bata. Nakatanghod siya sa glass wall at kung nakakatagos lang siya doon ay baka kanina pa niya inagawan ng pagkain ang batang iyon. Sobrang taba ng bata. Kabaligtaran niya na halos buto’t balat na. Paano ba naman siya hindi magiging ganoon, e, kulang siya sa nutrisyon. Wala sa oras ang pagkain niya. Ang basurahan ang takbuhan niya sa tuwing kumakalam ang sikmura niya dahil sa gutom. Biglang tumingin ang bata sa kaniya at sumimangot ito. Maarte siya nitong itinuro sa babaeng kasama nito na sobrang taba din. Nanay yata iyon ng bata. Dinuru-duro siya ng matabang ale. Sa galaw ng kamay nito ay alam niyang pinapaalis siya nito. Galit na galit ito na akala mo ay pinatay niya ang batang kasama nito sa pagkain. Tumawag pa ito ng service crew para ibaba ang blinds sa tabi ng lamesa ng mga ito. Bumagsak ang balikat niya dahil hindi na niya makikitang kumain ang batang iyon. Ano bang masama sa ginawa niya? Pinapanood lang naman niya iyong bata sa pagkain dahil pakiramdam niya ay nabubusog na rin siya. Wala nang nagawa pa si Clara kundi ang umupo sa semento at panoorin ang mga taong nagdaraan. Inilahad niya ang isang kamay at pinalamlam ang malalaking mata upang magmukha siyang kaawa-awa. Natutunan niya iyon sa ibang pulubi na katulad niya. Halos isang buwan pa lang siya sa lansangan. Namamalimos at nagkakalkal ng basurahan para may makain kahit papaano. Hindi rin niya alam kung paano ba siya napunta sa ganitong sitwasyon. Kahit ang pangalan niya ay hindi rin niya matandaan. Basta, natagpuan daw siya ng mga nagbabasura sa tabi ng ilog. May malaking sugat sa ulo. Ang akala nga daw ay patay na siya pero nang bigla siyang huminga ay dinala siya sa ospital. Doon na siya nagkaroon ng malay at wala na siyang matandaan sa lahat. Matapos ang isang linggo ay dinala siya sa isang ampunan. Dahil sa wala siyang pangalan ay pinangalanan siya ng isang madre bilang si “Clara”. Maging ang edad niya ay hindi din niya alam. Pero ayon sa mga madre ay kinse anyos na daw yata siya. Pinamumukulan na kasi siya ng dede at dinudugo na din ang p********e. Walang pamilyang naghahanap sa kaniya kaya dineklara sa ampunan na ulilang lubos na siya. Maayos sana sa ampunan dahil meron siyang tulugan, pagkain at kasuotan. Kaya lang hindi na niya kinaya ang pang-aaway sa kaniya ng ibang bata doon. Pinagtatawanan nito ang mga peklat niya sa kaniyang katawan. Malalalim na peklat na hindi rin niya matandaan kung saan at paano niya nakuha. Tumakas si Clara sa ampunan at piniling mamuhay sa lansangan. Dito ay nakaramdam siya ng kalayaan kahit mahirap ang buhay. Walang nang-aaway sa kaniya. Minsan pa nga ay binibigyan siya ng pagkain ng kapwa niya pulubi. Kahit saan ay maaari siyang matulog. Sa parke, sa labas ng simbahan, ilalim ng puno o sa labas ng mga building. Huwag lang siyang makikita ng mga guard o pulis dahil kung makita siya ay pinapaalis siya. Mabaho daw siya. Madumi. Nakakadiri. Tumayo si Clara at muling humarap sa glass wall ng fastfood restaurant. Tiningnan niya ang sariling repleksiyon doon. Madumi nga siya at mabaho. Nakakadiri? Oo. Matigas at nanlalagkit ang kaniyang buhok. Ang damit niya ay sira-sira. Magkaiba ang suot niyang tsinelas. Mabuti nga at natakpan ng dumi ang peklat niya sa kaniyang katawan. Inililis niya pataas ang damit at tumambad ang malaking peklat niya sa may bandang tiyan niya. Pilit niyang inaalala kung saan niya nakuha ang peklat na iyon pero kahit anong halughog siya sa utak niya ay wala siyang makuhang sagot. Sino nga ba talaga siya? Anong nakaraan nga ba ang meron siya? May pamilya kaya siya? Kung meron, bakit siya hinayaan ng mga ito na masadlak sa ganitong buhay? Talaga bang walang naghahanap sa kaniya? May nagmamahal ba sa kaniya? Suminghot siya nang makitang may nakadungaw na sipon sa kaliwang butas ng kaniyang ilong. Bumalik iyon sa loob. Sa lakas ng singhot ni Clara ay napunta sa lalamunan niya ang malapot na sipon. Nilunok niya iyon. Kumabaga, lamang tiyan din `yon. Sayang kung idudura lang niya. Kumibot ang gilid ng labi ni Clara. Napahawak siya sa tiyan nang tila may gutom na dragon na umungol doon. Luminga siya. Kakaunti na lang ang taong dumadaan sa kinaroroonan niya. Kailangan na niyang lumipat ng puwesto kung saan maraming tao. Sa gayon ay mas malaki ang tiyansa na may magbibigay sa kaniya ng limos. Kahit ano. Pera o pagkain ay tinatanggap niya. Maliit man o kakaunti ay wala siyang pakialam. Aalis na sana siya nang may mahagip ang mata niya. Iyong mag-inang mataba na kumakain kanina sa loob. May bitbit pang take out iyong bata kahit kakatapos lang nitong kumain. Napakaswerte naman nito. Nakakakain ito ng labis-labis. Papalapit na sa kinaroroonan niya ang dalawa. Sinundan niya ng tingin ang dalang brown bag ng bata. Nang makita siya nito ay itinaas pa nito ang bitbit at binelatan siya. “Wala ka nito! Pulubi!” Mataray pa nitong sabi. “Anak, ano ba? Huwag kang lalapit sa pulubi! Kakainin ka niyan!” Nakasimangot siyang tiningnan ng matabang nanay ng bata. Tahimik lang niyang tiningnan ang dalawa. Wala sa mga ito ang atensiyon niya kundi sa dalang pagkain ng bata. May nagbubulong sa kaniya na agawin niya iyon dito. Gutom na kasi talaga siya. Kung mamamalimos siya ay matatagalan pa bago siya makaipon ng sapat na perang pambili ng pagkain. Lalo na at medyo mahal ang pagkain kahit sa maliliit na karinderya. Kung maghahanap siya sa basurahan ay paniguradong wala na siyang makikita dahil tanghaling-tapat na. Naunahan na siya ng ibang pulubi sa lahat ng basurahang alam niyang palaging merong tirang pagkain na itinatapon. Nanakawin? Hindi? Nanakawin? Hindi? Pinagpapawisan na si Clara sa noo. Parang masarap iyong fried chicken na kinakain ng batang mataba. Baka iyon ang laman ng dala nitong brown bag. Tapos merong mabangong burger at french fries na mainit-init pa. Bahala na nga! Aniya sa sarili at sinundan niya ang mag-ina. Malalaki ang hakbang niya. Sa brown bag nakatutok ang mga mata ni Clara. “Mama, gutom na ako!” Narinig niyang sabi ng matabang bata. “Ano?! Kakakain lang natin, ha. Kanino ka ba nagmana ng katakawang bata ka?” “Gusto kong kainin na iyong burger—” “Hindi! Napakatakaw mo talaga! Sa bahay mo na iyan kakainin. Hati tayo!” “Eh… Gutom na ulit ako—” At hinablot na ni Clara ang bitbit na brown bag ng bata sabay takbo ng mabilis palayo. Walang lingon-likod na tumakbo siya. Kahit sinisigawan na siya ng mga tao na huminto ay hindi siya huminto. Bakit siya hihinto? Hawak na niya ang sagot sa gutom niya. Hinding-hindi na niya ito bibitawan pa. Unang beses niya itong ginawa at talagang nakakatakot at nakakakaba. Pero kapag nilalamon ka na ng gutom ay makakagawa ka talaga ng bagay na hindi mo inaasahan at isa na doon ang pagnanakaw. Ngayon ay nauunawaan na niya kung bakit may mga pulubi na nagnanakaw at hindi rin niya masisisi ang mga ito dahil nararanasan niya ang nararanasan ng mga ito. Sa wakas ay nagawa ni Clara na makalayo sa mag-inang mataba. Lumiko siya sa isang eskinita at pumasok doon. Tuwang-tuwa na isiniksik niya ang sarili sa tambak ng mga basurahan. Hindi siya maaaring makita ng ibang pulubi dahil manghihingi ang mga ito. Gusto niyang masolo ang pagkaing nakuha. Nagtataka din kasi siya kung ano ba ang lasa ng pagkain sa Jollibee. Masarap ba talaga kaya palaging puno ang naturang kainan? Ngayon ay malalaman na niya. Buong kasabikan niyang binuksan ang brown bag at isa-isang inilabas ang laman niyon. May isang burger at isang kahon na ang laman ay fried chicken at kanin. May sawsawan pa na kulay brown. Hindi niya alam ang tawag doon. Basta kakulay ng sawsawan ng fishball at kikiam. Inamoy niya ang manok at halos maduling siya sa bango niyon. Mas lalong nagutom si Clara. Sabik na sabik niyang nilantakan ang burger. Masarap nga at malinamnam. Parang kulang ang isa sa kaniya pero ayos na ito kesa sa wala. Mabilis niyang naubos ang burger at isinunod niya agad ang kanin at fried chicken. “Hala! Ang sarap pala nito!” pakli niya pagkakagat niya sa malutong na manok. Sinundan niya iyon ng kanin. Salit-salitan ang ginawa niya. Sawsaw sa sawsawan, kagat sa manok at subo ng manok. Dahil sa sobrang gutom niya ay sunud-sunod ang naging pagsubo niya. Hanggang sa mapaubo siya at mabilaukan. Nanlaki ang mga mata ni Clara dahil may nakabarang kanin at manok sa lalamunan niya. Hindi siya makahinga nang maayos! Mukhang mamamatay pa yata siya dahil sa Jollibbe na `yon. Hindi niya malaman ang gagawin. Pakapa-kapa ang kamay niya sa basurahan sa pag-asang may makikita siyang tubig doon kahit kaunti. Kinakapos na siya sa hangin at baka kapag nagtagal pa ay tuluyan na siyang mamatay. Tubig! Tubig! Tubig! Paulit-ulit na sigaw ng utak ni Clara. Akala mo ay nakakuha ng ginto sa tumpok ng dayami si Clara nang may makuha siyang plastic bottle na may laman na tubig. Halos kalahati pa ang laman niyon. Mabuti na lang at hindi pa pala siya mamamatay. Nagmamadali niyang binuksan ang plastic bottle at inilagay ang nguso niyon sa kaniyang bibig. Dire-diretso niyang ininom ang lamang niyon hanggang sa mawala na ang nakabara sa kaniyang lalamunan. “Ay, salamat naman!” Hinimas-himas pa niya ang dibdib. Ngunit napakunot ang noo ni Clara nang mapagtanto niya na parang may kakaibang lasa ang tubig na ininom niya. Parang mapait na mapakla na hindi niya maintindihan ang lasa. Tiningnan niya ang natitirang tubig sa plastic bottle. Manilaw-nilaw iyon. At bago pa man niya malaman kung ano ang nainom niya ay may narinig siyang tila lagaslas ng tubig sa gawing kaliwa niya. Napatingin tuloy siya doon at kinilabutan siya nang may makita siyang lalaking taong-grasa na umiihi sa isang plastic bottle. Tumingin ito sa kaniya at kinilig-kilig nang matapos nang umihi. Tinakpan nito ang plastic bottle na may ihi nito at itinapon sa basurahan kung saan siya nakasiksik. Tumawa pa ito na para bang nasiyahan ito sa ginawa nito saka naglakad umalis habang nagkakamot ng puwitan. Kung ganoon… ang ininom niya ay ihi ng taong-grasa na iyon?! Sa kaniyang nalaman ay naramdaman niya na nagkarambola ang laman ng kaniyang tiyan at kasunod niyon ay isinuka niya ang lahat ng kaniyang kinain. Lumabas sa bibig niya ang mga nginuya niyang burger, kanin at fried chicken na nahaluan ng kulay dilaw na ihi. Mangiyak-ngiyak siya habang sumusuka. Nanghihinayang siya na inilabas din niya ang ninakaw na pagkain. Pagkatapos niyang sumuka ay nanghihinang napahiga na lang siya. Wala siyang pakialam kahit marumi pa ang lugar na iyon. Sanay na siya. Nakatingin lang siya sa kalangitan. Ipinikit na lang ni Clara ang mata. Itutulog na lang niya ang gutom na ito. Lilipas din naman iyon at mawawala na. Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakatulog pero pagkagising niya ay maliwanag pa. Papungas-pungas siyang nag-inat at nagulat siya nang makitang nasa tabi niya ang taong grasa na umiihi sa plastic bottle at kinakain nito ang isinuka niya kanina. Maduduwal na naman sana siya pero piniglan niya ang sarili. Hindi siya makapaniwala na parang sarap na sarap ito sa suka niya.   MATAMANG pinapanood ni Clara ang isang babaeng pulubi na abala sa pagngatngat sa kuko sa kamay. Marumi at mabaho ito pero ayos lang. Parehas lang naman sila. Nasa may tapat siya ng simbahan. Nakasilong sa malaking puno. Nasa harapan niya ang babaeng pulubi na gigil na gigil sa kuko nito. Kapag ganitong tirik pa ang sikat ng araw ay sa simbahan siya nagpapalipas ng oras dahil maraming puno. Kapag sinuswerte pa at makikita niya ang pari ay nanghihingi siya ng pera o pagkain. Nakanganga lang si Clara sa babae. Akala mo ay isang tipak ng crispy pata para sa babae ang kuko nito kung papakin nito. May panlalaki pa ito ng mata. Dinig pa niya ang tunog ng pagkagat nito sa kuko. Wala na yata itong makagat na kuko sa dalawang kamay kaya hinawakan na nito ang isang paa at pilit na inilapit iyon sa bibig nito. Akmang kakagatin na ng babae ang kuko sa paa nang mapatingin ito sa kaniya. Naudlot tuloy ang pagngatngat nito doon. “Gusto mo?” Iniumang nito ang paa sa kaniya. Napangiwi si Clara sabay iling. “Huwag na. Busog pa ako,” sagot niya. “Okay.” Kumibit-balikat ito at itinuloy na ang pagkain ng kuko sa paa. Nang magsawa na siya sa panonood sa babae ay tumayo na siya. Maglalakad-lakad na lang siya sa paligid ng simbahan dahil mukhang hindi lalabas iyong pari. Baka may maawa sa kaniya at bigyan siya ng limos. Marahan siyang naglalakad sa paligid ng simbahan at hindi niya alam kung bakit dinala siya ng mga paa sa loob mismo ng simbahan. Tumigil siya sa gitna at tiningnan ang mangilan-ngilang taon na nandoon. Panay nakaluhod ang mga ito at nakatingin sa rebulto na nasa unahan. May nakapako sa malaking krus at mga anghel pa. Sa pagkakaalam niya ay nagdadasal ang mga tao sa nakapako sa krus at tinutupad daw nito ang mga hiling ng naniniwala dito. Umupo si Clara sa pinakahuling row ng mga upuan. Lumuhod din siya at nagdasal. “Sana palagi na akong may pagkain. Sana hindi na ako magugutom,” taimtim niyang turan. Hindi niya alam kung tama ba ang ginawa niya pero sana ay tama. Baka sakaling totoo ang naririnig niya, e. Malay ba niya na magkakatotoo ang sinabi niya sa nakapako sa krus. Edi, ang saya niyon. Kaya pinakiramdaman niya ang sarili kung nagugutom pa ba siya o hindi. Gutom pa rin siya. Mukhang hindi naman pala totoo kaya lumabas na lang siya ng simbahan. Mabagal siyang naglakad-lakad hanggang sa may marinig siyang tila nagkakagulo sa kung saan. Iginala niya ang kaniyang mata at nakita niya ang isang payat na lalaki na tumatakbo na may kipkip na pambabaeng bag sa kili-kili. May isang babae na humahabol dito. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang tumakbo at sinalubong ang lalaki. Iniharang niya ang isang paa sa daraanan nito. Natapid ito at sumubsob ang mukha sa semento. Agad niyang kinuha ang bag na nasa kili-kili nito. Mabilis na tumayo ang lalaki at pagharap nito ay duguan ang mukha nito. Puro gasgas at may nakalaylay pang balat sa may ibaba ng labi nito. Masama ang pagkakasubsob nito. “Putang ina ka!” Mura nito. Aagawin sana nito sa kaniya ang bag pero nakita nitong malapit na ang dalawang pulis at iyong babae kaya tumakbo na lang ito palayo. Pagkalapit ng babae at dalawang pulis kay Clara ay iniabot niya sa mga ito ang bag. Ang babae medyo may edad na ang kumuha ng bag. Mangiyak-ngiyak ito. “Naku, salamat, ineng! Mabuti na lang at naharang mo ang snatcher na iyon!” Hinawakan pa nito ang kamay niya. “Walang anuman po. G-ginawa ko lang po ang dapat kong g-gawin.” Nanghihinang sagot niya. Sa sobrang gutom ay umikot ang paningin ni Clara at bigla siyang nawalan ng malay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.7K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

Escaping The Billionaire's Heir (SPG TAGALOG)

read
81.8K
bc

Unexpected Romance

read
38.5K
bc

A night with Mr. CEO

read
175.5K
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.3K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook