bc

The Rich Man's Wife

book_age16+
887
FOLLOW
6.3K
READ
billionaire
revenge
forbidden
second chance
drama
bxg
heavy
crime
like
intro-logo
Blurb

[THE WIFE Series #02]

Magkasama sa hirap sina RHIAN at KENZO. Magkasama rin silang nangarap na makaalis sa putik na kanilang kinakasadlakan. Lahat ay gagawin nilang dalawa para sa pangarap na iyon kahit pa ang manloko ng ibang tao. Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana, nakulong si Kenzo sa kasalanan na si Rhian ang may kagagawan. Nangako si Rhian na hihintayin ang paglaya ni Kenzo ngunit sinubok siya ng pagkakataon. Samu't saring kamalasan at paghihirap ang naranasan niya hanggang sa makilala niya ang mayaman at may edad na si ALBERT. Ito ang naging sagot upang makaahon siya sa kahirapan. Nagpakasal silang dalawa kahit labag sa kalooban ni Rhian.

Sa muling pagtatagpo ng landas nina Rhian at Kenzo ay may asawa na si Rhian habang si Kenzo ay nobyo naman ng anak ng asawa ni Rhian.

Mapapatawad pa kaya ni Kenzo si Rhian? May pag-asa pa bang mabuhay muli ang nag-aalab na pag-ibig nila sa isa't isa sa kabila ng pagkasuklam at galit sa puso ni Kenzo?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 01
       PINUNO ni Rhian ng hangin ang dibdib bago pumasok sa isang mamahaling fine dining restaurant. Napakaganda niya ng gabing iyon sa kaniyang kasuotan. Isang eleganteng maxi-type of dress na floral ang kaniyang suot. Kulay maroon at ang manggas ay umaabot sa siko. Mahaba iyon at halos sumayad na sa sahig ang laylayan. Lantad ang kaniyang maputi at makinis na balikat sa suot niyang damit. Hinayaan niyang nakalugay ang buhok niyang kulay brown na may malalaking kulot. Bahagyang makapal ang kaniyang make-up dahil gabi. Terno ang shade ng lipstick at eyeshadow niya sa kaniyang damit. Poise at confident siyang naglalakad gamit ang ankle heels na may taas na anim na pulgada. Kagaya ng damit niya ang kulay ng kaniyang sapatos. Ang tanging alahas niya sa katawan ay ang hikaw na gold na may disenyo na paru-paru. Paborito kasi ni Rhian ang mga paru-paru dahil sa singer na si Mariah Carey. May dala siyang handbag na kulay gold na may tatak ng isang kilala at mamahaling brand ng bags. Mas lalong pinatingkad ng ayos ni Rhian ang kagandahang taglay niya. Natural na maputi ang kaniyang balat. Makinis siya at mala-porselana ang kutis. Sexy ang kaniyang katawan. Maganda ang kurba ng beywang niya at malaki ang dibdib. Mahaba ang legs niya at ang tangkad niya ay limang talampakan at walong pulgada. May kalakihan ang bilugan niyang mata na merong malalantik at mahahabang pilik-mata. Matangos ang ilong at ang labi niya ay may kakapalan pero maganda ang hugis. Marami nga ang nagsasabing dapat ay nag-aartista siya o sumasali sa mga beauty pageant. Baka siya na raw ang susunod na Miss Universe. Ngunit wala sa mga ganoong bagay ang hilig niya. Wala siyang talent. Hindi siya mahusay sa pagkanta, pagsayaw at pag-arte kaya hindi talaga para sa kaniya ang ganoong mundo. “Good evening, ma’am. Welcome to Spiral Restaurant. Do you have a reservation?” Isang babaeng naka-uniporme ang sumalubong kay Rhian. Matipid siyang ngumiti. “Yes. For Mr. Gener Villanta.” Maging ang boses niya ay bagay sa lugar na kinaroroonan niya. Mayaman pakinggan. Mabilis na tiningnan ng babae ang hawak nitong tablet at nakangiting nagsalita. “Table number twelve, ma’am.” Isang waiter ang sinenyasan nito na lumapit sa kanila. Ipinahatid siya ng babae sa waiter sa table na pina-reserve ng ka-date niya para sa gabing iyon. Habang naglalakad ay nalulula si Rhian sa kabuuan ng naturang restaurant. Ang lalaki ng chandeliers at maganda ang disenyo. Merong malaking hagdan na kulay puti at itim na hindi na niya alam kung saan papunta. Ang mga upuan at lamesa ay halatang mamahalin. Nang maihatid na siya ng waiter sa table ay nilapitan siya ng babaeng sumalubong sa kaniya kanina. “Miss Rhian Jacinto, right?” anito. Talagang kumpletong pangalan pa niya, ha. “Yes?” “May pinapasabi po si Mr. Villanta na male-late siya sa date ninyo tonight.” “Is that so? It’s okay. I’ll just wait him here. Thank you.” “Thank you, Miss Jacinto.” Umalis na ang babae pagkatapos. Nang mapag-isa si Rhian ay chi-neck niya ang cellphone. Inabala niya ang sarili sa pag-scroll sa newsfeed sa f******k at **. Lumipas ang kalahating oras ay wala pa ring Gener na dumarating. Naiinip na sumandal si Rhian. Ang lambot ng sandalan, ha. Yari sa magandang klase ng materyales ang upuan. Para siyang nasa palasyo ng sandaling iyon. Kakaunti ang tao dahil siguro mayayaman lamang ang nakaka-afford sa kainan na kinaroroonan niya. “Makapag-selfie nga. Remembrance...” ani Rhian. Nag-selfie siya. Tatlong shot. Ipinakita niya sa background ang kagandahan ng lugar. Pinicturan niya rin ang malalaking chandelier at in-upload sa kaniyang **. Paniguradong marami na naman ang maiinggit sa kaniya dahil nasa ganoong kamahal na restaurant siya. Wala naman siyang pakialam sa mga naiinggit sa kaniya. Mamatay ang mga ito sa inggit! Muling sumandal si Rhian. Nakuha ang atensiyon niya ng isang bungkos ng mga rosas na nakalagay sa gitna ng lamesa. Pinagsamang white at red roses. Napakaganda ng mga iyon. Kahit minsan ay hindi pa siya nakakatanggap ng ganoong klase ng bulaklak. Pero sana pagdating ng araw ay may lalaking magbigay sa kaniya ng mga rosas. Iyong kusa at hindi niya hinihingi. “Ang tagal mo naman, Gener...” May inis na turan ni Rhian. Inaalala niya ang kaniyang make up. Mumurahin kasi iyon at madaling mahulas. Baka hindi na maganda ang make up niya. Nakakahiya sa mga makakakita. Kaya tumayo siya at nagtungo sa comfort room. May signage kaya hindi na siya nagtanong kung nasaan ang CR. Pagkapasok niya sa CR ay sumalubong sa kaniya ang mabangong amoy. Napakalinis at elegante kahit CR. May malaking salamin na ang frame ay kulay gold. Kung wala lang siyang takot na makulong ay baka kanina pa niya binakbak ang frame ng salamin dahil mukhang totoong ginto, e. Naglakad siya papunta sa salamin. Tiningnan kung okay pa ang make up. Mula sa handbag ay inilabas niya ang isang make-up kit. Nag-apply ulit siya ng lipstick at eyeshadow. Dinagdagan na rin niya ang blush on. Pagkatapos ay umikot siya upang tingnan kung maayos pa ang damit niya. Maganda pa rin naman. Ang galing niya talagang maghanap ng magagandang damit sa ukay-ukay. Nabili niya ang suot niya sa ukay-ukay sa halagang three hundred fifty pesos. Ang sapatos niya ay one hundred pesos at ang handbag ay one hundred fifty pesos lang. Sinong mag-aakala na mumurahin ang suot ni Rhian ngayong gabi? Wala kasi iyan sa presyo kundi nasa nagdadala. “Ang ganda nga ng damit mo, ang chaka mo naman!” pakli pa niya. Pinagdikit niya ang dalawang malalaking dibdib. Sa mga iyon baliw na baliw si Gener, e. Alam niya na gusto nitong mahawakan ang dibdib niya pero hindi iyon mangyayari. Hanggang tingin lang ito sa kagandahan at katawan niya. Matanda na si Gener. Kung hindi siya nagkakamali ay sixty years old na ito o mahigit pa. Pero mayaman. Malibog nga lang. Mabuti at madali niya itong nauuto kaya kahit anong bigay sa kaniya ay hindi siya nito nakukuha. Isa kasi iyon sa talent niya—ang magpaikot ng mga lalaking hayok sa kaniyang alindog! Siniguro ni Rhian na presentable at maayos na ulit siya nang lumabas siya ng comfort room. Habang naglalakad siya pabalik sa table nila ni Gener ay napataas ang isang kilay niya. Paano ay may babaeng nakaupo na roon. Nakatalikod iyon sa gawi niya kaya hindi niya makita ang mukha kung sino. Ah, baka nagkamali ng upo. Pwes, kailangang paalisin. “Table ko po ito,” aniya sa babae. Isang matandang babae iyon na mukhang mataray. Singkit ang mga mata, maliit ang mukha. Halatang alaga sa botox ang mukha dahil nakita niyang hindi gumagalaw ang kilay nang tumaas ang noo. Halatang mayaman ang babae. Kumikinang ang gintong kuwintas nito na parang kasing-laki ng sinturon ang lapad. Talagang may nakabalabal na itim na fur sa katawan nito. Parang si Cruella de Vil ng 101 Dalmatians na movie. Kung tingnan siya ng matandang babae ay parang kakainin siya nang buo. Hindi ito nagsasalita. Akala mo ay naghahamon ito ng away. “Tita, may reservation po na tinatawag dito. Naka-reserve na po itong table para sa—” “Para sa asawa ko!” Mabilis nitong putol sa sasabihin ni Rhian. Natigilan si Rhian habang pinoproseso ng utak niya ang sinabi ng babae. Tama ba ang pagkakaintindi niya? Asawa ni Gener ang babaeng kaharap niya? Pero imposible iyon. Ang sabi ni Gener ay namatay sa sunog ang asawa nito tatlong taon na ang nakakalipas. Ano ito? Multo?! “You seemed so shocked. I know...” Tumayo ang babae at hinarap siya. Halos magkasing-taas silang dalawa. “Did Gener told you that I was dead?” “A-asawa ka ni Gener?” Hindi makapaniwala si Rhian. “Yes! I am Mrs. Veronica Villanta! Ngayon lang ba na-process ng utak mo? Well, hindi na ako nagtataka. Lahat ng naging babae ng husband ko ay boba at maliit ang utak. Mga hindi marunong mag-isip. Just like you, young woman!” Mariin ang pagkakabitaw nito ng salita. Tumatarak sa kaniyang pagkatao. Naningkit ang mata ni Rhian. “Anong sabi mo?” Nagngalit ang ngipin niya. Alam niya na sinasabi nito na bobo siya at walang utak. Kung alam lang ng Veronica na ito na sobrang talino niya. Kung hindi siya matalino ay baka noon pa siya namatay sa gutom. Madiskarte siya sa buhay. Marami siyang alam na paraan para kumita ng pera! Eleganteng tumawa si Veronica. “See? Pinapaulit mo pa ang sinabi ko sa iyo kasi bobo ka! Ngayon, sasabihin ko sa iyo na layuan mo ang asawa ko. Hindi ko na uulitin—” “Paano kung siya ang ayaw lumayo?” Hamon ni Rhian. Kanina ay wala siyang balak na makipag-away dito pero dahil sa insultong inabot niya ay handa na siyang sumabak sa giyera. “Don’t dare me, Rhian. Marami akong pera. Kayang-kaya kitang tirisin na parang garapata! I can make your life miserable!” Biglang nanlaki ang mata nito na akala mo ay isang nakakatakot na kontrabida sa mga teleserye. Bigla siyang nakaramdam ng takot ngunit hindi niya iyon ipinahalata kay Veronica. “Edi, sa iyo na ang asawa mong amoy-lupa. Magsama kayong dalawa! Akala mo ba ay natatakot ako sa iyo porket marami kang pera? Ako si Rhian Jacinto at wala akong kinakatakutan!” Pilit ang tapang na sambit niya. Sinamahan niya iyon ng pagtaas ng isang kilay. “Really, Rhian? Hindi ka na bago sa akin. You’re just like my husband’s ex-bitches! Matatapang kahit mga walang maipagmamalaki. You don’t know that before I came here ay alam ko na ang pagkatao mo. You’re living like a rat in a squatter’s area. You’re living with your poor boyfriend. Nagpapapansin kayo sa mayayamang tao at peperahan. Ano pa ba? Hmm?” “Tama na. Tumahimik ka na!” Pigil niya kay Veronica. “O, bakit mukhang guilty ka? I know you, Rhian Jacinto. You’re a gold digging b***h!” Napatiim-bagang si Rhian. Gusto pa niyang sagut-sagutin si Veronica ngunit natatakot siya sa pwede nitong gawin sa kaniya. Alam niyang makapangyarihan ang pera. Kaya nga nais niyang magkaroon ng maraming pera upang maging makapangyarihan. Para hindi na niya maranasan ang tapak-tapakan kagaya ng nangyayari sa kaniya ngayon. Napakaliit ng tingin niya sa kaniyang sarili. Kung maaari lang na lamunin na siya ng lupa ay hiniling na niya kanina pa. Ang mabuti pa siguro ay umalis na siya at sa tingin niya ay sasabog na si Veronica anumang oras. Bago pa tuluyang mapahiya sa mga taong naroon ay aalis na siya. Kaya kinuha na niya ang bag na nasa upuan. Ngunit nang akmang tatalikod na siya ay bigla siyang hinawakan ni Veronica sa braso. “Sandali lang. Hindi pa ako tapos sa iyong babae ka!” Mabilis siyang humarap. “Ano pa bang—” Bigla siyang sinabuyan ng wine ni Veronica sa mukha. Hindi rin niya nagawang iwasan ang malakas na sampal nito sa kaniyang kanang pisngi. “Para mahimasmasan ka. Masyado kang ambisyosa! Gagamitin mo pa ang asawa ko para makaahon ka sa putik! Pwes, nagkamali ka ng nilanding lalaki dahil ako ang asawa niya!” “Ano pa bang gusto mo? Sinabi ko nang hindi ko alam na may asawa si Gener!” “Sa susunod kasi, mag-research ka! Now, leave! Umalis ka na at huwag ka nang makikipagkita sa asawa ko!” Lumapit ito sa kaniya at bumulong. “Kapag nalaman kong nilalandi mo pa rin si Gener, papatayin kita. Sa talahiban ka na makikita ng boyfriend mo. Naiintindihan mo ba?” Nanginig ang buong katawan ni Rhian sa sinabi ni Veronica. Ramdam niya sa salita nito na hindi ito basta nananakot lamang. Sa tono nito ay mukhang kayang-kaya nitong ipapatay siya. Sabagay, mayaman ito at maraming pera. Kaya nitong mag-utos ng ibang tao para gawin iyon sa kaniya nang hindi ito makukulong. Hindi na naghintay si Rhian na makapagsalita si Veronica at malalaki ang hakbang na nilisan niya ang restaurant. Dama niya ang mga mata ng mga taong nakasunod sa kaniya. Hinuhusgahan siya at tinututya. Pagdating sa labas ay hinubad niya ang suot na sapatos at mabilis na tumakbo. Hinayaan niyang maglandas ang luha sa kaniyang pisngi at tangayin iyon ng hangin na sumusalubong sa kaniya. Tama ang lahat ng sinabi sa kaniya ni Veronica. Totoo na hinuhuthutan niya si Gener para magkaroon ng pera. Ginagamit niya ang kaniyang ganda upang mapaikot ang mayayamang lalaki nang sa gayon ay madali niyang makukuha ang lahat ng gusto. Pero masisisi ba niya ang sarili na masadlak sa ganoong gawain? Bakit kasi ipinanganak siyang mahirap? Kung mayaman sana siya o kaya ay merong mga magulang na gumagabay ay hindi magiging ganito ang buhay niya. Hindi sana siya isang kahig, isang tuka!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
94.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.7K
bc

His Obsession

read
73.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.6K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook