bc

Road Trip

book_age0+
1.3K
FOLLOW
2.6K
READ
dark
drama
tragedy
twisted
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Isang pamilya, isang lugar na hindi pamilyar sa kanila. Sasama ka ba sa ROAD TRIP kung sa bawat pagliko mo ay kamatayan? Walang PRENO ang katatakutan dito!

chap-preview
Free preview
1ST STOP- Engine Starts
"ENGINE starts and we're ready to go!" masayang sigaw ni Danica. Naghiyawan ang tatlong babae na sakay ng kulay pulang kotse na iyon nang marinig nila ang pag-angil ng makina ng kotse. Tuwang-tuwa ang tatlo dahil sa wakas ay naayos na ng lalaki na nakita nila sa daan ang sira ng kanilang sasakyan. Dumungaw si Danica sa bintana upang pasalamatan ang lalaki na puro grasa na ang kamay. Sa wari niya'y kaedad lang niya ito. Mga twenty years old din siguro. "Kuya, salamat po, ha! Magkano po ba ang bayad?" Ngumiti pa siya dito. Tinawag niya na lang ito na 'kuya' dahil sa hindi naman ito nagpakilala sa kanila. Ayaw pa nga sanang humingi ng tulong dito ng kasama niyang sina Angeline at Rhea. Sabi ng dalawa ay weird at nakakatakot ang lalaki dahil sa palagi itong nakayuko at hindi nakikipagtitigan sa kanila. Bigla na lang kasing tumigil sa gitna ng medyo masukal na daan na iyon ang kotse niya at saktong dumaan ang naturang lalaki. Sang-ayon naman siya kina Angeline at Rhea na nakakatakot ang aura ng lalaki ngunit wala naman silang pagpipilian. Liblib ang lugar kung saan sila nasiraan. Isa pa'y medyo gumagabi na. Papunta kasi sila sa bahay ng lola niya na nasa Santa Barbara at hindi inaasahan na naligaw sila. Walang nakuhang tugon si Danica mula sa lalaki. Tumalikod na ito at naglakad palayo sa kanila. Kumibit balikat na lang si Danica at ibinalik ang ulo sa loob ng kotse. "Ang weird niya talaga!" Nakatirik ang mga mata na turan ni Angeline. "Well, atleast, he helped us, 'di ba?" sabi niya. "Ang mabuti pa ay umalis na tayo sa lugar na ito at gagabihin na talaga tayo." "Right, Danica. Ang creepy kasi sa place na ito, eh!" Niyakap pa ni Rhea ang sarili. Naiiling na pinaandar na ni Danica ang kotse ngunit hindi pa sila nakakalayo nang bigla silang makarinig ng napakalakas na pagkalampag sa bubong ng kotse. Sa sobrang lakas niyon ay malakas silang napasigaw. Sabay niyon ay ang pagkamatay na naman ng makina ng sasakyan. "What's that? A-anong nangyari?" tanong ni Angeline sa kanya. Umiling siya. "I don't know. At mukhang nasira na naman itong kotse!" Hinampas pa niya ng kamay ang manibela. "Lalabas lang ako to check kung ano 'yong nalaglag sa itaas." "Do you think it's safe na lumabas ka, Danica?" ani Rhea. "Look, ang dilim na. Baka kung ano pa iyon, eh. Mamaya... aswang 'yon!" Tinawanan lang niya si Rhea. Matatakutin talaga ito. "Don't worry, i'll be fine..." aniya at bumaba na siya ng sasakyan. Pagkababa niya upang tingnan kung ano ang dahilan ng pagkalampag na iyon ay natigilan siya sa nakita sa bubong ng kotse. Sa ibabaw niyon ay nakatayo iyong lalaki na tumulong sa kanila. Medyo natakot siya dahil sa may hawak pa itong palakol. Ang ipinagtataka lang ni Danica ay kung paano ito nakapunta doon. Sa pagkakatanda niya ay nauna na itong maglakad sa kanila. Tumalon ba ito ng napakataas? Lumipad? "A-anong ginagawa mo diyan" tanong niya dito habang palakas nang palakas ang kabog ng kanyang dibdib. "Danica, ano bang meron diyan?" narinig niyang tanong nina Angeline at Rhea mula sa loob ng kotse ngunit hindi niya magawang sagutin ang dalawa. Na-shock talaga siya kung paano napunta doon ang lalaki. Biglang tumalon iyong lalaki pabab ng kotse at ngayon ay nasa harapan na niya ito. Ngayon ay kitang-kita na niya ang mga mata nito. Nanlilisik iyon at parang puno ng galit! Nanlaki ang mga mata ni Danica nang itaas ng lalaki ang hawak nitong palakol. Ubod lakas na napatili si Danica ngunit agad din na naputol ang tiling iyon nang bumaon sa kanyang leeg ang talim ng palakol. Naramdaman ni Danica ang pagpulandit ng dugo sa sugat na nilikha niyon. Nang hugutin ng lalaki ang palakol ay napalugmok siya sa lupa. Sisigok-sigok siya at panay ang ubo ng may kasamang dugo. Para siyang manok na ginilitan ng leeg. Sinabunutan siya ng lalaki. Dahil doon ay mas lalong bumuka ang sugat niya sa leeg at mas lumakas ang balong ng dugo doon. Naramdaman niya rin ang pagkapunit ng balat niya sa leeg nang hilahin ng lalaki ang buhok niya paitaas. Muli nitong itinaas ang palakol at nang lumapat muli ang talim niyon sa leeg niya ay sumalubong na sa kanya ang walang hanggan na kadiliman! -----***----- "ATE CATHERINE... Ate, gising!" "Ano ba, Jhovie?" ungot niya at bumaling siya sa kabilang parte ng kanyang kama at hindi man lang nag-abala na imulat ang kanyang mga mata. Antok na antok pa siya dahil sa kakagaling niya lang sa kanyang trabaho. Call center representative siya sa isang kompanya na nagbebenta ng mga appliances. Night shift siya kaya ganoon na lang ang antok na kanyang nararamdaman. Halos dalawang oras pa lang siyang nakakatulog tapos gigisingin naman siya ng eighteen years old niyang kapatid na si Jhovie. Panganay sa tatlong magkakapatid si Catherine. Twenty-one years old na siya at nagtapos siya sa kursong Computer Science. Pangalawa si Jhovie at ang bunso nila ay si Lester na sixteen years old pa lamang. Kapwa nasa college na ang dalawa. Habang ang kanilang mommy at daddy na sina Lea at Dennis naman ay magkatulong na pinapatakbo ang kanilang water reffiling station na naipundar ng kanilang daddy dahil sa pag-aabroad nito. "Ate, gising... Ano ba!" Sa pagkakataon na iyon ay may kasama nang pangyuyugyog ang pang-gigising ni Jhovie. Naiinis at kakamot-kamot sa ulo na bumangon si Catherine at nakabusangot ang mukha na hinarap ang kapatid. "Ano ka ba naman, Jhovie?! Alam mo naman na puyat ako tapos ginigising mo agad ako!" inis na turan niya. "Eh, ate, kasi... sina mommy at daddy, nag-aaway na naman sila!" Noon lang niya napansin ang pamumugto ng mata nito. Bumalik na lang ulit siya sa pagkakahiga nang marinig niya ang dahilan ni Jhovie kung bakit siya nito ginigising. "Ate naman!" At niyugyog siyang muli ni Jhovie. "Hanggang ngayon ba naman ay hindi ka pa rin sanay sa kanila, Jhovie? Kung ayaw mong marinig ang pag-aaway nila, gamitin mo iyong earphone na binili ko sa'yo. Effective 'yon!" Wala namang bago sa pag-aaway ng mommy at daddy niya. Halos ginawa na ng dalawa na habit ang pag-aaway. Tatlong buwan na kasi ang nakakaraan nang mahuli ng mommy niya ang daddy niya na lumabas ng isang hotel kasama ang isang babae. Doon na nag-umpisa ang halos araw-araw na pag-aaway ng mga magulang niya. Sa tuwing aalis ang daddy niya ay palagi itong binubungangaan ng mommy niya na baka kakatagpuin na naman nito ang kabit nito. Noong una ay naisipan na niya ang humiwalay dahil naririndi na siya sa sigawan ng dalawa ngunit ng lumaon ay nasanay na rin siya. "Pero ang sabi ni daddy, aalis na siya. H-hindi na daw niya kaya ang pagbubunganga ni mommy!" "Sabi niya lang 'yon!" Pabalewala na sabi niya. "Nag-eempake na si daddy, ate! Pigilan mo naman siya, ate. Please!" At narinig niya ang paghikbi ng kapatid. Biglang napabalikwas ng bangon si Catherine. Mabilis na bumaba siya ng kanyang kama at lumabas ng kanyang silid habang nakasunod sa kanya si Jhovie. Malalaki ang mga hakbang na pinuntahan niya ang kwarto ng mommy at daddy niya. Ngunit wala ang dalawa doon. Ang sumalubong lang sa kanya ay ang gulo doon at nagkalat na damit sa sahig at kama. "Sige, lumayas ka na, Dennis! Alam ko naman na sa kabit mo ikaw pupunta!" "Tumigil ka na, Lea! Kahit ano namang sabihin ko ay hindi ka maniniwala na wala na kami ni Carla! At kung lalayas man ako dito dahil iyon sa bunganga mo! Wala ka nang tiwala sa akin!" "Talagang wala na, Dennis! Dahil sinira mo na iyon! Hayop ka!" Narinig niya ang boses ng mga magulang niya sa may baba, sa salas kaya nagmamadali na nagtungo siya doon. Nakita niya na npapalabas na ng pintuan ang kanyang daddy at may bitbit itong travelling bag. "Daddy, ano na naman bang palabas ito?" siga ni Catherine sa ama. "Sa tingin niyo ba, maaayos ang problema niyo kung lalayas kayo?" Agad siyang bumaba ng hagdan at nakasunod pa rin sa kanya si Jhovie. "Hayaan mo nga siya, Catherine!" singit ng mommy niya na nanggagalaiti pa rin sa galit. "Kung gustong lumayas ng babaero mong ama, gawin niya. Hindi siya kawalan-" "Mommy, pwedeng tumahimik ka muna? Sige, hayaan nating umalis si daddy. Tapos ano? Maghihiwalay kayo at ipapa-annul ang kasal niyo! Siguro kayong dalawa magiging masaya pero paano naman kaming mga anak niyo? Sa tingin niyo ba magiging masaya kami sa gagawin niyo, ha?" Matapang niyang turan. Likas na sa kanya ang pagiging matapang. Noong bata pa nga siya ay madalas siyang mapalo ng daddy niya dahil palasagot daw siya. Pero para sa kanya ay hindi naman iyon pagsagot. Sinasabi lang niya ang side niya. Mahilig lang talaga siyang mangatwiran. Natahimik ang mommy at daddy niya sa sinabi niya. Bumaba na rin ng hagdan si Jhovie at niyakap nito ang daddy nila sa beywang. Daddy's girl kasi ito dahil sa ito daw ang kamukha ng daddy niya. Habang siya ay nakuha ang ganda ng kanyang mommy. Si Lester naman na hindi niya alam kung nasaan ay pinaghalong features ng daddy at mommy niya. "Daddy, 'wag ka nang umalis, please..." umiiyak na pakiusap ni Jhovie dito. Hindi nagsalita ang daddy niya. Hinaplos lang nito ang likod ng ulo ni Jhovie. Maya maya ay binasag ng mommy niya ang katahimikan. "Kasalanan naman ito lahat ng daddy mo, Catherine! Kung hindi lang sana siya-" "Past na iyon, mommy. Nakita naman nating lahat na nagbago na si daddy, 'di ba? Ang problema lang talaga ay hindi ka marunong magpatawad, mommy..." Nilapitan ni Catherine ang kanyang ama. "Daddy, 'wag ka nang umalis, kung gusto mo pang maayos itong pamilya natin..." Tiningnan siya ng daddy niya at tumango lang ito. Nakaakbay kay Jhovie na bumalik ito sa ikalawang palapag ng kanilang bahay. Kahit papaano ay nakahing siya ng maluwag. Unang pagkakataon kasi na nangyari na muntik nang lumayas ng kanyang daddy. Akmang magsasalita pa sana ang mommy niya nang unahan na niya agad ito. "Mommy, mamaya niyo ako kausapin. Tutulog muna ako, okey? Antok na antok pa ako. Please lang, 'wag muna kayong mag-away. Mamaya na lang ulit pagkagising ko," aniya at bumalik na siyang muli sa kanyang kwarto. -----***----- SA isang liblib na bayan na kung tawagin ay Sitio Monstrum ay lumabas sa pinakamalaking bahay ang isang matangkad na lalaki na may makapal na balbas at bigote at may kayumangging balat. Ngunit kahit balbas-sarado ito ay hindi pa rin maitatanggi na magandang lalaki ito. Siya ay si Zandro-ang baranggay captain ng Sitio Monstrum. Walang nakakaalam kung ilang taon na siya. Ngunit kung titingnan ay nasa edad treinta pa lamang siya. Sumalubong sa kanya ang karaniwang tanawin sa Sitio Monstrum. Ang malalawak na palayan at talahiban sa kalayuan. Ang masukal na kagubatan na minsan ay pinagtataniman na rin ng mga tao. Mga bahay na yari sa kawayan, kahoy at pawid. Hindi rin sementado ang kanilang kalsada. Nasanay na sila na maalikabok doon tuwing tag-init at maputik naman kapag tag-ulan. Ang Sitio Monstrum ay isang bayan na bihirang marating ng ibang tao dahil sa liblib nga iyon at bukod pa doon ay walang nakakaalam na may ganoon palang bayan. Mas gusto nila na malayo sila sa ibang tao ngunit kapag may nagagawi sa kanilang taga-ibang bayan ay malugod naman nilang tinatanggap. Mas gusto nga nila na may ibang tao na naliligaw sa kanilang lugar. Mabibilang sa mga daliri niya sa kamay at paa ang mamamayan sa Sitio Monstrum. Hindi lalagpas sa bente kasama na siya kaya naman kilala niya ang lahat ng taga-roon. Sa harapan ng kanyang bahay ay nakita niya ang isang maliit at mababang lamesa na yari sa katawan ng isang matandang puno. Sa ibabaw niyon ay may nakapatong na maliit na bote. Kasing laki iyon ng bote ng beer. May laman na kulay pula na likido ang bote. Nilapitan niya iyon at tiningnang mabuti. Napangisi siya nang makita niya na bahagyang nagiging kulay itim na ang likido na naroon. "Alam ko... May magagawi na naman dito sa bayan namin..." bulong ni Zandro sa sarili at muling pumasok sa kanyang bahay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.8K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.0K
bc

NINONG III

read
364.3K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
276.4K
bc

The Sex Web

read
133.1K
bc

Doctor's Secret Affair (Completed)

read
816.6K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
965.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook