bc

School Trip 7: Deadly Sin

book_age16+
590
FOLLOW
1.5K
READ
murder
dark
badgirl
bitch
twisted
mystery
whodunnit
cruel
like
intro-logo
Blurb

Isang kasalanan ang nagawa nila sa nakaraan. Naitago man nila ito ay sisingilin naman sila nito sa kasalukuyan!

Ito na ang ika-pitong aklat ng SCHOOL TRIP...

Class resumes!

chap-preview
Free preview
LESSON 01- Defeated
  I KNOW. It’s me again… Walang makakaagaw sa akin ng korona! Confident at buong pagmamalaking bulong ni Candice Soriano sa kaniyang sarili habang nakaharap at nakatingin siya nang diretso kay Aliyah Ramirez. Magkahawak ang kanilang mga kamay at nakangiti sa isa’t isa pero sa likod ng mga ngiting iyon ay halos patayin na nila ang isa’t isa sa talim ng palitan ng kanilang mga tingin. Kapwa sila nakasuot ng evening gown na talagang nagpalitaw sa angkin nilang ganda. Ang kay Aliyah ay kulay itim na kumikinang kapag tinatamaan ng ilaw. Venus cut at may malalim na slit sa kaliwang hita. Ayaw man niyang aminin pero bumagay ang gown nito sa kayumanggi nitong balat. Naka-messy bun ang itim na itim nitong buhok na kapag hindi nakatali ay hanggang beywang nito. Kung maganda si Aliyah, hindi naman siya nagpapatalo. Dark green ang kulay ng kaniyang gown at hakab iyon sa kaniyang katawan. Fourteen years old pa lang siya pero maagang nagkaroon ng magandang kurba ang katawan niya. Maraming beads ang kaniyang gown. Bagay na bagay ang kulay sa mestisa niyang balat. Ang buhok naman niya ay malalaki ang kulot na umaabot sa ibaba ng kaniyang balikat. Hinayaan lang niya iyong nakalugay. “Excited na ba kayong malaman kung sino ang mananalo this year bilang Miss RNHS?” Malakas na tanong ng emcee na isa ring guro sa school kung saan sila nag-aaral. Nasa gitna silang dalawa ni Aliyah ng stage. Walang gustong magsalita sa mga nanonood upang marinig ng mga ito ng maayos kung sino sa kanila ang mananalo. Ang Miss RNHS ay ang pinaka hinihintay na beauty pageant sa kanilang eskwelahan. Ginaganap ito tuwing Marso bago matapos ang school year. Simula nang tumuntong siya sa Real National High School at sumali siya sa naturang beauty pageant ay wala nang nakaagaw sa kaniyang korona. First year high school, panalo siya. Second year high school siya pa rin. At ngayong third year high school, sigurado siyang siya pa rin ang “reyna”. Wala naman kasing reigning queen na nagpapasa ng crown. Kahit nanalo na ay pwede pa rin na sumali. Iyon ang isa sa patakaran ng pageant. Hindi na rin naman nagtataka si Candice kung bakit walang nakakaagaw sa kaniya ng title na Miss RNHS. Walang magsasabing hindi siya maganda. Maganda ang hugis ng kaniyang mukha. Malalaki ang kaniyang mga mata at may kakapalan ang kilay. Matangos ang ilong at manipis ang labi. Ang pagiging mestisa niya ay namana niya sa kaniyang tatay na Espanyol na hindi na niya nakilala. Nang nabuntis kasi nito ang nanay niya sa kaniya ay parang bula na naglaho ito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ito nakikita kahit sa picture. Well, wala naman na siyang pakialam sa tatay niya. Lumaki at nabuhay naman siya na nanay lang niya ang kasama noong buhay pa ito. Para sa kaniya ay patay na ang kaniyang ama. Kahit isang porsiyento ay wala siyang balak na hanapin ang kaniyang ama. Pasimpleng ngumisi si Candice kay Aliyah. “If I were you, magwa-walk out na lang ako. Hindi ko na hihintayin na mapahiya kapag sinabing ako ang winner.” Pabulong na turan niya sa katunggali. Bahagya pa niyang inilaki lalo ang mga mata para masindak ito. Wala siyang nakitang takot kay Aliyah. Ngumiti pa nga ito sa kaniya na parang nakakaloko. “Kinakausap mo ba ang sarili mo, Candice? Bakit hindi mo i-advice `yan sa sarili mo?” anito. Hindi nila inaalis ang mga ngiti nila kahit na nagtatarayan na silang dalawa. “Wow. Nanlalaban ka pala.” Nagulat siya sa pagsagot na iyon ni Aliyah. Ang bait-bait kasi nitong tingnan. Akala mo ay hindi makabasag ng pinggan. Ganoon rin naman ang ipinapakita nito. Wala itong imik sa loob ng classroom. Nagulat na nga lang silang lahat nang magprisinta ito na lalaban sa Miss RNHS sa taon na iyon. Bilang isa itong tranferee ay ang lakas ng loob nitong gawin iyon. “Hindi ka ba sanay na sinasagot ka, Candice? Siguro, you better be. Nandito na ako, e. Aagawin ko ang korona mo sa school na ito.” “Gawin mo kung kaya mo.” Pinisil niya nang mariin ang kamay nito. Hindi man lang nagpakita si Aliyah na nasasakyan ito. Bagkus ay mas lalo pa itong nang-asar. Ngumiti ito nang malaki sa kaniya. “And our Miss RNHS for this year is…” Lumakas lalo ang kabog ng dibdib niya nang muli niyang marinig ang pagsasalita ng emcee. Confident naman siya na siya ang mananalo pero hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit siya kinakabahan ngayon. Pero paano nga kung matalo siya ni Aliyah? Isang malaking kahihiyan iyon kapag nagkataon! Hindi! Hindi ako matatalo! Mas maganda ako sa Aliyah na ito. At sino ba ang babaeng ito? Ako ang papaboran ng judges dahil matagal na ako sa school na ito! Pangungumbinse niya sa kaniyang sarili. “Our Miss RNHS is… Aliyah Ramirez of Third Year Section One!” Napangiti si Candice. Maglalakad na sana siya papunta sa gitna para ilagay sa kaniya ang korona pero inunahan siya doon ni Aliyah. “Oops… Ako ang nanalo. Hindi ikaw!” Pang-aasar pa nito sa kaniya bago ito pumwesto sa gitna. Doon lang niya napagtanto na hindi nga pala niya pangalan ang tinawag kundi pangalan ng kaniyang katunggali. Tigalgal si Candice. Hindi siya makapaniwala na hindi siya ang nanalong Miss RNHS para sa taon na ito. At talagang ang transferee pa na iyon ang nanalo. Tinalo na siya ng isang baguhan. Habang kinokoronahan si Aliyah sa gitna bilang Miss RNHS ay nilalagyan naman siya ng sash na may nakalagay na “1st Runner Up” ng isang guro. Inaabutan siya ng isang mumurahing bulaklak. “Candice, heto na ang flower mo,” untag ng guro sa kaniya. Hindi makapaniwalang napatingin siya dito. “Ayoko niyan!” Malakas niyang tinabig ang bulaklak. Nandidiring inalis niya ang sash na isinabit sa kaniya at itinapon iyon sa kung saan. Malalaki ang mga hakbang na lumapit siya kay Aliyah at inagaw dito ang korona. “Akin `yan! Hindi iyan sa iyo!” angil niya. “Anong sa iyo? Walang sa’yo, Candice! Akin na ang korona ko!” Hindi naman ito nagpatalo. Hinawakan nito ang korona na nasa kamay na niya. Nag-agawan silang dalawa sa korona habang ang mga tao sa paligid nila ay hindi malaman ang gagawin. Hanggang sa mahati sa gitna ang korona at nagtig-kalahati sila ni Aliyah. “Tingnan mo ang ginawa mo! Sinira mo ang korona ko!” galit na galit na sigaw ni Candice. Bigla na lang naglaglagan ang luha ni Aliyah. “Ibibigay ko naman sa iyo, e. H-hindi mo naman kailangang agawin sa akin, Candice!” Humagulhol pa ito na parang aping-api. Ang matindi pa, umupo pa ito sa sahig na akala mo ay manghihimatay. Kaya naman lahat ng guro na naroon ay dinaluhan si Aliyah. Habang puro matatalim na tingin ang ipinupukol sa kaniya ng karamihan. Mabilis naman na lumapit sa kaniya ang mga kaibigan niyang sina Destiny, Jillian at Nikki. Kasama rin ng mga ito ang boyfriend niyang si Rocco. “Candice, tara na—” “No!” tinabig niya si Nikki nang hawakan siya nito sa braso. Magsasalita pa sana siya pero biglang huminto sa harapan niya ang kanilang principal na si Mrs. Divina. “Sa Monday, mag-uusap tayo, Candice!” May pagbabanta nitong turan sabay alis. Matalim na tiningnan ni Candice si Aliyah habang pinapaypayan ito ng mga guro. Alam naman niya na umaarte lang ito para ito ang kaawaan ng lahat. Para siya ang mas lalong magmukhang masama at ito ang biktima. Ngayon ay nakita na niya ang tunay na kulay ng bago nilang kaklase. Kung demonyo siya tila mas demonyo ito kesa sa kaniya. Kung gano’n, pwes, magpahabaan na lamang sila ng sungay!   “CONGRATS, Aliyah!” Napahinto sa paglalakad si Aliyah sa hallway ng school nang salubungin siya nina Destiny, Jillian at Nikki. Kilala niya ang tatlo. Kaibigan ni Candice ang mga ito. Bago pa lang siya sa eskwelahan na ito. Nagmula pa siya sa Romblon. Kinailangan lang niyang lumipat ng school dahil sa nakapag-asawa na ng bago ang nanay niya. Taga-dito sa Calamba ang stepfather niya kaya nandito na sila. Tutol man sa desisyon ng kaniyang ina ay wala naman siyang magagawa. Ito ang nagpapaaral sa kaniya. Kung nasaan ito, dapat ay naroon siya. May kapatid na lalaki si Aliyah. Mas panganay sa kaniya iyon ng sampung taon. Silang dalawa lang ang anak ng nanay nila. Naiwan ito sa Romblon mag-isa. Nagtatrabaho ito donn bilang taga-katay ng baboy sa palengke. Kargador din kapag minsan. Masama kasi ang loob nito sa nanay nila dahil sa muli nitong pag-aasawa. Dalawang taong pa lang kasi simula ng mamatay ang tatay nila ay nakakuha agad ito ng pampalit. Close na close siya sa kapatid niya kahit magkalayo ang kanilang edad. Palagi siya nitong prinoprotektahan. Kaya nga malakas ang loob niya na mambully sa dati niyang eskwelahan dahil may kapatid siyang kinukonsinte ang pagiging maldita niya. Malaki kasi ang katawan ng kapatid niyang iyon kaya marami ang takot dito. Hindi naman siya kayang pag-aralin ng kapatid niya, ayon na rin dito. Ito na rin ang nagsabi sa kaniya na sumama na lang siya muna sa nanay nila. Unang araw pa lang ni Aliyah dito sa RNHS ay sinindak na agad siya ni Candice. Pinaramdam agad nito sa kaniya na mas mataas ito sa lahat. Ang akala yata ni Candice ay matatakot siya dito. Kung ito ang ultimate bully ng RNHS, siya naman sa school na inalisan niya. Hula nga niya, nag-party ang dati niyang school nang sa wakas ay umalis na siya doon, e. Wala na ang demonyo—at siya iyon. Noong una ay nakikiramdam muna siya. Nagbait-baitan siya at kunwari ay isang api-api kapag nilalait siya nina Candice dahil sa kulay niya. Pinag-aralan niya muna ang personality ni Candice at nalaman niya na matapang lang ito dahil may mga kaibigan ito at boyfriend nito ang anak ng isa sa mga guro sa school na ito. “Thanks!” itinirik niya ang mata. Lalampasan na sana niya ang tatlong kaibigan ni Candice pero mabilis na humarang ang mga ito sa daraanan niya. “Sandali lang, Aliyah!” ani Destiny. Humalukipkip siya. “Pwede ba, huwag na tayong mag-plastikan? Tinalo ko ang queen niyo, `di ba? Umalis nga kayo sa harapan ko. Ang aga-aga, nabubwisit agad ako dahil sa inyong tatlo!” Pagtataboy niya sa mga ito. “Yes. You defeated Candice—our queen. I mean, our ex-queen.” Napataas ang isa niyang kilay sa sinabi ni Jillian. “Ex-queen?” “Oo. Hindi na siya ang reyna dito sa RNHS. Natalo mo siya kaya… ikaw na. Ikaw na ang reyna namin dito!” sabi naman ni Destiny. Medyo boyish kung magsalita at kumilos si Destiny. Samantalang sina Jillian at Nikki naman ay kabaligtaran nito. “Tama si Destiny,” singit ni Nikki. “Para kasi sa aming tatlo, ang totoong reyna ay hindi natatalo. E, natalo mo siya. Kaya hindi na siya ang reyna. Ikaw na. Ang bago naming queen!” Maarte namang itinirik ni Jillian ang mata nito. “And it’s so eww na ang queen namin ay isang talunan! Ayaw naman sa ganoon!” maarte nitong bulalas. Mataman niyang tiningnan ang tatlo kung nagbibiro lamang ba ang mga ito. Mukhang seryoso naman ang tatlo pero nagdududa pa rin siya. Imposible naman na ganoon lang kadali na ipagpapalit ng mga ito ang ilang taon na pagkakaibigan. Malakas ang hinala niya na inutusan ni Candice ang tatlo para kaibiganin siya. Tapos may pinaplano ang mga ito. Kilala na niya si Candice. Alam niyang gaganti ito sa kaniya dahil sa natalo niya ito sa Miss RNHS. Saka ano bang tingin ng mga ito sa sarili nito? Mga alipin? Kailangan talaga ay may “queen” ang mga ito? Kung siya lang ang tatanungin, nakakaliit naman ng pagkatao kapag ganoon. Ngumisi siya. “Alam niyo kayong tatlong aso, bumalik na nga kayo sa amo niyo! Hindi niyo mabibilog ang ulo ko. Pagsasampalin ko pa kayo, e!” Naglakad na siya. Nilampasan na niya ang tatlo. Ang akala yata ng mga ito ay madali siyang maniwala. Matalino siyang tao. Lumaki siya sa environment na dapat ay madiskarte ka at hindi ka tatanga-tanga. Mahirap ang buhay nila sa Romblon. Medyo guminhawa nga lang nang lumipat na sila dito sa Laguna. May kaya kasi sa buhay ang stepfather niya kaya ganoon. Mabuti na lang din at wala naman itong anak na kasama sa bahay kaya wala siyang ibang pinapakisamahan bukod dito. Hindi pa man siya nakakatatlong hakbang palayo sa tatlo ay tinawag siya ni Destiny. “Aliyah!” Napahinto siya sabay lingon dito. “Sinabi ko na, hindi ninyo ako mauuto—” “Ano bang gusto mong gawin namin para mapatunayan namin na tinalikuran na namin ang talunan na si Candice para sa iyo?!” Matapang nitong tanong. Napanganga si Aliyah. Hindi niya inaasahan ang narinig. Muli siyang napangisi. Binalikan niya ang tatlo at hindi makapaniwalang tiningnan si Destiny. “Talaga? Handa ninyong gawin ang gusto ko para mapatunayan ang sinasabi ninyo sa akin?” Sabay-sabay na tumango ang tatlo. “Ikaw na ang gusto naming kaibigan dahil ayaw namin sa talunan,” wika ni Jillian. Sandaling nag-isip si Aliyah. Kung gagawin nga ng tatlong ito ang iuutos niya ay mukhang seryoso nga ang mga ito na tinalikuran na nito si Candice. Maganda ito kung ganoon. Mag-e-enjoy siya! Sa tingin naman niya ay hindi naman siya nagkamali na lumipat siya ng eskwelahan!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.6K
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
187.0K
bc

NINONG III

read
364.2K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.7K
bc

His Property

read
946.7K
bc

NINONG II

read
619.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook