bc

Two Grooms And A Wedding

book_age12+
318
FOLLOW
1K
READ
family
drama
sweet
LGBT+ Patimpalak sa Pagsulat
bxb
like
intro-logo
Blurb

Makalipas ang limang taon ng pagtatago ng relasyon nina JONAS at MARTIN ay umamin na rin sila sa kani-kanilang pamilya. Sa pagdedesisyon nila na "magpakasal" ay makuha kaya nila ang suportang kanilang kinakailangan? Matuloy pa kaya ang "kasalang" Jonas at Martin kung tutol ang pamilya ni Martin sa kanilang "pag-iisang dibdib"?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 01
  “OKAY na ba ang lahat? `Yong lights? The cameras? Hindi ba sila mahahalata ni Jonas? What about the fireworks? Baka hindi `yon pumutok mamaya kapag ka-orasan na, ha?” Hindi magkanda-ugaga na tanong ni Martin sa kaibigan niyang si Summer. Lima silang magkakaibigan at si Summer lang ang nag-iisang babae. Ang apat kabilang siya ay gay men or bisexual or whatever. Nakasuot siya ng simpleng suit at nasa isang beach resort sila ng gabing iyon. Ten o’clock to be exact. Medyo walang tao sa naturang beach dahil hindi pa naman summer. Isa pa, hindi naman ganoon kakilala ang naturang beach resort ngunit kahit ganoon ay panalo naman iyon sa ganda. Hindi papahuli sa Boracay at Palawan ang white sand at rock formations doon. Naiiling at natatawang hinawakan ni Summer ang magkabila niyang balikat. “Martin, relax! Okay? Hindi ka bibitayin. Everything is fine. Relax!” anito habang nakangiti. Hindi siya nagawang pakalmahin ni Summer. Kinakabahan pa rin siya. “What if Jonas say no?” Malungkot niyang turan. “Ay, diyan naman ako hindi bilib. Twenty-eight ka na at five years na ang perfect love story niyo at naniniwala ako na this is the perfect time para magpakasal na kayo. A holy union. Hmm, almost perfect pala kung hindi ka lang nagloko.” “Summer!” “I’m just joking. Ikaw naman. Basta, `wag kang kabahan. Magpo-propse ka lang kay Jonas.” Magsasalita pa sana siya nang biglang tumunog ang cellphone ni Summer. Sinabi nito na tumatawag na si Dion-- isa sa mga kaibigan nila. Sa harapan niya, sinagot nito ang tawag. “Hello, Dion! Nasaan na ba kayo ni Benj? Ang tagal niyo, ha! Bu-mooking na naman ba kayo? Okay. E, si Jonas?” Tumingin sa kanya si Summer pagkabanggit nito ng pangalan ng kanyang partner. “Okay. Okay. I’ll tell him. Bye!” “Ano’ng sabi?” Kinakabahan at excited na tanong niya matapos ang tawag. “On the way na sila. In five minutes ay narito na raw sila kaya let’s get ready! Ready ka na ba?” Tinapik siya ni Summer sa kaliwang braso. Huminga siya nang malalim bago sumagot. “I am so ready, five years ago pa…” tugon niya. Bigla siyang napangiti sa kawalan nang maalala kung paano ba sila nagkakilala ni Jonas…   FIVE YEARS AGO… Kanina pa tinitignan ni Martin ang lalaking nakapwesto sa isang table. Katulad nito ay umiinom din ito kasama ang mga kaibigan nito. Isa iyong bar na tambayan ng mga bakla at pamintang katulad niya. Kasama niyang umiinom doon sina Summer, Dion at Benj. Hindi niya malaman pero pagkapasok pa lang ng naturang lalaki ay nakuha na nito ang atensiyon niya. Tama lang ang kulay ng balat nito, hindi rin ito ganoon katangkad. Chinito, brown ang hari na medyo kulot, maganda ang hugis ng manipis nitong labi at hindi ganoon katangos ang ilong. Hindi ganoon kagwapo pero he likes him. Gusto niya itong lapitan pero nahihiya siya sa mga kasama nito. Pero kanina pa niya napapansin na parang hindi ito comfortable sa mga kasama nito. Masayang nag-uusap ang tatlong lalaking kasama nito pero tahimik lang itong umiinom. “Hoy! Baka naman matunaw `yong guy sa kabilang table!” untag ni Summer sa kanya. Sa kakasama nito sa kanila ay para na rin itong bakla kung umasta kahit full-blooded woman naman ito. “Ang ingay mo. Baka marinig ka!” “Lapitan mo na kasi!” susog ni Benj. Napapansin na rin pala ng mga kaibigan niya ang pagtitig niya sa naturang lalaki. “Sa tingin niyo, guys. Is he bottom or top?” tanong ni Summer. “I think… top. Or maybe versa… Parang ang soft niya tignan pero when you look into his eyes, ang masculine niya,” sagot ni Dion. “Bottomesa. Sure ako! The way he hold that bottle of beer, I can say na bottom siya!” sagot naman ni Benj. “At kailan pa natuklasan na malalaman mo ang isang bi kung bottom ba siya or top sa paghawak pa lang ng bote?” Natatawang turan ni Summer kay Benj. “Wala lang. Base on my experiences!” At nagtawanan silang lahat. “If he’s bottom then perfect kayong dalawa for each other, Martin! Go na! Lapitan mo na!” biro pa ni Summer. “Ewan ko sa inyo!” Naiiling na lumagok na lang siya ng beer pero nakatingin pa rin sa lalaking iyon. Maya maya ay nakita niyang tumayo ang lalaki. Tumayo rin ang katabi nitong lalaki at nag-usap ang dalawa. Napansin niya na parang nairita ang lalaki nang may ibulong ang kasama nito. Iwinasiwas nito sa hangin ang kamay at naglakad papunta sa restroom. Sinundan ito ng kasama nito. Hindi niya malaman pero kinabahan siya. Nagpaalam siya kina Summer na pupunta ng CR. Malalaki ang mga hakbang na tinungo niya ang restroom at pagbukas niya ay isang hindi inaasahang eksena ang kanyang nakita. Pilit na hinahalikan ng lalaki ang lalaking kanina pa niya tinitignan. Nasa piankadulo ng restroom ang dalawa. Nakasandal ang lalaki sa tiles na dingding habang hawak ng kasama nito ang dalawang kamay na nasa taas ng ulo nito. “Ang arte mo naman!” sigaw ng lalaki. “Ayoko nga, `di ba? Ayoko! Hindi ka ba marunong umintindi?” Sa pagsasalita pa lamang nito ay halatang lasing na ito. Muling sinubukan ng lalaki na halikan ito. Doon na kumilos si Jonas. Nilapitan niya ang mga ito at tinapik ang lalaki sa likod. “Bro, `wag mong pilitin kung ayaw niya.” Mahinahon ngunit matigas na sabi niya. Tinignan siya ng lalaki at nang makita nito na mas matangkad siya dito ay naiinis na umalis ito. Kakausapin sana niya ang lalaking tinitignan niya kanina pero tinabig siya nito at nagmamadaling lumabas ng restroom. Sinundan niya ito pero hindi na niya ito nakita sa loob ng bar. Bumalik siya sa table nila na bagsak ang balikat. Pagkakataon na sana niya para makilala ito pero naging bato pa. “He went outside…” ani Dion. “Ano?” tanong ko. “`Yong guy na type mo sa kabilang table, lumabas. Sundan mo na!” “Alam niyo--” “Kanina pa namin napapansin na kanina mo pa siya tinitignan,” ani Summer. “`Wag ka nang magpabebe, Martin. Sundan mo na bago pa sundan iyon ng iba! This night is a good night to have a one night stand!” At humagikhik ito. “Okay, fine!” pagsuko niya. Hindi talaga siya makakapagsinungaling sa mga ito. Tumayo na siya at lumabas ng bar. Tumingin siya sa kaliwa’t kanan niya pero hindi niya nakita ang lalaki. Mukhang nakaalis na ito. Nanghihinayang na kinuha niya ang lighter at sigarilyo sa kanyang bulsa. Nagsindi siya ng isa. Maya maya ay may narinig siyang tila sumusuka sa gilid ng bar. Hindi niya alam pero tila may nagbulong sa kanya na pumunta doon. At pumunta nga siya. Ganoon na lang ang bilis ng t***k ng puso niya nang makita niya ang lalaking kanina pa niya tinitignan sa loob ng bar. Naka-squat ito habang panay ang suka.   “BAKIT nakangiti ka?” Naputol ang pagbabalik-tanaw ni Martin sa tanong na iyon ni Summer. “Wala. May naalala lang ako…” “Alam mo, mamaya ka na mag-throwback mag-isa kasi any minute ay parating na sina Jonas. Pumunta ka na sa pwesto mo, okay?” Isang tango lang ang sinagot niya sa kaibigan. Bagaman at kinakabahan siya ngayong gabi ay mas lamang pa rin naman ang saya. Dahil kung “yes” ang isasagot ni Jonas sa kanyang proposal, ibig sabihin ay siya talaga ang gusto nitong makasama habangbuhay…

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

OSCAR

read
227.2K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.0K
bc

NINONG III

read
364.3K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
276.4K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
965.6K
bc

Paupahang Sinapupunan (R18+)

read
1.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook