CHAPTER 02

1196 Words
  WALANG idea si Jonas kung saan siya dadalhin ng mga kaibigan na sina Dion at Benj. Nananahimik siya kanina sa apartment nila ng partner niyang si Martin nang biglang dumating ang dalawa dala ang kotse ni Martin. Hindi niya alam kung bakit ipinagamit iyon ng Martin sa mga ito. Sabi lang ni Benj ay may pupuntahan sila somewhere in Batangas. Sumama na lang siya kahit medyo nawe-weirduhan siya sa kilos ng mga ito. Itinigil muna niya ang pagsusulat ng nobelang tinatapos para sumama sa dalawa. Pero nang sinabi ni Dion na malapit na sila ay bigla siyang piniringan nito. May surprise daw ang mga ito sa kanya. Kaya, heto siya ngayon. Katabi sa backseat ng kotse si Dion habang nagda-drive naman si Benj. Medyo masakit na ang mata niya dahil kanina pa siya nakapiring. “Ano ba talaga ito mga bakla kayo? Kapag ito walang kwenta, humanda kayo sa akin! May deadline ako pero iniwan ko para sa kalokohan niyong `to, ha!” Kunwari ay galit na banta niya sa dalawa. Wala talaga siyang ideay kung bakit kailangan siyang i-surprise ng dalawa. Malayo pa ang birthday niya at anniversary nila ni Martin. Hindi rin naman siya nanalo ng award sa pagiging writer niya. Wala talaga siyang maisip na reason. Isang normal na araw lang naman ito para sa kanilang magkakaibigan. “Tignan natin mamaya kung masabi mong isa itong kalokohan kapag nalaman mo kung bakit naman ito ginagawa.” Natatawang sagot ni Dion. “E, ano ba kasi ito? Ang sakit na ng mata ko, ha! Tatanggalin ko na ito!” Akmang hahawakan niya ang piring sa mata pero agad siyang pinigilan ni Dion. “My God, Jonas! Surprise nga, `di ba? At sige, remove that piring para masira lahat ng plinano namin. Have faith on us, okay? Magtiwala ka lang sa amin gaya nang pagtitiwala mo ulit kay Martin after ka niyang lokohin.” “Dion, stop! Humuhugot ka na naman, e,” saway ni Benj. “Past is past nga, `di ba?” Tinawanan lang niya ang sinabi ni Dion. Medyo naiinip na siya kanina pa. Pero balik sa sinabi ni Dion. Hindi naman siya nagsisisi sa pagbibigay ng second chance kay Martin. After kasi ng panloloko nito sa kanya ay hindi na ito umulit. Talagang natakot na ito na mawala siya sa buhay nito. But still, may kirot pa rin sa puso niya kapag naaalala niya ang ginawang iyon ni Martin…   “HAPPY eleventh monthsary, asawa ko…” Bati ni Jonas kay Martin bago sila kumain ng dinner. “Next month, isang taon na tayo. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na tatagal tayo ng ganito.” Nang sagutin ni Jonas si Martin after ng halos dalawang buwan nitong panliligaw ay lumipat na ang huli sa apartment niya. Nagkataon kasi na malapit lang ang workplace nito sa apartment kung saan siya nagre-renta. Siya naman, bilang writer at nagtuturo ng English sa mga Japanese online ay sa bahay lang siya. Mas okay din iyon dahil nakatipid siya sa gastusin dahil hati silang dalawa sa lahat ng gastos. Isang simpleng chicken dish ang niluto ni Jonas para sa espesyal na araw na iyon sa kanila ng kanyang partner. Inaral lang niya iyon sa Youtube hanggang sa matutunan na niyang lutuin. Inabot ni Martin ang isang kamay niya at pinisil iyon. “Happy monthsary din, asawa ko! Thank you sa surprise romantic dinner dito sa apartment natin.” Nakangiti at nakatingin sa mata niya na turan nito. Naiiyak na si Jonas nang sandaling iyon pero pinipigilan lang niya. Alam niya kasing pagtatawanan lang siya ni Martin kapag umiyak siya. Sasabihin na naman nito na ang OA niya. Eleven months… Bihira na sa gay relationship ang tumagal nang ganoon. Aminado naman siya, hindi naman niya nilalahat pero karamihan sa mga gay or bisexual men ngayon ay malalandi. Out man o discreet. Huminga nang malalim si Jonas. “Kumain na tayo! I am sure, gutom ka na. Galing ka pa ng work mo, e.” Nagtatrabaho si Martin bilang isang mechanical engineer sa isang kilalang auto parts company dito sa Laguna. “Okay. Mukhang masarap `tong niluto mo.” “Aba, oo naman! Pinag-aralan ko talaga `yan for this special day!” Pagmamalaki pa niya. “Ang swerte ko naman talaga sa asawa ko! Pa-kiss nga ako!” Nagmamadaling tumayo si Martin para lapitan siya. Dumukwang ito sa kanya at ginawaran siya ng matamis na halik sa labi. “I love you, asawa ko…” “I love you too, asawa ko…” After niyon ay bumalik na ito sa upuan nito para simulan na ang pagkain. Masaya naman si Jonas dahil nagustuhan ni Martin ang niluto niya. Maya maya ay nagpaalam siya dito para mag-CR. Naiihi kasi siya. Nasa likuran ni Martin ang CR kaya dadaan siya dito bago makapunta doon. Binilisan lang niya nag pag-ihi. Paglabas niya ng CR ay nakita niyang hawak ni Martin ang cellphone nito. Tila seryosong-seryoso ito sa ginagawa at sa galaw ng daliri nito ay nahinuha niyang may ka-chat o ka-text ito. Sa pagkakataon na iyon ay kinabahan siya sa hindi malamang dahilan. Tahimik siyang naglakad palapit kay Martin hanggang sa nasa likuran na siya nito. Palakas nang palakas ang kabog ng dibdib niya. Mula sa likod ni Martin ay sinilip niya ang ginagawa nito sa cellphone nito at nalaman niyang tama nga ang hinala niya na may ka-chat ito. Sa Messenger. Sorry, hindi ako pwede tonight. Iyon ang chat ni Martin sa ka-chat nito. Ganoon ba? Bukas ng gabi? Sagot ng ka-chat nito. Sure. Sa Beanstalk Cafe. 8pm! Okay. Miss na kita. I miss you too! Gusto sana niyang basahin ang pangalan ng ka-chat nito pero unti-unti nang nanlalabo ang mata niya dahil sa luhang hindi na niya napigilang umagos. Sa eleven months ng relasyon nila ni Martin ay naniwala siyang faithful ito sa kanya. Pero ano itong natuklasan niya? Martin is cheating on him! Dahil baka mahuli siya ni Martin ay tahimik siyang bumalik sa CR. Nanginginig ang buong katawan niya dahil sa nalaman. Naghilamos siya at kinalma ang kanyang sarili bago lumabas. Hindi muna niya ito kokomprontahin. Ang nais niya ay mahuli niya ito sa akto para hindi na ito makalusot pa. “O, ba’t ang tagal mo?” tanong ni Martin sa kanya nang bumalik na siya sa upuan. Isang pilit na ngiti lang ang isinagot niya dito.   NANG maramdaman ni Jonas na huminto na ang sasakyan ay nahinto na rin siya sa pagbabalik sa masakit na parte ng nakaraan nila ni Martin. Bumaba si Dion ng kotse at parang may kinakausap ito sa phone pero hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Maya maya ay inalalayan na siyang bumaba nina Dion at Benj. Alam niyang hindi lupa ang nilalakaran nila. Medyo malambot at lumulubog ang sapatos niya. Buhangin. “Nasa beach ba tayo? Ano ba talaga ito?” tanong niya. “Ang dami namang tanong, `te! Tahimik ka na lang!” ano Benj. Ang tahimik ng kapaligiran at ang tanging naririnig lang niya ay ang mahinang paghampas ng alon sa baybayin. Sigurado na siya ngayon na nasa beach nga sila. Kung saang beach, iyon ang hindi niya alam. “We’re here na!” Narinig niyang sabi ni Benj. “Ang tagal niyo naman!” Nagtaka siya nang marinig niya ang boses ni Summer. “Summer? Ikaw ba iyan? Kasabwat ka ng dalawang ito?” Gustung-gusto na talaga niyang tanggalin ang piring niya para malaman na niya kung nasaan ba talaga sila at ano ba talaga ang nangyayari. Hindi sumagot si Summer. Basta, patuloy lang sina Benj at Dion sa pag-guide sa kanya. Hanggang sa tumigil na sila sa paglalakad. Binitawan na siya ng dalawa at wala na siyang narinig kundi ang katahimikan at ang alon.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD