bc

The Faithful Wife

book_age12+
1.1K
FOLLOW
7.9K
READ
pregnant
drama
tragedy
bxg
betrayal
disappearance
faceslapping
like
intro-logo
Blurb

Isa daw sa pinakamasayang mangyayari sa buhay ng isang babae ay kapag nagbunga na ang pagmamahalan nila ng kaniyang asawa. Ngunit bakit ito ang naging pinaka malaking bangungot sa aking buhay?

Alam ko sa sarili ko, tapat ako sa aming pagsasama! Pinatay man nila ako sa panghuhusga! Babalik ako upang patunayan na wala akong naging kasalanan sa aking asawa!

chap-preview
Free preview
Chapter One
      “MAMA PEARL!” Kusang napangiti si Faith nang makita niya ang malaking pag-ngiti ng kaniyang ina nang pumasok siya sa videoke bar nito ng gabing iyon. Nasa may counter ito at hawak ang cellphone. Wala itong kamalay-malay na pupunta siya doon. Gusto niya talaga itong sorpresahin lalo na’t ilang araw na siyang hindi nakakauwi sa kanilang bahay dahil sa meron silang seminar sa ibang lugar. Nabulabog ang “Perlas Videoke Bar” nang tumili si Mama Pearl na akala mo ay isang ambulansiyang may sakay na pasyente at dadalhin sa ospital. “Daughter!!!” Masayang sigaw ni Mama Pearl at patakbong lumapit sa kaniya. Kasabay ng pag-alog ng makulay at malaki nitong hikaw sa tenga ang malaki nitong s**o. Nakasuot ito ng damit na spaghetti strap at maiksing maong na shorts. Mas mahaba pa ang bulsa kesa sa mismong shorts niyon. Putok na putok din ang make up nito na akala mo ay nabugbog sa kanto. Maputing babae si Mama Pearl. May tamang taas pero gusto pa rin nitong magsuot ng sapatos na mataas ang takong. Pinaka mababa na siguro ang five inches. Sa edad nitong kuwarenta y nuebe ay mukha pa rin itong bata. Sexy at maganda pa rin ang kurba ng katawan. Marami ang nagsasabi na xerox copy siya ng kaniyang ina. Kung ano daw ang mukha niya ngayon ay ganoon din ang mukha nito noong kabataan at noong nasa edad niya ito. Twenty eight na si Faith. May taas siyang limang talampakan at pitong pulgada. Mala-porselana sa puti at kinis ang kaniyang kutis at mukha. Namana niya iyon sa kaniya half-Spanish na ama. Malalantik ang kaniyang pilik-mata at ang mata niya ay medyo malaki pero bagay iyon sa kaniya. Matangos ang ilong at manipis ang labi na natural ang pagkapula. Sexy rin siya kung tatanungin. May tamang laki ang dibdib at maganda rin ang kurba ng beywang. Ilan na rin ang nagsasabi na mag-artista siya pero wala iyon sa kaniyang isip. Hindi niya pangarap ang pag-arte sa harap ng kamera. Mas gusto niya ang maging isang guro sa elementary na natupad na niya. Sa ngayon ay isa siyang guro sa Kindergarten sa isang pampublikong paaralan dito lang din sa kanilang lugar. Tatlong taon na rin siya sa serbisyo at masasabi niyang masaya siya. Lalo na’t mahilig talaga siya sa mga bata. Pakiramdam nga niya ay hindi siya nagtatrabaho dahil masyado siyang nag-e-enjoy sa pagtuturo sa mga bata. Isang mahigpit na yakap ang isinalubong sa kaniya ni Mama Pearl. “Bakit hindi ka nagsabi na pupunta ka ngayon dito? Akala ko nakalimutan mo na ako, daughter!” May himig pagtatampong turan nito. “Mama, imposibleng makalimutan ko ang best mother sa buong mundo!” aniya sabay kalas sa pagkakayakap dito. Napailing siya. “Nagsusuot pa rin po kayo ng ganiyan?” tukoy niya sa outfit nito. Lumabi ito sabay padyak na akala mo ay isang paslit. “E, ngayon lang naman ulit ako nagsuot ng ganito, daughter. Malas lang at naabutan mo ako. Wala na kasi akong damit na hindi kita ang cleavage at legs ko kasi itong si Genoveva ay tinamad maglaba at broken hearted!” Si Genoveva ay ang baklang kasambahay nito na mahaba ang baba at payat. Iyon ang kasama ng nanay niya sa bahay dahil mag-isa na lang ito. Siya lang kasi ang nag-iisa nitong anak. Ang ama naman niya ay hindi na nila alam kung nasaan. Matapos kasing mabuntis nito ang nanay niya ay naglaho na ito na parang bula. Bumalik na yata sa Spain. Hindi nila alam. Pero sa totoo lang, hindi na nila ito hinahanap. Nabuhay naman silang mag-ina nang wala ito. Nakapagpatapos naman siya ng pag-aaral at naging isang guro na ang nanay lang niya ang nagtatrabaho. Isang p********e ang nanay niya noong makilala nito ang tatay niya. May nangyari sa dalawa at siya ang naging bunga. Kahit na ganoon ang nakaraan ng kaniyang Mama Pearl ay ipinagmamalaki pa rin niya ito dahil hindi siya nito inilaglag. Kahit na buntis ito ay nagsikap ito hanggang sa mapangasawa nito ang matandang ay-ari ng bar kung saan ito nagtatrabaho. Namatay din agad ang matandang iyon noong apat na taon siya. Sa nanay niya ipinamahala ang pagpapatakbo ng bar dahil wala na itong ibang kamag-anak. Maayos na napatakbo ng nanay niya ang naturang bar. Pero nang tumuntong siya sa edad na disi-otso ay naisip ng Mama Pearl na hindi na tama ang negosyong meron sila. Baka ma-bully pa daw siya dahil doon. Kaya naman binago nito ang bar. Ginawa nitong videoke bar na wala nang babae na tumeteybol. Wala na ang mga babaeng sumasaway na halos wala nang saplot. Wala na ang mga GRO na nagpapa-take out sa mga lalaki. Isa na itong disente pero masayang videoke bar. May inuman at tuwing gabi ng Biyernes at Sabado ay may mga baklang nagpe-perform at nagpapatawa. Pati mga waiter nila ay mga bakla din. Meron silang tatlong baklang waiter na siya na rin ang cook at dishwasher at may dalawang performer. Lahat ng iyon ay libreng nakatira sa bahay sa likod ng bar. Lahat din ng bakla ay ka-close niya lalo na si Genoveva. Masayahin kasi ito at hindi na iba ang turing nila. Mapakakatiwalaan kasi ito at sadyang mabait. “Dapat kasi nagpapa-laundry na lang kayo ni Genoveva para hindi na kayo nahihirapan…” “Hmp! Another gastos lang iyon, daughter. Saka sayang naman iyong binili mong automatic na washing machine noong birthday ko kung magpapa-laundry kami, `di ba?” Tumango-tango si Faith. Napansin niya na puno ang videoke bar. May isang lalaki na kumakanta sa maliit na stage. Wala na ring bakanteng lamesa. “Ang daming tao, ha,” puna ni Faith. “Korek, daughter! Holiday kasi tapos suweldo day pa kaya ang mga tao ay may pang-gastos! Teka, doon tayo sa bahay ng mga bakla. Doon tayo mag-usap!” Inutusan ng Mama Pearl niya ang isang bakla na ito muna ang pumwesto sa cashier. Hinila na siya nito papunta sa bahay ng mga tauhan nito. Ang daan niyon ay sa may kusina. Umupo sila sa maliit na sofa. Naroon ang isa sa mga tauhan ng nanay niya. “Ay, nandito pala ang ever beautiful na daughter mo, Mama Pearl!” anito sabay kaway sa kaniya. “Hello, Faith! Sana kasing-ganda mo rin ako!” Nakaupo ito sa sahig at naglalagay ng nail polish sa paa. “Maganda ka rin naman, Dragusha.” Nakagiti niyang sabi. “Ay, salamat naman!” Pangiti-ngiti pa ito. Payat na payat kasi si Dragusha. Dating adik na nagbagong buhay na. “Hay naku, daughter! Huwag mo ngang bolahin iyang si Dragusha at baka maniwala!” ani ng nanay niya. Ganoon talaga mag-usap ang mga ito. Palaging nagbibiruan. “Ikaw, Dragusha, bakit ka nandito?” “Mama Pearl, matanda na ba kayo at ulyanin? Thursday pa lang ngayon. Wala pa kaming show ni Ederlyn. Bukas pa.” Si Ederlyn at si Dragusha ay ang dalawang performer sa videoke bar. Mahusay kumanta at magpatawa ang dalawa. Pabiro lang itong inirapan ng nanay niya at muli siyang kinausap. “O, ano na, daughter? I know na may sasabihin ka kaya ka nandito. Ano ba iyon? Sige na, sabihin mo na. Now na! Push na!” Dire-diretsong sabi nito. Nauunawaan niya kung bakit ganoon magsalita ang Mama Pearl niya. Ikaw ba naman ang napapalibutan ng anim na bakla araw-araw. Isang malaking ngiti ang sumilay sa labi ni Faith at ipinakita niya dito ang kaliwang kamay na sa ring finger ay may nakasuot na singsing. Napapalamutian iyon ng maliliit na diyamante. “Magpapalinis ka ng kuko?” Kumunot ang noo nito. Malakas siyang natawa. “`Ma, hindi! Tingnan mo!” itinuro na ni Faith nang diretso ang singsing. Nanlaki ang mata ni Mama Pearl. “Putang ina!” Malutong nitong mura. “Nag-propose na sa iyo si Benedict?!” Hindi makapaniwalang tanong nito. Masaya siyang tumango bilang pagsagot. “Putang ina again!” Mura nito ulit sabay yakap sa kaniya nang mahigpit. Hindi siya nagkamali—labis rin ang kasiyahan ni Mama Pearl sa balitang kaniyang dala. Gaya niya kasi ay matagal na rin nitong hinihiling na sana ay mag-propose na sa kaniya si Benedict. Limang taon na rin kasi ang relasyon nila ng kaniyang nobyo at sa tingin niya ay ito na ang tamang panahon para magpakasal silang dalawa. Thirty years old na si Benedict. Dalawang taon ang tanda nito sa kaniya. Isa itong business man. Ito ang nagpapatakbo ng family business nito na isang spa. Nag-o-offer ng iba’t ibang massage and relaxing services ang spa ng mga ito na may pangalan na “Valencia’s Spa”. Masasabi ni Faith na maswerte siya kay Benedict. Mabait ang lalaki at mahal na mahal siya. Ganoon din naman siya—mahal na mahal din niya si Benedict. Walang duda sa bagay na iyon. Hindi naman niya hihilingin na mag-propose na ito sa kaniya kung hindi. Bukod sa magandang katangian ng lalaki ay gwapo ito. Ubod ng gwapo! Marami nga ang naiinggit sa kaniya dahil nabingwit daw niya ang unico iho ng mga Valencia. Matangkad, maganda ang katawan at may mukhang akala mo ay isang matinee idol sa TV. Sino ba naman ang hindi maiinggit sa kaniya? Ngunit para kay Faith ay mas importante pa rin ang ugali ni Benedict. Hindi perpekto ang kanilang relasyon. Sa loob ng limang taon ay ilang beses na rin silang nagkaroon ng tampuhan, hindi pagkakaunawaan at pag-aaway. Ang isa lang din sa gusto niya kay Benedict ay hindi ito nananakit ng pisikal kapag nag-aaway sila. “K-kailan? Kailan siya lumuhod sa iyo?! Ay! Ang ibig kong sabihin ay kailan siya nag-propose?” Natatarantang tanong ni Mama Pearl. “Kahapon lang, mama. Sobrang unexpected! Dinala niya ako sa isang park pagkatapos ay hindi ko alam na naka-set up na ang lahat. Bigla na lang may music, fireworks, music… tapos nagpropose na siya!” Hanggang ngayon ay parang nangangarap pa rin si Faith habang ikinukwento sa kaniyang ina kung paano nag-propose si Benedict sa kaniya. Nangilid ang luha sa mata ni Mama Pearl. Agad nitong pinalis ang luha nang akmang babagsak na iyon. “Ano ba `yan?! Naiiyak naman ako, `no! Happy lang ako kasi ikakasal ka na. Hindi ka matutulad sa akin na hindi pinanagutan ng ama mo! Iyan lang naman ang pangarap ko sa iyo, daughter… Ang makahanap ka ng lalaking papanindigan ka, papakasalan ka!” Maluha-luhang sabi ng ina niya. Hinawakan niya ang isang kamay nito at masuyong pinisil. “Thank you, mama… Alam kong magiging masaya ka sa balita ko.” “Oo naman, `no! Saka alam mo naman na botong-boto ako kay Benedict para sa iyo, daughter. Siya ang perfect guy for you!” Tumayo ang nanay niya at hinila siya. “Ay, teka. Tara sa videoke bar.” “Ha? Bakit po?” “Kailangang malaman ng lahat ang magandang balita!” Hindi na nagawang tumanggi pa ni Faith dahil hinila na siya ni Mama Pearl papunta sa mismong videoke bar. Nakasunod sa kanila si Dragusha na hindi na tinapos ang paglalagay ng nail polish. Pumunta sila sa stage. Inagaw ng nanay niya ang mikropono sa babaeng kumakanta ng “Pangarap Ko Ang Ibigin Ka”. Pinatay pa ni Mama Pearl ang tugtog. “Hey! Kumakanta pa ako. Malapit na ako sa mataas na part, e!” Inis na turan ng babae. “Hayaan mo na. Mataas `yon. Baka himatayin ka pa. Saka bumaba ka nga at may sasabihin ako sa lahat!” Nakasimangot na bumaba ang babae sa sinabi ni Mama Pearl. “Mama, kailangan ba talaga natin itong gawin? Nakakahiya…” bulong ni Faith. “Anong nakakahiya? Very proud dapat tayo. Saka para na rin malaman ng mga tsismosa nating kapitbahay na nagsasabi na matutulad ka lang sa akin. Ngayon, kakainin nilang lahat ang sinasabi nila tungkol sa iyo!” “Pero, mama—” “Daughter, huwag mo na akong pigilan. Okay?” Marahil nga ay proud lang ang nanay niya sa kaniya kaya tumango na lang siya at ngumiti. Inilapit na ng nanay niya ang mic sa bibig nito at nagsimulang magsalita. “Hoy, mga lalaki, babae, bakla at tomboy! Makinig kayo sa akin! Kilala niyo ba si benedict Valencia? Iyong nag-iisang anak ng may-ari ng Valencia’s Spa? Nag-propose na siya sa maganda kong daughter na si Faith!” Hinawakan ng nanay niya ang kamay niya na may engagement ring. “Kita ninyo itong singsing ng anak ko? Engagement ring tawag dito. Puno ng brilyante! Kaya sa mga nagsasabing walang magseseryosong lalaki at magpapakasal sa anak ko kasi ang nanay niya ay p****k? Manigas kayo! Mga mahaderang inggitera kayo! Ikakasal na ang anak ko!” Nagpalakpakan at sigawan ang lahat ng naroon. Tiningnan niya ang kaniyang Mama Pearl at hindi niya maiwasan ang mapaluha dahil sa sobrang saya. Masaya siya na ipinagmamalaki siya ng kaniyang mahal na ina at masaya rin siya na nalalapit na ang pag-iisang dibdib nila ng kaniyang lalaking iniibig—walang iba kundi si Benedict.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Broken Angel

read
3.9K
bc

His Cheating Heart

read
41.4K
bc

Unwanted

read
511.4K
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
187.0K
bc

My Husband's Mistress

read
297.9K
bc

Married By Mistake

read
171.0K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook