Chapter Two

1901 Words
      “f**k!” Mahinang mura ni Benedict nang sa wakas ay labasan na siya. Napapikit siya sa kakaibang sarap na naramdaman. Ipinutok niya ang kaniyang katas sa maliit na lalagyan na kulay puti at agad iyong tinakpan. Nasa CR siya ng private clinic ng kaniyang kaibigang doktor na si Jonas Lee. Isa itong urologist. Nandito siya para sa ikalawang semen analysis niya. Hindi kasi maganda ang resulta ng una kaya sinuggest ni Jonas na ulitin. Nagpalipas lang sila ng isang linggo bago ang pangalawang test. Matapos hugasan ang p*********i at kamay ay lumabas na siya ng CR at diretsong ibinigay kay Jonas ang lalagyan kung saan naroon ang kaniyang sperm at semen sample. “Masarap ba?” Natatawang tanong ni Jonas. “f**k you!” Alam niyang pinapawala lang nito ang kaba niya. Nagpapa-semen analysis siya sa kaibigan dahil may hinala siya na baog siya. Ilang beses na kasi siyang nagkaroon ng nobya noon at lahat ay nagalaw niya pero walang nabubuntis. Noong bata pa siya ay natutuwa pa siya pero nang maglaon at umedad siya ngayon ng treita ay kinabahan na siya. Mabuti na lang at meron siyang kaibigan na urologist—si Dr. Jonas Lee. “Isasagawa ko na ang analysist dito, bro. Punta lang ako sa lab ko, okay?” Tumango lang siya at umupo sa sofa na naroon nang pumasok na si Jonas sa lab nito para tingnan ang kaniyang sample na ibinigay. Binuksan niya ang TV pero hindi doon napunta ang kaniyang isip kundi sa kaniyang nobya na si Faith at ang nalalapit nilang kasal. Nakapag-propose na kasi siya dito dahil na rin sa pagtulak ng kaniyang ina na bigyan na ito ng apo. Sigurado na rin naman siya kay Faith na ito na ang babaeng kaniyang papakasalan kaya nag-propose na siya dito at sinabing ikakasal na sila makalipas lang ang tatlong buwan. Ngunit magkakaroon pa yata ng problema ang pagbibigay niya ng apo sa kaniyang ina dahil sa hindi naging maganda ang kinalabasan ng naunang test sa kaniya ni Jonas. Marami ang nagsasabing bagay sila ni Faith. Isang maganda at isang gwapo. Pero meron din siyang naririnig na hindi maganda tungkol sa kaniyang mapapangasawa. Gaya ng baka daw pera lang niya ang habol ni Faith. Anak daw ng dating p****k si Faith kaya malamang ay isa rin daw itong maduming babae gaya ng ina nito. Lahat ng iyon at tinatawanan lang ni Benedict. Mas kilala niya si Faith at ang pagkakakilala niya sa babae ang kaniyang pinapaniwalaan. Mabait ito, maasikaso at nararamdaman niyang tunay ang pagmamahal nito sa kaniya. Isa pa, alam niyang hindi pera ang habol sa kaniya ni Faith. May trabaho ito bilang isang guro. Sa lahat ng naging girlfriend niya, ito lang ang hindi nagpapabili sa kaniya ng kung anu-ano kahit alam nito na marami siyang pera at kaya niyang bilhin kahit na ano para dito. Kapag nga lumalabas sila at kumakain ay hati sila madalas sa pagbabayad. Alam din niya na anak ito ng dating p********e na ngayon ay meron nang videoke bar. Pero ganoon pa man, kahit kailan ay hindi niya nahuli si Faith na lumandi sa ibang lalaki. Faithful si Faith sa kaniya dahil mahal na mahal siya nito. Ilan lamang iyan sa magagandang katangian ni Faith na nagpakumbinse sa kaniya para ito ay pakasalan. Ito na talaga ang babaeng gusto niyang makasama hanggang sa pagtanda. Naputol ang pag-iisip ni Benedict nang maramdaman niya ang pag-vibrate ng cellphone sa bulsa ng pantalon. Kinuha niya iyon at nalaman na tumatawag si Faith. Ayaw niya sana iyong sagutin pero alam niyang mag-aalala ito kapag ginawa niya iyon. Alam kasi ni Faith na wala siyang trabaho ngayon dahil Sunday. Wala kasi siya sa mood na makipag-usap sa kahit na sino dahil sa kaba. Huminga siya nang malalim bago sinagot ang tawag ni Faith. “Hey, babe! How are you?” Pilit niyang pinasigla ang boses. Madali kasing makahalata si Faith kung may problema siya base sa kaniyang pagsasalita lang. Ganoon siya nito kakilala. “`Eto, babe. Kakatapos ko lang gumawa ng lesson plan. Oo nga pala, may lakad tayo today, `di ba?” anito. Sandali siyang hindi nakasagot. Sa dami kasi ng iniisip niya ay nakalimutan na niya kung ano ba ang dapat nilang gawin ni Faith ngayon. Kahit anong pilit niyang alalahanin ay hindi niya talaga maalala. “Babe, sorry. Nakalimutan ko kung ano ang gagawin natin ngayon. Ang dami kasing ginagawa sa spa nitong mga huling araw. Ako din ang tumututok doon sa bagong branch na ipinapatayo namin. Sorry talaga…” “Okay lang, babe. Naiintindihan ko. Naka-schedule tayo ngayon para asikasuhin ang marriage license natin. Before lunch. Saan kita pwedeng puntahan?” “Sa bahay na lang. Pauwi na rin naman ako, babe. Nandoon si mommy.” “Okay, babe. See you!” “I love you, babe!” “I love you more!” At doon na natapos ang kanilang pag-uusap. Eksaktong lumabas na si Jonas sa lab nito. May dala itong isang papel. Umupo ito sa tabi niya at ibinigay sa kaniyang ang papel na iyon. “Come on, Jonas. Ikaw na ang mismong magsabi sa akin ng result. Ayokong basahin pa ito!” Matamlay niyang wika. Inilagay niya ang papel sa ibabaw ng center table. “Bad or good news?” Tumikhim muna ito bago nagsalita. “Bad. Super bad, bro…” Malungkot nitong sabi. “Same result sa naunang test na ginawa ko sa iyo. Mababa ang sperm count mo at may problema sa sperm motility mo. Which means your sperm aren’t moving normally. They are less likely to be capable of fertilizing an egg. May problema din sa form and structure ng sperm mo na malaking factor para sa infertility.” “In short, baog ako!” Malungkot at naiinis niyang sabi. “f**k!” “That is right pero baka madala sa medication—” “Baka? You’re not sure? Jonas, gusto ko ay siguradong lunas hindi isang trial!” “Walang sigurado, bro. All we can do is try.” Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa ng sandaling iyon. Kahit na parang imposible ay umasa pa rin siya na sa pangalawang test ni Jonas sa kaniya ay maganda na ang kakalabasan. Pero nagkamali siya. Baog pala talaga siya. Paano pa niya mabibigyan ng apo ang kaniyang mommy? Si Faith? Matatanggap ba siya nito kung sasabihin niyang hindi niya ito kayang bigyan ng anak? Baka kapag nalaman nito iyon ay umatras na ito sa kasal nila. Kilala niya ang mga babae. Nagpapakasal ang mga ito dahil nais ng anak. “f**k! Ano na ang gagawin ko?” Nakatulala niyang tanong sa kawalan. Naisuklay niya ang mga daliri sa sariling buhok. Gusto niyang umiyak ngunit ayaw niya iyong gawin sa harap ng kaibigan. “Paano si Faith? Alam kong gusto niya ng anak.” “You can talk to her about this. If you want, tutulungan kitang ipaliwanag sa kaniya ang conditon mo, bro. Mas maganda na malaman niya agad habang mas maaga.” Mariin siyang umiling. “No! Ayokong sabihin sa kahit na sino ang tungkol sa pagiging baog ko. Walang pwedeng makaalam nito, Jonas. Wala! Kaya wala kang pagsasabihan. Nagkakaintindihan ba tayo?” Hinawakan pa niya ang magkabilang balikat ng kaniyang kaibigan. “Okay. Kung `yan ang gusto mo. Relax, bro!” Tumayo ito at ikinuha siya ng bottled water. Ipinainom nito iyon sa kaniya para kumalma siya kahit papaano pero hindi niyon nabawasan ang tensiyon na kaniyang nararamdaman ng sandaling iyon. Sa ngayon ay ililihim muna niya sa lahat ang pagiging baog niya lalong-lalo na kay Faith. Hindi pwedeng hindi matuloy ang kasal nila. Dapat iyong matuloy kahit na ano ang mangyari. “Pero bibigyan pa rin kita ng mga gamot. Bro, walang masama kung gagawin mo ang medication na ibibigay ko sa iyo. Kesa wala kang ginagawa, right?” Pangungumbinse pa ni Jonas sa kaniya.   HUMINGA nang malalim si Faith bago niya pindutin ang doorbell sa gate ng malaki at magarang bahay ng mga Valencia. Kung ikukumpara ang bahay nina Benedict sa bahay nila ay magmumukha iyong bahay ng aso. Sobrang laki kasi ng bahay ng mga ito. Halatang isang mahusay na arkitekto ang nagdisenyo. Pinag-isipan at hindi basta-basta. Hanggang ngayon nga ay nanliliit pa rin siya kapag pumupunta siya sa bahay ng mga ito lalo na kapag may family gathering ang mga Valencia. Para siyang langaw na sumama sa mga paru-paru. Sino ba siya kumpara kay Benedict? Oo, aaminin niya. Nakakaramdam pa rin siya ng insecurity hanggang ngayon. Hindi nga lang niya iyon ipinapahalata sa nobyo dahil ayaw nito na may ganoon siyang nararamdaman. May mga naririnig pa rin kasi siya na ang habol lang daw niya kay Benedict ay ang yaman nito. Alam niya sa sarili na hindi iyon totoo. Kahit na hindi maganda ang environment niya noong bata siya ay pinalaki siya ng Mama Pearl niya nang maayos. Na kahit hindi sila mayaman ay hindi dapat siya nanggagamit ng tao para sa pansariling interes. Iyon ang hindi nakikita ng ibang tao sa kanilang mag-ina—na mabuti silang tao. Hindi porket dating p********e ang nanay niya ay masama na ito. Nagbago na ito. Matagal na. Nagbago ito para sa kaniya upang hindi siya kutyain ng mga tao. Ngunit sadyang may mga tao na hindi kayang kalimutan ang nakaraan ng kapwa nito. At hinahayaan na lang nila iyon ni Mama Pearl. Isang humahangos na kasambahay ang nagbukas ng gate para sa kaniya. “Good morning po, Ma’am Faith! Pasensiya na po at natagalan ang pagbubukas ko. Nasa likod po kasi ako ng bahay,” salubong sa kaniya ng kasambahay na si Manang Sonia. Matamis siyang ngumiti. “Walang problema, manang. Saka, kailan po ba kayo masasanay na huwag akong tawagin na ‘ma’am’? Hindi niyo naman po ako amo dito.” Natatawa niyang sabi. “E, ma’am, dapat nga ay masanay na ako dahil ikakasal na kayo ni Sir Benedict. Dito na rin kayo titira balang araw!” Naiiling na natatawa na lang si Faith. Pinapasok na siya nito at sinamahan sa may salas. Sinabi niya na nandoon siya dahil magkikita sila ni Benedict. Dinulutan siya nito ng fresh orange juice habang naghihintay sa salas. Hindi siya nito pwedeng samahan doon dahil may ginagawa pa ito sa likod-bahay. Ti-next niya si Benedict at ayon dito ay on the way na ito. Habang nakaupo ay bumaba mula sa second floor ng bahay ang mommy ni Benedict na si Debbie. Kahit nasa bahay lang ito ay nakapustura ito at maayos. Halatang mayaman ito base sa itsura. Ka-edad lang ito ng nanay niya. Mas mukhang bata lang si Debbie dahil alaga ito ng derma. Matangkad na babae si Debbie. Mestisa at sa kabila ng edad ay maayos pa rin ang pangangatawan. May aura ito na parang isang mataray na karakter sa isang soap opera kaya noong una ay medyo ilag siya dito. Hanggang ngayon din naman pero bahagya nang nabawasan. Noon kasi ay ayaw nito sa kaniya dahil sa kaniyang background. Natanggap na rin siguro siya nito para kay Benedict nang tumagal silang dalawa. Marahil ay naisip nito na wala na itong magagawa para mapaghiwalay sila. Mabilis na tumayo si Faith at sinalubong si Debbie. “Magandang umaga po, tita.” Nakipag-beso siya dito bilang pagbati. “Why are you here? My son is not here.” Malamig nitong sabi. Sanay na siya na para bang wala itong interes na kausapin siya. “Dito ko po siya hihintayin, tita. Nagka-usap na po kami. On the way na po siya.” “Ganoon ba?” Tumahimik ito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. “Anyways, congratulations! Engaged na kayo ng aking unico iho.” Biyuda na si Debbie. Matagal nang patay ang asawa nito dahil sa atake sa puso. “Salamat po, tita…” “Mukhang wala na talaga akong magagawa para paghiwalayin kayo. Benedict loves you that much! Siguro nga ay may nakita siya sa iyo na hindi ko nakikita,” walang preno at prangka nitong sabi. “By the way, I have something for you, Faith. Come! Sumunod ka sa akin sa room ko.” Tumalikod na ito sa kaniya at nauna na sa pag-akyat sa itaas. Ano naman kaya ang ibibigay sa kaniya ni Debbie? Medyo kinakabahan tuloy siya dahil wala siyang ideya kung ano iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD