bc

The Unfaithful Wife

book_age16+
1.6K
FOLLOW
6.5K
READ
family
drama
bxg
betrayal
cheating
like
intro-logo
Blurb

Inakala ni Ivana na sapat nang dahilan ang pagmamahalan nila ni Nicholas para pakasalan niya ito. Ngunit nang dumating sila sa punto ng buhay nila na nalugmok na sa kawalan ng trabaho ang kaniyang asawa ay napatunayan niyang hindi totoo ang kasabihang "love will keep us alive". Hanggang sa makilala niya ang isang lalaki na kayang ibigay ang lahat sa kaniya. Gumawa siya ng bagay na labag sa batas ng pagmamahalan nila ng kaniyang asawa...

Ngunit paano kung sa pagkakataong handa na siyang magbago ay huli na pala ang lahat? Magagawa pa ba niyang bawiin ang isang pag-ibig na siya mismo ang nagtapon? Mabubuo pa ba niya ang winasak niyang pamilya?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 01
     HINDI pa rin makapaniwala si Ivana Ramos sa mga nangyayari. Feeling niya ay nasa ibabaw pa rin siya ng ulap! Nag-propose lang naman ng kasal sa kaniya si Nicholas—ang five-year boyfriend ko. Happy siya kasi pangarap niya talaga ang maikasal sa nobyo pagdating ng tamang panahon. At ngayon na nga ang tamang panahon na iyon! Isang oras na ang nakakalipas simula nang makauwi siya kanina mula sa lugar kung saan nag-propose si Nicholas pero hindi pa rin talaga siya maka-get over. Kanina pa siya nakahiga sa kama niya sa kaniyang kwarto. Parang tanga at mag-isang nakangiti. Grabe naman kasi iyong proposal ni Nicholas. Sobrang unexpected! Itinaon pa talaga nito sa kanilang ika-limang anniversary. Akala ni Ivana ay katulad lang ng mga naunang celebration nila ang naturang anniversary—iyong pagpunta nila sa Picnic Grove sa Tagaytay. Sa lugar na iyon kasi nila talaga nagce-celebrate ng kanilang anniversary dahil doon niya sinagot si Nicholas. Ang plano ay magpi-picnic lang at pagkatapos ay sasakay ng kabayo then uuwi na. Ganoon lang ang ginagawa nilang dalawa sa tuwing anniversary nila dahil iyon ang tipid na pagce-celebrate. Aba, hindi lang pala ganoon ang magiging ganap. Dahil habang nakasakay sila ni Nicholas sa iisang kabayo ay bigla na lang itong nahulog. Nakita niya itong namimilipit sa sakit habang nakabaluktot sa may lupa. Nataranta na siya kasi kita sa gwapong mukha ng boyfriend niya ang sakit. Talagang nakangiwi ito at parang mamamatay na! Siyempre, super afraid siya. Bumaba na siya ng kabayo. `Eto na nga… Nang tutulungan na niya si Nicholas na itayo ay bigla na lang itong naglabas ng isang singsing na may maliit na parang dyamante sa gitna! Shock na shock si Ivana! Para na nga siyang natuklaw ng ahas at hindi na makagalaw. Sa singsing na lang siya nakatingin talaga. Hanggang sa lumuhod na ito at tinanong siya ng: “Will you marry me, Ivana Ramos?” Para mas maganda ang ganap ay tumayo siya sa harapan ni Nicholas bago sumagot ng: “Yes!” Nagpalakpakan na nga ang mga tao sa paligid nila. Mag ibang nag-vi-video pa gamit ang kani-kanilang cellphone. Tapos dahil medyo pagabi na niyon ay may pa-fireworks pa si Nicholas pero simple lang. Hindi engrandeng fireworks na parang sa SEA Games ang level. Saka ilang seconds lang. “Mrs. Ivana Ramos Cuenca!” Kinikilig niyang banggit sa magiging pangalan niya oras na maikasal na siya kay Nicholas. “Bet!” tili ni Ivana. Aba, bukod sa mahal na mahal niya si Nicholas ay masaya rin siya dahil siguradong ang daming babae at bakla ang mai-imbyerna sa kaniya kapag naikasal na siya kay Nicholas. Dahil ang boyfriend niya lang naman ay isa sa mga pinaka gwapo at pinagpapantasyahan dito sa lugar nila sa Sto. Tomas, Batangas. Oo, totoo `yan. Walang halong pagsisinungaling. Hindi niya iyon sinasabi dahil sa boyfriend niya ito. Matangkad si Nicholas. Six feet and one inches ang height. Medium built ang katawan na may kaunting pa-abs. Ang kulay ng balat nito ay may pagka-moreno kaya lalaking-lalaking tingnan. Strong ang features ng mukha ni Nicholas. Matangos ang ilong, medyo bilugan ang mata at makapal ang kilay. Prominent jaw line. Pak na pak talaga! Manipis pa ang labi at mapula. Malambot dahil ilang beses na niya iyong nahalikan kaya alam niya. In short, super gwapo talaga! Muntik nang mapatalon sa gulat si Ivana nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya at pumasok ang bestfriend niyang si Yssa. “Ghorl! Grabe! Viral ka na!!!” tili nito sabay sampa sa kama niya. Tumabi ito ng higa sa kaniya. Kapitbahay niya lang sina Yssa. Sabay silang lumaki at parating magkaklase noong nag-aaral kaya naging malapit silang dalawa sa isa’t isa. Ang tanging kasama na lang nito sa bahay ay ang nanay nito. Nagtatrabaho si Yssa sa isang manufacturing company. Secretary ito ng manager doon. Habang siya naman ay nagbebenta ng make-up, perfume at damit na pambabae online. Meron siyang online store. Nag-va-vlog din siya sa Youtube. Halos puro make up tutorial ang videos na ina-upload niya. Sa kasalukuyan ay hindi pa ganoon karami ang subscribers niya kaya hindi pa ganoon kalaki ang kinikita niya sa vlogging. Balang araw ay gusto niyang magkaroon ng sariling brand ng make up. “Viral? Ako? Bakit?” Nagtataka niyang tanong. Maarteng itinirik ni Yssa ang mga mata. “Duh! Oo, ikaw nga! Nakakagigil `yang kagandahan mo kasi!” At pabiro itong umirap. “Ay, iyan na ang hindi nakakapagtaka. Alam ko na iyan na maganda ako!” Hindi naman sa pagbubuhat ng bangko ay maganda talaga siya. Mestisa siya at sexy ang pangangatawan. Kahit hindi ganoon katangkad ay masasabi niyang hindi iyon kabawasan sa kagandahan niya. Five feet and four inches ang taas niya. Mahilig siyang magsuot ng high heeled-shoes kaya nadadaya niya ang kaniyang height. Isa sa mga tinitingnan ng kalalakihan sa kaniya ay ang dibdib niya na may kalakihan. Maliit ang mukha ni Ylona. Medyo malaki ang mga mata at may malalantik na pilik-mata. Matangos ang ilong at ang kaniyang labi ay natural na pouty. Katulad ni Yssa ay wala na rin siyang tatay. Nagpakamatay ito limang taon na ang nakakaraan. “`Yan na nga ba sinasabi ko, e!” Umupo na si Yssa. “Hindi iyang beauty mo na namana mo sa akin ang viral kundi ang proposal ni Nicholas sa iyo!” “What?” “Mag-sss ka kaya nang makita mo para hindi ka tanong nang tanong, `no!” Hindi na nagsalita si Ivana. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at doon ay nalaman niyang isang netizen ang nag-upload ng video ng proposal ni Nicholas sa kaniya at meron na iyong one million views sa loob ng isang oras pa lang. Pati ang comments at reactions sa naturang video ay dagsa din. May mga friends siya na nag-tag sa kaniya sa comment section kaya may ilang nag-message sa kaniya. Kino-congratulate siya at si Nicholas. Maraming kinikilig at tuwang-tuwa sa video na iyon. Halos nakalimutan na niya si Yssa at panay na lang ang basa niya sa comment sa video na iyon. “`Di ba? Bongga!” ani Yssa nang umupo na rin siya. “This is it, Yssa!” “Anong this is it?” “Ito na ang matagal ko nang hinihintay na chance para dumami ang subscribers ko sa channel ko sa Youtube!” Agad siyang nag-comment sa video at nagpasalamat siya. Siyempre, hindi niya kinalimutang i-promote doon ang kaniyang Youtube channel. “Alam mo, siguro hindi na lang puro make up tutorial ang gagawin ko. Dapat ay mag-daily vlog na rin ako. Iyong parang lifestyle vlogging ba iyon?” “Bet ko `yang idea mo, ghorl! Isama mo ako sa mga video mo soon, ha! Malay mo may makakita sa akin na talent manager tapos kunin akong artista. Dream ko iyan matagal na, e.” “Of course naman. Kasama ka talagam ghorl! Saka gagawa na rin ako ng mga challenge-challenge. Naku, thank you naman sa pag-viral ng video ko na iyon. Dadami na ang subscribers ko at pati ang pera!” Masaya niyang tili. “Oo nga pala, ghorl, maiba ako. Ano na pala ang plano ninyo ni Nicholas after ng viral proposal?” “`Ayon, wedding na ang kasunod, siyempre! Sabi niya ay aasikasuhin na namin sa susunod na araw ang kasal naming dalawa. May tatlong buwan pa kami para mag-prepare. Bakit ba?” “Hmm… Hindi sa minamaliit ko si Nicholas, ha. Pero, `di ba, ang work niya ay supervisor sa factory. Hindi ganoon kalaki ang sahod ng supervisor kasi nagtatrabaho ako sa manufacturing company. Kaya ba niyang isakatuparan ang dream wedding mo?” Sandaling natigilan si Ivana. May point ang sinabi ng kaibigan niya. Palagi niya kasing sinasabi kay Nicholas ang dream wedding niya. Gusto niya ay beach wedding tapos nakasuot siya ng magandang wedding gown. Tapos sa beach resort na rin ang reception. Tapos gusto niya ay puro white roses kasi iyon ang gusto niyang bulaklak. Maraming handa at may bonggang pa-giveaway sa mga bisita. Sa madaling salita, gusto niya talaga ay isang bonggang kasalan. Hindi rin pwedeng mawala ang prenup video nila ni Nicholas at ang wedding video. Kailangan ay meron silang videographer at mahusay na photographer. Gusto niyang meron siyang magandang video at pictures ng kasal nila. Iyon ang uso ngayon, e. Lalo na iyong prenup videos. Isang beses lang kasi iyong mangyayari sa buhay niya kaya ang gusto niya ay magarbo na. Saka iyong hindi niya talaga makakalimutan. Iyong tipong kakainggitan siya ng lahat ng kababaihan dahil sa kasal na iyon. `Yong kahit lumapit man lang sa level ng kasal nina Marian Rivera at Dingdong Dantes! “O-oo naman. Ang sabi ni Nich ay nakapag-ipon na siya. Saka alam niya ang dream wedding ko kaya alam niya ang mga ini-expect ko sa kasal naming dalawa,” sagot ni Ivana kahit hindi siya sigurado. Ngunit totoo na sinabi ni Nicholas sa kaniya na nakaipon na ito ng pera para sa pagpapakasal nila. Sinabi nito pagkatapos nitong mag-propose sa kaniya. Iyon nga lang ay hindi siya sigurado kung kasya ba ang naipon nitong pera para sa kasal na gusto niya. “Very good pala! Super excited na ako sa wedding mo, ghorl! O, alam mo na, ha? Bridesmaid!” “`Matic na iyan, ghorl! Ikaw lang kaya ang BFF ko. May choice pa ba ako?” “Gaga ka talaga!” At sabay silang nagkatawanan.   ABALA si Nicholas sa pagbibilang ng pera sa kaniyang kwarto ng gabing iyon. Kanina ay winithdraw na niya ang lahat ng ipon niya mula sa kaniyang bank account. Para ma-budget na niya nang maayos ang kaniyang pera. Bukas ay pupunta na kasi sila ni Ivana sa gagawa ng wedding gown nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na engage na sila ng kaniyang nobya at ilang buwan na lang ay ikakasal na silang dalawa. Kinakabahan talaga siya ng araw na mag-propose siya dito. Baka kasi tanggihan siya nito. Natatakot siya dahil baka hindi pa handa si Ivana. Pero para sa kaniya ay ito na ang tamang panahon para magpakasal na sila. Limang taon na rin kasi ang relasyon nila at sigurado na siyang ito ang nais niyang makasama hanggang sa pagtanda. Sa totoo lang ay marami ang nagsasabi na bakit pinagtitiisan niya si Ivana gayong hindi daw match ang ugali at personality nila. Loud at masayahin kasi si Ivana habang siya ay tahimik at medyo seryoso. Tapos materialistic din daw si Ivana dahil kahit hindi mayaman ay panay ang bili nito ng mga kung anu-ano kahit hindi importante. She’s being a girl. Iyan ang palagi niyang katwiran sa mga “bumabatikos” sa kaniyang girlfriend. Tanggap niya si Ivana sa kahit na sino ito. Sanay na siya sa ugali nito kaya wala na iyon sa kaniya. Kaya gusto na rin niyang maikasal sila ay iniisip niyang magbabago ito kapag mag-asawa na sila. Mag-iiba ang priorities nito lalo na kapag meron na silang anak. Napailing si Nicholas matapos niyang kwentahin ang pwede niyang gastusin sa kasal nila ni Ivana. Paano ay kakapusin siya lalo na at alam niya ang gustong kasal ni Ivana. Beach wedding. Renta pa lang sa resort ay sobrang mahal na. “Anak…” Naramdaman niya ang isang kamay sa kaniyang balikat. Kahit hindi siya lumingon ay alam niya ang tatay niya iyon. “`Tay, bakit po?” Humila ito ng isang upuan at tumabi sa kaniya. Humarap siya sa ama at mukhang gusto siya nitong makausap. “Nagkausap kasi kami ng nanay mo. Masaya kami na ikakasal ka na sa babaeng mahal mo.” “Salamat po!” “Kaya lang ay nababahala kami kasi baka hindi ka pa handa. Hindi sa kung ano man kundi sa pinansyal. Kaya kung kailangan mo ng tulong sa gastusin ay magsabi ka lang sa amin. Pwede naming ibenta ang sakahan at kalabaw—” “Tatay, hindi. Hindi ninyo kailangang gawin iyan. Ang maliit na lupa na lang ang ikinabubuhay ninyo kaya hindi ako papayag na mawala iyon sa inyo. Kaya ko po ito. Wala po kayong dapat ipag-alala sa pera. Tingnan ninyo, nakaipon na ako ng almost half million, `tay!” Ngumiti siya para makita nito na ayos lang siya. “Ang sa amin lang ay kapag kinapos ka. Magsabi ka lang.” Tumango si Nicholas. “Sige po, tatay. Maraming salamat sa inyo ni nanay. Hayaan ninyo at hindi ko kayo kakalimutan kahit na may pamilya na ako. Tutulong pa rin po ako sa gastos ninyo dito sa bahay,” aniya. Lumaki si Nicholas sa isang simpleng pamilya. Noon ay mahirap talaga ang buhay nila. Medyo nakaahon sila sa hirap nang ibigay ng kapatid ng nanay niya ang lupang sinasakahan ng tatay niya ngayon. Nagtatanim ito at ang nanay niya ng mga gulay doon at ibinebenta sa palengke. Meron siyang dalawang nakakabatang kapatid. Isang babae na Grade 10 at isang lalaki na anim na taon pa lang. Kaya naman nagsumikap siyang makatapos noon sa pag-aaral sa kursong industrial engineering. Kaya lang ay hindi na talaga kaya ng mga magulang niya na pagtapusin siya. Sa ikalawang taon niya sa kolehiyo ay huminto na siya at nagtrabaho. Sa kasalukuyan ay isa siyang supervisor sa factory ng potato chips. Hindi ganoon kalaki ang sahod pero nagagawa niyang makapag-ipon dahil sa matipid siyang tao. Alam niya kasi ang priority niya at iyon ay ang kaniyang pamilya at ang kasal nila ng kaniyang nobya. Si Nicholas ang klase ng lalaki na hindi gaanong mahilig sumama sa barkada. Meron siyang mga kaibigan ngunit kakaunti lang at wala siyang masasabing bestfriend. Wala rin siyang bisyo gaya ng paninigarilyo, pag-iinom o pagsusugal. Umiinom siya pero sobrang dalang lang. Hindi siya katulad ng iba na every weekend ay lumalabas at nag-iinom. Inilalaan niya ang kaniyang kinikitang pera sa kaniyang priorities. Wala siyang pakialam kahit pa sabihan siya ng mga katrabaho niya na kuripot. Lalo na ng nakalipas na isang taon. Matindi ang pagtitipid na ginawa niya. Iyon ay upang makapag-ipon siya ng mabilis. At hindi siya nagsisisi sa ginawa niyang pagtitipid dahil nagbunga iyon ng maganda. Pumayag si Ivana na magpakasal sa kaniya! Hindi na siya makapaghintay na magpalitan sila ng “I do” sa harap ng dambana ng Panginoon. Ngayon pa lang ay naiisip na niya na magiging maganda ang kanilang buhay pagkatapos ng kasal. Mas lalo siyang magsisikap para dito at sa mga magiging anak nila sa hinaharap. Lumabas na rin ang tatay ni Nicholas ng kwarto niya. Naisip niya na magkakasya ang perang meron siya ngayon kung maghahanap siya ng mga mas murang paggagawaan ng wedding gown at iba pang kailangan para sa kasal. Tama. Ganoon na lang ang gagawin niya. Sigurado naman siya na maiintindihan siya ni Ivana…  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unexpected Romance

read
38.5K
bc

My Nerd Ex-Wife(Tagalog)

read
9.6M
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.5K
bc

Unwanted

read
511.5K
bc

Broken Angel

read
3.9K
bc

Love Donor

read
86.9K
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
216.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook