bc

Z+

book_age0+
999
FOLLOW
2.2K
READ
others
dark
comedy
twisted
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

(TAGALOG STORY)

(Z+ lit. Z Positive)

Dahil sa paglala ng kaso ng HIV at AIDS sa Pilipinas ay naging agresibo ang mga Filipino scientist sa pagtuklas ng gamot sa sakit na ito. Ngunit imbes na lunas ay panibagong virus ang nabuo nila. Isang virus na tinawag nilang Z-virus dahil lahat ng taong makapitan nito ay nagiging zombie.

Dito mag-uumpisa ang kwento ni Paloma na immune sa naturang virus at maaaring "cure" sa Z-virus!

chap-preview
Free preview
Chapter 01
NOTE: BAGO KA MAGSIMULANG MAGBASA, BASAHIN MO MUNA ITO. ALAM KO, SASABIHIN NINYO NA KATULAD ITO NG TV SERIES NOON SA GMA-7 NA "THE CURE". PERO PARA SA KAALAMAN NG LAHAT, ANG "THE CURE" AY 2018 NAGSIMULA HABANG ITONG "Z+" NAMAN AY 2016 KO PA GINAWA. NAHINTO AKO AT ITINULOY KO NOONG 2017 AT NATAPOS KO NG PAREHONG TAON. KAYA IMPOSIBLENG GINAYA KO ITO SA "THE CURE" DAHIL MAS NAUNA ITO DOON. MARAMING SALAMAT... DALAWANG bakla na putok na putok ang make-up at halos labas na ang kaluluwa sa mga suot na damit ang naglalakad sa madilim na kalye. May mga poste naman ng ilaw sa gilid ngunit karamihan sa mga iyon ay walang sindi. Pauwi na sila galing sa isang gay beauty contest sa kabilang baranggay. Tahimik na ang buong paligid at wala nang mga tao sa labas. Lahat ng bahay na nadadaanan nila ay sarado na at patay na rin ang mga ilaw. Halos hatinggabi na rin kasi kaya ganoon. “Hay! Ang dilim talaga sa kalyeng ito! Nakakatakot! Baka mamaya ay magahasa pa ako!” Himutok ng baklang mataba. Bitbit nito ang malaking bag na naglalaman ng mga gown at iba pang ginamit nito kanina sa contest. “Wow naman, Chabeng! Gahasa talaga? Holdap pa maniniwala ako! O kaya baka litsunin ka! Saka sa laki ng mukha mo, matatakot sa iyo ang kriminal!” Panlalait ng kasama ni Chabeng na bakla sa kanya. “Mahiya ka naman sa balat mong marumi, Fiona! Makapanglait ka naman!” aniya sabay irap. “Pero nanggigigil talaga ako doon sa nanalo. Hindi siya deserving! Dinala sa ganda, lagapak naman sa Q and A! Mas magaling pa ako doon sumagot!” “Agree. Agree! Pero beauty contest kasi sinalihan natin hindi quiz bee kaya kahit maganda ang answer natin, wapak pa rin tayo. Move on na lang. Malay mo, swertihin tayo sa mga susunod na araw. Hindi natin alam--” Hindi na natapos ni Fiona ang sasabihin nito dahil bigla niyang tinakpan ang bibig nito. Naiinis naman na inalis ni Fiona ang kamay niya. “Ano ba, Chabeng?! Ang baho ng kamay mo! Saan mo ba 'yan hinawak? Nakakadiri!” “Fiona, hindi na natin kailangang hintayin ang susunod na araw para swertihin! Look!” Itinuro niya ang isang matangkad na lalaki na naglalakad sa direksyon nila. Nanginig ang mga taba niya sa katawan sa sobrang excitement. Sa palagay kasi ni Chabeng ay lasing ang naturang lalaki dahil walang pagewang-gewang ang paglalakad nito. Nakayuko pa pero sigurado siyang gwapo ito. Maputi at matangkad. Pinanuyuan tuloy siya ng lalamunan. Napahawak si Fiona sa malaki niyang braso sabay yugyog. “Bet! Malayo pa lang pero mukhang yummyness na. Akin siya!” “Anong sa iyo? Ako unang nakakita sa kanya kaya he is mine!” “Sige, share na lang tayo. Gaya ng dati.” “Pero mauuna ako, ha? Magkano ba pera mo diyan? May fifty pa ako dito.” Kinapa ni Fiona ang bulsa nito habang nakatingin sa taas. Isang bente pesos na papel ang ipinakita nito sa kanya. Kinuha niya iyon. Sapat na siguro ang perang iyon na pambayad sa lalaking iyon. Iyong iba nga, payag na yosi lang, e. Malapit na sa kanila ang lalaki kaya naman todo pa-cute na silang dalawa. Inililis pa niya pataas ang suot na shorts at ipinakita ang legs. Si Fiona naman ay nagpabango pa talaga at ginulo ang buhok para daw animalistic. “Hi, pogi!” tawag ni Chabeng sa lalaki nang halos dalawang dipa na lang ito sa kanila. “Gusto mo bang kumita ng pera? Sama ka sa amin sa house.” “Oo nga, pogi. Hihiga ka lang, pagbangon mo may pera ka na!” segunda naman ni Fiona. Naghagikhikan silang dalawa nang huminto ang lalaki sa harapan nila. Wala silang narinig na sagot dito kundi ungol lamang. Kinalabit siya ni Fiona. “Parang adik naman yata iyan. Umalis na lang tayo, Chabeng. Afraid na me…” bulong pa nito. “Adik ka diyan? Akong bahala. Baka lasing lang. Sandali…” Nilapitan na niya ang lalaki. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito. Sobrang lamig ng mukha nito pero hindi na niya iyon pinansin. Marahan niyang iniangat ang mukha ng lalaki upang makita iyon. “Patingin naman ng mukha mo. Alam ko sobrang pogi mo-- Waaahhh!!! Halimaaaw!!!” Halos himatayin si Chabeng nang makita niya ang kahindik-hindik na hitsura ng lalaking pinagpapantasyahan nila ni Fiona. Maputla ang buong mukha nito at parang hindi natulog ng isang taon sa laki ng eyebags. Tuklap ang labi nito at naka-expose ang ngipin. Pagtakbo ni Chabeng ay nabunggo niya si Fiona na takot na takot rin. Natumba silang dalawa at hindi pa man sila nakakatayo ay sumugod na ang lalaki sa kanila. Agad niyang iniharang si Fiona nang makita niyang kakagatin siya ng lalaki. Nakagat ng lalaki ang kasama niya sa leeg. Mabilis siyang tumayo at napaatras. “'Wag kang lalapit… Hindi ako masarap! Puro ako cholesterol!” Nakita niya si Fiona na nawalan ng malay. Maya maya ay nagkikisay ito na parang bulateng nilagyan ng asin. Pagbangon ni Fiona ay kamukha na ito ng lalaki. Maputla ang mukha, may eyebags at naglalaway. “Diyos ko! Totoo nga yata ang kumakalat na tsismis na may zombie dito sa Pilipinaaas!!!” sigaw ni Chabeng at nagtatakbo siya palayo. Ngunit agad din siyang napahinto nang salubungin siya ng mas marami pang zombies. Napaupo na lang siya at napaiyak. “Katapusan ko naaa!!!” Palahaw niya. Wala na siyang nagawa nang dumugin na siya ng zombies at pagpiyestahan ang kanyang katawan! -----***----- “AIM… Shoot and… Bang!” Kasabay ng huling salita na binitawan ni Paloma ay pi-null na niya ang trigger ng hawak niyang rifle. “'Yon naman, o! Bull’s eye! Sapol na sapol!” Proud na proud na iniunahan niya ang kanyang malaking dibdib habang tinitignan ang zombie na natamaan niya sa ulo gamit ang baril na hawak. Nasa rooftop siya ng isang mall. Isang zombie na naman sa ibaba ang inasinta niya sa ulo. Pagputok niya ng rifle ay sapol na naman iyon sa ulo. Sumabog ang dugo at utak nito sabay tumba. Ibinaba niya ang rifle sa kanyang tabi sabay palakpak habang tuwang-tuwa na sumigaw. “Yeees!!! Finally, I can shoot zombies na with flying colors-- I mean bullet! Yeah!” Mala-Rufa Mae Quinto na sabi pa niya. Paano ba naman siya hindi matutuwa, e, kanina pa kasi siya nasa rooftop ng mall na iyon at namamaril ng mga zombies na nagkalat sa ibaba at labas ng mall pero kahit isa ay wala siyang matamaan. Parang nag-aaksaya lang siya ng bala, 'di ba? Wala naman kasi siyang alam sa paghawak ng baril. Ngunit kailangan niyang matutunan ang tamang paggamit niyon upang makaligtas sa uri ng environment na meron ngayon sa Pilipinas. Isang bagay lang naman ang expert siyang hawakan. Isang bagay na matigas… Isang bagay na malamig pero kapag hinihimas ay umiinit din naman. Oh, ang green naman ng iniisip niyo, ha! Ang tawag sa bagay na iyon? Pole. Oo, pole. Pole dancer kasi si Paloma sa isang tagong night club sa Quezon City. Prostitute, magdalena, pokpok. Iyon ang tawag sa kanya ng mga tao. Noon. Noong hindi pa nagkakaroon ng zombie sa Pilipinas. Noong sumasayaw pa siya sa pole upang aliwin ang mga lalaking naglalaway at tinitigasan habang pinapanood ang malaswa niyang pagsasayaw. Halos isang linggo na rin pala ang nakakalipas simula nang kumalat sa Pilipinas ang kakaibang virus na kung tawagin ay Z-Virus na ginagawang zombie ang lahat ng taong madapuan nito. Oras na makagat ka ng zombie, wala na… Wala nang pag-asa. Maipapasa na agad sa iyo ang virus at magiging carrier ka na rin ng Z-Virus! Pinapatay ng virus ang utak ng isang tao at kapag nabuhay itong muli ay matatakam ka na sa laman ng tao. Akala nga ni Paloma noon ay sa movies lang iyon nangyayari pero nagkamali siya… kahit pala sa realidad ay mangyayari iyon. Sa tingin niya kasi ay masyadong naging matalino ang mga tao kaya pati virus na pwedeng maging dahilan para maubos ang tao sa mundo ay naimbento na. Para kay Paloma, kasalanan ito lahat ng mga pesteng scientist! Masyadong nagmamagaling sa pagtuklas sa gamot sa sakit na HIV at AIDS. Ayon, kung anu-anong gamot ang inimbento ng mga ito hanggang sa natuklasan na daw ng mga ito umano ang gamot sa naturang sakit. On national TV, live pa talaga ay brinoadcast ng mga scientist ang pag-inject ng gamot sa babaeng may HIV. Pero imbes na gumaling ang babae ay sumuka ito ng dugo. Nangitim nang bahagya ang balat, namula ang mga mata at namutal ang buong mukha na parang naubusan ng dugo. Sariwa pa rin sa isip ni Paloma ang pangyayaring iyon. Nakatambay siya noon sa paborito niyang sari-sari store at pinapanood iyon sa TV. Wala kasi siyang TV sa apartment kaya nakikinood lang siya. Wala siyang budget para pambili ng appliances dahil sa renta, tubig at kuryente pa lang ay ubos na ang kinikita niya sa pagsasayaw. Nasa labas siya ng sari-sari store, nakatuwad pa nga siya habang busy ang mga manyak na kalalakihan sa pagsilip sa kuyukot niya pero wala akong pakialam kahit tigasan pa ang mga manyak. Isa pa, wala naman siyang dapat ikahiya dahil makinis at maputi ang kuyukot niya. Mabango pa! Ang pokus ni Paloma ay naroon sa nangyayari sa telebisyon. Nang magising ang babaeng tinurukan ng gamot daw sa HIV ay nagwala ito. Nangagat, nangalmot, nanipa, nanakit iyon ng kahit na sinong makikita nito. Lahat ng nakagat ng babae ay naging katulad nito. Nangangagat na rin sila, nangangalmot at kumakain na rin ng laman ng tao! At doon na nga nag-umpisa ang pagdating ng impyerno sa bansang Pilipinas. Nakakalungkot mang isipin ngunit mabilis na kumalat ang Z-Virus. Ang bilis makahawa. Nakakatakot. Lahat ng tao sa Pilipinas ay nabahala sa sarili nilang kaligtasan. Lahat ay inisip na katapusan na ng mundo at umpisa pa lamang iyon sa paniningil ng Diyos. Sa loob lang ng limang araw ay kumalat na ang Z-Virus sa Luzon, Visayas at Mindanao. Mula Aparri hanggang Jolo. Agad namang humingi ang Pilipinas ng tulong sa iba’t ibang bansa. Ngunit sa takot ng ibang bansa na mahawa sila sa “sakit” na kumakalat sa Pilipinas ay isinara nila ang kanilang pinto sa Pilipinas. Tila may malaking harang silang inilagay sa paligid ng Pilipinas para hindi kami makalabas. Ang ganda, 'di ba? Nakakaloka na nakakaloko! Samantalang ang alam naman ni Paloma, aktibo ang Pilipinas sa pagtulong sa ibang bansa kapag ang mga ito ang nangangailangan tapos ngayong ang Pilipinas naman ang may kailangan ay tinalikuran ito ng lahat ng bansa. Pero sa kabilang banda, hindi rin naman niya masisisi ang mga ito. Marahil ay pinoprotektahan lamang ng ibang bansa ang mga tao na nakatira dito. Minsan, naiisip rin niya na hindi niya pwedeng isisi sa mga siyentipikong Pilipino ang lahat. Year 2018 na kasi ngayon at ngayong taon na ito ay lumubo ng halos eighty percent ang kaso ng HIV/ AIDS sa bansa. Grabe, 'di ba? Bakit ba kasi tamad na tamad gumamit ng condom ang mga Pinoy? Oo, masarap kapag skin to skin pero dapat safety first muna. Kaya naging agresibo silaang mga scientist sa pag-imbento ng gamot para dito. Napanood iyan ni Paloma sa balita, 'wag kayong ano! Pero imbes na solusyon ang maibento ay katakot-takot na problema pa. Literal na katakot-takot. Zombie. Rawr! Sino ba naman ang hindi matatakot sa mga zombies na nagkalat sa daan na kapag nakakita ng tao ay hindi pwedeng hindi ka patayin at kainin? Walang kabusugan ang mga ito. Basta may tao, kakain. Kaya para sa mga zombies, ang Pilipinas ay isang malaking buffet! Eat all you can ang peg! Taray naman ng mga zombies. Samantalang silang mga buhay talaga ay nagtatago, nahihirapan sa paghahanap ng makakain. Hindi naman pwede na kainin din nila ang mga zombies kagaya ng ginagawa ng mga ito sa mga tao.. Gantihan lang, gano’n? Eww! Kadiri 'yon. Hay… kaya nga ang katulad niyang pabebe at mahinhin noon ay natutong lumaban. Ayaw niyang mamatay na nilalapa ng mga zombies. Lalaban siya hanggang sa huling hininga niya! Fight, fight, fight! Sabi nga ng idol niyang si Rufa Mae Quinto. Pero seryosong usapan, natatakot din naman si Paloma katulad ng iba. Siyempre, ano ba naman ang laban niya sa mga zombies? Walang sinasanto ang mga ito. Mas marami na nga yata ang zombies kesa sa mga tao, e. Katulad na lang ngayon sa labas ng mall. Parang may dagat ng mga zombies. Mabagal na naglalakad nang walang direksiyon. Parang high na high sa droga ang mga loko! Pero kapag nakakita iyan ng buhay na tao, akala mo ay mga patay-gutom sa pagtakbo at pag-aagawan. Naalala na naman ni Paloma ang babaeng ginamit ng mga scientist para pag-testingan ng gamot daw sa HIV. Kilala niya kasi ang naturang babae at alam niya na positive ito sa HIV kaya nga iyon ang perfect na pagtestingan ng naimbentong gamot daw sa HIV at AIDS. Paano ba naman niya hindi makikilala ang babaeng iyon, e, kasama niya ito sa apartment na tinitirhan niya? Naalala pa niya ang huling beses na nagkausap sila nito… Mainit ang ulo na umuwi si Paloma ng umagang iyon mula sa night club kung saan siya nagtatrabaho. Paano ay nabastos na naman siya ng mga manyak sa club. Ang akala siguro ng lahat, porket pokpok siya ay magpapabastos na lang siya nang hindi pumapalag! Babae pa rin siya kahit ganoon ang kanyang trabaho. Isa siyang babaeng may dignidad at paggalang sa sarili! Siyempre, nang pumalag siya napagalitan siya ng manager nila. Hayaan lang daw niya ang mga manyak na bastusin siya dahil kasama daw iyon sa trabaho niya. Leche, 'di ba? Leche talaga! Leche! “Paloma, anak… Huwag mo naman akong ikulong dito sa bahay. Gusto ko rin namang lumabas paminsan-minsan at makipagkwentuhan sa mga kapitbahay natin sa labas.” Iyon agad ang isinalubong sa akin ng babaeng iyon. “Bahay ka diyan! Apartment ito! Saka lalabas ka lang para makipagtsismisan? Hindi ka na nga nakakatulong dito, iyan pa talaga uunahin mo!” Pabalang na sagot niya sabay upo sa may kama habang nagtatanggal ng sapatos. “Hindi lang naman iyon. Gusto kitang tulungan sa pagtatrabaho, anak…” Tumingin si Paloma sa babaeng iyon. May galit at hinanakit sa kanyang magagandang mata. “Paano mo ako tutulungan? May HIV ka. Sinong tarantado ang tatanggap sa isang katulad mo?” Hindi ito nakapagsalita. Pero may naisip siya bigla. Naalala niya iyong binalita sa telebisyon. Naghahanap daw ang grupo ng mga Pilipinong scientist ng isang tao na positibo sa HIV upang pag-testingan ng gamot na iimbentuhin ng mga ito kapalit ang kalahating milyon! Napakalaking halaga na niyon para sa isang katulad niyang dukha. Kaya naman walang pagdadalawang isip na ibinigay niya sa mga scientist ang naturang babae na walang iba kundi ang sarili niyang ina. Ang babaeng nagluwal at nagbigay ng buhay sa kanya, ang babaeng nagpalaki, nag-aruga at nagmamahal sa kanya ng totoo. Ipinagamit niya sa ibang tao para pag-eksperimentuhan. At ito ang taong kauna-unahang naging carrier ng Z-virus. Nakuha naman niya agad ang kalahating milyon. Actually, naroon iyon siya sa loob ng dala niyan backpack na nasa tabi lang din niya. Pero, ano bang silbi ng pera sa ganitong sitwasyon? Ano bang value nito? Wala. Dahil mas importante sa ngayon ang diskarte… Diskarte kung paano ka magsu-survive laban sa mga gutom na zombies. Diskarte kung paano mo mauubos ang zombies. Diskarte kung paano mo mapipigilan ang pagkalat ng Z-virus! Wala nang halaga ang pera ngayon. Muling kinuha ni Paloma ang kanyang rifle at ipinatong iyon sa kanyang balikat. Akala mo ay isang bida sa isang action film kung makatindig siya habang tinatanaw ang mga zombie. Finorward niya ang kanyang dibdib at fi-neel ang hanging humahampas sa kanyang mukha. “Alam ko, mahirap ang mag-isa pero I have to survive this! I have to. At hinding-hindi ako makakapayag na mamamatay ako ng virgin! Never! Not! No!” Madamdaming sigaw pa ni Paloma. TO BE CONTINUED…

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

NINONG III

read
364.2K
bc

PLEASURE (R—**8)

read
57.8K
bc

Paid By The Billionaire (ZL Lounge Series 03)

read
237.1K
bc

Married At Eighteen ( R18+ )

read
760.6K
bc

My Possessive Boss (R18 Tagalog)

read
572.8K
bc

My Innocent Boyfriend(TAGALOG SPG18+)

read
382.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook