bc

That Oinky Love Story

book_age0+
709
FOLLOW
2.5K
READ
comedy
sweet
bxg
like
intro-logo
Blurb

Don't judge a book by its title! Ang kwentong ito ay hindi kababuyan. Ito ay tungkol kay ELLA PANTI na mataba. Isang magic red lipstick ang ibibigay sa kanya ng isang fallen angel which turn her into sexy and beautiful lady...

chap-preview
Free preview
CHAPTER 01
BUKAS ang aircon sa kwarto pero bigla akong pinagpawisan nang buksan ko ang isang email mula sa unknown sender. Nakalagay doon na one month mula ngayon ay gaganapin ang grand high school reunion namin sa isang kilala at sosyal na hotel sa Manila. Busy’ng busy kasi ako kanina sa pagsusulat ng latest novel ko tapos tumayo lang ako sa harap ng laptop para kumuha ng donut sa mini-refrigerator tapos pagbalik ko ay nag-pop-up ang naturang email. Pinanghinaan ako bigla ng loob. Ang drive ko sa pagsusulat ay sandaling nawala dahil namrublema ako bigla. Napatingin ako sa hawak na donut sabay tingin sa malaking salamin sa tabi ko. Nakita ko ang aking bilog na mukha at matambok na pisngi. Ang aking dalawang baba na nakikipagpaligsahan ng laki sa aking eyebags. Hindi naman ako singkit pero dahil sa nagsusumiksik na taba sa mukha ko ay naging ganoon na ako. Hindi rin naitago ng over-sized shirt na suot ko ang mataba kong katawan. Nagsusumigaw ang tatlong layer ng bilbil ko. Sumisigaw ang mga ito: “Tama na ang pagkain, Ella! Ipit na ipit na kami! Ipit na ipit!” Ibinagsak ko ang donut sa sahig. Hindi ako pwedeng pumunta sa high school reunion na ganito ang aking hitsura. Baka pagtawanan na naman ako ng mga hinayupak kong kaklase. Tawagin na naman nila ako ng: “Ella Panti, elepante!”. Bakit ba naman kasi Ella pa ang ipinangalan ng mga magulang ko sa akin? Swak na swak tuloy sa laki ko. Napredict ba ng nanay at tatay ko habang nasa kasarapan ang mga ito ng paggawa sa akin na magiging mataba ako kaya ganoon ang ipinangalan nila sa akin? Leche! Bakit ba kasi hindi ko naisip na after ten years na maka-graduate sa high school ay magkakaroon kami ng reunion ng batch namin? Bakit ba hindi ko pa sinimulan noon ang pagda-diet at pag-e-exercise? Naisipan kong tumayo at nagpunta sa medicine cabinet. Kinuha ko ang slimming pills na nabili ko sa kanto noong isang araw. Isa pa lang ang bawas niyon. Unang subok ko pa lang ng naturang pills ay hindi ko na nagustuhan ang epekto dahil nagtae lang naman ako nang bonggang-bongga. Siguro nga, oras na para seryosohin ko na ang pagpapayat. Kumuha ako ng tatlong slimming pills. Napailing ako. Kulang pa ito. Dinagdagan ko pa ng sampu dahil hindi ako nakuntento. Kailangan kong pumayat ng mabilis sa loob ng isang buwan. Kumuha ako ng isang basong tubig, inilagay ang lahat ng slimming pills sa bunganga at inubos ang tubig sa baso. ANG sumunod na ingay na narinig ko ay ang palahaw ng bakla kong bestfriend na si Pepita. Matapos kong laklakin ang napakaraming slimming pills ay nahilo ako at nagsuka nang nagsuka. Nawalan nang malay at ngayon, heto ako. Nakahiga sa stretcher at isinusugod ng mga nurse sa emergency room. “Ella! Bakit ka nagpakamatay?!” Akala mo ay isang best actress na iyak ni Pepita. Hindi na siya nahiya. Talagang isinugod niya ako dito sa hospital na putok na putok ang make-up. Sigurado ako na siya ang nakakita sa akin sa bahay na inuupahan namin habang ako ay nakabulagta at bumubula ang bibig. At alam ko rin na bago niya ako isinugod sa ospital ay nag-make up pa siya. Hindi kasi siya lumalabas ng bahay nang walang make up dahil mukha siyang multo. Walang kilay at maputla ang balat. At ang gaga niya lang talaga, ha! Inakala niya talaga na nagpakamatay ako. Nakakahiya. Baka isipin ng mga nurse na nasa paligid ko na nagpakamatay ako dahil sa sobrang taba ko. Kung hindi lang ako nanghihina, bibigwasan ko talaga ng tatlo sa mukha si Pepita. Kahit kailan talaga ay walang preno ang bunganga niya! NAPAKUNOT ang aking noo nang makita ko ang bill ko sa hospital. Palabas na ako at kasama ko si Pepita. May nakita kasi ako sa ibaba ng bill ko sa ibaba. May one thousand pesos na naka-note doon. “Pepita, para saan itong one thousand?” tanong ko sa kanya. Nasa labas na kami at naghihintay ng tricycle pauwi. “Ah, `yan ba? Alam mo kasi, bes, dalawang stretcher ang nasira mo bago ka nadala sa emergency room. Kaloka ka talaga! Kaya may additional fees ka.” Napanganga na lang ako sa sinabi niya. Hindi ko alam iyon, ha! “Oo nga pala, bes… Bakit ka nga pala lumaklak ng slimming pills? Anong meron?” “Siguro, gusto ko pang magpataba lalo!” sarcastic na sagot ko. “Gaga! Alam ko na gusto mong magpapayat! Pero bakit naman parang in an instant ay gusto mong pumayat? I just wonder why…” Akala mo ay si Kris Aquino na ngumuso pa siya sa akin. Nakakairita ang pagi-inarte ni Pepita. Sarap hilahin ng nguso ng baklang ito! “Naalala mo ba iyong ikinukwento ko sa iyo na classmate ko noong high school na si Arkin Andres?” “Ah, `yong crush mo noon. Tapos nang umamin ka sa kanya ay ni-reject ka niya dahil ang baboy mo sa taba noong high school ka!” Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. “Well, hanggang ngayon naman ay majubis ka pa rin, bes. Nothing changes!” “At talagang nilait mo pa ako, ha? Baka gusto mong umuwi tayo ng bahay na kulay ube ka at hindi na humihinga?!” banta ko. “Siya na nga. Si Arkin! Next month kasi ay may high school reunion kami at sinabi ko noon kay Arkin na kapag nag-krus ulit ang landas namin ay hindi ko na siya papansinin dahil payat na ako that time. Itinaga ko iyon sa bato! Gusto ko kapag nagkita kami ulit ay paglalawayan niya ako! Pero, look at me! Ang taba ko pa rin, bes! Kaya nilaklak ko iyong slimming pills!” “Now I know. But I think, maglalaway pa rin naman si Arkin kapag nakita ka niya ulit dahil mukha kang lechon!” Tumawa nang tumawa si Pepita. Hindi na ako nakapagpigil at sinapak ko na siya. Sa lakas ay halos humiwalay na ang ulo sa leeg niya. “Sige! Lait pa more, Pepita! You’re not helping me.” “Ikaw naman, hindi ka na mabiro! Ang sakit no’n, ha! Bakit kasi hindi mo pa inumpisahan ang pagpapayat ten years ago. Talagang ngayon mo lang naisipan gawin iyan. You only one month left at sa tingin mo ba ay papayat ka agad sa loob ng ganoon kaikling panahon? I don’t think so!” Matalim ko siyang tiningnan. “Pwede ba? Be supportive na lang? Ano kaya kung magpa-lipo ako kay Doktora Belo? Magkano kaya magagastos ko?” “Nagpapatawa ka ba, bes? Sa dami ng taba sa katawan mo baka next year pa matapos si Doktora Belo sa pagsipsip ng mga `yan. `Wag ka na lang kasing um-attend sa reunion na iyan kung ganiyan lang din naman pala. Ang dali ng solusyon sa problema mo sa totoo lang! Kaloka ka!” “E, sa gusto kong um-attend! Paki mo ba? Gusto kong ipakita kay Arkin kung ano ang sinayang niya!” sabi ko sabay fierce look. Tinampal-tampal ni Pepita ang pisngi ko. “Bes, gising. Anong ipapakita mo kay Arkin, e, ang taba-taba mo pa rin. Wake up, girl!” Oo nga, ano. Tama si Pepita. Nakikita ko na sa aking imagination na pagtatawanan ako ni Arkin kapag nakita niyang mataba pa rin ako hanggang ngayon. Ang yabang pa naman ng mokong na iyon at ang lakas mang-alaska. Porket alam niyang gwapo siya at crush ko siya ay palagi niya akong inaasar noon. Actually, siya ang nagpasimuno ng tawag sa akin na “Ella Panti, elepante!” Ang gusto ko lang naman ay mag-revenge sa kanya para ipakita na mali siya na binully-bully at tinanggihan niya ako before. Mapagtanim pa naman ako ng sama ng loob. Gaya na lang ng sa mga magulang ko. Kaya nga ako nakabukod sa kanila ay dahil may sama ako ng loob sa kanila. Well, ayokong isipin sa ngayon iyon. Ang dapat kong patuunan ng pansin ay ang high school reunion namin at kung paano ako papayat sa loob ng isang buwan! MAY nakita akong batang babae. Hindi lang siya basta-basta batang babae kundi isang mataba at maliit na batang babae. Parang si Doraemon. Pagkatapos ng ulo ay balikat na agad. I thinke she’s fifteen years old. High school student. Nakasuot pa nga siya ng school uniform, e. Nasa school siya at nakatayo sa ilalim ng isang mataas na puno. Medyo tumataktak ang pawis sa kanyang mukha. Kumuha siya ng panyo at pinunasan iyo. After that ay kumuha naman ng compact mirror at tiningnan doon ang mukha. Mabilis na isinilid ng batang babae ang compact mirror sa bulsa ng kanyang palda nang isang matangkad, gwapo at mestisong estudyanteng lalaki ang lumapit sa kanya. Kasing lapad ng mukha ng babae ang ngiti niya sa labi nang makita ang lalaki. Ang harot ng matabang babaeng ito! Kerengkeng! Obvious na crush niya si boylet. “Bakit mo ng pala ako pinatawag dito, taba?” Walang modong tanong ng lalaki sa kanya. “Ah, eh…” Nahihiyang yumuko ang babae sabay tingin ulit sa lalaki. “M-may sasabihin sana ako sa’yo.” “Ano naman iyon? Bilisan mo at may practice pa kami ng basketball.” Namula ang mukha ng babae at isang pabebeng smile ang namutawi sa kanyang labi. Feeling siguro ng hitad na iyon na special siya sa lalaki dahil isinakripisyo nito ang practice ng basketball para makita at makausap lang siya. Assumera din ng taon, e! “Hmm… Alam mo naman na elementary pa lang ay magkaklase na tayo, `di ba? Sabay tayo laging mag-reccess at gusto mo ako palaging ka-seatmate. You’re always there for me. Hindi ako manhid kaya nararamdaman ko na… na… gusto mo ako.” “Ano?!” Nanlaki ang mata ng lalaki at napanganga siya. Ganoon kalaki ang reaksiyon nito sa sinabi ng matabang babae. “Oo! Nararamdaman ko iyon at ngayon na siguro ang araw para sabihin ko sa’yo na…” Tumigil sandali ang babae. May kinuha sa bag. Isang cartolina na binulatlat nito sa harap ng lalaki. “Mahal din kita, Arkin! Aylabyu!!!” Ngumuso pa ang babae at akmang hahalikan ang lalaki pero napaatras ito sabay tulak sa kanya. Ang kawawang mataba, natumba. Una ang pwet. Lagapak! “A-arkin? Bakit? You love me too naman, `di ba?” At talagang ayaw pa niyang paawat. “Assuming ka rin, `no? Alam mo ba kung bakit palagi kong gustong sumabay sa’yo sa reccess? Dahil marami ka laging pagkain. Nakakalibre ako! At kaya gusto kitang seatmate dahil matalino ka! Nakakakopya ako sa’yo! Diyan ka na nga!” ani ng lalaki sabay alis. “Arkin!” Pagtayo ng batang babae ay doon lang niya napansin ang napakaraming estudytante na nakapaligid sa kanya na nasaksihan ang ginawang pamamahiya sa kanya ni Arkin. Nagtawanan ang mga ito. Malakas na napasigaw ang batang babae. Tumakbo siya habang umiiyak. Ang puso niya… ang sakit-sakit. “ARKIIIN!!!” Biglang akong napabalikwas ng gising mula sa pagkakasubsob ko sa table nang magising ako mula sa panaginip na iyon. Ah, hindi pala panaginip kundi bangungot. Isang bangungot na nangyari sa akin ten years ago. Nagsusulat kasi ako at mukhang nakatulog ako kahit tanghali. Ang sarap kasing matulog kapag ganitong oras. Sinasabi ko na nga ba. Babalikan na naman ako ng nakaraan ko dahil sa reunion na iyon. Haaay… Dapat pala hindi ko na sinabi sa Arkin na iyon na sexy at maganda na ako `pag nagkita ulit kami. Bakit ba kasi may ganoon pa akong nalalaman! Na-stress tuloy ako. Nakakagutom. Ang alam ko ay may chocolate cake pa ako sa ref. Tama, kukuha lang ako ng isang slice. Pagtayo ko ay nagulat ako nang sumigaw si Pepita. “Besss!!!” Akala mo ay wang-wang ng ambulansiya ang bunganga niya. Inakala ko na emergency kaya naman takbo agad ako sa kwarto niya. Naabutan ko siya na nakatayo sa bungad ng pinto ng kanyang CR. Medyo nakabukaka siya at humihingal. Nakasuot siya white na sando at white na panty. Nagulantang ako nang mapansin ko ang umaagos na dugo sa kanyang hita. “Bes!!! Anong nangyari sa’yo?!” Niyakap ko siya at isinubsob sa malaki kong dede. “Buntis ka ba, bes?! Nalaglag ba ang bata?! Bakit ka may dugo?! Nireregla ka na ba?! Bes! Sabihin mo, bes! Bakit ka may dugo?! Diyos ko! Magsalita ka, bes!!!” Sinamahan ko pa iyan ng pagpadyak-padyak. Bigla akong sinabunutan ni Pepita at kumawala siya sa pagkakayakap ko. “Paano ako makakapagsalita, e, isinubsob mo ako diyan sa s**o mong puro taba! Kadiri, bes!” Naiirita niyang sabi. “Bakit ka kasi may dugo diyan?” “Puta ka, bes!” aniya sabay duro sa akin. “Kasalanan mo ito!” “Ha? Bakit ako? Inaano kita diyan?!” “Alam mo kasi, nag-aahit ako ng buhok sa jetlog ko!” Ipinakita pa niya ang blade na hawak na may mumunting buhok na nakadikit. “Tapos narinig ko na sumigaw ka kaya nagulat ako. Sa gulat ko, nahiwa ko ang jetlog ko, bes! Ang sakit-sakit!” Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa sa kanya dahil sa hitsura niya. Akala mo ay nakakain ng maasim ang bakla. “Kapag natetano ang jetlog ko at nabulok, friendship over na, bes!” “Ay, nang dahil lang sa nabulok na itlog, FO na agad tayo? Hindi ba’t iyan ang sumpa mo dahil ang gusto mo naman ay pepe!” “Kahit na, bes! Kahit na!” “Hindi iyan mabubulok. `Wag ka ngang paranoid. Paliguan mo na lang ng alcohol at muriatic acid!” “Leche ka, bes! Imbes na tulungan mo ako ay ino-okray mo pa ako. Umalis ka muna sa harapan ko at baka magdilim ang paningin ko mapagkamalan kitang sumo wrestler at i-lock ko `yang leeg mo. Teka, wala ka nga palang leeg!” “So, laitan na ito? Hiyang-hiya naman ako sa mukha mo, bes! Katulad ngayon, wala kang make-up. Mukha kang multo! `Asan ba ang kilay mo? Nakalbo?” sabi ko sabay tawa ng malakas. “Nakuuu!!! Nanggigigil talaga ako sa’yo, bes! Out! Labas ka muna! Hayaan mo munang paghilumin ko ang hiwa sa aking itlog!” Inirapan ko siya sabay labas ng kwarto niya nang kumekendeng. Siguro kung maririnig o makikita kami ng hindi nakakakilala sa amin ay aakalain na nag-aaway kami. Pero, no. Ganoon lang talaga kami mag-usap ni Pepita. Laitan, okrayan, sakitan at pisikalan. Sanay na kami sa ugali ng isa’t isa. Oo nga pala. Nakalimutan ko na iyong chocolate cake. Mabuti naman at naalala ko na nagugutom nga pala ako. Lakad na ako sa kusina at pagbukas ko ng ref ay bumulaga agad sa akin ang isang buong chocolate cake. Para siyang naka-pose doon at hinihintay lang ako na kunin siya at kainin. Wala namang okasyon. Binili ko lang talaga siya. Parang nag-awitan ang mga anghel sa langit ng Hallelujah nang marahan kong kunin ang cake at dalhin iyon sa lamesa. Mabilis akong kumuha ng pinggan. Yes, pinggan not platito. Saka tinidor at panghiwa na rin ng cake. Nang mag-i-slice na ako ay biglang nag-pop-up sa imagination ko si Arkin. Tumatawa daw siya at sinasabi na wala daw akong pag-asang pumayat dahil matakaw at masiba ako sa pagkain. “Leche! Umalis ka nga diyan!” At tinaboy ko siya sa aking imagination. Bwisit na Arkin na iyon! Nakakgigil talaga! Hanggang ngayon ay apektado pa rin ako ng ginawa niya sa akin dati. Napatingin ako sa cake. Maghihiwa na sana ako nang maisip ko na balak ko nga palang magpapayat. Kung kakainin ko ito, madadagdagan na naman ako ng timbang at taba. Haaay… Pero ang hirap i-resist ng cake na ito! Ang icing parang ang sarap-sarap niyaaa!!! Pero, kailangan ko talagang pumayat sa loob ng isang buwan, e! Leche! The struggle is real!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

ZACH HOFFMAN

read
225.6K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.0K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
50.7K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.6K
bc

Wicked Seduction (R-18)

read
337.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook