CHAPTER 02

2510 Words
ISANG slice lang naman ng cake ang kakainin ko. Isang silce lang talaga. Kailangan ko nang mag-diet starting today para ma-achieve ko ang pangarap kong figure pagdating ng high school reunion namin. Suntok man sa buwan pero kailangan kong maging positive at isipin na mangyayari iyon. Naglagay ako ng isang slice ng cake sa aking pinggan at mabagal na kinain iyon. Hmm… Ang sarap naman ng cake na ito. Parang… parang… Nyaaah!!! Ubos ko na agad iyong isang slice?! Seryoso?! Wala pang kalahating minuto, a! Saka sa pagkakatanda ko ay isang subo pa lang ang nagagawa ko. Kinain ko ba ng isang subuan iyong one slice? Mukhang ganoon nga ang nangyari. Hindi ko na napansin dahil ang dami kong iniisip. Napatingin ako sa cake. Para siyang nakangiti sa akin at sinasabi niyang kainin ko siya at ubusin. Ipinilig ko ang aking ulo. “Hindi! Tukso ka! Isa kang malakaing tukso!” sigaw ko sa cake. Kinuha ko na ang cake at ibinalik sa ref pero binuksan ko rin at kinuha ulit. Balik ulit sa lamesa at nakipagtitigan sa cake. “Naku, hindi pala maganda iyong pagkaka-slice ko. Tabingi. Aayusin ko nga…” sabi ko. Para maayos ko iyong pagkaka-slice, humiwa ako ng isa pa. This time, mas maingat para maganda at tuwid ang pagkakahati ko. Napa-smile naman ako nang makita kong okay na iyong cake. Pero dahil sayang naman `yong pangit na part na tinanggal ko ay kinain ko na rin iyon. Teka, teka… Iyong design na flower sa ibabaw, sira na rin. Ang pangit tingnan kaya in-slice ko pa iyong part na may sirang flower at kinain ko ulit. “Sa pagkakaalam ko, may eggs ang cake…” Napatigil ako sa pagsubo. “Tama! At ang eggs ay healthy! So, this cake is good for me! Kailangan kong kumain pa ng marami nito!” At tila isang gutom na halimaw na tiningnan ko ang natitirang cake. AKALA mo ay bagong tuli na lumabas ng kwarto niya si Pepita. Paika-ika siyang lumakad. Ako naman ay nasa salas, nakaupo sa sofa habang nakapatong sa mga hita ko ang aking laptop. Nagsusulat na naman ako ng bagong novel. Yes, writer ako pero not the usual writer. Nagsusulat ako pero sa iba nakapangalan ang mga stories na isinusulat ko. Nakapangalan iyon kay Jenna Rolling. Isa sa mga best selling author ng Pilipinas. Celebrity-writer na nga siya dahil kahit sa TV ay lumalabas siya. Paborito siyang interview-hin ng press dahil sa husay niya sa pagsusulat. Well, kung alam lang ng mga tao, ako ang nasa likod ng magagandang nobela ni Jenna. Everybody think that Jenna Rolling is perfect. Maganda, sexy, career-woman at mahusay pang magsulat. Paano nga ba ako napasok sa trabahong ito? I love writing. Nagpasa ako sa isang publishing company at nagustuhan naman nila ang gawa ko. Sobrang nagustuhan nila. Ang plano nila ay magkaroon ng isang celebrity-writer pero dahil hindi naman ako maganda ay hindi ako pumasok sa standards nila. Akala ko ay hanggang doon na lang iyon pero after a week ay tumawag sa akin ang general manager ng publishing company namin at in-offer na nga sa akin ang naturang trabaho. Kung payag daw akong maging ghost writer ni Jenna Rolling. Noong una ayaw ko pero dahil sinilaw nila ako sa malaking halaga ng pera ay pumayag na rin ako. Nagpaka-practical na rin ako that time. Isa pa, naisip ko na hindi rin naman siguro ako tatangkilikin ng tao kahit magaling ako kapag nalaman nila na hindi ako kagandahan tapos mataba pa. Sandali akong tumigil sa pagtipa sa keyboard para kumustahin si Pepita. “Bes, okay ka na ba?” I asked him. Tumigil siya sa pagpasok sa kusina st tumingin sa akin. “Nahiwa ng blade ang itlog ko, dumugo, nagkasugat! Oo! Okay lang ako, Ella. Okay na okay!” Litanya niya sabay diretso na sa kusina. Napalabi ako. Medyo OA din minsan ang bes ko na iyon. Sabagay, masakit nga siguro ang mahiwa sa itlog. Natawa naman ako ng very light sa isipin na iyon. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng ref sa kusina. Maya maya ay bumalik sa akin si Pepita. Tinatanong niya kung nasaan na iyong cake ko. Gusto daw niya iyon. Pambawi ko man lang daw sa kanya dahil kasalanan ko kung kaya nahiwa siya sa itlog. “Sorry, bes. Naubos ko na, e,” sabi ko sabay peace sign. “Seryoso? Naubos mo?! Isang buo, isang upuan?!” “Ang laki naman ng reaction mo, bes! Eh, stressed ako kaya naparami ang kain ko. Nai-stress talaga ako sa pagda-diet para sa reunion namin!” “Ah, diet pero isang buong cake ang naubos. Diet ka nga, bes!” “Hayaan mo na nga. Bukas na bukas ay seseryosohin ko na ang pagda-diet!” Determindaong sabi ko kay Pepita. “Well, good luck. Panindigan mo iyang diet-diet mong iyan!” THE next day ay medyo maaaga akong nagising. This is really is it. Simula na ng pagpapalabas ko sa aking alindog at sexy curves. In-ready ko na ang aking sarili sa pagpunta sa gym. Dala ang isang gym bag ay napansin agad ako ni Pepita nang kalalabas ko pa lang sa aking kwarto. May hawak siyang isang tasa ng kape. “San punta mo, bes?” tanong niya. “Sa gym.” “Wow naman! Sige, support kita diyan. Go and push! Magkape ka muna.” Inalok niya sa akin ang kapeng hawak niya. “Ano ba iyang kape mo? With cream?” Tumango siya. “Yes! I love creamy coffee kaya!” Umiling ako. “Thank you na lang pero ayoko. Coffee with cream has 106 calories at mahirap mag-burn niyon. I better not drink coffee para sa aking pag-sexy sa loob ng isang buwan.” “Bes! Ang galing mo na talaga!” Humahangang turan ni Pepita. “At ang pak ng outfit mo. Lahat fit. Mukha ka tuloy catterpillar! Bakat na baka diyan sa fitted shirt mo na kulay yellow green ang bilbil mo. Catterpillar na catterpilar ka diyan, bes!” Mataray na tinaasan ko ng kilay si Pepita. “Sige lang. Lait pa more! Siguro nga catterpillar ako ngayon pero tandaan mo, ang catterpillar ay nagiging butterfly. So, watch out!” sabi ko sabay talikod na sa kanya. Kailangan ko nang umalis para maaga akong makapunta sa gym at makauwi rin agad. Seryoso na rin kasi talaga ako na magpapayat. Ayokong maging katatawanan kapag nagkaharap kami ulit ni Arkin. Sigurado naman ako na hindi niya alam na hanggang ngayon ay mataba pa rin ako. Bli-nock ko kasi siya at lahat ng classmates ko noong high school sa f******k dati pa. Mga bully kasi ang mga iyon sa akin lalo na si Arkin kaya baka pati cyberbullying ay maranasan ko sa mga hinayupak na iyon. Malapit lang ang gym. Isang sakay lang ng jeep ay narating ko na agad iyon. Nag-enroll na ako para sa one-month program nila at kumuha na rin ako ng gym instructor. Sinabi ko na kailangang pumayat ako sa loob ng isang buwan. “Imposible po ang request niyo, ma’am…” sabi ng babaeng instructor ko na si Kendi. “Gawin mong posible, Kendi! Nakataya dito ang pride at pagkatao ko!” “We’ll try our best then. Are your ready?” “I am so f*****g ready! Give it to me… now!” Akala mo ay isang tigreng galit na sabi ko. Humanda ka talaga sa muli nating pagkikita, Arkin. Pagsisisihan mo ang ginawa mong pagpapahiya sa akin noon. Maglalaway ka at magugutom sa aking ka-sexy-han! Bwahaha! “BES, hindi naman kaya masyado nang OA iyang pagpapa-sexy mo para lang ipakita sa Arkin na iyon na nagkamali siya nang binully before?” tanong sa akin ni Pepita habang nakasalampak ako ng higa sa sahig at minamasahe niya ang aking likod. Grabe! Kakauwi ko lang sa gym at feeling ko ay hindi ko na kakayanin na bumalik pa doon. Masyado akong pinush ni Kendi sa mga mahihirap na work out. Sabagay, ako naman ang may sabi I-push nang bongga ang aking pagpapayat. Nanginginig pa rin ang buong katawan ko at halos hindi na ako makatayo. Ang sakit ng buong katawan ko na para bang napag-tripan akong bugbugin ng mga tambay sa kanto. “Hindi mo kasi naranasan ang pagpapahiyang ginawa sa akin ng Arkin na iyon kaya nasasabi mo `yan!” “Ewan ko lang, ha. Baka naman masyado ka lang nagtatanim ng grudge diyan sa puso mo. Hindi mo naman kailangang gawin ito for Arkin. Yes, magpapayat ka pero dapat para sa sarili mo. You’re not getting any younger… Dapat healthy living ka na.” “Ginagawa ko na naman, `di ba? Pero hindi na ako babalik sa gym! Diyos ko! Baka doon ako mamatay! Magbabawas na lang ako ng pagkain.” “Parang ayokong maniwalang kaya mong magbawas ng pagkain.” Tumigil na si Pepita sa pagmasahe sa likod ko. Umupo naman siya sa tabi ko. “Bakit kasi ngayon mo lang naisipan magpapayat kung may plano ka palang paghigantihan iyong tao. Ngarag ka tuloy ngayon!” “Pwede ba, bes? `Wag mo na akong sermunan? Nakukulili na ang tenga ko sa iyo, e!” “Pero come to think of it lang naman, bes. Ten years ago na ang nakakalipas. May idea ka ba kung ano na ang hitsura ni Arkin ngayon? Paano kung chaka na siya or like you mashuba? Alam mo, mas better na alamin mo muna ang hitsura niya para if ever na chaka na siya, it’s a tie! No need na mag-diet!” Tumihaya ako ng higa sabay bangon. Napaisip sandali. Hmm… May point din naman ang sinabi ni Pepita. Paano nga kaya kung pumangit na si Arkin after all these years? Ah, alam ko na! Nahihirapan na tumayo ako at kinuha ang aking laptop sa kwarto. Binalikan ko si Pepita at nag-open ako ng f******k. Si-nearch ko ang f******k account ni Arkin at agad ko namang nakita. Habang bina-browse namin ang photos niya ay hindi ko maiwasan na mapanganga sa hitsura niya ngayon. Lalo siyang gumwapo! s**t! Parang sa ibang bansa na siya naka-stay. California to be exact. Asensado na ang damuho! Nanlulumo na sinarado ko ang laptop. “Kailangan ko na talagang magpapayat!” Tumayo na ako. “Saan ka pupunta, bes?” “Sa park. Magjo-jogging!” SA loob ng sampung pagkakahiwalay ng landas namin ni Arkin ay ngayon ko lang naisip na silipin ang f******k account niya. Actually, na-block ko na siya pero iyong old account niya na ang picture niya ay noong college pa siya. Pero looking at his new account at sa mga naka-upload na pictures doon, for sure, ang daming babaeng nagkakandarapa sa kanya ngayon. Lalo na at sa California pa siya naka-stay yata sa ngayon. Lalong naging mestiso ang hitad na iyon. Kainis! Kailangan ko na talagang magpapayat or else hindi na lang ako pupunta sa reunion na iyon. Pwede naman talaga akong hindi pumunta pero ma-prinsipyo kasi akong tao at kapag sinabi ko, ginagawa ko. Itong pagpapayat nga lang ang medyo nahihirapan ako. “Bwisit talaga!” halos pasigaw na turan ko sabay marahas na kumagat sa sandwich na kinakain ko habang nakaupo ako sa bench dito sa park. Magjo-jogging naman sana ako kaya lang may bagong bukas na sandwich store malapit dito. At bilag pagsuporta sa opening nila ay bumili ako ng lima. Nang maubos ko na ang isang sandwich ay may biglang matandang babae na parang ermitanyo ang peg dahil sa suot niyang marungis na damit ang lumapit sa akin. Ang haba ng hair niya na naglalaban ang puti at itim. Nakanganga siya sa akin habang nakalahad ang kamay. Dumila pa siya sabay tingin sa sandwhich ko. Naku, mukhang nagugutom na siya. Siguro ay nanghihingi siya ng food sa akin. Kaya naman inabot ko sa kanya ang isang sandwhich. “Lola, kain po kayo…” alok ko. Mabilis naman niya iyong kinuha at kinain. Pinainom ko na rin siya ng binili kong tubig at baka mabulunan pa. “Salamat, iha. Ang bait mo. Mataba ka pero hindi ka maramot!” Patawa-tawang sabi niya. Napasimangot ako ng very light. Nang-aasar ba siya o pinupuri ako? “Ah, wala po iyon, lola. Sige po, alis na kayo. I need to be alone.” Umiling siya. “Don’t be in hurry, okay?” Aba at umi-English pa! “May ibibiga akong kapalit sa iyo dahil sa iyong kabutihan kahit mataba ka! Nakikita ko sa mukha mo na mabuti kang tao at meron kang pinagdadaanan ngayong problema. At ito ang magiging sagot sa problema mo. Sandali at kukunin ko lang…” Nagulat ako nang may kung anong kinukuha ang matandang babae sa loob ng kanyang bra na hindi niya makuha. Napatayo tuloy ako at hindi malaman kung paano siya pipigilan. “Naku, lola! Huwag po kayng maghuhubad dito! Nakakahiya! M-may bra pa naman ako sa bahay! Saka hindi po kasya bra niyo sa akin. Matandang flat-chested po kayo, e!” Natataranta kong turan sa kanya. “Maka-flat-chested ka naman! Malaki rin s**o ko dati, uy! Tumanda lang ako kaya nagnipis! Saka `wag kang OA. Ito ang kinukuha ko!” At isang lipstick ang inilabas niya mula sa kanyang bra. Isang lipstick na kulay gold at mukhang mamahalin ang lalagyan. I don’t know pero tila nabighani ako sa naturang lipstick. Ang sosyal niya kasing tignan. “Ibibigay niyo po iyan sa akin?” “Oo. Ito nga pala ang magic red lipstick!” “Magic red lipstick?” “Oo, iha. Isa itong mahiwagang lipstick na kapag pinahid mo sa iyon labi ay papayat ka. Pero `wag na `wag mong hahayaan na mabura ito kundi babalik ka sa--” Hindi na naituloy ni lola ang sinasabi niya. Kinuha ko ang kamay niya at ibinigay ang lahat ng natitirang sandwhich. “Lola, gutom pa siguro kayo. Ubusin niyo na lang ito para naman--” Nagulat ako nang itapon niya sa lupa ang mga sandwhich. “Aba, lola! Ang gaspang ugali niyo, ha! Kayo na nga ang binibigyan, nagdadabog pa kayo! Kung hindi ka lang matanda, sasapakin kita!” “Bakit kasi ayaw mong maniwala sa sinasabi ko?!” “Dahil matino pa ang isip ko! Magic red lipstick? Nakakapayat? Kabaliwan!” “Totoo! Isa akong fallen angel. Nakagawa kasi ako ng bad sa itaas kaya binigyan ako ng mission ni God na magpasaya ng isang tao dito sa lupa para makabalik na ako sa langit at bumalik na ako sa dati kong anyo!” “Ngayon, fallen angel naman. Nagdo-droga ba kayo?!” “Bago mo sana ako pagdudahan, abkit hindi mo muna subukan?” Itinutok niya sa mukha ko ang lipstick habang may tila nanunuksong ngiti sa mga labi. Gutom nga lang siguro ang matandang ito. Ang scary na niya, sa totoo lang. “Sige na. Take it…” aniya pa. Mukhang wala siyang balak na tigilan ako kaya kinuha ko na lang ang lipstick sa kanya. Bahala na. Para matahimik na rin siya at baka iwan na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD