ISANG mala-halimaw na halakhak ang pinakawalan ng matanda nang sa wakas ay kunin ko na ang ibinibigay niyang lipstick. In-spread pa niya ang dalawa niyang kamay at nagpaikot-ikot. Natumba pa siya dahil nahilo siguro.
“Oh, gaga!” sabi ko. May paikot-ikot pa kasing nalalaman. “Bakit ba nag saya niyo diyan, lola?” curious na tanong ko habang tumatayo siya.
Pinagpagan niya ang kanyang sarili. “Masaya ako kasi may subject na ako sa aking mission na may mapasayang tao dito sa lupa. At ikaw iyon, Ella Panti! Ikaw na ikaw!” aniya.
Napipilitan akong nag-smile. “Well, congrats po,” sabi ko na lang.
Ang lakas siguro ng tama ng droga na natira niya. Sakyan ko na lang ang trip at baka kung anong gawin niya sa akin. At para lubayan na rin ako. Isa pa, itatapon ko rin naman itong lipstick kapag umalis na siya. Ayokong gamitin ito at baka kung saan niya lang ito nabili. Baka mamaga or magkaroon ng allergy ang lips ko. Kakatakot!
“`Wag mo na akong tawaging lola. Call me Matandang Hukluban!”
“Wow, ha! Hindi naman bagay sa hitsura mo ang pangalan mo, Matandang Hukluban!” sarcastic na sabi ko.
“Wala kang pake. At huwag na huwag mong itatapon ang magic red lipstick, Ella! Sinasabi ko sa’yo, magsisisi ka.”
Napamaang ako sa sinabi niyang iyo. “Paanong--”
“Nababasa ko ang nasa isip mo dahil isa nga akong fallen angel.”
“For real? Sige nga, basahin niyo ang iniisip ko…”
Hmm… Baka naman naka-tsamba lang siya. Masubukan nga. Nag-isip na ako habang nakatingin siya sa akin.
“Ang sabi mo sa isip ay isa akong matandang sinungaling! Hinayupak ka!”
Naitutop ko ang dalawang kamay ko sa aking bibig. Totoo nga. Iyon nga ang nasa isip ko. Hindi nga kaya nagsasabi talaga siya ng totoo at totoo rin ang magic red lipstick?
Napahawak ako sa braso niya at nagsalita habang nanlalaki ang mga mata. “Totoo ba? Mapapayat ako ng magic red lipstick na ibinigay mo, Matandang Hukluban?” Ngayon ay medyo-medyo naniniwala na ako sa sinasabi niya.
“Well, why don’t you try it?” Nagyayabang na sabi niya.
“P-paano ba ito gamitin? Tell me!”
“Maniniwala ka rin pala ang dami mo pang kuda, taba!”
“Ikaw din! Bakit hindi mo pa sabihin kung pa’no? Ang dami mo pang kuda, matanda!”
At talagang naglaitan na kami.
“Naku! Kung hindi lang ito para makabalik na ako sa langit, e! Oo na, ituturo ko na. Simple lang naman. Ipahid mo sa labi mo ang lipstick at pagkatapos ay sambitin mo ang magic words…”
Napahawak ako sa aking dibdib. “May magic words pa?”
“Malamang. Magic red lipstick nga, `di ba?”
“Sabagay… E, ano naman ang magic words, Matandang Hukluban?”
“Ganito ang sasabihin mo… Ang dating majubis, ngayon ay ninipis. Sa aking alindog, ika'y mahuhulog!”
Inulit ko ang sinabi niya. “Ang dating majubis…” Pero napangiwi ako dahil nakalimutan ko agad. “Pakiulit nga.”
“Ang dating majubis, ngayon ay ninipis. Sa aking alindog, ika'y mahuhulog!”
Inulit-ulit ko sa utak ko ang sinabi niya. Hanggang sa ma-memorize ko na.
“At dapat feel na feel mo ang pagkakasabi, ha. Aura-aura rin habang sinasabi nag magic words. At dapat hindi mabura ang magic red lipstick sa labi mo dahil kapag nangyari iyon ay babalik ka na sa pagiging mataba!”
“Opo, Matandang Hukluban! Tatandaan ko!”
“Sana ay matagpuan mo ang tunay na kaligayahan, Ella. Aalis na ako!” Tatalikod na sana siya pero muli siyang humarap sa akin para kunin ang natitirang sandwich ko. “Akin na lang ito, ha?” At tuluyan na siyang umalis.
Aba’t-- Talagang kinuha pa niya ang sandwhich ko! Nagugutom pa kaya ako!
Ah, `di bale na. Binigyan naman niya ako ng magic red lipstick, e. Wish ko lang ay nagsasabi siya ng totoo dhail kung hindi ay hahanapin ko siya at bubugbugin. Dadaganan ko pa siya! Makikita niya!
TUMAMBAY lang ako ng kaunti sa park tapos ay umuwi na rin. Hindi na ako nag-jogging. Kung totoo man ang magic ng red lipstick na ibinigay sa akin ni Matandang Hukluban ay hindi ko na kailangang magjogging at magdiet at magpunta sa gym. Isa pa, makakapunta na rin ako sa reunion!
Halos takbuhin ko na ang daan pauwi. Excited na talaga akong gamitin ang magic red lipstick, e.
Pagkapasok ko sa apartment ay sinalubong agad ako ni Pepita. May hawak siyang dalawang t-back.
“Bes, anong mas maganda sa dalawa? Itong red o pink?” tanong pa niya.
“Wala! Mangilabot ka nga, Pepita! Seryoso? Magsusuot ka ng t-back?!”
“Why not? Hmp! Bakit ba sa iyo pa ako nagtanong? Sa f*******: na nga lang ako magtatanong!” irap niya at pumasok na siya sa room niya.
Ako naman ay takbo na rin agad sa room ko at nag-lock. Humarap ako sa full body mirror habang hawak ang magic red lipstick. Gusto ko kasing makita with my own eyes kung magiging payat nga ako kapag ginamit ko ito.
Talagang nanginginig ako habang hawak at nakatitig sa magic red lipstick. Wala naman sigurong masama kung maniwala ako kay Matndang Hukluban.
Huminga muna ako ng malalim at tinanggal ang takip ng magic red lipstick.
Bigla akong napatingin sa reflection ko sa salamin at nakita ko na naman kung gaano ako kataba. Nalungkot ako… Nalungkot ako dahil masakit mang sabihin pero naging malaking sagabal sa buhay ko ang pagiging mataba ko. Hindi ko natupad ang gusto ng mga magulang ko para sa akin na maging isang stewardess dahil sa taba ko. Nasaktan ako nang sabihan nila ako na malaking disappointment sa kanila. Literal na malaki. Kaya naman bumukod ako sa kanila at pinasok ang pagiging ghost writer. Isa pa, ang pagiging writer ko. Marahil, kung payat at maganda lang sana ako, hindi ko na kailangang maging mukha si Jenna Rolling. Ano pa ba? Hindi rin ako nagka-jowa dahil siguro sa takot ang mga lalaki na mapagastos dahil feeling siguro nila ay malakas akong kumain. Well, totoo naman iyo. Pero kahit na! At ni-reject din ako ng hinayupak na si Arkin dahil mataba ako. Ang paasang damuho na iyon! Ilang beses na ba akong nagbayad ng doble sa jeep dahil pandalawang tao ang inuupuan ko? Ilang beses na ba akong nilait, tinawag na baboy at kung anu-ano pang masasakit na salita dahil sa mataba ako?! Maraming beses na! Sobrang dami na!
Pagod na pagod na ako…
Pagod na pagod na akong mag-diet, mag-gym at uminom ng diet pills na parang wala namang epekto sa akin!
Pago na pagod na ako!
At ngayon, hawak ko na sa aking kamay ang maaring sagot para mapawi ang pagod ko. Sana, totoo ang kapangyarihan ng magic red lipstick na ito. Huwag sanang paasa ang Matandang Hukluban na iyon.
Pumikit ako sabay mulat agad. Baka makatulog ako kapag tinagalan ko ang pagpikit, e.
Marahan kong iniawang ang aking labi at buong puso na nilagyan iyon ng magic red lipstick. Pagkatapos kong mag-apply niyon ay nag-pout ako. Fi-neel ko na sobrang ganda ko at nag-aura pa more sa harap ng salamin. At sinambit ko na nga ang magic words…
“Ang dating majubis, ngayon ay ninipis. Sa aking alindog, ika'y mahuhulog!”
SHIT! Anong nangyayari?!
Pagkasabi ko ng magic word ay biglang gumalaw ang mga taba ko. Para silang mga gelatin na inuga-uga!
Kusang gumalaw ang katawan ko. Tumalon ako ng tatlong beses at nagpaikot-ikot. Pinipigilan ko pero hindi ko magawa. Gusto ko nang sumigaw nang bumilis nang bumilis ang pag-ikot ko pero walang boses na lumalabas sa bibig ko! Diyos ko! Mangkukulam yata ang Matandang Hukluban na iyon! Forever na yata akong iikot!
After siguro ng thirty seconds na pag-ikot ng mabilis, sa wakas ay tumigil na rin ako.
“Hah! Ang sakit ng ulo ko! Kakaloka!” sabi ko habang sapo ang aking ulo. Nakatalikod ako sa salamin kaya hindi ko pa nakikita ang sarili ko.
Hilong-hilo talaga ako. Ikaw ba naman ang umikot. Parang limang ikot yata ang nagawa ko per second. Ganoon kabilis! Daig ko pa si Wonderwoman kapag nagta-transform siya.
Pinakiramdaman ko ang sarili ko. At mukhang niloka lang talaga ako ni Matandang Hukluban, wala naman akong naramdaman na pagbabago-- Oh my, God!!!
Kulang na lang ay lumaglag ang panga ko nang makita ko sa salamin ang hitsura ko. Hinaplos-haplos ko ang sarili ko dahil hindi ako makapaniwala sa aking nakikita! Bakit ang sexy ko na?! Ang liit ng mukha ko, tapos ang boobs ko ay tayong-tayo. Proud na proud! Ang braso at hita ko, ang payat na rin. At ang katawan ko… Oh, lala! Walang lalaki ang hindi magnanasa sa katawang ito. Ang sexy! Ang kurba! All over ang kurba! My God! Ang ganda at sexy ko na!!!
So, totoo nga ang magic red lipstick!
I can’t believe this is happening!
Wait… Baka naman panaginip lang ito. Makurot nga ang sarili ko…
Aray!
Wala pa ring nabago. Maganda at sexy pa rin ako! So, this is real!
Sa sobrang saya ko ay napatalon ako. Nalaglag ang pants ko kasama na ang panty ko.
Oops… Maluwang na pala sa akin suot ko. Teka, paano ako rarampa nito kung wala akong damit na pang-sexy. Hmm, mukhang kailangan ko munang mag-shopping!
Itinaas ko na ulit ang pants ko at hinawakan iyon. Muli kong tiningnan ang sarili ko sa salamin. Ang ganda ko pala talaga kapag pumayat ako. Medyo kamukha ko si Angel Locsin, o! Kung alam ko lang na ganito pala ako kaganda, dapat noon pa ako nag-diet. Pero, keri lang! Hindi ko na naman kailangan ng diet-diet at gym-gym na iyan dahil I have my magic red lipstick naman! Ito na ang sikreto ko sa aking sexy and beautiful me!
At hindi ko napigilang tumawa ala-Kris Aquino.
Naglakad na ako palabas ng kwarto ko. Paglabas ko ay nakita ko si Pepita na tinatahi ang t-back niya sa salas. Nagtama ang mga mata namin.
“Hello, bes--” Natigilan ako.
Huli na para ma-realize ko na hindi ko nga pala nabura ang magic red lipstick sa labi ko kaya sexy ako ngayon.
Kitang-kita ko ang paglaki ng mata ni Pepita. Alam ko na nagtataka siya kung sino ako at bakit ako lumabas sa kwarto ni Ella. Napaatras ako nang damputin niya ang flower vase at marahang naglakad palapit sa akin.
“Sino kang bilat ka? Paano ka nakapasok dito?” Mahinang tanong niya pero may kasamang gigil. Akala mo ay isa siyang kabayo sa laki ng mga hakbang niya.
Diyos ko! Bakit kasi nawala sa isip ko?!
Paano ko ba ito ipapaliwanag sa kanya?
“Ah, eh… Bes, ako ito… Si Ella!” Okay. Siguro nga ay magsasabi na lang ako ng totoo. Tutal naman ay kaibigan ko siya. Deserve niya ang katotohanan. Isa pa, ang hirapn naman yatang itago nito sa kanya lalo na at magkasama kami sa iisang bahay, `di ba?
“Hindi ikaw si Ella!” Nagulat ako sa mala-halimaw niyang tugon. “Si Ella, mataba! Kapag pinapawisan ay bumabaho! Hindi ikaw ang kaibigan ko. Nasaan si Ella? Anong ginawa mo sa kanya? Kinain mo siya, ano?!”
Feeling ko, anumang sandali ay ibabato na niya sa akin ang flower vase. Well, subukan lang niya at gaganti ako. Ibabato ko sa kanya ang inidoro para mas masakit.
“Ako nga ito! Ang judgemental mo naman, bes!”
“`Wag mo akong ma-bes-bes! Ang tanong ko ang sagutin mo! Are you f*****g my husband?!”
“Maricel Soriano?! Ako nga ito, si Ella!”
“Sinabi nang hindi ikaw si Ella! Mataba si Ella!”
“Alam ko, mataba ako pero sumexy ako dahil dito!” sabi ko at inilabas ko ang magic red lipstick.
“Ano iyan?!”
“Magic red lipstick! Look. I-de-demonstrate ko sa iyo para maniwala ka nang bakla ka!”
Kinuha ko ang laylayan ng suot kong damit at sa pamamagitan niyon ay pinahid ko ang magic red lipstick sa labi ko. Tumalon na naman ako ng tatlong beses at nagpaikot-ikot nang mabilis. Nang huminto ako sa pag-ikot ay bumalik na naman ako sa pagiging mataba. Nag-apply ulit ako ng magic red lipstick tapos sinabi ko ulit ang magic word at naging sexy na ulit ako.
“See? Naniniwala ka na ba?” Nagmamalaking ipinakita ko pa kay Pepita ang sexy curves ko.
Liyad here and there. Inalog-alog ko pa ang aking dede para maiinggit siya nang husto sa aking bagong anyo.
Natulala naman bigla si Pepita. Napaluhod pa siya habang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. Napanganga pa ang gagang bakla! Nagulat na lang ako nang malakas niyang ihampas ang flower vase sa sarili niyang ulo.
“Bes!” sigaw ko.
Marahan siyang tumayo habang may umaagos na dugo mula sa kanyang ulo. “Totoo nga! H-hindi ako namamalik-mata! Ang sexy mo na, Ella!” Parang namatanda na sabi niya.
So, pinalo niya ang sarili niya gamit ang flower vase para masiguro na totoo ang nakita niya? Grabe talaga itong si Pepita! Nakaka-shock ang mga ginagawa niya, ha.
“I know! And it’s because of this magic red lipstick!”
“Ang galing, bes…”
“Pero, bes… O-okay ka lang ba? I mean… may dugo ka…” Nakangiwi kong sabi. Medyo marami na kasi yata ang dugong nawawala sa kanya. Hampasin ba naman daw ang ulo? Kaloka!
“D-dugo?”
“Oo. Sa ulo mo!”
Sinapo ni Pepita ang ulo nito at tiningnan ang kamay. At bigla itong nagsisigaw nang makita nito ang bahid ng dugo sa kamay. “Waaah!!! Dugo! Dugooo!!! Dugooo!!!” Palahaw nito sabay himatay.
“Gaga kasi!” sabi ko na lang.
Kumuha na lang ako ng bulak at alcohol sa medicine cabinet namin at ginamot ang sugat sa ulo ni Pepita. Mabuti na lang at wala siyang malay dahil for sure mahihirapan akong gamutin siya kapag gising. Matapos ko siyang gamutin ay ibinalik ko muna ang sarili ko sa pagiging mataba.
Magsho-shopping na muna ako ng mga bago kong damit. Sa wakas, maisusuot ko na rin ang mga sexy na mga damit na balak kong bilhin kapag payat na ako.
I am so excited na talaga!
Pero mas lalo akong excited sa nalalapit na high school reunion namin dahil doon ay magkikita na ulit kami ni Arkin. Tingnan ko lang kung hindi niya pagsisihan ang lahat ng pananakit na ginawa niya sa damdamin ko noon! Bwahahaha!