bc

Husbands And Wife

book_age12+
701
FOLLOW
4.3K
READ
love after marriage
goodgirl
drama
sweet
bxg
disappearance
like
intro-logo
Blurb

Isang lalaking walang memorya ang inibig ni ALMIRA-- si GABRIEL. Pinakasalan niya pa rin ang naturang lalaki sa kabila ng kakulangan sa nakaraan nito. Ngunit paano kung sa pagbabalik ng alaala nito ay siya ring paglabas ng tunay nitong pagkatao? At kasal na pala ito noon sa isang lalaki bago pa niya ito makilala!

chap-preview
Free preview
Kabanata I
     “PLARIDEL, QUEZON—isang tahimik at maliit na bayan na matatagpuan dito sa probinsiya ng Quezon. Maliit man ang bayan na ito, sagana naman ito sa yamang-dagat at mga pananim. Pagsasaka at pangingisda ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa bayan namin. Nakita niyo naman kanina sa lawak ng mga sakahan na pinuntahan natin kanina at ngayon dito naman sa malawak at malinis na dagat. Ngayon ay nandito tayo sa pier ng Plaridel. Matagal na ang pier na ito. Hindi pa ako ipinapanganak ay nakatayo na ito. Sa sobrang tagal na rin nito ay ilang bagyo na ang sumalanta sa pier na ito kaya makikita ninyo ang ilang butas nito. Pero huwag kayong mag-alala, mas matibay pa ito sa relasyon ninyo ng mga girlfriend at boyfriend ninyo.” Bahagyang natawa si Almira sa huli niyang sinabi. Hinawi niya ang kaniyang buhok na tumatakip sa kaniyang mukha. Medyo malakas kasi ang hangin doon kaya sumasayaw ang kaniyang itim at tuwid na buhok na umaabot sa kaniyang balikat. Hindi maikakaila sa mukha ng tatlong may edad na babae na nasa harapan niya ang pagkamangha sa nakikita ng mga ito. Malawak na dagat. Kulay asul ang tubig at malinis. Naging responsable na kasi ang mga kababayan niya lalo na sa kalinisan simula nang maging kapitan ng baranggay ang kaniyang ama na si Kapitan Arnold. Iyon talaga kasi ang isinusulong ng kaniyang tatay para may mga turista na ma-engganyong pumunta sa kanilang lugar. Mabait na kapitan ang kaniyang ama kaya naman iginagalang ito ng mga tao. Sinusunod ang sinasabi nito dahil alam din naman ng mga tao na iyon ang tama. At nagbunga naman ang ginawang paglilinis ng mga tao dahil mas lumabas ang ganda ng lugar na kanilang tinitirahan. May mangilan-ngilan na din na turista na pumunta. Gustong makita ang kanilang dagat at kabundukan pati na rin ang mga ipinagmamalaki nilang pagkain. Nakikinabang din naman si Almira sa mga turistang nagpupunta sa lugar nila. Siya ang nagsisilbing tour guide ng mga ito at kumikita siya doon ng pera. Undergrad siya ng kursong Tourism. Unang taon lang ang natapos niya. Hindi na kasi kinaya ng magulang niya ang pag-aralin pa siya. May dalawang nakakabatang kapatid pa kasi siya na nag-aaral na kapwa nasa sekundarya. Iyon muna ang papatupusin nila. Panganay siya kaya naisip niya na dapat siya ang mag-give way. Katulad na lang ngayon, tatlong lokal na turista ang dumayo sa lugar nila. Siya ang nag-to-tour sa mga ito at mukhang nagugustuhan naman ng mga ito ang serbisyo niya. “Alam mo, Miss Almira, ang pretty mo. Morena, matangkad, sexy and very Filipina ang beauty mo. Sumasali ka ba ng mga beuaty pageant?” turan sa kaniya ng isang turistang babae. “Hindi po ako sumasali sa mga ganiyan, e. Mahiyain ako pagdating sa ganiyang bagay. At salamat po sa papuri ninyo.” Humble na sagot niya. “Oo nga. For sure, marami kang kakabuging artista! Mag-audition ka kaya sa Star Hunt,” dagdag pa ng isa. Umiling siya. “Wala po sa hilig ko ang artista. Okay na po ako dito sa lugar namin. Para kasing hindi ko kayang umalis dito. Dito na kasi ako lumaki at nagka-isip…” Paliwanag ni Almira. “Pero, `eto na lang. Boyfriend!” Nanlaki nang bahagya ang mata niya sa sinabi ng isang turista. “Meron ka bang boyfriend ngayon? Don’t tell me, wala. Sa ganda mong iyan!” Napatawa siya ng kaunti. “Wala po akong boyfriend. Nagkaroon na ako pero noong high school. Isang beses lang po iyon. Ngayong twenty-six na ako, hindi na ulit ako nagkaroon ng nobyo. Alam niyo po kasi… hindi ko pa nakikilala iyong lalaking magpapatibok ng puso ko. Iyong lalaki na unang kita ko pa lang sa kaniya ay sasabihin kong siya na nga. Gusto ko kasi na ang magiging kasunod na nobyo ko ay siya na ring mapapangasawa ko at makakasama habangbuhay!” Tila nangangarap na turan niya habang nakangiting nakatingin sa dagat. “Sa fairytale lang meron niyan! Naku, tama na nga iyan. Kunan mo na lang kami ng picture, please.” Iniabot ng babae sa kaniya ang camera nito. Nag-pose ang tatlo sa gilid ng pier. “Okay. One, two, three. Smile!” At kinunan na niya ng litrato ang mga turista.   MASAYANG umuwi si Almira sa bahay nila na malapit lang sa dagat. Hindi naman talaga iyon nasa tabi mismo ng dagat. Maglalakad ka pa ng kaunti bago mo marating ang dagat mula sa kanilang bahay. Yari ang bahay nila sa semento at yero. Tama lamang ang laki niyon para sa kanilang mag-anak. Bitbit niya ang isang eco bag na puno ng grocery. Mga de lata, noodles, kape, asukal at kung anu-ano pa. Ang kalahati ng kinita niya sa araw na iyon ibinili niya niyon. Ang natira ang ihuhulog niya bukas sa banko. Nag-iipon kasi siya para kung sakaling magkaroon ng biglaang pangangailangan ang pamilya niya o siya ay may mapagkukunan sila. Pagpasok niya ng bahay ay nakita niya ang nanay niyang si Irma na nanonood ng TV sa salas. Nagmano siya dito at ibinigay ang grocery. “Oo nga pala, anak. Dumaan dito si Maureen. Inaaya ka niya sa pasayaw mamayang gabi sa plaza,” ani ng nanay niya. Si Maureen ay ang anak ng mayor na kaibigan niya. Inaayos na ng nanay niya ang kaniyang mga binili sa kusina. Napangiwi si Almira. “Pasayaw? Ayoko po, `nay,” tanggi niya. “`Ayan ka na naman, Almira. Paano ka naman magkakaroon ng nobyo kung tumatanggi ka sa mga ganiyang okasyon. Sumama ka na. Alam mo bang iniisip ng mga ka-baranggay natin na tomboy ka?” “Isipin na nila ang isipin nila, wala akong pakialam, nanay!” Natatawang sagot niya. “Saka wala pa sa isip ko ang pagno-nobyo. Sa inyo muna ang focus ko ngayon. Ayoko ng may kaagaw.” “Sabihin mo iyan ngayon pero kapag nakilala mo na ang lalaking nagpapatibok ng puso mo, kakainin mong lahat ng iyan.” Pinuntahan niya sa kusina ang ina. “Bakit ba itinutulak niyo na akong mag-asawa, `nay? Ayaw niyo na ba akong makasama dito?” Nakalabi niyang turan. Nagkunwari siyang nagtatampo. “Hindi naman sa ganoon. Bente sais ka na, Almira. Kung sa babae ay edad na iyan ng pag-aasawa. Ako nga ay disi-nuebe nang pakasalan ng tatay mo. Isa pa, ikaw lang ang inaalala namin. Paano kung may hindi magandang mangyari sa amin? Ayaw naman namin na mawawala kami nang hindi kami sigurado kung ano ang magiging buhay mo. Saka iyong tatay mo, gusto na ng apo!” “Nanay, `wag naman kayong magsalita ng ganiyan!” “Nagsasabi lang ako ng totoo, Almira. Hindi natin hawak ang ating kapalaran. Anumang oras ay pwedeng bigla na lang kaming mawala.” “Nanay! Tama na nga!” Saway niya dito. Naglalambing niya itong niyakap ng mahigpit. “Mabubuhay pa kayo ni tatay ng matagal na matagal. Makakarga at maaalagaan niyo pa ang magiging apo niyo sa akin…” “`Sus! Paano naman mangyayari iyon, e, tamad kang makihalubilo sa iba?” “Sige na. Kapag nakita ko na ang lalaking magpapatibok ng puso ko, papakasalan ko agad siya! Maging sino man siya!” biro ni Almira. “Hindi iyan ang ibig kong sabihin! Ang gusto ko ay sumama ka kay Maureen sa pasayaw sa plaza mamayang gabi. Doon, maraming lalaki. May mga taga-siyudad pa nga at malapit na ang fiesta dito sa atin. May mga dayo!” Natatawang kumalas si Almira sa pagkakayakap sa ina. “Nanay, ha? Bakit pakiramdam ko ay ibinubugaw niyo na ako?!” pabirong sabi niya na ikinatawa din nito.   AUSTRALIA…Maayos na inilalagay ni Miguel ang mga damit niya sa isang malaking maleta na nakapatong sa ibabaw ng kama. Tiningnan niya ang aparador sa kwartong iyon kung may nakalimutan pa siyang ilagay. Ngayon na kasi siya uuwi ng Pilipinas. Ilang buwan din niya itong pinag-isipan bago siya nakapag-decide. Talagang pinag-isipan niya ito ng mabuti. Halos limang taon din siyang tumira dito sa Australia. Nagtatrabaho siya dito bilang isang waiter sa isang restaurant. Ang perang kinikita niya doon ay sapat lamang na pagpapadala sa pamilya niya sa Pilipinas. Kakaunti lang ang natitira para sa kaniya at iyon ang itinitira niya para sa kaniyang sarili. Napatingin siya sa pinto nang biglang pumasok doon si Jeric. Ito ang kasama niya sa condo unit na inuupahan nilang dalawa. Ito ang kasama niya sa limang taon na pamamalagi niya sa bansang ito. Hindi lang basta housemate si Jeric kay Miguel. Si Jeric Intal ay ang kaniyang asawa. Kapwa sila lalaki pero mag-asawa silang dalawa. Oo, bakla sila. Iyong nga lang siya ang uri ng bakla na sa unang tingin ay hindi mo mahahalatang bakla. Lalaki pa rin kasi siya kumilos, magsalita at manamit. Ngunit ang puso niya ay tumitibok para sa lalaki. Hindi siya nagkakagusto sa babae. Habang si Jeric naman ay mas malambot kesa sa kaniya. Lalaki pa rin itong manamit pero mahahalata mong bakla dahil medyo malambot ang kilos at pananalita. Nagkakilala sila ni Jeric noon sa Pilipinas halos walong taon na rin ang nakakaraan. Sa isang gay dating app niya unang nakita si Jeric. Nag-chat sila at nagkapalagayan ng loob hanggang sa magdesisyon silang magkita. Nagbabakasyon lang ito sa Pilipinas at sa Australia talaga ito nakabase. Isa itong brand manager doon sa isang publishing company. Sa unang pagkikita pa lang nilang dalawa ay nakaramdam na siya ng atraksiyon kay Jeric at ganoon din naman ito sa kaniya. Kaya naman bago bumalik si Jeric ng Australia ay nagkasundo silang maging sila. Mahirap para sa kanila na magkalayo. Tiniis nila ang hirap ng long distance relationship. Pero isang beses sa isang buwan naman ay nagkikita sila ni Jeric. Umuuwi ito ng Pilipinas para magkita sila. Dalawang taon ang lumipas at naging manager na si Miguel sa isang fastfood restaurant. Ng mga panahon na iyon ay nasanay na sila ni Jeric sa set up ng kanilang relasyon. Wala namang problema sa pamilya nila dahil kapwa alam ng mga ito ang kanilang sekswalidad. Hanggang sa third anniversary nila ay sinorpresa siya ni Jeric. Umuwi ito ng Pilipinas nang hindi niya alam. Iyon pala ay magpo-propose na pala ito sa kaniya ng kasal. Dahil sa mahal na mahal niya ito at wala na siyang ibang gustong makasama kundi ito lang ay nag-yes siya. Ginanap ang proposal sa isang mall sa Maynila at nag-viral pa nga ito nang i-upload sa f******k ng nakakuha ng video sa kanila. Nagplano na silang dalawa para sa future nila. Nag-suggest si Jeric na mas maganda kung sa Australia na lang siya magtatrabaho. Legal ang same-s*x marriage doon kaya naisip din nito na doon na sila magpakasal. Para na rin daw magkasama na sila palagi. May inuupahan kasi itong condo unit sa Australia at wala naman itong kasama. Pumayag siya. Hindi na sila naghintay ng matagal at sa pagbalik ni Jeric sa Australia ay kasama na siya nito. Igi-nive up niya ang magandang trabaho sa Pilipinas para dito. Nagpakasal agad sila ni Jeric at dahil mag-asawa na sila ay mas naging matibay ang kanilang pagsasama. Nagkaroon sila ng assurance na kaniya na ito at siya naman ay pagmamay-ari na nito. Sa mga naunang taon ay naging masaya naman ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Kung anu-anong trabaho ang pinasok niya para makatulong sa gastusin sa bahay at makapagpadala sa pamilya niya. Pero kadalasan ng trabaho nakukuha niya ay waiter. Wala namang problema iyon. Kahit papaano naman ay malaki ang sweldo ng waiter sa Australia. Pero gaya nga ng ibang relasyon, ang sa kanila ay sa una lang din masaya. Tatlong taon na silang mag-asawa nang makita niya ang totoong ugali ni Jeric. Nagger ito. Nagagalit kapag wala siyang naiaambag sa pagbabayad ng bills. Seloso din ito. Kapag nakikita nito na may kausap siyang ibang lalaki kahit katrabaho o kaibigan niya ay nagagalit agad ito sa kaniya. Minsan pa nga ay napagbuhatan siya nito ng kamay. Pero dahil sa mahal niya si Jeric ay hindi siya gumaganti. Tumatahimik lang siya. Siya ang palaging nanunuyo dito kahit na siya ang sinasaktan. Controlling din ito. Gusto nito ay ito ang palaging masusunod. Kung saan sila kakain, ano ang kakainin nila, sino lang ang dapat niyang kausapin at maging sa pananamit niya. Sa lahat ng iyon ay pinapakialaman siya nito. Nagtiis siya. Iniisip na lang niya na minsan naman ay sweet si Jeric sa kaniya. Bumabawi ito kapag alam nitong nasaktan siya nito minsan. Ngunit ang ganoong senaryo ay naging paulit-ulit na lang. Nakaramdam na si Miguel ng awa sa kaniyang sarili. Lalo na nitong huli na nasuntok siya ni Jeric sa mukha nang tatlong beses dahil lang sa kinausap siya ng guard ng condominium. Inakusahan siya nitong nakikipaglandian. “Asawa na kita, Miguel! You are mine at walang pwedeng umagaw sa iyo sa akin!” Hanggang ngayon ay natatandaan pa niya ang sinabi ni Jeric na iyon. Nagkunwari siyang hindi napansin si Jeric. Malalaki ang hakbang na lumapit ito sa kaniya. “Miguel, what is this? Bakit nag-eempake ka ng mga damit mo? Are you going on a vacation? Where? Bakit hindi mo man lang ako sinabihan? Gusto kong sumama sa iyo!” walang prenong sabi ni Jeric. “Hindi ako magbabakasyon…” Mahinahon niyang sagot habang isinasara na ang maleta. Nasiguro na niya na wala na siyang naiwanan. Lahat ay naroon na. “Then, what?! Bakit ka nag-empake? Aalis ka?” “Uuwi na muna ako sa amin. Sa Pilipinas. I need a break, Jeric.” Halata ang pagod sa mukha niya nang tumingin siya sa asawa. “Break from what?” Nagtatakang tanong ni Jeric habang sinasabayan ng pag-muwestra ng kamay. “From us. Jeric, pagod na ako sa relationship natin. Gusto ko munang huminga. Baka kapag nagsama pa tayo dito ay kung ano pa ang mangyari.” “So, you’re breaking up with me?” Umiling siya. “Hindi sa ganoon. Maghiwalay muna tayo ng landas. Ikaw dito, ako sa Pilipinas. You have to know na mali ang ginagawa mo sa akin. Sinasaktan mo ako physically and emotionally—” “Ginagawa ko iyon dahil malandi ka!” “Hindi ako malandi. Faithful ako sa iyo simula nang maging tayo. Wala akong ibang minahal kundi ikaw lang. Kaya lang… hindi ko na gusto ang ugali mo at iyon ang gusto kong ma-realize mo habang magkalayo tayo.” Natahimik si Jeric habang matiim na nakatingin sa kaniya. “Mahal mo pa ba ako?” “Mahal na mahal…” Matapat niyang sagot. “Then why are you leaving?” “Dahil masyado nang toxic. Kailangan ko munang huminga at magpahinga. Don’t worry, kapag kaya ko na, babalik ulit ako dito. Hindi naman ibig sabihin na aalis ako dito ay wala na tayo.” Kinuha niya ang isang kamay ni Jeric at masuyo iyong hinawakan. “You’re still my husband and I’m still your husband.” Hinalikan niya ang kamay ni Jeric kasunod ng pagpatak ng kaniyang luha. Bago siya tuluyang umalis ay ginawaran muna niya ng isang halik sa labi ang asawa. Mahigpit niya itong niyakap. Pinigilan pa siya nito pero hindi ito nagtagumpay dahil buo na talaga ang loob niya na pansamantala muna silang maghiwalay. Para din naman ito sa kanilang dalawa…

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Husband's Mistress

read
297.9K
bc

Broken Angel

read
3.9K
bc

Unexpected Romance

read
38.5K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

My Cold Husband(Tagalog)

read
852.9K
bc

Womanizer's Property (TAGALOG)

read
1.2M
bc

Fight for my son's right

read
147.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook