bc

Beauty And The Beks

book_age0+
4.6K
FOLLOW
15.0K
READ
drama
comedy
sweet
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

(TAGALOG STORY) CANDELARIA meets her match-- si ROBI. Ang "pamintang" beki na kapitbahay niya. Yes, na-inlove siya sa isang bading! Well, kahit na super imbyerna si Robi sa kanya, gumawa naman ang tadhana para mapasakanya ito. Nagkaroon ito ng amnesia at sinabi lang naman niya na siya ang jowa nito!

Ang bading ba, kapag nagkaroon ng amnesia, bading pa rin? Alamin!!!

chap-preview
Free preview
CHAPTER 01- I Believe In Love… Again
CANDELARIA’S POV MALALAKI at mabibilis ang mga hakbang ko habang papalabas ng sosyal na restaurant na iyon. Grabe naman kasi ang bestfriend ko na si Lucena! Hindi talaga makaintindi ang babaitang iyon. Ang kulit-kulit! Sinabi nang ayoko ng blind date na iyan o kahit na anong bagay na may koneksiyon sa pakikipag-interact sa mga boys. Yes, I hate boys! Bakit? Eh, wala namang alam gawin ang mga boys kundi ang manakit ng damdamin naming mga girls. O, aangal pa? Totoo naman, eh. Marami na akong nakita. Marami na akong narinig. Gusto niyo, isa-isahin ko pa, eh. Una, si Mama Aurora. Iniwan siya ng jowa niya at ipinalit sa totoong babae. Yes, bading si Mama Aurora pero siya ang tunay naming tatay na ngayon ay nanay na namin. Nang ma-deds na kasi ang totoo naming nanay ay bumigay na si Mama Aurora na originally ay si Papa Arturo. Complicated `no? Ayun nga, iniwan siya ng jowa niya. Matapos siyang huthutan ng tamad na lalaking iyon! Sunod naman sa panganay kong kapatid na si Ate Polly. Aba, iniwan ng walanghiya niyang boyfriend matapos buntisin! At papahuli ba naman ako? Nahuli ko lang naman ang ex-boyfriend ko na kalampungan sa kama ang yaya nila! Kaya wala na talaga akong katiwa-tiwala sa mga lalaking iyan! Man-hater na kung man-hater pero iyan ang prinsipyo ko. Wala na kayong magagawa diyan, `no. Well, kung tatanungin niyo naman ako kung may “K” akong maging man-hater… Ang masasabi ko lang ay: “Yes na yes! Oo naman!” Aba! Napakaganda ko kayang babae, hindi naman sa pagmamahangin. 5’7 ang height ko at meron akong balingkinitan at sexy na body. Noong hindi pa ako sumasapit sa 20’s ay ilang beses akong nananalo sa mga amateur beauty contests sa baranggay namin. Long and straight ang hair ko na medyo brown. Pinakulayan ko last week sa baklang parlorista. Tapos, medyo chinita ako, matangos ang ilong at manipis at mapula ang labi. Medyo prominente ang jawline ko na nagbibigay sa akin ng powerful effect. At natural na maputi ang skin ko kahit na hindi kami ganoon kayaman. Hindi ko na kailangang um-order ng sangkatutak na gluta soap. Lahat iyan ay katotohanan lang, ha! “Candelaria! Waaait! Ano ba? Can you make bagal naman your walk!” habol sa akin ng conyo kong bestfriend na si Lucena na parang si Jolina Magdangal noon manamit. Kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong gumegewang-gewang na siya sa pagtakbo dahil nakasuot siya ng high heels. Hindi ko siya nilingon. Bakit pa? Imbyerna talaga ako sa kanya. Porket mayaman ang pamilya niya sa amin ng ten percent, gaganituhin na niya ako! “Wait me naman, Candelaria! It’s so kapagod na to takbo-takbo, eh!” reklamo niya. No choice ako kundi ang tumigil na sa paglalakad dahil nasa waiting shed na ako. Sana naman ay may dumating agad na bus para makauwi na ako. Nagsisisi na tuloy kung bakit sumama pa ako kay Lucena. Tinulungan ko na lang sana si Mama Aurora ko sa bakery namin. Natuwa pa sana siya sa akin kahit na wala na naman akong trabaho. “Finally, I make abot you na…” hingal dinosaur na si Lucena nang makalapit sa akin. Ako naman ay todo-irap lang. Nakakasugat ang napakatulis kong nguso. Ayoko siyang pansinin para ma-feel niya na nagtatampo ako sa kanya. Eh, kasi naman, alam naman niya na man-hater na nga ako at pinapanindigan ko na ang bagay na iyon, tapos ganito? Iri-reto niya ako sa lalaki! Muntik pa akong ma-out of balance nang hawakan ako ni Lucena sa braso at iyugoyog ako ng super. “Hey, Candelaria! Pansinin you naman me, please… Sorry na kasi! Concern lang naman ako because I am your bestfriend.” Hindi na ako nakatiis at kinausap ko na siya. “Wow, Lucena! Iyon naman pala, bestfriend kita tapos hindi mo ma-gets na ayoko na nga sa lalaki dahil mga manloloko sila. Hindi ako tanga para magpaloko sa mga salita nila. Saka sa una lang naman magagaling ang mga iyan! Pag nakuha na ang gusto, wala na… labasan na ng buntot at sungay.” “But, Lucena, hindi naman ibig sabihin na porket na-hurt your mother and sister because of men ay mangyayari rin sa’yo iyon.” “Nangyari na nga, `di ba? Kaya nga iniwan na ako ni Toby,” tukoy ko sa ex ko. “Kahit na. Once lang naman iyon,” nakanguso niyang tugon. Nakuuu!!! Naiirita na ako sa bestfriend kong ito. Hindi ko nga rin alam kung bakit ko naging bestfriend ang babaitang ito. Napakaarte naman. Daig pa si Kris Aquino kung magsalita. “Once, twice o thrice, wala akong pake! Basta ayoko nang masundan ang pananakit ng lalaki sa akin. Diyan ka na nga!” sabay sakay ko sa ordinary bus na huminto sa tapat ko. Medyo puno na ang bus kaya nagmamadali na umupo ako sa tabi ng isang lalaki na hindi ko na binigyan ng pansin kung ano ang hitsura. Nagmamadali talaga ako sa pag-upo dahil mahina ang balance ko. Baka biglang umandar ang bus ay matumba-tumba pa ako. Nagulat ako nang sumakay din si Lucena sa bus. Wala nang bakanteng upuan kaya wala siyang choice kundi ang tumayo sa tabi ko. “Candelaria, peace na tayo, please…” pangungulit niya. Naiinis na kinamot ko ang ulo ko kahit hindi makati. “Ayoko nga! Nakakainis kaya ginawa mo!” sabay irap ko. “Okey. I will not make you pilit pa sa blind date with boys na…” Tumingin ako sa kanya. “Talaga?” “Yes!” “Okey. Bati na tayo pero ililibre mo ako bukas sa Jollibee. Hindi ka pwedeng humindi dahil hindi talaga ako makikipagbati sa’yong bruha ka!” “Oo na! You know naman na ikaw lang ang friend ko and ayoko na ma-angry ka ng super to me…” aniya. Ako lang kasi ang nakakatiis sa kaartehan niya. “Pero, I have a tanong to you, Candelaria. Ano bang kind of boy ang makakapag-alis ng pagiging man-hater you?” “Wala!” matigas kong sagot. “Kahit kasing-gwapo pa siya ni Coco Martin, kasing-macho ni Carlos Agassi, wala talaga! Pare-pareho lang naman ang mga lalaki! Manloloko at bolero. Mga damuho!” may kasama pang gigil ang pagsasalita ko. Wala akong pakialam kahit naririnig pa ng mga lalaki na nasa bus ang pinagsasabi ko. Basta mailabas ko lang talaga ang gigil at inis sa mga lalaking iyan. Pwe! “Yeah, right. Sabi mo, eh,” ani Lucena. Teka, `yong buhok ko, medyo nagugulo na dahil sa lakas ng hangin. Nakabukas yata iyong bintana. So, hinarap ko iyong lalaki na nasa tabi ng bintana para sabihan na sarahan iyong window. “Pwedeng pakisara naman? Ang lakas ng hangin, eh!” medyo pagalit dahil lalaki siya. Unti-unting humarap sa akin iyong lalaki. Literal na napanganga ako nang makita ko ang mukha niya. OMG! ANG GWAPO! Capslock para intense! Diyos mio, por pabor! Ang lalantik ng eyelashes niya at medyo promonent din ang jawline like me. Matangos ang ilong at bilugan ang eyes. Kamukha siya ni Coco Martin at kasing-macho ni Carlos Agassi. Hindi ko alam pero biglang naging abnormal ang pagtibok ng puso ko. Tumango siya at sinaraduhan na ang bintana. Lumingon ulit siya sa akin at napakunot ng noo ang lalaki nang makita niyang para akong timang na nakatulala sa kanya. Umiling-iling siya sabay kuha ng shades na nakalagay sa bulsa ng suot niyang pink na polo at isinuot iyon. Ah, hindi! Hindi ito pwede. Man-hater ako. Man-hater— “Holdap `to!” “Ay pukinang ina nahulog!” gulat na sigaw ko nang biglang tumayo iyong lalaki na nakaupo sa unahan namin. Nagulat talaga ako kasi mukha siyang halimaw at may hawak pang baril. Mula sa may bandang hulihan ng bus ay dalawang lalaki pa ang tumayo at inumpisahan na kunin ang mga gamit ng mga pasahero. Kapag minamalas ka nga naman, oh! May nakasakay pa kaming holdaper. OMG! Siguro ay ibibigay ko na lang ang mga gamit ko dahil baka barilin nila ako. “Do you have a perfume?” biglang tanong sa akin ng katabi kong lalaki. “Ha?” Nagtataka kong tanong. Natulala na rin ako dahil para akong na-hipnotize sa magaganda niyang mata. “Perfume!” ulit niya. “Ah, yes! I have!” Kita niyo. Sa kapogian niya, napa-English ako ng wagas! Ano bang gagawin niya sa pabango? Holdapan na nga, magpapabango pa? Kaloka! Hinalughog ko ang bag ko sabay abot ng perfume ko na di-spray. “Here!” sabi. “Akin na ang gamit mo!” OMG! Ako na pala ang kukunan ng gamit ng mga holdaper. “Saglit lang, kuyang holdaper! `Wag niyo po akong sasaktan, parang awa niyo—“ Nagulat na lang ako nang biglang i-spray ng katabi kong lalaki ang pabango ko sa mukha ng holdaper. Napasigaw ang holdaper na naghilamos sa pabango ko dahil siguro pumasok sa mata niya ang perfume ko. Nabitiwan nito ang baril at nawindang na ako sa mga sumunod na nangyari. Sinabunutan ng katabi kong lalaki ang holdaper at pinagsasampal. Habang sinasabunutan at sinasampal ng lalaki ang holdaper ay nakatingin lang ako sa ginagawa niya. Amaze na amaze ako habang pabilis nang pabilis ang t***k ng puso ko. Parang naging slow motion ang galaw niya nang hindi ko alam… Sa ginawa ng lalaking iyon ay nagkaroon ng lakas ng loob ang iba pang pasahero na kuyugin ang dalawa pang holdaper. Wala namang baril ang dalawa pa kaya agad na nabugbog ang mga iyon. Nang may madaanan na police station ang bus ay sandali itong tumigil at dinala doon ang tatlong holdaper. Medyo kinausap ang driver at ilang pasahero pati na ang aming hero—iyong katabi kong lalaki. At nagpatuloy na ulit ang biyahe namin. Nakalimutan ko agad ang holdapan. Katabi ko pa rin sa bus ang lalaking iyon at talagang nakatitig lang ako sa kanya… Oh my, God. Ano ba itong nafe-feel ko? Bakit ganito? Parang feel ko ang lalaking ito! Ito ba ang tinatawag nilang… Love at first sight? I don’t know pero parang ganoon ang nafi-feel ko sa ngayon. Akala ko kasi lahat ng lalako ay pananakit lang sa aming babae ang alam. Pero iba ang lalaking ito… He save our lives! Para siyang superhero sa ginawa niya at dahil doon ay parang nagbago na ang tingin ko sa mga lalaki. Pero, wait! Ang face ko! Sure ako na super haggard na ako dahil sa paglalakad ko sa kainitan at holdapan. Kailangan kong magpaganda. Kinalabit ko si Lucena. “Why?” aniya. “Pahiram ng face powder, bilis!” bulong ko. “Ha? Bakit—“ “`Wag ka nang magtanong, okey?” “Okey,” sabay abot niya ng hinihiram ko. Tumingin muna ako sa lalaki saka ko nilagyan ng face powder ang mukha ko. Pagkatapos ay tumikhim ako at umusog pa sa tabi niya. Grabe lang, bigla naman ang paglandi ko. Wala sa plano. Ano bang meron ang lalaking ito at ang lakas ng dating niya? Kinain ko lahat ng sinabi ko. Hindi na ako man-hater simula ngayon! Umusog pa ako pero parang walang effect sa kanya. Hindi siya nagrereklamo kahit medyo nasisiksik ko na siya. Kinilig naman ako ng slight doon. Hindi siya pumapalag, it means, gusto niya ang ginagawa ko. Ano kaya kung magtulug-tulugan ako? What a bright idea. Talino ko talaga. Pumikit ako. Kunwari tulog. At hindi ko na pinatagal, isinanday ko na ang ulo ko sa balikat niya. This is it. Sparks na ito! ROBI’S POV ANO ba itey na babaitang itech? Ginawa pang pillow ang shoulder ni atashi! Imbyernakels, ha! Kadiri to the highest level. Buti sana kung papabol na boylet siya pero hindi, eh. Babaitang-babaita. Nakakapansin na aketchi, ha. Kanina, sinisiksik niya ako na parang Ligo Sardines. Tapos, tutulog-tulog siya at gagawing pillow ang shoulder ko! Itinirik ko ang beautiful eyes ko. Iniiwas ko ng bongacious ang shoulder ko at kumalabog ang ulo niya sa kung saan. Buti nga sa’yo! “Ouch naman!” ani ng babae habang hawak niya ang noo niya. Pa-cute na tumingin sa akin ang bruha. Hinawi pa niya ang hairlalu niya at inipit sa back ng ear niya. Waitsung nga! Nilalandi ba ako ng babaitang ito? No, no, no, no! Kadiri!!! As in kaderder talaga. “Hindi po unan ang shoulder ko, excuse meh!” sabay irap ko sa kanya. Natulaley siya at kumurap-kurap. “B-bakit ganyan ka magsalita? Malambot na parang ewan…” tanong niya sa akin. “Ha? Anetchi naman ang problema sa pagsasalita ko? Ganito ako magsalita, pakialam mo?” Medyo natarayan ko na siya pero wapakels pa rin ang beauty ko. “W-wala. Parang bakla ka kasi magsalita…” “Anupabey? Bekibels nga ako!” “Weeeh?! Maniwala? Sa gwapo mong `yan, beki ka? Tapos binugbog mo pa `yong isang holdaper. Niloloko mo ako.” Hindi ako na-flatter kahit sinabihan niyang gwapo ako. Kung maganda pa, baka over the bakod na ang saya ko. Well, I can’t blame her kung tawagin man niya akong “gwapo” kasi iyon naman ang katotohanan. Mahirap mang tanggapin pero, yiz na yiz! Gwapo ako pero ang puso ko ay girlaloo. Ganito na kasi ang makabagong bakla ngayon. Dapat mas gwapo pa sa tunay na lalaki para makabingwit agad ng gwapo ring fafa! Oh, `di ba? Effective naman siya kasi ang jowa ko lang naman ay si Xian Pascual. Sounds familiar ba ang namesung ng fafa ko? Well, siya lang namern ang isa sa mga sikat na leading man ngayon sa telebisyon sa tv network na GMA-CBN. He’s so gwapo at macho. Fan niya lang ako dati until ma-meet ko siya nang mag-mall tour siya. He gave me his number at doon na nag-umpisa ang lahat. Paminta rin pala si Xian Pascual! Kalowka! Two years na ang relationship namin pero kami lang dalawa ang nakakaalam. Alam niyo naman ang showbiz, `di ba? Kapag nalaman ng madlang otaw na beki si Xian Pascual at may karelasyon din itong beki, naku, dedobels na ang career ng lola niyo. Actually, papunta nga ako today sa house na binili niya for us. Iyon daw ang magsisilbing love nest naming dalawa. Lagi na lang kasi sa mga hotel kami nagkikita tapos todo-disguise si Xian Pascual para hindi makilala ng madla. Hindi naman pwede sa balur nila at kasama niya doon ang mudrakels niya. Maju-Julie Vega kami kung doon, `no. Pero ngayon, hindi na kami magtitiis sa mga hotel na `yan. May bahay na kaming dalawa. Nai-imagine ko tuloy mga gagawin namin doon. Haaay… Dala-dala ko na nga mga damit ko. Nagpaalam na rin ako sa mudrakels ko na tanggap na tanggap ang pagiging beki ko na magsasama na kami ng partner ko. Hindi rin niya alam na jowabels ko si Xiam Lim. Hihi! Secret nga, `di ba? But, kung ako lang ang tatanungin, gusto ko nang ipagsigawan sa buong Mother Earth ang relationship naming dalawa. Mahirap din magtago, eh. Anubeyen! Napakwento na tuloy ako sa love life ko! Tawa much! Tinaasan ko si ateng na ayaw maniwala na beki ako. “Wititit naman aketch pake kung ayaw mong mag make believe na beki ako, basta `wag ka na ulit uunan sa shoulder ko at kinakati ako. Imbyerna!” Todo flip hair ako sa kanya then irap. “Niloloko mo ako. Hindi ka bakla, eh!” “Teka nga, ateng… ano bang problema mo kung bakla ako o hindi?” todo na ang pagtataray ko. Umiling siya. “W-wala…” Eh `di, kandautal siya nang mag-ala-Maricel Soriano ako sa katarayan. Hmp!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
216.5K
bc

STALKER_Mafia Lord Series 3

read
320.9K
bc

The Possessive Mafia Boss ( Tagalog )

read
342.1K
bc

NINONG II

read
619.3K
bc

My Wife is a Secret Agent (COMPLETED)

read
326.2K
bc

Mrs. Moore: The Queen of my Heart (book 2) -SPG

read
403.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook