CHAPTER 02- Robi Is The Name

2202 Words
CANDELARIA’S POV HINAWAKAN ko si Lucena sa braso at ipinagwasiwasan siya nang makababa na kami ng bus. Naglalakad na kami pauwi sa bahay. “Lucena, nakita mo ba `yong lalaking katabi ko kanina sa bus? Grabe ang gwapo niya, `di ba?” kinikilig na turan ko. “Whut? Lalaki ba iyon? Bakla kaya! Look, he make taray-taray to you kaya!” Ngali-ngali kong sapakin si Lucena sa pambabasag niya sa akin. “Hindi siya bakla, tumigil ka nga! Feminine lang siguro siya kumilos at magsalita!” “I don’t think so. He’s bakla to me. And wait, don’t tell me, type mo siya?” “Type na type!” Kumerengkeng na nga po ako. Tumigil sa paglalakad si Lucena at sinalat-salat ang noo at leeg ko. Tinabig ko ang kamay niya at binulyawan siya. “Ano ba?! Ang lagkit ng kamay mo. Sa’n mo ba `yan pinaghahawak?” “Wala ka namang fever pero it seems you like men na ulit because of that bakla.” “Hindi nga siya bakla. Ano ba! Hindi ko rin alam, eh. Nang makita ko siya, I see hope… Ang perfect niya. Siya lang pala ang makakatanggal ng galit ko sa mga lalaki at ginawa niya iyon effortless! Nagkatabi lang kami sa bus then… boom! I fall…” tila si Cinderella na nangangarap na turan ko. Mabilis pang kumukurap-kurap ang mga mata ko pagkatapos. Daydreaming lang, `teh! Umiling-iling si Lucena. “Ewan ko to you. You’re not a man-hater anymore na nga pero naging gay-lover ka naman, Candelaria. Eww!” Maka-eww naman ang bruhang conyo na ito. Ah, basta. Hindi ako naniniwala na bakla ang lalaking iyon. Ganoon lang siya kumilos. Ang dami nga diyang mas grabe pa sa kanya pero lalaki. “Ah, basta. Hindi siya bakla,” pilit ko pa. “Sige, Candelaria, push mo pa that! Keep dreaming. And besides, I don’t think na magkikita pa kayong two.” “Alam mo, Lucena, ang kontrabida mo. Hindi ba pwedeng maging masaya ka na lang para sa akin? I changed!” Suminghap si Lucena at niyakap ako. “Okey, then… I am happy para sa iyo, Candelaria. So saya kasi `di ka na man-hater!”at tumawa pa ito. Hmp! Plastik. Ah, basta. Alam ko… magkikita pa kami ng lalaking iyon. We’re Destiny by EvanLee24! “NEVER mind I find someone like you… I wish nothing but the best for you… hoooh!” Todo-todo ang pagkanta ko nang pumasok ako sa maliit naming bakery. Naroon si Mama Aurora na busy’ng-busy sa paglalagay ng fake na eyelashes. Walang bumibili sa aking bakery na may pangalan na “Aura Bekiry”. Hango iyan sa name ni Mama Aurora na isang beki na may ari ng isang bakery. Tumigil sa ginagawa niya si Mama Aurora. Naka-heavy make-up agad siya kahit umaga pa lang. “Aba, aba, aba! Happiness yata ang junakis kez. Anoyotchi ba ang nagpa-happiness sa aking ever gandara na junakis?” Pinagsalikop ko ang aking mga kamay at ngumiti. “Mama, I think I’m… in love!” “Seryoso chi?” Kagat-labi na tumango ako. Sabay kaming napatili ni Mama Aurora. Kulang na lang ay tumambling siya sa sobrang tuwa. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman niya na man-hater ako. Matagal na rin kasi niyang pinapangarap na mag-boyfriend ako after ng last heartbreak ko. Alam ko na masaya siya na finally ay na-inlove na ulit ako. “Naku, when when de sarapen ang wedding-boom?” excited na tanong niya. “Kasal agad, Mama?” “Yes chi. Wedding-boom na agad! Para honeymoon-belya na agad-agad. Aba, hindi na bata si mudrakels mez. Gusto kez na ng bonggang-bonggang apo-chenelya! Mga sampu, ganern!” “Eh, wala pa naman po akong jowa, Mama. Inlove lang ako at hindi pa kami.” “Huwaaat?!” sigaw niya with matching eksaheradang facial expression. “Twenty-four years old ka na, junakis… Dapat nag-aasawa ka na chi!” Naglakad ako papunta sa mga naka-display na tinapay. Kumuha ako ng putok at kinain iyon. “Darating din tayo diyan, Mama. Don’t `ya worry. I know, magkikita pa kami ng lalaking iyon. Destiny kami, feel ko talaga.” Nilapitan niya ako sabay akbay. “Sadness naman si atashi, junakis… Pero, kahit papaano, happiness na rin aketchi kasi wititit ka na man-hater chi!” Tumango-tango ako. Hindi na ako makapagsalita dahil puno ng putok ang bunganga ko. “Teka, nasaan nga pala si Ate Polly, Mama?” tanong ko nang malunok ko na ang laman ng bibig ko. “Ayun chi, naghahanap ng job-laloo ang kapatid mez. Si baby-china niya, nasa kwarto. Sleeping beauty pa kanina.” “Ganoon po ba? Puntahan ko lang po si Baby Heidi,” tukoy ko sa anak ni Ate Polly. ROBI’S POV OH MY, GULAY! Nakatulog pala ako sa bus at lumampas na ako sa dapat kong babaan. Agad akong pumara at bumaba na ng bus. Kajirits naman kasi si Mamang Kundoktor, hindi ginising ang beauty ko, knowsung naman niya ang bababaan ko. Imbyerna ng twelve percent. Oh, well, keribels lang naman. Mas okey na rin siguro itey, makakarampa aketch. Pagbaba ko ng bus ay nagpalinga-linga ako. May nakita akong sari-sari store. Makapagtanong nga doon. “Ate, good morning po. Saan chi po ba ang Southsea Subdivision?” tanong ko kay Ateng Tindera na may kasama pang isang girlash. Anak niya yata, wala akong pakialam. “Ah, doon…” sabay turo niya sa kaliwa ko. “Lakad ka lang. Tapos may makikita kang Southsea Subdivision.” “Salamuch po, ateng…” sabay ngiti ko. Nang paalis na ako ay narinig ko na pinag-usapan ako ng dalawang babaitang iyon sa store. “Sayang naman, gwapo sana pero bakla!” “Bakla ba iyon?” “Hindi mo ba narinig at nakita? Ang lambot niya magsalita at tingnan mo maglakad, humahampas ang puwitan! At ang bag, pink shoulder bag!” Naitirik ko ang aking mga mata. Imbyerna! Eh, ano naman kung bakla ako? Problema nila? Ina-ano ko ba sila? Mapanghusgang echoserang frog. Saka pag gwapong bakla, sayang na agad? Mas sayang siguro `yong gwapo nga ako at straight pero droga lords naman. Mas lalo ko pa silang inasar nang itodo ko na ang paglalakad ko. Tsunami walk then rampa to the max na! After two-minutes of tsunami walking nakita ko na ang “Welcome to Southsea Subdivision!” Pumasok na ako. Nagpasama ako sa guard sa Block 07, Lot 24… “Thanks, Kuyang Guard!” “Welcome po, Sir…” at iniwan na ako ng guard. Napahinga ako nang malalim nang sa wakas ay nasa harapan na ako ng bahay na ibinili ni Xian Pascual para sa akin. Ang dramatic lang ng feeling… Parang akong isang babaita na binigyan ng bahay ng kanyang future husband. Kaka-inlove lalo tuloy si Xian. He’s so generous to me. Dahil teary-eyed na ako ay maarte kong pinahid ang tears sa gilid ng aking eyes. Iginala ko ang tingin ko sa paligid. Mukhang okey ang location ng bungalow house na binili ni Xian for us. May katabing bakery at maliit na grocery store. Hindi na ako mapapagod pumunta sa mall para lang bumili ng foods. Ang galing talaga ni XianMyLabs! Lumapit na ako sa door at binuksan iyon. Dramatic na napaawang ang aking bibig nang makita ko na kumpleto na iyon sa gamit. Mula sa living room… Then, punta ako sa kitchen. Complete na rin. Ganoon din ang dining, CR at siyempre ang bedroom. Importante talaga ang bedroom kasi doon kami gagawa ng junakis ni Xian. Chos! Asa pa ako na mabubuntis aketch. Saka na kapag dumating na `yong matris na in-order ko sa Lazada! CANDELARIA’S POV PUPUNGAS-PUNGAS ako nang magising ako. Nakaidlip na pala ako sa tabi ni Baby Heidi. Naka-smile ako nang bumangon. Eh, paano ba naman… pati sa dream land ko ay binisita ako ng lalaking nakatabi ko sa bus. Ang ganda-ganda ng panaginip ko sa tanghaling-tapat. Naglalakad daw ako sa isang flowery garden then all of the sudden nilapitan ako ng lalaking iyon. Nagsayaw daw kami ng ‘Run The World” ni Beyonce. Tapos ang kilig part ay nang kantahan niya ako ng ‘On The Wings Of Love’ ni Regine Velasquez at ‘Poker Face’ ni Lady Gaga. Grabe iyon… Kung pwede nga lang na `wag na akong gumising para doon na lang kaming dalawa sa dream land ko. Happy lang, walang ending! Pero, wait nga… parang may naririnig ako. parang may kausap si Mama Aurora sa bakery namin. Kadikit lang naman kasi ng bahay namin ang bakery kaya naririnig ko. Pinakinggan kong mabuti. “Ikaw chi pala ang bago naming neighborhood! Welcome-china!” boses ni Mama Aurora. “I thank you! Pwede po bang tawagin na lang kitang ‘Mudra’?” boses naman ng kausap niya. Boses bakla. Baka bagong friend ni Mama Aurora kaya kumibit-balikat lang ako. Naglakad na ako papunta sa bakery. Kukuha ulit ako ng tinapay. Nagutom ako sa pag-idlip ko, eh. “Mama, sino `yang—“ Bigla akong natigilan nang makita ko ang kausap ni Mama Aurora. Nanlaki nang husto ang aking mata. Iyong lalaki sa bus! Siya ang kausap ni Mama Aurora! Bigla kong naalala ang hitsura ko dahil bagong gising pa lang ako. Sabog ang buhok at hulas ang make-up. Kupas na t-shirt ang suot at mini-skirt na sira na ang laylayan. Hindi pwede ito! Hindi ako pwedeng makita ng dream guy ko nang ganito. Nagmamadali ako na bumalik sa kwarto. Mabuti na lang at busy sila sa pag-uusap kaya hindi nila ako napansin. Teka, ano bang gagawin ko? Nakakataranta naman ito! Ganito talaga kapag inlove. Ah, tama! Humarap ako sa salamin at inumpisahang magsuklay. Inayos ko iyon ng husto. Kumuha ako ng facial wipes at pinahid ang make-up sa mukha ko. Hulas na kasi kaya dapat nang palitan. Ayokong magmukhang bruha sa harap ng lalaking iyon. Hindi pwede! Nilagyan ko ng bagong make-up. Lipstick, blush on at eyeshadow. Nagwisik na rin ako ng perfume ko. Look up… Face to the left… Face to the right… Chin up… Ang ganda ko na. Effortless! Natural beauty. And of course, sinuot ko na rin ang white dress ko na sinusuot ko lang kapag may special occasions. Hinanap ko pa ang stiletto ko sa ilalim ng kama. Pinagpagan ko pa ng alikabok dahil matagal ko nang hindi iyon nagagamit. And I’m ready nang magpakita sa dream guy ko. Pumunta na ako sa bakery. Kumunot ang noo ni Mama Aurora nang makita ako. Kunwari ay hindi ko pa nakikita ang kausap niyang lalaki. “Junakis, saang binyagan ang gora mo? White dress today ang peg mez!” tanong sa akin ni mama. Pa-demure akong tumawa. “Mama, ano ka ba… Wala. Kakagising ko lang kaya. Normal ko na ito, `di ba?” sabay hawi ng buhok ko. Dapat ma-impress sa akin si dream guy. “Sureness ka? Bakit ganiyan ang OOTD mez? Hindi ka naman ganiyan dati kapag nagigising ka chi, ah.” “Alam niyo naman po ako, always pretty—“ at nag-gulat-gulatan ako ng tingnan ang lalaking nasa labas ng bakery namin na kausap ni Mama Aurora. Siya talaga iyong gwapong lalaki sa bus. “ Wait, nagkita na ba tayo?” tanong ko sa lalaki. Medyo sumimangot siya. “Sa bus,” tipid niyang sagot. Mahina akong pumalakpak at putol-putol na pumalakpak. Nangalumbaba ako sa ibabaw ng eskaparate ng ng mga tinapay. “Yeah, sa bus… Why are you here? Are you stalking me? Hindi na ba ako maalis sa isip mo after our first encounter?” kumurap-kurap pa ako. “Excuse meh! No way! Stalker? Mo? Eww… Naririnig mo ba ang sinasabi mong babaita ka? Kanina ka pa sa bus, ha!” “Aminin mo na kasi, sinusundan mo ako. You can’t get me out of your head na ba ang nangyayari sa’yo? Mahal mo na ba ako?” Mataray niya akong tiningnan. “Kilabutan ka nga! Maliligo ako sa holy water pag-uwi ko!” “Gusto mo, sabay tayong maligo?” Ang landi-landi ko na bigla. Pag ganito ba naman ka-gwapo ang lalaki sa harap mo, eh. “Maligo ka mag-isa mo! Bruha! Kati mo! “Wait chi! Knowsung niyo ang each other?” singit ni Mama Aurora. Tiningnan ko si Mama Aurora at hinila ko siya sa isang sulok sabay bulong sa kanya. “Mama Aurora, siya po `yong sinasabi ko sa inyo na lalaki…” Kumunot ang noo niya. “Lalaki na anetch?” “Iyong lalaki na gusto ko…” kinikilig ko pang bulong. Napangiwi si Mama Aurora. “Sureness ka, junakis? Bekibels `yang si Robi!” So, ‘Robi’ pala ang name niya. Bagay sa kanya dahil sounds pogi. Umiling ako. “Beki? Hindi, ah. He’s just… feminine.” Pilit ko. Nagkatinginan kami. “Sureness ka?” Kagat-labi akong tumango. Tiningnan ko si Robi sabay kindat sa kanya na sinuklian niya nang nakakamatay na irap. Shit! Kinilig ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD