ROBI’S POV
PAGKAAYOS na pagkaayos ko ng aking mga gamit sa bagong bahay namin ni Xian ay nag-shower lang akez at gumora na ako sa labas ng house para mangapit-bahay. Ganoon daw talaga dapat kapag bagong lipat ka pa lang sa isang lugar. Dapat, makipag-friends ka sa neighborhood para magkaroon ka ng peace of mind sa lugar na titirahan mo. May point naman. Saka, mas okey kapag nagkaroon na agad aketchi ng friends ditey. Atleast, kapag waley ako dito sa love nest namin ni Xian, may titingin-tingin sa house namin. Oh, `di ba? I am so bright like diamond.
Ayun nga. Sa bakery sa kalapit ko ako agad gumora. Well, sakto kasi bekibels rin pala like me ang may-ari niyon. Tawagin ko daw siyang ‘Mama Aurora’. Pero kung ako ay mukhang lalaki na beki, si Mama Aurora naman ay all-out na, as in, out na out and super proud sa kanyang kapang nakaladlad! Masaya siyang kausap at nasayangan din siya sa akin kasi super pogi ko daw. Keri naman ang lahat until may dumating na babaita. Remember, `yong babaeng todo-sandal sa aketch sa bus? Mukhang doon pa yata siya nakatira with Mama Aurora. Imbyernakels lang kasi parang nananadya ang mga happenings. Pinagtagpo pa talaga kami!
Dahil hindi ko feel ang babaitang iyon ay bumalik na lang ako sa house ko. Ewan ko ba, parang nilalandi niya ako. Type yata ako ng bruha! Alam naman niyang beki ako pero why oh why niya pa rin ako kinakalantari? Hindi ko siya papatulan, `no? Ano ako, tiboli? Asa pa siya!
Teka nga, masyado ko nang iniisip nang bonggabels ang bilat na iyon, pansin ko lang. Stop na nga. Kailangan ko ng pampa-good vibes. Tatawagan ko si Xian ko.
Getsung ko na agad ang phone ko at tinawagan si Xian. Matagal siya bago sumagot. At kulang na lang ay magtatalon ako sa kilig nang marinig ko na ang manly voice niya. Sa aming dalawa kasi ni Xian siya `yong mas lalaki. Ako ang medyo pa-girly-girly. Haha!
“Hello, Babyboo… I miss you, Babyboo…” ungot ko na akala mo ay may sakit lang.
Babyboo ang endearment namin. Cute, `di ba? Oh, `wag gagayahin. Pepektusan kita sa arteris!
Matagal bago sumagot si Xian. Malamang ay humahanap siya ng perfect spot kung saan makakapagsalita siya nang maayos. “Bakit naman ngayon ka pa tumawag, Babyboo?” pabulong na sagot ni Xian sa akin.
“Babyboo, naman… Miss na kita, eh. Nakalipat na ako dito sa house natin.”
“That’s good to hear. Mamaya, pupuntahan kita diyan. I’ll cut this call na, okey?”
“Ha? Bakit naman? Sayang unlicall ko, Babyboo…” pa-cute ko pa. Mukha na akong timang pero keri lang. Iyan ang gusto sa akin ni Xian. Malambing na ako, sobra.
“May press-con kami ngayon. Call time na nga namin pero inuna ko muna itong tawag mo…”
Mahina akong napatili sabay tirik ng mga eyes. Kinilig naman ako nang bonggang-bongga! Ganern! Talagang ako ang inuna niya, ha. Feeling girl na naman ang lola niyo. Excuse meh! Ang hair ko, natatapakan niyo. Tabi! Tabi! Tabi!
“Sige na nga. Basta, hihintayin kita dito, okey? I’ll prepare a special dinner.”
“Thank you, Babyboo. Okey, bye.
“Sige, Babyboo. I love—“
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil sumalubong na sa akin ang “toooot… toooot…”. Lecheng dial tone!
Anubeyen! Binaba agad ni Xian ko. Hmp! Hindi pa nga kami nakakapag-I love you-han, eh. Kainis. Pero, sabagay… naiintindihan ko naman siya kasi busy siya ngayon. Ganiyan talaga kapag may jowang artista tapos uper sikat pa.
Napaka-lucky ko talaga kay Xian. I know, kaya siya nagpapakabusy sa work niya kasi para sa future namin. Nagtatarabaho talaga siya ng husto for us. Pero, hoy, baka isipin niyo na waley ako work, ha. Siyempre, meron. May itinayo kami ng bestfriend ko na si Kramer na isa ring katulad kong beki na mukhang lalaki na restaurant somewhere in Makati. Two years na siya at maganda naman ang takbo ng negosyo naming iyon. Balak na nga naming magpatayo ng isa pang branch sa may Alabang naman. Businesswoman lang ang peg ko. Taray!
Haaay… Enough na nga ang pagkukwento at kailangan ko pang mag-prepare ng bonggacious para sa romantic dinner namin mamaya ni Babyboo ko. Ayt!
CANDELARIA’S POV
“ANO? Kapitbahay niyo `yong cute beki na you super flirt yesterday in the bus? How come naman?” Nakaupo kami ni Lucena sa kama ko at nag-uusap.
Todo-todo ang pangungulangot ni Lucena. Hindi pa siya nakuntento at binilog-bilog pa niya ang kanyang kulangot sabay pitik sa hangin. Lumaglag ang binilog niyang yucky-eww-eww-yuck-yuck na kulangot sa pisngi ko kaya nasapak ko siya.
“Ano ba `yan? Kadiri ka namang babae ka! Conyo ka pero ang lamog mo! Tanggalin mo kulangot mo sa pisngi ko. Leche ka!” Kinikilabutan na sigaw ko kay Lucena.
Tinawanan lang ako ng bruha habang kinukuha ang dumi sa aking magandang mukha. Pinahid niya iyon sa ilalim ng kama ko. Balahura talaga!
Nag-peace sign siya. “Sorry naman kasi. It’s normal naman for a babae na mangulangot kaya. So, kwento na you, Candelaria. Paano nangyari that na neighborhood mo si… what nga pala name niyon?”
“Robi!” nakairap pa rin ako sa kanya. Hindi pa rin mawalay sa aking balintataw ang kulangot niyang nag-landing sa aking pisngi. Kinikilabutan pa rin ako. Daig ko pa ang nanood ng The Conjuring at Anabelle.
“Ayun! Robi!”
“Eh, kanya pala `yong bahay na ginagawa diyan six months ago sa kalapit namin. Natatandaan mo, six months akong hindi makatulog sa ingay ng paggawa ng bahay na iyan. Pukpok dito, pukpok doon! Galit na galit ako noon pero hindi pala ako dapat magalit kasi ang titira pala diyan ay ang lalaking makakasama ko forever…” Nangangarap na naman ako. Habang sinasabi ko iyon ay nasa imagination ko na kinakasal na kami ni Robi.
Maarteng itinirik ni Lucena ang kanyang mata. “Hay! Ano ka ba naman, Candelaria? Kahit anong gawin mo, even if you make tumbling infront of that Robi, he’ll not make pansin you. He is bakla!”
“Feminine lang sabi si Robi! Hindi siya bading. Isa pa at susungalngalin na kita. Sinasabi niya lang `yon kasi ayaw niya sa akin. Pero, humanda siya sa landi moves ko dahil siguradong ma-i-inlove din siya sa akin. Saka kahit tumambling at sumirko pa ako sa harap niya, gagawin ko. Pansinin niya lang ako. Hindi mo kasi ako naiintindihan. Si Robi ang lalaking nag-alis ng pagiging man-hater ko. Siya ang para sa akin, ramdam ko iyon ng todo-todo.”
“Okey, fine! Feminine na kung feminine. Basta me, make paalala lang to you `cause ikaw is a friend to me. Good luck na lang, girl!”
Well, good luck talaga sa akin. Ire-ready ko na ang landi moves ko para makuha si Robi.
Bwahahaha!
SIX O’CLOCK na ng gabi. Dumating na ang dalawang panadero namin na siyang gumagawa ng mga tinapay sa amin. Hindi naman ako nakikiusyuso sa kanila kapag gumagawa sila ng tinapay pero iba ngayon. Plano ko kasing ipag-bake ng cake si Robi tonight at dahil hindi ako marunong, magpapatulong ako kina Kuya Gabo at Kuya Tonyo—mga panadero namin. Kunwari, pa-welcome ko sa kanya. Pero ang totoo, way ko lang iyon para makuha ang puso niya. Unti-unti, step by step, one at a time… makukuha ko rin si Robi. At uunahin ko na ang way through his stomach.
“Hello mga kuya… Marunong ba kayong gumawa ng cake?” tanong ko sa mga panadero.
“Hindi, eh. Pero itong si Gabo, marunong `yan. Bakit?” si Kuya Tonyo.
“Papatulong kasi ako na gumawa kahit simple at maliit lang.”
“Sige, tutulungan kita. Sino ba may bertdey?” ani Kuya Gabo.
“Wala naman. Trip ko lang talaga… Start na tayo?”
“Okey!”
At nag-umpisa na nga kaming gumawa ni Kuya Gabo ng chocolate cake. Medyo nakaka-haggard pala gumawa ng cake. Ako kasi mismo ang naghahalo ng ingedients, nagpapaturo lang ako ng steps kay Kuya Gabo. Siyempre, gusto ko naman na ako mismo ang magbe-bake para labor of love talaga. Oh, `di ba? And after ng halos dalawang oras ay natapos ko na ang chocolate cake ko para kay Robi. Palihim kong nilagyan iyon ng dedication na: Welcome to the neighborhood, Robi! Love, Candelaria. Tapos may heart shape sa dulo ng maganda kong pangalan. Ayokong ipakita iyong dedication kina Kuya Gabo at Tonyo at maurirat ang dalawang iyon.
Haaay… nakikini-kinita ko na ang saya sa mukha ni Robi oras na malaman niya na magpakahirap akong mag-bake ng cake para sa kanya. Walang lalaking hindi mata-touch sa ginawa ko.
Ayun na nga. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at pumunta na ako sa bahay ni Robi. Tatlong beses akong kumatok at narinig ko ang boses ni Robi.
“Saglit lang…” anito.
Kinilig na naman ako nang severe nang marinig ko ang malamyos niyang boses!
ROBI’S POV
TATLONG katok ang narinig ko mula sa aking door. Excited akong buksan iyon dahil sureness na si Xian Pascual ko iyon! Ready na ang dinner naming dalawa. Gumawa ako ng vegetable salad with love at nag-prepare din ako ng wine with love. At para sa main course, grilled chicken breast with love also. With love talaga lahat kasi para `yan sa taong love ko. Ayiiieee! Kilig much! Healthy foods lahat ng inihanda ng lola niyo kasi ayaw namin ni Babyboo ko sa unhealthy food. Siyempre, dapat sexiness kaming dalawa! Healthy foods plus gym talaga dapat. Iwas sa bisyo na rin like sigarilyo at alak.
Wititit nga ako nagkamali dahil nang i-open ko ang door ay nakatayo doon si Xian Pascual ko. Napaka-gwapo at makalaglag bahay-bata ang arrive ng lolo niyo!
“Babyboo!” Sa sobrang pagka-excite ko na nakita ko na ulit siya ay hindi na ako nakapag-self control at nabigyan ko na agad siya ng super kiss sa lips at power hug. Kulang nalang ay lumambitin akong parang mother monkey sa leeg niya. Hmm… Ang bango-bango naman ng boyfie kez!
Pwede bang `wag nang mag-dinner? Pik-pak-boom-boom-pow na lang agad-agad! Karakaraka at uraurada!
“Babyboo… Baka may makakita sa atin…” bulong niya sa akin.
Inalis niya ang pagkakayakap ko sa kanya at lumingon-lingon sa likod ko.
“Bakit? Natatakot ka ba na baka may paparazzi ditey? Wala `yan! Tara na nga sa loob,” at hinila ko na siya.
Ipinagmalaki ko sa kanya ang mga pag-aayos na ginawa ko sa aming love nest. Tuwang-tuwa naman si Xian. Nagustuhan daw niya kaya nakatanggap ako ng isang kiss sa kanya.
“Babyboo, nagugutom na ako, eh. Okey na ba dinner natin?” ungot niya sa akin.
“Yiz na yiz namern, babyboo. Prepare na kanina pa. Ikaw na lang ang kulang…”
Nang dumulog na kami sa dining table ay todo asikaso ako sa kanya. Misis lang ang peg ko. Isa pa iyan sa like na like ni Xian sa akin—ang pagiging maasikaso ko.
Kakain na sana kami nang maantala kami dahil biglang may kumatok sa door. Ganda naman ng timing ng kung sinuman na iyon.
“Saglit lang…” sabi ko sa kumatok sabay tingin kay Xian. “Babyboo, wait lang, ha. Titingnan ko lang kung sino.”
“Sure!” sabay kindat niya.
Naglakad na ako para buksan ang pintuan. At agad na nagsalo-salo ang mga negatibong ekspresiyon sa face ko nang malaman ko kung da who ang kumatok kanina. Iyong babaita sa bus! At may hawak pang chocolate cake ang loka!
“Welcome to the neighborhood, Robi!” todo-smile pa. Kita ang bagang.
“Anong ginagawa mo ditey, babae ka?” pigil ang inis sa boses ko.
“Pinag-bake kita ng cake, oh. Here—“
Agad kong kinuha ang cake sa kanya. Oy, hindi ko tinanggap agad ang cake niya because like ko, kundi tinanggap ko ito para hindi na humaba pa ang usapan. Alam ko naman na kukulitin galore na naman ako ng babaitang ito kung hindi ko tatanggapin.
“Okey. Thank you! Bye!” sabay sarado ko ng door at ismid.
Hindi ko na siya hinintay magsalita pa. Tiningnan ko iyong cake. Anong klaseng cake ba ito? Hindi naman mukhang masarap. Eww looking cake!
Binasa ko iyong dedication…
Candelaria pala ang name ng bruha! Well, I don’t care.
Binuksan ko ulit iyong door. Wala na si Candelaria. Buti naman. Pakendeng-kendeng akong pumunta sa basurahan at itinapon doon ang cake.
“Diyan ka belong na cake ka!” bulong ko at pumasok na ulit ako sa house para makasama si Babyboo ko.