CHAPTER 04- Beki Nga Kasi Siya, Candelaria!

2113 Words
CANDELARIA’S POV OHMAYGASH! Tili sabay tumbling with kilig! Tinanggap ni Robi ang pinaghirapan kong cake for him. I am so happy! Super duper happy! Nagtagumpay ako sa aking landi moves sa kanya. Nai-imagine ko tuloy ang hitsura niya habang kinakain ang cake na iyon. For sure, sarap na sarap siya doon. Siyempre, may kasamay pagmamahal ang cake na iyon. Hanggang sa pag-uwi ko ay kinikilig pa rin ako. Hindi nga ako nakatulog agad kasi talagang hindi ako makapaniwala na after niya akong sungit-sungitan ay tatanggapin niya ang cake ko. Haaay… Okey. Medyo paulit-ulit na ako. Paki niyo ba? Ganito talaga pag inlove! MORNING na. At ang ngiti ko bago matulog ay ngiti ko pa rin nang magising ako. Nagtanggal ng muta at naghilamos. And then, pumunta na sa dining area para kumain. Nakita ko doon si Ate Polly na pinapakain si Baby Heidi. Nag-good morning ako sa kanya. Wala si Mama Aurora dahil busy iyon sa bakery namin. Alam niyo naman kapag umaga, maraming bumibili ng tinapay. “Oo nga pala, Candelaria, paalis na ako dito…” aniya nang makaupo na ako. “Ha? Bakit naman, ate?” tanong ko sabay subo ng pandesal na may palamang itlog. “Binalikan na ako ni Joshua. Ready na siyang panagutan kami ni Heidi,” sabay ngiti niya. Muntik ko nang maibuga ang iniinom kong kape sa. Si Joshua ay ang walang hiyang lalaki na iniwan ang ate ko nang mabuntis nito. “For real?” paniniguro ko. Tumango si Ate Polly. “Wow! After two years, ngayon niya lang naisip na panagutan kayo. Pero, kung anuman ang desisyon mo, ate, susuportahan ka namin ni Mama Aurora. And I am happy for you, ate!!!” Tumayo pa ako para yakapin si Ate Polly sabay balik ulit sa upuan ko. Binigyan ako ni Ate Polly ng “I can’t believe you” na tingin. “Candelaria, ikaw ba `yan o sinapian ka ng kung sinong ispiritu?” “What? Ate naman, ako ito. Bakit mo naman `yan nasabi?” “Wala naman. Parang dati-dati, sinasabi mo sa akin na kakalbuhin mo ako kapag nakipagbalikan ako kay Joshua. Tapos ngayon, tuwang-tuwa ka na kami na ulit. Man-hater ka sa pagkakaalam ko. Anyare?” “Ate, lahat ng bagay at tao sa mundo, nagbabago. You know the word “CHANGE”?” “Alam ko naman iyon, pero sa lagay mo… nakakapagtaka lang!” “Basta, Ate Polly, nagbago na ako. I am so much full of love at ang gusto ko ay maibahagi ang love na iyon kay Robi!” Daydreaming mode on na naman ako. Napatawa si ate sa hitsura ko. “Sino namang Robi `yan, ha? Hindi ko pa yata `yan kilala.” “Hindi mo pa talaga siya kilala, ate. Bago ito… Bagong kapitbahay natin. Alam mo, Ate Polly, iba siya. Siya ang nag-alis ng pagiging man-hater ko. Unang kita ko pa lang sa kanya, kumabog na agad ng husto itong puso ko! Feel ko talaga na meant to be kami, eh!” “Well, masaya rin ako para sa’yo, kapatid. Atleast, hindi ka na tulad dati na halos isumpa na lahat ng lalaki…” “Thanks to Robi!” kinikilig na turan ko pa. NAGMAMADALI na tinapos ko ang breakfast at lumabas na agad ako ng bahay. Hindi ko ugali na maglalabas ng bahay namin pero dahil kapitbahay ko na si Robi ay mukhang araw-araw ko nang gagawin ito. Tumambay lang ako sa harap ng bakery namin, hoping na lalabas si Robi para bumili ng tinapay. “Hoy, junakis! Anetch ginagawa mo diyan sa outside ng bekiry?” untag sa akin ni Mama Aurora na as usual ay heavy make-up na naman. “Mama, bumili na ba ng tinapay si Robi?” “Hmm… Wititit ko pa siya na-sightsung na nag-buy-loo ditey ng bread chi. Baket?” “Hinihintay ko siya…” “Junakis, hindi na talaga keribels ni atashi ang trip mo today! Bekibels nga si Robi. Amoy na amoy ko ang green blood na nananalaytay sa kanyang blood veins. Wititit ka niya mapapansin, promise!” “Mama naman! Please lang! Sige na, bakla na kung bakla si Robi pero ito ang tandaan niyo… Iyang baklang sinasabi niyo ay gagawin kong lalaki! Itaga niyo sa pwet ng matanda!” Binigyan ako ni Mama Aurora ng masigabong palakpakan. “Ay!!! Bet ko `yang ini-spluk mo, junakis! Bet na bet ko ang determination mo. Sige, gow! Pero good luck na lang chi! Kasi ang knowsung ko, kaming mga bekibels, bekibels na forevah. Like me, nagpakasal kami ng mudrakels mez pero waley… Umariba pa rin akez na maging beki nang ma-tegi na si mudrakels mez.” Dahil ayoko nang makipagtalo pa kay Mama Aurora ay tumahimik na lang ako. Nakalabi na tumingin ako sa bahay ni Robi. Ah, basta, kahit bakla siya ay lalaki pa rin naman siya. Mababago ko pa siya basta try and try lang. Tinanggap nga niya cake ko kagabi, eh. Teka nga, mapuntahan nga si Robi. Yayayain ko siya na… mag-jogging kami sa plaza. What a great idea! Landi moves again na itu! “Hoy! Junakis! Saan ang gora mez?” pasigaw na tanong sa akin ni Mama Aurora nang papunta na ako sa bahay ni Robi. “Lalan—este yayayain ko siyang mag-jogging, Mama. Oh, `wag nang kumontra, ha! Hayaan niyo na ako sa kaligayahan ko,” sabay talikod at naglakad na ako papunta sa bahay ng lalaking mahal ko. Oo, mahal na agad. Inisip ko kasi siya buong gabi. At iyon ang basehan ko kung mahal ko na ba ang isang tao. Kapag overnight ko siyang inisip at halos `di na ako nakatulog… Pak! True love ko na siya. Walang duda. Marahan akong kumatok sa pinto ng house niya at ilang saglit lang ay may narinig na agad akong yabag ng paa na papalapit sa door. Agad kong sinuklay ang hair ko sa pamamagitan ng aking daliri. Kinagat-kagat ko pa ang lips ko para pumula. Nakalimutan ko kasing mag-lipstick, eh. Pero, okey lang `yan. Para magmukhang natural na mapula ang aking labi. Malay ko ba na weakness pala ni Robi ang babaeng may natural red lips. At siyempre, ini-ready ko na ang sweet smile ko… Pagbukas ng pinto ay biglang nawala ang ngiti sa labi ko nang hindi si Robi ang nagbukas ng pinto para sa akin. Napakunot ang noo ko sa lalaking kaharap ko. “Sino ka? Anong kailangan mo?” tanong niya. Matangkad siya, maputi at gwapo. Sando at boxers lang ang suot niya. Medyo magulo ang hair niya na halatang kakagising lang. Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa parang nakita ko na siya sa kung saan. Very familiar ang mukha niya… Oh my, God! Kilala ko na ang lalaking ito! Si… si… Xian Pascual! “X-xian P-pascual?” “Kilala mo ako?” “Artista ka, `di ba?” “s**t…” mahina niyang mura. “Ano?” “Wala. So, anong kailangan mo?” “Ah, si ano—“ “Babyboo, sino `yan?” Mula sa likod ni Xian Pascual ay nakita ko si Robi. Bumalik ang smile ko. Nanlaki ang mata niya nang makita ako. “OMG! Ikaw na naman? Umagang-umaga!” Teka, tama ba ang narinig ko? Tinawag ni Robi na “babyboo” si Xian? Magsyota ba sila? Baka naman namali lang ako ng dinig. Kumaway ako kay Robi. “Good morning, Robi! Nagustuhan mo ba `yong cake na ibinigay ko kagabi?” “Kaya ka ba pumunta dito para tanungin `yan? Well, to tell you the truth… Yes, nagustuhan.” Ano daw?! Totoo ba ito? Nagustuhan daw ni Robi ang cake ko. And this time, sure ako na hindi ako nagkamali ng dinig. Sinasabi ko na nga ba, magugustuhan niya iyon. Naku, from now on ay mag-aaral na talaga ako ng pagbe-bake. Mas lalong lumapad ang ngiti ko. “Talaga? Nagustuhan mo ang cake ko?” “No. Hindi ako. Nagustuhan siya ng basurahan,” sabay nguso niya sa drum na nasa harapan ng bahay niya. “Itinapon ko diyan ang cake mo!” Sa sinabing iyon ni Robi ay biglang nag-init ang mata ko. Shocks! Naiiyak ako. I was hurt nang malaman ko na itinapon lang niya ang pinaghirapan kong cake para sa kanya. “You didn’t tell me na may nagbigay sa’yo ng cake,” singit ni Xian Pascual. “Hindi ko na sinabi sa’yo kasi hindi naman iyon importante,” sagot ni Robi sabay tingin sa akin. “At ikaw naman babae, ano ba talaga ang agenda mo at panay ang kulit mo sa akin?” Haay… siguro ay wala na akong choice kundi ang umamin sa kanya. Baka kapag nalaman niya na may feelings ako para sa kanya ay biglang magbago ang pakikitungo niya sa akin. Ganoon naman minsan, `di ba? Kapag nalaman mo na may gusto sa’yo ang isang tao, parang nagkakagusto ka na rin sa kanya. “R-robi… Gusto kita!” Matary na itinirik ni Robi ang kanyang mata. “Oh my, God! Alam mo… Ano ngang name mo?” “Candelaria del Pilar.” “Isinama mo pa talaga ang apelyido, `no? Alam mo, Candelaria, bulag ka ba o nagbubulag-bulagan ka lang? Nasa bus pa lang tayo, sinabi ko nang bakla ako. Di mo ba gets `yon?” Umiling ako. “Hindi ako naniniwalang bakla ka, Robi. Ang gwapo mo. Macho. Tapos lalaki ka pa manamit—“ “Ako ang makabagong bakla, Candelaria!” Nakita ko na medyo natatawa si Xian sa pag-uusap namin na iyon pero wala akong pakialam. Eh, kasi naman… aayain ko lang naman siya na mag-jogging tapos ganito na ang nangyari. Aminan ng feeling plus confrontation scene agad-agad. Kaloka! Hindi ako prepared sa ganitong eksena, ha. Naiiyak na tuloy ang beauty ko! “Kahit na. Hindi pa rin ako naniniwalang bakla ka, Robi. Para sa akin, lalaki ka!” Sige. Push ko pa talaga ito. Bumuntung-hininga si Robi. Sa hitsura niya ay mukhang napipikon na siya sa akin. Bahala siyang mapikon. Eh, sa iyon nag tingin ko sa kanya. Isa siyang lalaki kahit na bakla siyang kumilos at magsalita. Ngunit ganoon na lang ang gulat ko sa sunod na ginawa ni Robi. Kinabig niya si Xian Pascual sa batok nito at hinalikan sa labi. Nanlaki ang mata ko nang mag-torrid kiss sila sa harap ko. Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay nakangising tumingin sa akin si Robi. “Ngayon, naniniwala ka na ba na bekibels ako? Ano?” Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko. Na-shock ako ng over-over! Grabe! Kaya ang naging drama ko ay nag-walk out ako. Walang lingon-likod na bumalik ako sa bahay namin. Bakit sila naghalikan sa harapan ko? May relasyon ba silang dalawa? Parang hindi ko na ito keri! Ang sakit-sakit sa hart hart! Hashtag. Huhubels… ROBI’S POV BONGGA! Eh `di, walk out queen ang peg mong Candelaria ka! Siguro naman ay maniniwala na siya na beki ako kasi nakipaghalikan ako sa isang lalaki sa harapan niya. Nakakaloka naman kasi siya, ayaw talagang maniwala na isa akong beki. At ang mas nakakaloka pa ay may gusto siya sa akin! Kadiri lang, ha! “Bakit mo ginawa iyon, Robi?” tanong sa akin ni Xian nang nasa loob na ulit kami. “Ang alin, Babyboo?” “Iyong paghalik mo sa akin sa harap ng ibang tao! Hindi ka ba nag-iisip?” Medyo pasigaw at pagalit na turan niya. Bigla akong natigilan. Poker face sabay gulat-gulatan na parang beauty queen na nanalo sa Miss Universe. “OMG! Sorry, babyboo…” sabay pout ko. Oo nga. Hindi na ako masyadong nakapag-isip kanina dahil sa inis ko. “Kilala niya ako, Robi. Tinawag niya akong Xian Pascual. Paano kung ipagsabi niya ang nakita niya kanina?!” Kilala ko si Xian. Kapag tinatawag na niya ako sa pangalan niya ay galit na talaga siya. Kinagat-kagat ko ang fingernails ko. “Sorry talaga—“ “`Pag nagkataon, katapusan na ng career ko nito!” Mabibigat ang mga hakbang na gumora siya sa kwarto at sinamsam ang mga damit niya. “Aalis na ako!” “Ha? `Di ba, hanggang lunch ka pa dito?” “Hindi na. Nawalan na ako ng gana!” Haaay… Galit na talaga siya. Kasalanan ito ng Candelaria na iyon, eh! Siya ang reason kung bakit warla kami ng Babyboo ko. Hmp! “Okey…” tanging nasabi ko na lang. Pinanood ko na lang siya na magbihis at mag-fly away. Hindi man lang siya kumiss sa akin. Sadness tuloy akez…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD