CHAPTER 05- Kahit Bakla Ka, Love Kita!

2259 Words
CANDELARIA’S POV OH MY, GOD! Ang puso ko! Ang heart ko! Ang sakeeet!!! Hinalikan ni Robi ko si Xian Pascual sa harapan ko! Parang mas masakit pa ito kesa nang lokohin ako ng ex-boyfriend ko. Nasa salas ako at doon nag-e-emote. Kaaalis lang ng Ate Polly ko. Buti pa siya, mukhang magiging happy na siya sa lovelife niya, samantalang ako, heto… miserable! Wasak. Durog. `Yan ako ngayon. Pero teka nga, hinalikan ni Robi si Xian Pascual? Artista `yon, `di ba? It means, mag-jowa sila? Bakla rin si Xian? OMG! Sinasabi ko na nga ba, iba ang amoy ng actor na iyon, eh. Kahit na! Artista o kargador man ang Xian na iyon, wala akong pakialam. Oo na. Siguro, I have to accept the truth… Bakla talaga si Robi at hindi na ako magiging in denial sa katotohanan na iyon. Pero kahit bakla siya, mahal ko siya, eh. Ganito pala ang ma-inlove sa isang beki, iyong feeling na hindi ka pa nga gumagawa ng effort, basted ka na agad. Kasi lalaki ang type niya at hindi babae. It hurts, you know! Bigla akong umatungal. “Hindi ko na kayaaa!!! Gusto ko nang mamatay! Gusto ko nang—Eek! Ek! Ek!” Hindi ko na naituloy pa ang aking pang-award na acting nang bigla akong sakalin ni Mama Aurora. Inalis ko ang kamay niya sa leeg ko. “Ano ka ba naman, Mama Aurora? Bakit mo ako sinakal?” uubo-ubong turan ko. “Eh, ispluk mo kasi, like mo nang ma-tegi kaya chi sinakal kita nang bonggabels! Want more?” “Drama ko lang iyon, Mama. Tinotoo mo naman, eh!” pakli ko at umayos na ako ng upo. “Kanina pa kasi nasa-sightsung ni atashi na dramarama sa hapon mode on ka ditey. Anetc ba ang problem solving mez? Sadness ka ba chi because napakuskos wala na si Ateng Polly wawaw mez?” Umiling ako. “Hindi po ang pag-alis ni Ate Polly ang ikinagaganito ko, Mama. Si Robi po!” “What about Robi?” “Mama Aurora, bading po siyaaa!!!” Atungal mode na naman ako. “Ngayon mo lang na-realize, junakis?” “Nakipaghalikan po siya sa isang lalaki, Mamaaa!!! Ang sakit-sakit dito, oh!” sabay turo ko sa tapat ng puso ko. “Haaay… Eh di, natauhan ka na chi? `Wag ka na kasing mag-optical illusion kay Robi. Bekibels talaga siya, junakis. Never ever ka niyang papatulan. Nakakadiri iyon sa isang bekibels like me.” Tumayo ako sabay pahid ng tears sa aking pisngi. “No, Mama Aurora. Hindi ako susuko kay Robi. Mahal ko siya kaya I will fight fight fight. Gagawin kong lalaki ang baklang iyon! I will not give up without putting a god damn fight!” Pumapalakpak si Mama Aurora. “Anne Curtis, is that youuu?!” aniya pa. “GIRL, Candelaria, I am so nagtataka talaga to you. All of the sudden you make yaya me to shopping. And talagang you’re buying sexy dress. Para saan ba this, ha? Explain,” turan sa akin ni Lucena habang nasa department store kami sa SM. Sinabi niya iyon habang pumipili ako ng mini-skirt. Well, naiintindihan ko naman kung bakit iyon nasabi ng friend ko. Kilala na kasi niyan ako. Alam niya na never akong bumili sa department stores ng mga damit ko kahit `yong mga pangmalakasan. Sanay na ako sa mga ukay-ukay at mga palengke o bangketa bumibili. First time kong gawin ito at dahil iyon kay Robi. Isang kulay black na mini-skirt ang kinuha ko at ipinakita kay Lucena. Masyado akong busy para sagutin ang tanong niya kanina. “Tingnan mo ito, Lucena… Maganda ba? Bagay kaya ito sa akin? Magugustuhan na ba ako ni Robi kapag nakita niyang suot ko ito?” Exxage na napanganga si Lucena. “Now, alam na me! It’s all about that Robi na naman kaya ka bibili ng mamahaling dress and everything. Candelaria, Robi is bading. He likes boys not girls tulad you. Hopeless!” “Maka-hopeless ka naman. Alam mo, ang dami mo agad nasabi, `no? Magkatulad lang kayo ni Mama Aurora, parang ayaw niyong maniwala na kaya kong gawin na lalaki si Robi. Wala kayong bilib sa akin,” kunawari ay nagtatampo na sabi ko. Para effective ay sumimangot pa ako. “We’re just stating the totoo kaya. Like, yah! Kahit mag-wear pa you ng super sexy na dress, kita ang cleavage and kuyukot then you make rampa to the max in front of Robi, he’ll never transform into a lalaki. A beki is a beki forever!” “Thank you, ha! Ang lakas maka-motivate ng sinabi mo, Lucena,” sarkastikong sabi ko sabay irap. Ibinalik ko ang hawak kong mini-skirt. Naglakad naman ako papunta sa mga dress. Biglang kumuha si Lucena ng dress na may malalim na hakab sa dibdib. Tapos medyo maikli lang. Kulay red siya at maganda. Sa aming dalawa kasing magkaibigan, aminado naman ako na si Lucena ang mas may alam pagdating sa fashion. “Here, you make sukat-sukat this,” sabay abot niya sa akin. itinapat pa niya iyon sa katawan ko at mukhang fit naman. Kinuha ko sabay tingin ng tag price. “Three thousand nine hundred ninety-nine? Ang mahal! Ilang damit na ang mabibili ko niyan sa palengke, eh!” pakli ko. “Pero you like this?” “Gusto ko pero mahal. `Di kaya ng budget.” “Okey. Take this dress, me ang magbabayad. Baka sabihin you na `di kita suporta, eh!” Waaah!!! Literal na napasigaw ako. Sa sobrang saya ko ay nayakap ko si Lucena. “Thank you, Lucena! Maswerte ako at may kaibigan akong mayaman at hindi kuripot!!!” “Gaga you, ha! Basta, don’t kaasa nang super diyan kay Robi. Remember, maraming straight guys na deserve mo, Candelaria!” Hindi ko na lang siya sinagot. Parang sinisilihan ang puwet na dumiretso na ako sa fitting room upang isukat iyong dress. At nang maisukat ko na siya ay talagang nagustuhan ko ang dress. Fit na fit sa akin. Parang tinahi siya para sa sexy kong katawan! “Hmm… Tingnan ko lang kung hindi ka maglaway, Robi, kapag nakita mo akong suot ang red dress na ito!” determinadong sabi ko habang tinitingnan ang napakaganda kong repleksiyon sa salamin. ROBI’S POV NAKATAAS ang kilay na iginala ni Kramer ang kanyang eyes pagka-enter the dragona niya sa bahay kez. Feeling ko kapag natapos na siya sa pag-eeksamin sa hitsura ng house ko ay panlalait ang lalabas sa bibig ng bakla kong friendship na itey. I know him. Numero unong laiterang palaka. Pinagpagan niya ang sofa na uupuan niya kahit wala naman alikabok. Ubod in `yan sa arte. Umupo na siya. High school friends kami ni Kramer. Closeta pa kaming dalawa noon hanggang sa mag-out na kaming dalawa. Same course din ang kinuha namin—Business Ad. Kaya heto kaming dalawa, business partner sa restaurant namin. Parehas kami na beki pero pinili na maging lalaki ang hitsura. Siguro kaya kami ganito kasi late na rin naman kami nag-out sa family members namin na luckily ay tanggap kaming dalawa. Err… pero parang si Kramer lang ang fully tanggap ng family niya. Ako kasi, feeling ko talaga hindi ako tanggap ng nanay at tatay ko. Only child kasi nila ako tapos ganito pa. Pinayagan naman nila akong maging bekibels pero ang sabi nila, `wag daw akong magjojowa. Kalowka, `di vah? Ano ako, tatandang dalaga? Ayoko nga! Kaya, gora ako sa paglalayas sa amin at naging independent. `Yan tuloy naalala ko na naman ang past ko! Nag-girlfriend-girlfriend pa ako para lang i-hide and seek ang berde kong katauhan dati. Gusto ko talagang masuka kapag naaalala ko na naka-lima akong girlfriend! Nakakakilabot na nakakadiri talaga!!! “Ah, sissy…” untag sa akin ni Kramer. Sissy. `Yan ang tawagan namin dahil we’re like sisters! Taray, `di ba? “Yes, sissy?” “Akala ko ba ay bankable actor si Xian at malaki ang kinikita niya? Bakit naman ganitong bahay lang ang ibinigay niya sa’yo?” Tanging si Kramer lang ang nakakaalam sa relationshi namin ni Xian. Ah! May isa pa palang nakakaalam. `Yong bwisit na Candelaria na `yon. Hindi naman siguro siya ganoon ka-shunga para hindi malaman na kaming dalawa ni Xian ay mag-jowa. Ki-niss ko kaya si Xian Babyboo sa harap niya. Mukhang kailangan kong kausapin ang babaitang iyon later. Baka kasi ipagkalat niya ang tungkol sa amin ng Babyboo ko. Ang hirap naman magkaroon ng jowabels na artista. Haaay… “What? Anetch ba problem sa baler na ibinigay sa akin ng Babyboo ko? Maganda naman, ah. Cute!” “Maliit at mukhang chipipay,” balewala niyang sagot. Pero sanay na ako sa kanya. “Alam mo, ewan ko sa’yo, sissy! Eh, sa ito lang ang nakayanan ni Xian ko. And besides, kapag naging legal na ang relasyon namin for sure hindi na niya ako itatago sa liblib na subdivision na itey.” “Sinabi `yan sa iyo ni Xian, sissy?” “Hindi pero alam ko na ganoon ang plano niya! Saka, ayoko nang magpaka-choosy, sissy. Xian Pascual na `yan. Buong kabaklaan at kababaihan sa Pilipinas pinapangarap siya tapos sa isang Robi Lopez lang pala siya mahahalina. Oh, `di ba?” Maarteng itinirik ni Kramer ang kanyang mga mata. Tumayo siya at kinuha ang remote ng TV. “Ang mabuti pa ay manood na lang tayo ng TV. Tapos mag-prepare ka naman ng snacks. Please, sissy… Para naman sulit ang punta ko dito, `no. Palafangin mo naman akez!” “So, kaya ka pala pumunta dito para lang lumafang? Oo na. Ano bang gusto mo?” “Parang gusto ko ng… pizza!” “Wala ako n’on ditey… Saka alam mo naman na healthy foods lang ang kinakain ko.” “Ewan ko sa’yo, sissy! Iyan ang natutunan mo kay Xian Pascual. Ang boring kaya ng pili lang ang nilalafang.” “Eh, `yaan mo na. Gusto ko rin naman ng healthy foods! Paki mo ba? Ano kaya kung… lumpiang gulay? Bet mo? Gumawa kasi ako kanina ng pero hindi ko pa na-ipi-prito kasi bigla kang dumating, sissy!” “Sige na nga. Keri na ang lumpia mo, sissy! Faster at gutom chi na akez!” “Oki!” Hinayaan ko na lang siyang manood habang ako naman ay gorabels na sa kitchen. Inilabas ko sa refrigerator iyong lumpiang gulay na nakalagay sa plastic container. Ini-ready ko na ang pan with canola oil para healthy pa rin. Ilalagay ko na sana ang lumpia nang marinig kong bigla ang pagsigaw ni Kramer na akala mo ay ginagahasa ng boylet na may malaking anez. “Sissy!!!” sigaw niya. Hindi ko tuloy nailagay ang lumpia. Pinatay ko muna ang stove. “Anetch?! Nakaka-distract ka, alam mo ba? Magluluto na sana ako tapos sisigaw ka diyan nang bongga!” “Come here, sissy!!! You have to see this. Bilis!” Sa sinabi niyang iyon ay nagmadali ako na puntahan siya. Ano naman kaya ang iapapakita ng bruha kong friendship na itey? “Ano naman ang ipapa-sight mo sa akin, sissy?” Inginuso niya sa akin `yong TV. Kunot ang noo na tumingin ako sa TV at doon ay nalaman ko na ang palabas pala ay Star Buzz—iyong showbiz talkshow sa GMA-CBN. “Naku, sissy, hindi ako nanonood niyan—“ “Basta, watch ka lang! May ipapakita sila na iinterview-hin nila later.” Anubeyen? Umupo na ako sa tabi niya hanggang sa ipakita na ang mga dapat abangan mamaya sa Star Buzz. Ganoon na lang ang gulat ko nang makita ko ang ipapalabas nila. Dinig na dinig ko ang sinasabi ng voice over habang pinapakita ang gwapong pictures ng Xian Pascual ko. “Xian Pascual, bakla nga ba? Isang video ang kumakalat sa internet na umano ay may pinupuntahang lalaki ang naturang aktor sa isang tagong subdivision. Makikita sa video na niyakap siya ng isang lalaki at ang nakakagulat ay hinalikan siya nito. Mamaya, sasagutin na ni Xian Pascual ang naturang issue… At ipapakilala na rin niya ang taong nagpapatibok sa kanyang puso! Live! Dito lamang sa… Star Buzz!” Tulala ako hanggang sa mag-commercial. Kung hindi pa ipinitik ni Kramer ang kanyang daliri sa harap ng fez ko ay hindi pa ako makaka-get over sa napanood ko. “Hoy, sissy! Anong nangyari sa iyo? Tulala lang?” ani Kramer. “OMG, sissy… Si Xian Babyboo ko. Mukhang nabuking na ang sikreto niya. May nakapag-video pala no’ng gumora siya dito….” semi-tulala pa rin akez. “Pero wait nga, sissy… Ang sabi doon sa Star Buzz ay ipapakilala na ni Xian Pascual ang nagpapatibok ng kanyang heart heart. Eh di ba… ikaw iyon?” “Akez?” Mukhang timang pa rin ako. Grabe! Nanlalamig na akez. “Ay, hindi! Ako! Ako ang jowa ni Xian, eh!” papilosopo niyang turan. “Siyempre, ikaw!” “So, anong gagawin ko?” “Aba, simple lang… Pupunta tayo sa studio ng Star Buzz. Mag-a-out na rin lang siya, dapat live na ipakilala ka niya sa mga madlang people! Kaloka ka! Gora na tayey at baka hindi na natin siya maabutan doon, sissy!” Hindi na ako nakapalag pa nang hilahin ako ni Kramer sa kamay palabas ng bahay. Lutang pa rin ako sa mga nangyayari. Basta ang umaalingawngaw sa utak ko ay ang mga salitang “Ipapakilala na ako ni Xian sa buong Pilipinas bilang jowa niya!”.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD