bc

Girl, Boy, Bakla, Tomboy

book_age0+
1.1K
FOLLOW
2.5K
READ
drama
tragedy
comedy
sweet
bxg
bxb
gxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

(TAGALOG STORY) Si Girl na may gusto kay Bakla. Si Bakla naman love si Boy. Si Boy naman na type si Girl. Suitor naman ni Girl si Tomboy na kapatid ni Boy. Gagamitin ni Boy si Bakla para mapaibig si Girl at gagamitin naman ni Girl si Tomboy para magustuhan siya ni Bakla.

Sino ang para kanino?

Sino ang mawawalan at sino ang magkakaroon?

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
"AKIN na kasi `yong pera mo! Sapak gusto mo?" "`Wag, maawa ka, please..." Natigilan ang sixteen years old na si Jenica Crisostomo sa pagkagat sa hawak niyang hamburger. Talagang nabulabog ang curiosity level ng babaeng fourth year high school nang marinig niya ang tila nag-aaway na mga lalaki sa likuran niya few chairs away from her. Nasa loob siya ng classroom nila at recess time noon kaya wala halos tao sa room. Ayaw niya kasi talagang mag-recess sa canteen ng Wellington Academy. Why? Everybody watches her kasi! Ang pagkagat niya sa pagkain, pagnguya, paglunok at pag-inom niya! Well, whose to blame? Ikaw ba naman ang humakot ng awards sa mga beauty contests na ginaganap sa academy. `Di naman siya masyadong mayabang niyan, ha! Marami kasi ang nagsasabi na maganda siya. Dead-ringer nga daw siya ng Girl's Generation member na si Yuri. Hindi naman niya kilala iyon dahil hindi siya isang K-Pop fan tulad ng karamihan sa mga classmates niya. "Akin na, sabi, eh!" Muling niyang nilingon ang pinanggagalingan ng mala-bakulaw na boses na iyon. Napailing si Jenica sa nakita. May binu-bully na naman pala si Bogart--- ang ultimate bully sa lahat ng classmates niya. Matabang lalaki ito at matangkad at ginagamit nito ang kalakihan nito para mag astig-astigan! Napadako bigla ang mga mata niya sa binubully nito at talagang napa-OMG ang lola niyo nang mapagmasdan ang mukha ng biktima ni Bogart. Mestiso ito. Bilugan ang eyes. Red and cute lips at ang nose, umaapaw sa katangusan! Angelic ang face ng guy! Sandaling natigilan si Jenica at ilang segundong tinitigan niya ang cute na lalaking iyon. Pakiramdam pa nga niya ay may tumutulo nang laway sa gilid ng kanyang bibig. Agad naman siyang naka-recover nang makita niyang parang iiyak na ito sa kamay ng bakulaw na si Bogart. Ang kyut-kyut talaga ng guy na iyon! Lalo na ngayon at paiyak na ito... Umaapaw sa cuteness! Bigla siyang napatayo nang makita niya na itinaas ni Bogart ang kamao nito. Oh my God! Susuntukin ni Bogart si cute guy!, sigaw ng utak ni Jenica. Mabilis na sumigaw si Jenica. "`Wag!!! Stop!!!" napaka-eskandalosa ng pagkakasigaw na iyon ni Jenica. `Wag na may stop pa? Eh, sa iyon ang naisigaw niya. Walang pakialamanan! Ang OA pa talaga ng pose niya. Nasa dibdib ni Jenica ang kaliwang kamay niya tapos ang other hand naman niya ay naka-stretch. Para siyang traffic enforcer na nagpapahinto lang ng isang sasakyan! Pinagtinginan siya ng lahat ng taong nasa loob ng room nila kasama na sina Bogart at iyong cute guy. "Anong sabi mo?!" nanlalaki ang butas ng ilong na turan sa kanya ni Bogart. Nakabitin sa hangin ang kamao nito. "T-tigilan mo nga siya Bogart!" Jenica to the rescue! Napahiya na rin siya kaya lulubus-lubusin na lang niya. Lumapit siya kina Bogart. "Bakit mo ba siya binubully? Ang aga-aga, ha!'' bulyaw niya sa kaklaseng bully. Oo, siya na ang matapang! Tapang-tapangan lang pala. Hindi sumagot si Bogart. "Ano bang drama mo? Siguro nangongotong ka na naman!" akusa pa niya sa kaklase na akala mo ay isa itong kriminal. Pasimpleng sinusulyapan ni Jenica iyong cute na lalaki. Nakatulala lang ito sa kanila ni Bakulaw Bogart. Baka na-mesmerize sa kagandahan ko! Chos! Transferee kaya siya? Ngayon ko lang siya nakita, eh, aniya sa kanyang sarili. "Nanghihingi lang naman ako sa kanya ng limang piso pero ayaw niya akong bigyan! May palabunatan kasi ng lobo sa canteen, bubunot ako!" talsik-laway na sagot ni Bogart. Naiinis na pinahid ni Jenica ng kamay niya ang ilang droplets ng laway ni Bogart na tumalsik sa mukha niya. "Pwede ba, Bogart, nag shower na ako kanina sa bahay kaya huwag mo na akong paliguan ng laway mo! Nakakadiri ka!" mataray niyang tugon sabay kuha niya ng wallet sa bulsa niya at isang papel na pera ang inabot niya kay Bogart. "Oh, bente pesos! Magsawa ka sa lobo. At `wag mo na `tong bu-bully-hin si kuya, ha!'' "Oo na!" sabay hablot ni Bogart sa pera niya. Pagkatapos niyon ay um-exit na si Bogart. Ang hinayupak, `di man lang nagpasalamat!, gigil na turan niya sa sarili. Tumalikod si Jenica sa cute na lalaki na kanina ay binubully ni Bogart. Kunwari ay sinusundan niya ng tingin si Bogart. Kunwari'y `di niya napapansin ang lumeleveling na presense ni cute boy. "Uh... Uhm... T-thank you..." Kulang na lang ay magtatalon sa tuwa si Jenica nang marinig niya ang boses na iyon. Sa wakas, nagsalita na iyong cute na lalaki! Pero bakit ganoon? Parang ang hinhin naman ng boses nito? Feeling niya ay nagkaroon ng rocket ang mga paa niya at super high speed na lumipad siya paitaas papunta sa outer space! Okey! Back to Earth! Masyado na siyang naloloka. Marahan siyang humarap doon sa cute na lalaki. Sinadya niya talagang bagalan para very dramatic ang pagharap niya dito. `Yong sa sobrang bagal ay mapapanganga ka at `di mo namamalayan na tumutulo na pala laway mo. Nag-sway pa ang long, black hair niya na parang may invisible electric fan sa harapan niya. "You're welcome. By the way, my name is Jenica Crisostomo," sabay lahad agad niya ng kamay. Tinanggal na niya ang kiyeme sa katawan niya. Aminado naman siya sa kanyang sarili na crush na niya ang lalaking ito. Tinanggap naman ng lalaki ang pakikipagkamay niya. Napakainit ng kamay nito at napakalambot pa. "I am Nicco... Nicco Sevilla," pagpapakilala nito sa kanya. Pati name niya cute rin, ha. Pero bakit ganun siya kumilos at magsalita, parang... may something sa kanya?, bulong ni Jenica sa sarili. `Di naman siguro. Baka naman ganoon lang talaga ito kumilos. Besides, sayang ang ka-kyutan ni Nicco kung vaklush ito, di ba? "Pasensiya ka na kay Bogart, Nicco. Ganun talaga yun. Ikaw na lang umiwas sa kanya,'' kuntodo smile pa siya kay Nicco. "Thanks talaga, Jenica. At first, natakot talaga ako sa kanya. He's forcing me to give him money since the first day of school pero now you are here, mukhang hindi na niya ako guguluhin pa." So, tama nga ang hinala niya na transferee nga si Nicco. Swerte naman niya kasi classmate pa niya ito. Second day na kasi ng school ngayon. Nakakapagsisi tuloy kasi hindi siya pumasok kahapon. Dapat pala hindi na niya pinairal ang katamaran niya na pumasok sa unang araw ng school, eh, `di sana'y nakilala niya kaagad si Nicco. "Don't worry, Nicco, from now on, hindi ka na mabu-bully ni Bogart. Akong bahala sa iyo!" "Thank you talaga, Jenica. Malamang nagkaroon na ako ng black-eye kung `di ka kaagad dumating..." mahina pa itong tumawa. "Ano ka ba? Wala yun. Hindi naman ako papayag na masaktan ka... I mean, bilang bago ka dito sa school namin, ang pangit naman na karahasan agad ang ma-experience mo, di ba? Saka, tama na 'yang 'thank you-thank you' na iyan. Your welcome! Your welcome!" sabay kurot niya sa magkabilang pisngi ni Nicco. Hindi na niya napigilan ang sarili na lapirutin ang pisngi nito sa sobrang cute nito! Tawa lang ng tawa si Nicco sa ginawa niya habang hinihimas nito ang pisngi nito. Isa na naman sa napansin ni Jenica ang mahinhin nitong pagtawa. Nagdududa na talaga siya sa pagkatao ni Nicco. `Wag naman sana... "Saang school ka nga pala galing?" Maya-maya ay tanong niya. "I'm from Westville High." "Huwaaat?! You're from West--- Ibig sabihin super mayaman ka?" gulat na gulat talaga si Jenica nang malaman niya ang eskwelahanang pinanggalingan nito. Kilala kasi ang Westville High School bilang school para sa mayayaman lang. Umiling si Nicco. "No. My parents are the one who is rich. Not me.'' "Ahhh..." tumango-tango siya. Pa-humble pa, eh. At doon na nga nag-umpisa ang pagiging magkaibigan nilang dalawa ni Nicco. Pero talagang nakakapagduda ang pagkatao ni Nicco para kay Jenica. Lalo na kapag may nakikita itong gwapo or cute na lalaki, madalas ay sinusundan nito ng tingin! Hmm... She smells something fishy! UWIAN na! Papalabas na sila ni Nicco ng Wellington Academy. Hanggang ngayon ay talagang binabagabag si Jenica para sa feelings niya towards Nicco. Oo, crush na agad niya ito pero pakiramdam niya ay talagang kaduda-duda ang pagkatao nito. Kung saka-sakali pala magkakagusto siya sa isang vaklush?! Siguro, mas tama na tanungin na lamang niya si Nicco. Unfair naman dito. Mali na kung anu-ano ang iniisip niya ukol dito, di ba? Tama! She will asked him na lang. Pero paano niya iyon gagawin? Dapat iyong `di ito ma-o-offend. Baka pag na-offend niya ito ay agad na masira ang friendship nila na kakaumpisa pa lang. Ayaw naman niyang mangyari iyon. Crush na crush pa naman niya si Nicco Sevilla! Love at first sight na yata nangyari sa akin nang makita kita, Nicco, piping pag-amin ni Jenica sa kanyang sarili. Okey, dapat pag-isipan niyang mabuti ang pagtatanong na gagawin niya. "Nicco, bakla ka ba?" Parang masyado namang straight to the point kapag ganoon. Baka masaktan niya ang feelings nito. Ano kaya kung ganito... "Nicco, kung may itinatago ka man sa akin, hindi masamang umamin. I am your friend, Nicco! Your friend na pwede mong pagsabihan ng mga secrets mo..." Naku, masyado naman yatang pang-Fammas' at Oscar's ang acting na iyon. Baka masabihan pa siyang over-acting! Nasa ganoon siyang pag-iisip nang bigla siyang nagulat dahil sa isang napakalakas na sigaw... "Sisteeer!!!" Nagpalinga-linga si Jenica para hanapin ang pinanggalingan ng pagtiling iyon. Grabe naman yung tumili, parang naipit ang kung ano. "Sisteeer!!!" Narinig na naman niya yung tili. Napanganga si Jenica nang may makita siyang isang bakla na puro kolorete ang mukha na papalapit sa kinaroroonan nila ni Nicco. Naka-school uniform pa ito na hindi katulad ng sa kanila kaya nahinuha niyang sa ibang school ito nag-aaral. Lumapit kay Nicco iyong beki-student at parang eksena sa MMK na nagyakapan silang dalawa. Shock na shock si Jenica sa kanyang nasaksihan! Nag beso-beso pa sila. "I miss you, sisterette Nicco!" tuwang-tuwang sabi no'ng beki-student. "Ako din naman, sisterette!" malamyang sagot naman ni Nicco. Naisapo ni Jenica ang kanyang kamay sa kanyang noo. Pakiramdam niya ay lalagnatin siya ng mga oras na iyon. Totoo ba ang kanyang nakikita o isa lang itong aparisyon? Si Nicco... CONFIRMED! THE next day, habang nagbabasa ng isang aklat si Jenica sa library ay nilapitan siya ni Nicco. Napansin niya agad na may pag-aalangan sa mukha nito. Bakit kaya? "Hi, Jenica," bati nito sa kanya. Umupo ito sa upuan na nasa harapan niya. "Hello, Nicco!" napaka-pleasant ng pagkaka-smile niya rito. "Uhm, Jenica..." ibinitin ni Nicco ang sasabihin nito. Mukhang nag-aalangan nga talaga. "Hmm? Ano `yon?" Kinagat ni Nicco ang pang-ibabang labi nito. Napamura sa isip si Jenica nang mas lalong maging mapula ang lips ng lalaking kaharap dahil sa ginawa nito. "A-about doon sa nakita mo kahapon..." "Alin?" Kunwari ay hindi niya alam ang tinutukoy nito pero sa totoo ay na-gets na agad niya ang sinasabi nitong nakita niya kahapon. "`Yong papalabas na tayo then nilapitan ako ng friend ko from Westville. Jenica, ang totoo niyan...bakla ako!" Nginitian niya ito. "Nicco, wala `yon sa akin. Friends pa rin kita kahit ano ka pa." Sincere naman siya sa sinabi niyang iyon pero nagdurugo ang puso niya dahil hindi pa man siya nakakapagtapat ng pagkagusto niya kay Nicco ay alam na agad niyang wala siyang pag-asa dito dahil sa isa itong bakla. Iyon ang masakit na katotohanan. "Thanks, Jenica. Hindi nga talaga ako nagkamali. You are a real friend!" hinawakan pa nito ang kamay niya na nakapatong sa lamesa. "Pero may isa lang sana akong ipapakiusap sa'yo," dugtong pa ni Nicco. "A-ano i-iyon?" pautal-utal na tanong ni Jenica. Hindi siya makapag-concentrate. Nawawala siya sa sarili dahil hawak ni Nicco ang kanyang kamay. Ngayon ay naniniwala na siya sa mga nababasa niya sa mga pocketbooks. Totoo ang kuryente kapag hinahawakan ka ng taong gusto o crush mo! "Itong nalaman mo na isa akong bakla, sana secret na lang natin iyon. Baka kasi pag nalaman ng family ko na ganito ako, eh, itakwil nila ako. Galit kasi sa bakla ang father ko at mataas ang expectation nila sa akin dahil only child lang ako. Can you promise na secret lang natin `yon?" Itinaas ni Jenica ang kanang kamay niya na tila nanunumpa. "`Yon lang ba? Ano ka ba? Sige, promise! Secret lang nating dalawa iyon. It's just between you and me. Period. Padlock. Lunok susi!" Biglang tumawa si Nicco sa tinuran niya. "Oh, bakit ka tumatawa diyan?" "Eh, kasi nakakatawa ka. Alam mo, Jenica, i like you." Napakurap-kurap si Jenica sa sinabing iyon ni Nicco. "Y-you like me?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Yes, i like you as a friend kasi you're so funny!" Bumagsak ang balikat ni Jenica. Ano pa ba ang dapat niyang asahan sa isang closeta o pamintang tulad ni Nicco, di ba? Wala. Sayang talaga ito. Ang cute-cute pa naman ni Nicco. Beki nga lang. Sad truth. Naitanong niya tuloy sa sarili niya kung may pag-asa pa kayang magbago si Nicco? Iyong magiging hundred percent na lalaki ito? Ano kaya kung i-seduce ko siya?, tanong ni Jenica sa kanyang sarili. At gumana bigla ang malikot na imahinasiyon ni Jenica... Nasa harapan daw niya si Nicco at ang setting doon mismo sa library. "Oh, Nicco... Pakikamot naman ng cleavage ko..." malandi daw niyang utos dito. Napapitlag si Jenica sa iniisip niyang iyon. Masgwa. Pero parang nagugustuhan niya ang ideyang iyon. Hindi iyong pagpapakamot niya ng cleavage kundi ang ideyang gawing tunay na lalaki si Nicco! Maganda naman siya at maraming nagkaka-crush sa kanya. Hindi imposibleng pati ang baklang si Nicco ay mahumaling sa kanyang alindog at naisin na magpakalalaki na lamang. Tama! Papaibigin niya ang baklang ito! Tingnan ko lang kung ma-resist mo ang alindog ko, Nicco Sevilla!, tila isang kontrabida sa isang soap opera na bulong ni Jenica. "NICCO, samahan mo naman ako sa bagong internet-cafe doon sa may Amethyst Street. Opening nila today, eh. I am sure na may discount promo sila ngayon," sabi ni Jenica kay Nicco habang papauwi na sila mula sa school. Nilalakad lang nilang dalawa ang kani-kanilang bahay kapag pauwi at papasok sila ng school. Malapit lang naman. At lagi rin silang magkasabay dahil sa nasa iisang subdivision lang naman ang kanilang bahay. "Pero, di ba, may internet naman kayo sa bahay niyo. Bakit hindi ka na lang doon mag internet?" ani Nicco. Jenica grabs Nicco's arm. "Eh, kasi nasira iyong router namin. Bukas pa yata aayusin," pagsisinungaling niya. "Doon ka na lang sa bahay mag internet," suggest nit sa kanya. Maarteng nagpapadyak pa siya. "Nakakahiya kaya sa mommy at daddy mo. Please Nicco..." pinalambong pa ni Jenica ang kanyang mga mata. At ganito talaga ang pagkaka-pronounce niya sa pangalan ni Nicco. Nheekow. Para may landi daw! Simula na kasi ng misyon niya kaya para siyang naglalampong na pusa kay Nicco ngayon. Make the beki fall inlove with her! Excited na talaga siyang maging totoong lalaki na si Nicco! Nakikini-kinita na niya. Magkahawak sila ng kamay ni Nicco at naglalakad sa Baywalk habang nagpapalitan silang dalawa ng 'i love you' sa isa't-isa. s**t! Kinikilig siya! Kakamot-kamot naman sa ulo si Nicco. "Pero, ano kasi, eh..." "Please, Nicco... Please..." inalog-alog pa niya ang braso ni Nicco. Oo, tsansing na ang ginagawa niya pero wala siyang pakialam. May misyon siya at ang nasa isip niya lang ay ang pagtagumpayan ang misyon na iyon! "Okey... Sige na nga pero sandali lang tayo, ha?" Ngiting-tagumpay si Jenica. "Thank you, Nicco!" kung hindi lang siya nakakapagpigil ay baka mahalikan pa niya ito. WALKING distance lang naman iyong internet-cafe na sinasabi ni Jenica kaya alay-lakad ang naging drama nilang dalawa. Tuwang-tuwa si Jenica sa mga oras na iyon dahil napatunayan niyang hindi kayang i-resist ni Nicco ang charm niya. Isang magandang senyales iyon para sa kanya. Wala pa ngang limang minuto ay nasa bagong bukas na internet-cafe na sila. "Wow! Ang laki naman ng net-cafe na ito!" manghang bulalas ni Jenica nang nasa loob na sila. Malaki talaga yung net-cafe na may pangalan na OpenTime Net and Cafe. At talagang pinanindigan nito ang pagiging internet s***h cafe nito dahil bukod sa internet na inooffer nila ay may mga tables din doon para sa mga gustong magkape or kumain ng snacks na nasa menu nila. Sosyal talaga at mukhang hindi basta-basta ang may-ari. Mayaman! "Hello! Welcome sa OpenTime! Cubicle or table?" tanong ng isang babaeng lumapit sa kanila. Pero mahahalata mo agad na isa itong tomboy dahil sa uri ng pananamit nito na tulad ng sa isang lalaki. Pati ang boses nito ay pilit na pinapalaki nito plus ang cap na suot nito sa ulo. T-boom na T-boom! Sayang at mukha pa naman sana itong maganda kung magpapakababae lang ito. "Table kami---'' sagot ni Jenica pero naputol ang pagsasalita niya nang may lumapit sa kanila na isang lalaki. Tunay na lalaki. "Ako na ang mag-a-assist sa kanila, Thonie," singit no'ng kadarating lang na lalaki na papasang kamukha ni Choi Min Ho ng K-Pop group na SHINee. Nakikita niya kasi iyon sa mga classmates niya na addict sa K-Pop. Panay ang share ng mga iyon sa f******k ng naturang K-Pop artist kaya kilala na rin niya. Inakbayan no'ng tomboy iyong lalaki. "Ano ka ba, Kuya Enzo. Trabaho ko `to, eh! Doon ka na sa counter. Sige ka! Isusumbong kita kay mommy!" Doon napaghinuha ni Jenica na magkapatid yata ang dalawang ito. Tinawag kasi ni tomboy na 'kuya' si boy. So, magkapatid nga. Yata. Napatingin naman bigla si Jenica kay Nicco. Teka, bakit parang iba ang tingin ni Nicco doon sa lalaking kaharap nila ngayon? Parang may lagkit at landi! This can't be! Gagawin kitang lalaki, Nicco, mylalabs ko!!! Hindi ka pwedeng magkagusto sa lalaking iyan!, gigil na protesta ni Jenica sa kanyang sarili.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Cheating Heart

read
41.5K
bc

Mhorric Soliven: The Billionaire's Maid

read
442.3K
bc

My Secretary Owns Me (ZL Lounge Series 01)

read
781.0K
bc

Married To A Billionaire

read
1.0M
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
312.1K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
50.7K
bc

A night with Mr. CEO

read
175.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook