CHAPTER TWO

2991 Words
"KUYA Enzo, ang ganda n'ong chicks dun sa table number seven, `no?'' sabi ng tomboy na si Thonie sa nakakatanda niyang kapatid na si Enzo nang lapitan niya ito sa counter ng kanilang internet-cafe. Tiningnan din ni Enzo ang babaeng tinutukoy niya. Ngumisi ito. "Bakit type mo ba, ha?" tanong naman nito sa kanya. Siniko-siko ni Thonie ang tagiliran ng kapatid. "Tinatanong pa ba yan, kuya? Of course, type ko! Ang mga ganyang babae ang mga tipo ko. Maganda, maputi, slim at mukhang masungit!" bahagya pa siyang tumawa. Bigla siyang sinapok ni Enzo. Pero alam niyang lambing lang iyon ng kapatid niya. "Aray ko! Bakit ka ba nananakit, Kuya? Isusumbong na talaga kita kay Mommy!" birong pagbabanta niya dito. "Sa tingin mo ba pumapatol `yon sa tulad mong... Ahem... Tomboy?" Hinawakan ni Thonie ang tapat ng puso niya nagkunwaring nasaktan. "Ouch naman, Kuya Enzo! Ang sakit mo namang mag-salita! Straight to the point. Tagos dito, oh!" drama pa niya sabay turo sa parteng gitna ng dibdib niya. Natatawang napailing si Enzo. "Ewan ko sa'yo. Bakit ba ako nagkaroon ng kapatid na tulad mo? Ang kulit-kulit mo talaga!" sabi ni Enzo habang ginugulo ang buhok niya na ang style ay parang sa mga lalaki sa Koreanovela. Para sa kanilang magkapatid ay kulitan lang ang ganyang uri ng usapan. Dalawa lang silang magkapatid. Obviously, ay si Enzo ang panganay sa kanilang dalawa. Lawrenzo dela Paz, `yan ang full name ng Kuya Enzo niya pero ang tawag nila dito ay 'Enzo'. Para daw hindi mahaba at para cool daw pakinggan. Sobrang close sila sa isa't-isa dahil na rin siguro sa hindi pagkakalayo ng kanilang edad. Twenty-one na si Enzo at katatapos lang nito ng college. Basta about sa business ang course nito. Sa pagkakaalam niya ay Business Management kaya naman dito ipinagkatiwala ng Mommy nila ang pagma-manage ng bago nilang business na netcafe. Siya naman ay si Anthonia dela Paz. At mas prefer niya na tawagin siyang 'Thonie'. Seventeen years old na siya at hindi pa nakakatuntong ng kolehiyo. High school pa lamang ang natatapos niya dahil sa naguguluhan pa siya sa kung ano bang kurso ang nais niya talaga. Kaya kesa mag-aksaya ng pera sa pagkokolehiyo na hindi naman siya sigurado sa kursong gusto niya ay nag-volunteer na lang siya na tulungan ang kanyang kapatid sa pagpapatakbo ng negosyo nila. And yes, she is a lesbian. A proud one! Hindi niya alam kung bakit siya naging tomboy pero wala naman siyang pinagsisisihan dahil tanggap na tanggap siya ng kanyang pamilya. Ang Daddy naman nila ay matagal nang patay. Ayon sa kwento ng mommy niya ay one-year old pa lamang siya nang mawala na agad ito sa kanila. Isang plane crash. Sa kasawiang-palad ay nakasama ito sa hindi maswerteng nakaligtas sa naturang aksidente. Pero ganupaman ay hindi niya masyadong nararamdaman ang kakulangan niya bilang wala siyang tatay. Nandiyan naman kasi ang Kuya Enzo niya na hindi lang umaaktong kapatid or kuya niya kundi isang tatay na rin at kabarkada. KULANG na lang ay tumumba si Nicco sa sobrang talim ng pagkakatitig dito ni Jenica. Kung nakakamatay lang talaga ang pagtitig! Grabe naman `tong si Nicco! Talagang `di mapuknat ang mata niya doon sa lalaking nasa counter! Nakakainis na, ha! Selos na ako!, ani Jenica sa utak niya. Pero sa totoo lang, hindi naman niya masisisi si Nicco kung titigan man nito iyong lalaki na nasa counter dahil sa gwapo naman talaga iyon. At hindi rin malabo na magustuhan iyon ni Nicco. Nakakaasar naman! Nakakapagsisi tuloy kung bakit pa sila pumunta sa netcafe na ito! Naaasar na talaga si Jenica! Mukhang type talaga ni Nicco `yong boy na iyon. Bakit kasi naging bading ka pa Nicco? "Ang gwapo niya talaga..." tila wala sa sariling sambit ni Nicco. Nakahalumbaba pa ito habang tila nangangarap na pinagmamasdan iyong lalaki sa counter. Magkaharap sila ni Nicco sa table na kinapupwestuhan nila. Kapwa na rin umorder sila ng chilled chocolate drink para kahit papaano ay may pamatid-uhaw silang dalawa. "Anong sabi mo?" untag ni Jenica sa kaibigan. "Ang gwapo niya talaga, Jenica..." tila babaeng kinikilig na ulit pa ni Nicco sa kanya. Umaandar na naman ang kabaklaan nitong si Nicco! Mukhang mahihirapan yata talaga siya sa misyon niya na gawing tunay na lalaki si Nicco. Lalo na at umentrada na ang lalaking iyon na crush ng kaibigan niyang bakla. Pero hindi! Hindi siya susuko. Wala sa dictionary niya ang salitang 'pagsuko'. "Sino naman?" walang ganang tanong ni Jenica. Nakatutok ang mata niya sa computer sa harapan niya. "`Yong boy doon sa counter, oh! Ang gwapo niya, `di ba?" Tumigil panandali si Jenica sa pagko-computer at tiningnan si Nicco. Kailangan niyang "sampalin" ito para matigil na ang kahibangan nito. "Nicco, `wag ka sanang mao-offend, ha. But do you think normal lang na ma-attract ka sa lalaki? I mean, bali-baliktarin man natin ang panty ng matanda, lalaki ka pa rin. Isa pa, alam ko naman na aware ka na hindi pa masyadong tanggap sa bansa natin ang same-s*x relationship, `di ba?" Nangalumbaba ulit si Nicco. "Alam ko naman iyan, Jenica. Pero, I really can't control myself. Isa lamang akong normal na bakla ng nagkaka-crush sa isang lalaki. Isang baklang hindi maipakita ang kaniyang tunay na pagkatao..." may lungkot sa boses ni Nicco. Hinawakan na naman nito ang kamay niya. "And I am so lucky to have a friend like you, Jenica! Atleast sa iyo, I can show you the real me. Tanggap mo ang kabaklaan ko." Friend? Talaga bang hanggang doon na lang tayo, Nicco? Hindi ba pwedeng humirit na maging mag-jowa tayong dalawa? Teka, ang drama naman ni Nicco. Teary-eyed na tuloy siya tulad nito! Binawi bigla ni Jenica ang kamay niya na hawak ni Nicco. Hindi na niya kaya dahil baka bumula na ang bibig niya sa labis na kilig. "Naku, ang drama mo talaga, Nicco!" natatawang biro niya dito. Maya-maya nga ay nag-concentrate na sila sa pagko-computer. Medyo uneasy nga lang ang pakiramdam ni Jenica dahil feeling niya ay tinitingnan siya niyong magkapatid na tomboy at lalaki sa counter. Crush ba siya ng dalawang iyon? Well, hindi naman nakakapagtaka. Sa ganda ba naman niya iyon! Chos! "`Oy, Nicco!" tawag ni Jenica. "Hmm? Bakit?" response naman ni Nicco. "Hindi pa nga pala kita friend sa f******k, `no?" "Ay, oo nga pala." "What's your email add nga?" Jenica asked. Dinikta naman agad ni Nicco ang email address nito sa kanya habang tinatype niya iyon sa search bar. Pagka-add niya sa f******k account nito ay agad din naman iyong in-accept ni Nicco. "Thanks, Nicco..." may kasama pang bite sa lips ang pasasalamat na iyon ni Jenica na parang nang-aakit lang siya. Taray ko talaga! Finally, friend na rin silang dalawa ni Nicco sa f******k. Makakapag-stalk na rin siya dito. Maya-maya nga ay walang ginawa si Jenica kundi i-browse ang lahat ng photo albums ni Nicco. Panay ang ngiti niya dahil sa ang ku-kyut ng mga pictures nito. Ang cute niya talaga! Akin ka na lang, Nicco, please! Ang desperada na yata niya. Hindi na napigilan ni Jenica ang sarili na idownload ang ilan sa mga pictures ni Nicco. Isinaksak niya sa card reader niya ang memory card ng cellphone niya at ikinonek niya iyon sa computer upang mai-save sa memory card niya ang mga downloaded photos ni Nicco. Mamayang gabi ay wala siyang gagawin kundi ang titigan ang mga iyon bago matulog. Baka sakaling mapanaginipan niya si Nicco at wish niya lang ay lalaki na ito sa panaginip niya! Or better yet, ipapa-print niya ang pictures ni Nicco ng kasinglaki ng mga billboard sa Edsa tapos ididikit niya sa kisame ng kwarto niya. Para kahit nakahiga siya ay mukha pa rin nito ang kanyang nakikita. Mas bongga yata ang idea na iyon, `di ba? "Hoy Jenica! Na-a-ano ka na diyan?" Napapitlag sa gulat si Jenica nang bigla siyang kausapin ni Nicco. Hindi niya namalayan na kanina pa yata siya tinitingnan ni Nicco habang tila isa siyang lukaret na nakangiti habang nakatitig sa screen ng computer. "Ay pwet ng kabayo!" gulat na bulalas ni Jenica. Pa-tweetums na hinampas pa niya sa braso si Nicco. "Anubeh... Ginugulat mo naman ako lagi, Nicco!" Pasimple na naman niyang nilalandi ang kaibigan niya! "Eh, kasi kanina pa kaya ako may sinasabi sa'yo pero nakatulala ka lang diyan! Ano ba `yang tinitingnan mo sa computer?" akmang titingnan ni Nicco ang screen ng computer na gamit ko pero pinigilan ko siya sa pagtayo. "Ah, eh, wala! Natatawa lang ako sa pinapanood ko sa Youtube," palusot niya. "Wait, ano ba iyong sinasabi mo kanina?" "Ang sabi ko, pahiram naman ako ng memory card mo. May isa-save lang kasi akong files. Nakalimutan ko kasi `yong sa 'kin. Ipa-pa-bluetooth ko na lang sa iyo bukas sa school." "M-memory c-card ko?" namutla yata siya bigla. Hindi niya pwedeng hiramin ang memory card ko! Makikita niya ang mga pictures niya na isi-nave ko! Biglang nataranta si Jenica. Hindi na niya alam ang gagawin niya! "Yes. Your memory card. Pahiram naman ako, please..." Patay na! Makikita ni Nicco ang evidence ng katarayan at pagnanasa niya dito kapag pinahiram niya ito ng memory card niya! Bakit kasi naisip-isip pa niya na i-save ang pictures nito, eh. Nakakapagsisi na talaga for the nth time! "Ah, saglit lang, Nicco, ha. S-safely removed k-ko lang..." natataranta niyang sabi. Biglang tumayo si Nicco. "Ano ka ba? Okey lang `yan kahit `di na i-safely removed," sabay hugot nito sa card reader niya na nakakabit sa computer na ginagamit niya. "Akin na `yan!" sigaw ni Jenica sabay hablot sa card reader na hawa ni Nicco. "Bakit ba? Ayaw mo bang magpahiram?" nagtatakang tanong ni Nicco. Inakbayan ni Jenica si Nicco at may ibinulong siya dito. "M-may... May makikita ka kasi dito na... Hindi kanais-nais..." paputol-putol na bulong niya. "Ha? Anong `di kanais-nais?" "M-may naked photos kasi ako diyan kaya nakakahiya..." pagsisinungaling niya. Oo, isang nakakahiyang pagsisinungaling! Mabuti na rin siguro iyon kesa mabuking agad ni Nicco na may gusto siya dito. Mahirap na. Baka layuan siya ni Nicco kapag nalaman nito na may hidden desire siya dito. Saka na lang siya aamin dito kapag tunay na itong lalaki. "Ganoon ba? Bakit naman hindi mo sinabi kaagad?" "N-nakakahiya kasi. Ide-delete ko din naman ang mga iyon. I just check my self kung sexy ba talaga ako," at isang pekeng tawa ang pinakawalan niya. Dahil sa totoo lang ay gusto na niyang lamunin siya ng lupa sa labis na kahihiyaan! Akmang kukunin na ni Jenica iyong memory card sa card reader nang matigilan siya. `Asan na iyong memory card ko?! "N-nicco, `y-yong memory card ko! Nawawala!" kinakabahang turan niya. "Ha?!" kinuha sa kanya ni Nicco iyong card reader at nakita rin nito na wala na nga doon ang memory card niya. "Pa'no na iyan, Jenica? Hindi ba at may naked photos ka doon?" bulong ni Nicco sa kanya. ''`Asan na iyon?" teary-eyed na talaga siya. Hindi naman siya naiiyak dahil sa sinasabi ni Nicco na naked photos niya dahil sa wala naman talagang pictures na ganoon doon. Naiiyak siya dahil naroon ang mga cute na photos ni Nicco! Hindi pwedeng mawala iyon. Hindi! Sigurado siya na natanggal iyon nang agawin niya kay Nicco iyong card reader. Tumalsik siguro ng bongga iyong memory card sa kung saan! "Tulungan mo ako, Nicco, na hanapin iyon, please!" maarte niyang pakiusap. "O-okey. Kailangan talaga nating mahanap iyon..." Maya-maya nga ay mistulang mga pagong na silang dalawa ni Nicco na pakapa-kapa sa sahig dahil hinahanap nila iyong memory card niya na nawawala. Sa sobrang seryoso nila sa paghahanap ay bigla silang nagkaumpugan ni Nicco. Magkasabay silang tumayo ni Nicco habang kapwa nila hawak-hawak ang kanilang ulo na nagka-umpugan. "Sorry!" sabay nilang bulalas. "Okey lang!" sabay ulit silang dalawa. Nagkatawanan sila. "I'm sorry, Jenica," napaka-cute ni Nicco sa mukha nito habang nag-so-sorry sa kanya. "Nagka-umpugan pa talaga tayo. Okey ka lang ba?" Ermergerd! Concern siya sa akin! "Okey lang ako, Nicco. Salamat..." kinikilig na sagot niya. "IS there a problem?" Napalingon si Nicco sa lalaking nagsalita mula sa kanyang likuran. Literal na napanganga siya nang makita ang pinanggalingan ng manly voice na iyon. `Yong lalaki sa counter na crush niya! Gosh! Si pogi na nasa counter!, piping tili pa ni Nicco. Ito na marahil ang chance niya para makilala ang lalaking ito. Lumapit siya dito sabay akbay niya. Naisip niya na normal lang naman sa mga lalaki ang mag-akbayan eh. Kaswal lang iyon para sa kanila. Kaya malamang ay wala lang iyon sa lalaking inaakbayan niya. Walang malisya ito para dito. Pero sa kanya? Meron. Meron! "Ito kasing kaibigan ko, `tol. Nawawala yung memory card niya. Kanina pa namin hinahanap pero hindi talaga namin makita, eh. Paano kaya iyon, `tol?" lalaking-lalaki talaga ang boses niya nang magsalita siya. Mahirap na. Baka mahalata n'ong lalaki na malansa siya. Baka kasi pag nalaman nito na bakla siya ay layuan na agad siya nito. Hindi pa nga sila nagiging close, lalayo agad? Hindi naman siya makakapayag! Teka, hindi ko pa nga pala alam ang pangalan niya... Excited much na akong malaman ang name niya! GIGIL na gigil si Jenica sa kanyang nakikita. Si Nicco, nakaakbay doon sa lalaking nasa counter kanina. Selos na siya. Super! Pero, si Nicco ba talaga itong nakikita niyang nagsasalita? Bakit lalaking-lalaki bigla ang drama nito nang dumating `yong lalaking iyon? Samantalang kanina daig pa nito ang babae sa kalandian sa pagpapantasya! Pero in all fairness, mas lalo siyang nainlove kay Nicco dahil sa buong-buo na boses nito. Lalaking-lalaki! Kinikilig na naman siya tuloy!! Bigla-bigla namang lumapit sa kanila `yong tomboy. Hmp! Epal talaga itong magkapatid na ito! "May problem ba daw, kuya?" tanong n'ong tomboy sa kapatid nito Maganda sana talaga ang tomboy na ito. Sayang at nagpapaka-trying hard na magmukhang lalaki, bulong ni Jenica sa kanyang sarili. "Nawawala daw kasi `yong memory card nitong si..." hindi na natuloy n'ong lalaki ang pagbanggit sa pangalan niya dahil hindi naman siya nito kilala. "Jenica!" mabilis na dugtong ni Nicco. "Jenica ang name niya. At ako naman si Nicco," diretsong pagpapakilala na rin nito. Para-paraan din, ano. "Ako naman si Enzo!" Tapos nag shake hands pa talaga sila! Bigla namang sumingit iyong tomboy. "Hi! Ako naman si Thonie. Nice meeting you Nicco and Jenica. Oo nga pala, magkapatid kami ni Kuya Enzo at kami ang namamahala sa internet-cafe na ito." Itinirik ni Jenica ang kanyang mga mata. As if I care! Ang isa pang ikinaiinis ni Jenica ay ang waga na pagkakangiti sa kanya ni Thonie. Mukhang may gusto ito sa kanya. "Ano ba? Magpapakilala na lang ba tayo at magku-kwentuhan o hahanapin natin `yong memory card ko?" pagsungit-sungitan pa ni Jenica. KANINA pa napapansin ni Enzo ang pagsusungit ni Jenica. Obvious na iritable na ito. Marahil ay dahil sa nawawala nitong memory card. Kung hindi lang talaga ito maganda, hindi niya ito tutulungan sa nawawala nitong memory card. Kung tutuusin nga, wala naman silang pakialam sa problema nito dahil ito naman ang mismong nakawala n'on. Pero, ewan niya. There is something special kay Jenica. Gustung-gusto niya itong makilala. Teka nga, boyfriend kaya ni Jenica itong si Nicco? Hmmm... Mukhang hindi naman. Sa tingin ko ay magkaibigan lang sila... "Okey, Jenica. We'll help you to find your memory card," sabi niya. Agad na nga silang nag-umpisa sa paghahanap. Siya, si Thonie, Jenica at Nicco. According kay Jenica ay tumalsik daw kung saan iyong memory card nito. Sa tingin niya ay mukhang mahihirapan sila na hanapin iyon. Bukod sa napakaliit ng memory card ay napakalawak pa ng kanilang internet-cafe! Hanggang sa abutin na sila ng halos isang oras sa paghahanap. Walang memory card. Umupo si Jenica at bumuntung-hininga. "Hay... Okey, tama na. Siguro nga ay hindi ko na makikita ang memory card ko. Salamat na lang sa pagtulong niyo." "Ganito na lang, Jenica. Kapag nakita namin iyong memory card mo dito. Ibibigay na lang namin sa iyo. May contact number ka bang pwedeng iwanan just in case na makita na namin. Pra naman ma-contact ka agad namin," suhestiyon ni Enzo. Umiling si Jenica sabay tayo. "`Wag na lang. Hindi ko ibinibigay ang personal number ko sa hindi ko kilala," sabay harap nito kay Nicco. "Tara na Nicco, uwi na tayo!" "Pero paano iyong---" pinandilatan ni Jenica ng mata si Nicco kaya hindi na nito itinuloy ang sasabihin. Tiningnan siya ni Nicco. "Bye, Enzo..." pagpapaalam nito sabay ngiti. Bakit ganoon? Parang may kakaiba sa pagkakangiti sa kanya ni Nicco? "ANG ganda talaga ni Jenica, ano, kuya?'' sabi sa kanya ni Thonie habang sakay sila ng kotse niya. Papauwi na silang magkapatid sa bahay nila. Alas-dose na noon ng gabi. Actually, pwede naman na maglakad na lang sila pauwi dahil sa malapit lang naman ang bahay nila sa internet-cafe nila. Kaya lang ang sabi ng Mommy nila ay mas safe kung mag-ko-kotse sila. Iba na raw kasi ang panahon ngayon. Tutal naman daw ay marunong siyang mag-drive. "Hoy! Kuya!" untag sa kanya ni Thonie nang hindi niya tugunin ang sinabi nito. "Ha? Bakit?" Naku naman, Kuya Enzo, kanina pa kaya ako nagsasalita dito pero parang nakikipag-usap ako sa hangin. May problema ka ba kuya?" "Problema? Wala, ah," sagot niya. "Ano nga ba `yong sinasabi mo?" "Ang sabi ko, ang ganda ni Jenica!" He hissed. "Eh, kanina mo pa sinasabi iyan sa shop, eh. Oo, maganda nga siya pero mukhang masungit." "Iyon nga ang gusto ko. Masungit. At, Kuya, ikaw ang gusto kong unang makaalam na starting tomorrow ay liligawan ko na si Jenica." Natigilan siya sandali. "Goodluck na lang..." "Para namang hindi ka masaya, kuya, eh! Teka, don't tell me na type mo rin si Jenica?'' Bahaw na tumawa si Enzo. "Of course not!" mabilis niyang sagot. "Jenica is all yours, Thonie. And besides, she is not my type," pero tumutol ang isip niya sa sinabi niyang iyon. Jenica is pretty at mukha naman na masaya itong kasama. Type niya ito. Gusto niya rin tulad ni Thonie. Tsk! Ang hirap talagang maging panganay. Kailangan palaging mag give way!, reklamo ni Enzo sa sarili. Naunahan siya ngayon ng kapatid niyang tomboy kay Jenica.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD