CHAPTER THREE

2604 Words
"MAMA, papasok na po ako!" todo-lakas na sabi ni Jenica sa kanyang Mama na kasalukuyan na may ginagawa sa kusina. Kakalabas pa lang niya ng kwarto niya at ready'ng-ready na siya para pumasok sa school. "Papasok ka na agad? Hindi ka pa nag-aalmusal, ah!" sigaw din ng Mama niya sa kanya. "Ipinagluto pa naman kita ng favorite mong sunny side-up egg na binudburan ng Magic Sarap!" Pababa na siya ng hagdan habang chine-check ang laman ng bag niya kung may nakalimutan pa siya. "Diet po ako, Mama!" "Diet? Bakit? May boyfriend ka na ba?!" Itinirik ni Jenica ang kanyang mga mata. "Inspired lang po pero single pa rin ako!" "Okey!" Sila na yata ang mag-inang megaphone. Nasa iisang bahay lang at malapit lang naman pero kung mag-usap ay pasigaw. Pagdating ni Jenica sa salas ay nakita niya ang cute na eight-years old niyang kapatid na babae na si Charm. Seryosong-seryoso ito sa panonood ng TV. "Hoy, Charm! Umagang-umaga, TV kaagad ang inaatupag mo, ha!" aniya rito pero lambing niya lang iyon. Inirapan siya ni Charm. "So what, Ate Jenica. Atleast, I'm only watching cartoons. Unlike you, laging chessy dramas ang pinapanood mo!" Napakataray talaga ng kapatid niya. Sa kanya yata ito nagmana. Kinurot niya sa pisngi ang kapatid. "Bye na, Charm. `Wag pasaway kay Mama!" pagkasabi niya n'on ay tinungo na niya ang pinto palabas. Papalabas na sana si Jenica ng bahay nila nang siya bigla ni Charm. "Ate Jenica!" She stopped para lingunin ang kapatid. "Ano na naman, Charm? Magpapabili ka ba ng pasalubong? Be a good girl para---" "Ginamit mo na naman ang perfume ni Mama! I can smell it..." tila isang imbestigador na sigaw nito sa kanya. May sa ilong ng aso yata ang kapatid niya. "E-ewan ko sa'yo, Charm! Bye!" at nagtatakbo na siya palabas. "Ang taray mo talaga, Ate! Isusumbong kita kay Mama!" pahabol na sigaw ni Charm sa kanya. Pagkalabas ni Jenica ng gate nila ay saka lang siya tumigil sa pagtakbo. Binagalan lang niya ang paglalakad dahil ayaw niyang ma-haggard agad. Nakakahiya kapag nakita siya ni Nicco na pawisan. Ten minutes or less nasa school na siya. Pwede naman siyang mag-commute pero mas pinipili niya ang maglakad na lang. Sayang din kasi ang matitipid niya sa hindi pagsakay sa jeep. Hindi naman sila ganoon kayaman. Minsan pa nga kinakapos sila sa panggastos. Ang Papa lang kasi niya ang nagtatrabaho sa pamilya nila bilang isang construction worker sa Dubai. Habang ang Mama niya ay isang dakilang plain housewife. Saka, wala naman siyang pakialam kung hindi sila mayaman. Basta maganda siya! Char! Maaga pa naman at malabong ma-late siya kaya hindi niya kailangan ang nagmamadali sa paglalakad. Biglang napalingon si Jenica sa kanyang likuran nang may naramdaman siyang tila sumusunod sa kanya. Isang kotse na kulay itim ang kanyang nakita. Inatake na naman siya bigla ng pagka-paranoid niya. Oh my God! Bakit parang kanina pa ako sinusundan ng kotseng nasa likod ko? Hindi naman kaya mga kidnappers ang mga ito tapos kukunin ang mga lamang-loob ko? Oh no! Pakiramdam niya ay sinusundan talaga siya n'on dahil kung gaano siya kabagal maglakad ay ganoon din kabagal ang pag-andar ng kotse. Nakaramdam na ng takot si Jenica kaya medyo binilisan niya ang paglalakad. Hindi na rin siya nagtangkang lumingon pa sa likod niya. Mamamatay na ba siya? Baka naman rapist ang sumusunod sa kanya! I kennot! Hindi ako makakapayag na ma-rape ako. Naka-reserve na ako kay Nicco, mylalabs ko! protesta ng utak ni Jenica. Huminga ng malalim si Jenica. Hindi siya dapat magpadala sa takot. Ang kailangan niyang gawin ay mag-relax at huwag mag-panic upang makapag-isip siya ng maayos. Muntik na siyang madapa sa labi na gulat nang makita niyang sumasabay na sa paglalakad niya iyong kotse. Nasa gilid na niya ito! I need to do something! Kinuha ni Jenica sa bag niya ang kanyang cellphone pero nang i-dial niya ang number ng kanyang Mama ay tila pinagbagsakan siya ng langit at lupa. Masakit ang katotohanan na wala pala siyang load! Bakit naman ngayon pa siya nawalan ng load kung kailan nanganganib ang kanyang buhay?! Paano siya hihingi ng tulong? Walang katao-tao pa naman sa nilalakaran niya. "Jenica!" Malakas na tumili si Jenica nang marinig niya ang pagtawag na iyon sa kanya. Alam niyang ang tao sa kotse ang tumawag sa kanya. "Thonie?!" hindi makapaniwalang bulalas ni Jenica dahil si Thonie pala ang sakay n'ong kotse. Nakadungaw ito sa bintana ng kotse habang kuntodo-ngiti pa ito sa kanya. Nakapwesto ito sa katabi ng driver's seat. Kahit papaano ay nakaramdam siya ng relief pero napalitan din iyon ng pagka-asar. Eh, kasi halos atakihin na siya sa takot iyon naman pala ay si Thonie lang naman pala ang lulan ng kotseng iyon. Tapos nakita na naman niya si Thonie at kasama pa nito ang kapatid nitong si Enzo na nakadungaw na rin sa bintana mula sa driver's seat. Ang dalawang tao na kinaaasaran niya! "Hatid ka na namin, Jenica!" Hindi pinansin ni Jenica ang alok na iyon ni Thonie. Taas-noo na nagpatuloy siya sa paglalakad. Dedma lang siya! Parang walang narinig. At talagang nakasunod pa rin sa kanya iyong kotse ng mga ito! Parang gusto niya tuloy sampolan ang dalawang ito ng katarayan niya! Tumigil si Jenica at naka-crossed arms na hinarap sina Thonie. "Pwede ba, stop following me! Hindi na kayo nakakatuwa. Promise!" "Gusto ka lang naman ihatid sa school mo..." Muli siyang naglakad but this time with a poise na. Para malaman nina Thonie na mataray talaga siya. "Pwes, para sabihin ko sa iyo, Thonie, hindi ako nagpapahatid sa mga strangers. Close ba tayo? Ang hirap kasi sa inyong magkapatid, mga feeling close kayo sa kagandahan ko! Get lost! Like, forever!" patuloy na pagtataray niya. Hindi niya nililingon ang mga ito habang naglalakad siya. Nakakadagdag kasi iyon ng taray-factor para sa kanya. "Saka pwede ba, `wag kayong pa-epal, Thonie! Kung balak niyong makipagkaibigan sa akin, ngayon pa lang... sinasabi ko na agad na ayokong makipag-friend sa inyo, okey?!" todo kumpas pa talaga siya habang nagsasalita. Paglingon niya sa likod niya ay nagulat siya nang wala na doon ang kotse nina Thonie at Enzo. Ibig sabihin, kanina pa siya nagsasalita mag-isa! Ang mga walanghiyang iyon! Pinagmukha siyang tanga. Nilayasan na siya at lahat, hindi man lang siya binigyan ng GO signal! Mukha na tuloy siyang nasisiraan ng bait. Mabuti na lamang at hindi masyadong matao sa lugar na iyon. BUSANGOT ang mukha ni Jenica nang marating niya ang school. Pagkadating niya sa kanilang room ay si Nicco agad ang hinanap niya. Kailangan niyang makita ang cute nitong mukha para naman mawala ang bad vibes na pumapaligid sa kanya. Nasaan kaya si Nicco? Pumasok kaya siya? Na-miss niya kaya ako? Nagbago kaya siya ng hairstyle? Ano kayang color ng brief niya?, sunud-sunod na tanong ni Jenica sa kanyang sarili. Naku, nagiging pervert na siya! Iginala ni Jenica ang mata niya sa loob ng classroom at nakita niya agad si Nicco. Pero bakit nakasubsob ito sa arm chair nito? Baka natutulog... Malapitan na nga! Pagkalapit niya dito ay tinitigan muna ni Jenica si Nicco. Isang pilyang ideya ang naisip niya. Inamoy-amoy niyaang buhok nito. Mabuti na lang at walang nakakakita sa ginagawa niya dahil nang mga sandaling iyon ay busy-busy-han ang lahat ng classmates niya. Ang bango naman ni Nicco, mylalabs! Nakakakilig ang amoy ng baklang ito! Sayang talaga si Nicco. `Di bale, sigurado naman siya na sa bisa ng mala-dyosa niyang alindog at sa ganda niyang can launch a thousand ship at idagdag na rin ang power ng charm niya, she is sure na magiging tunay na lalaki talaga si Nicco! Ang mabuti pa siguro ay gisingin na niya si Nicco at baka kung ano pa ang maisipan niyang hindi maganda dito. "Nicco. Nicco..." bahagya pang niyugyog ni Jenica ang balikat nito. Nagising naman kaagad si Nicco at humarap ito sa kanya. "Oh, bakit, Jenica?" "N-nicco! Bakit ang laki ng eyebags mo?!" gulat na gulat na puna ko ni Jenica sa eyebags ni Nicco. "`Eto ba? This is a sign of love, Jenica. I think, I am inlove!!!" kinikilig na turan ni Nicco. Si Nicco, in love? For real? "K-kanino ka in love?" Sa akin ba?, dugtong ng isip niya. Inilapit ni Nicco ang bibig nito sa tenga niya para bulungan siya. "Kay Enzo..." "Ano?! Kay Enzo?!" hindi makapaniwalang bulalas ni Jenica. Kinikilig naman na tumango sa kanya si Nicco. "Yes. Kaya nga ako nagka-eyebags kasi talagang napuyat ako sa kakaisip kay Enzo. `Yong red lips niya... `Yong amoy niya. Grabe, Jenica! Kaka-turn on!" Napangiwi si Jenica matapos marinig ang pinagsasabi ng kaibigan. Papaano pa niya magagawang lalaki itong si Nicco kung nandiyan si Enzo. Ano kaya kung idispatsa niya ang Enzo na `yon? Pero paano? Nakaka-stress naman ang magkagusto sa isang bakla! "Hoy, Jenica... Bakit parang `di ka masaya? Aren't you happy na may ispiration na ako sa katauhan ni Enzo?" untag ni Nicco sa pananahimik niya. "Ano ka ba... Siyempre, m-masaya ako," tila may bara sa lalamunan na tugon niya. Ang lastik niya talaga! SABADO. At ito ang araw na paborito ni Jenica. Sino bang estudyante ang may ayaw sa raw na ito? Isama mo na rin ang Linggo. Walang quizzes, recitations, at kung anu-ano pang nakakawindang na school works. Nakahiga pa rin siya sa kulay pink niyang kama. Tinatamad pa siyang bumangon dahil inaantok pa siya kahit na alas-otso na ng umaga. Mahigpit na niyakap niya iyong giant teddy bear na iniregalo sa kanya ng Papa niya n'ong last birthday niya. Muntik na siyang mapatalon sa kama nang biglang ay kumatok sa pinto ng silid niya. Psh! "`Ma, tutulog pa ako..." tinatamad na sabi niya. Katok pa lang ng Mama niya ay kilala ko agad niya. "Jenica, bumangon ka na. Aba, alas-nueve na, bata ka!" "`Ma, `wag OA. Alas-otso pa lang. Hindi niyo ako maloloko." "Saka may kaklase ka na naghahanap sa iyo. Nasa labas." "Pakisabi po tulog pa ako at bukas pa ako gigising!" nagpagulong-gulong siya sa kanyang kama. Sino ba iyong classmate niya naghahanap sa kanya? Ang aga-aga pa kaya! Naiistorbo tuloy ang beauty rest niya! Hindi na nagsalita ang Mama niya pagkasabi niya n'on. Basta narinig na lang niya ang papalayong yabag ng paa ng Mama niya. Mula sa pagkakadapa ay tumihaya si Jenica sa kanyang pagkakahiga at napatingin sa kisame. Na-curious naman siya bigla kung sino iyong classmate niya na naghahanap sa kanya. Hindi kaya si... Nicco!, sigaw ng utak niya. Parang ipu-ipo na tumayo si Jenica at mabilis na sumilip sa bintana niya. OMG! Si Nicco nga! At hindi lang pala si Nicco kasi kasama pa nito ang magkapatid na sina Enzo at Thonie. Nagtataka tuloy siya kung bakit kasama ni Nicco ang dalawang iyon. Ano `yon, magkakaibigan na agad ang mga ito? Ang bilis naman! Nataranta bigla si Jenica nang makita niyang kinakausap na ng Mama niya sina Nicco. Maya-maya nga ay paalis na ang mga ito. Dahil doon ay nagmamadali na tumakbo siya palabas ng bahay. Hintayin mo ako Nicco, `andiyan na ako! "Nicco, sandali!" habol na sigaw niya sa mga ito nang makalabas na siya sa gate ng bahay. Sabay-sabay talagang lumingon sina Nicco, Thonie at Enzo sa kanya. Wala siyang pakialam kahit na naka-pajama lang siya o kahit may tuyong laway pa siya sa kanyang pisngi. Basta makita at makausap lang niya si Nicco. Mukhang magba-bike yata ang mga ito dahil may tig-iisang bike ang mga ito. "Jenica!" tawag sa kanya ni Nicco. Kinikilig siya sa ngiti nito. "Saan ang punta mo--- I mean niyo pala?" tanong niya. "Magba-bike kami sa park. Aayain ka sana namin na sumama," si Thonie ang sumagot sa tanong niya. Epal naman ng Thonie na ito. Hindi naman tinatanong, bigla-bigla na lang sumasagot. Kaloka! "Wala akong bike, eh. Saka hindi ako marunong... P'ano iyan? Gusto ko pa naman na sumama sa inyo..." tugon niya. "Alangan naman na maglalakad ako tapos naka-bike kayo, ano?" "Eh, `di umangkas ka na lang sa isa sa amin!" suhestiyon ni Enzo. "Good idea! Talino mo talaga, Enzo!" palatak ni Nicco at umakbay pa ito kay Enzo. Alam ni Jenica, tsuma-tsansing lang si Nicco kay Enzo. Alam niya iyon dahil gawain niya ang ganoon. Mabuti na lang at hindi nakakahalata si Enzo at baka masuntok itong si Nicco. "Okey, payag ako," aniya. "Pero kanino naman ako aangkas?" "Sa akin na lang!" nakataas pa ang kamay na sagot ni Enzo. Napataas ang kilay ni Jenica. Siniko ni Thonie si Enzo. "Kuya naman, parang ang awkward kung sa'yo aangkas si Jenica. Ang mabuti pa sa akin na lang siya aangkas." "`Wag na. Kay Nicco na lang ako aangkas!" sabi niya. ''Okey, tara na!'' tugon ni Nicco. Agad na naman naging active ang kilig-hormones sa katawan ni Jenica. Umangkas na siya sa unahan ng bike ni Nicco. Mas pinili niya doon para kunwari'y nakayakap sa kanya si Nicco. Para-paraan lang naman iyan, `di ba? Papatakbukhin na sana ni Nicco ang bike nito nang biglang huminto din agad ito. "Malas! Na-flat 'yong gulong ko..." kakamot-kamot sa ulo na sabi ni Nicco. "Jenica, baba ka muna. Na-flat, eh." NAIILING si Nicco nang makita niyang flat na flat na nga talaga ang gulong ng bike niya. Hindi niya ito napansin bago niya ito gamitin. Maya-maya ay isang ideya ang lumitaw sa kanyang isip. Magandang pagkakataon ito para mapalapit siya kay Enzo. This must be his lucky day! "Paano na iyan?" malungkot na tanong sa kanya ni Jenica. "Ganito na lang kaya. Iiwan ko na lang muna itong bike ko sa bahay niyo, Jenica. Tapos, aangkas na lang ako kay Enzo. Jenica, kay Thonie ka aangkas," mabilis na turan niya. Umiling-iling si Jenica. "Ayoko nga!" Hinila niya bigla si Jenica palayo kina Thonie at Enzo at binulunga niya ito. "Pumayag ka na, Jenica. Chance ko na ito, eh..." "Chance naman saan?" "Chance para mapalapit kay Enzo! Ano ka ba?" "Pero, ayoko nga d'on kay Thonie. Obvious naman kasi na may gusto sa akin ang tomboy na iyon. eh!" "Hayaan mo na muna, Jenica. Please..." nag-puppy eyes pa siya dito. "Saka, mabait naman si Thonie. Please, pumayag ka na sa suggestion ko..." hinawakan pa niya sa kamay si Jenica. Biglang sumabat sa usapan nila si Thonie. Hindi nila namalayan ni Jenica ang paglapit nito. "Anong pinag-uusapan niyo?" anito. Mabilis na hianarap ni Nicco si Thonie. "Ah, wala. Payag na si Jenica sa suggestion ko! Sa iyo siya aangkas, Thonie. Tapos ako naman ay kay Enzo," siniko pa niya si Jenica. "`Di ba, Jenica?" "Ah, oo, payag na ako," tila napipilitang sagot ni Jenica. GANOON na nga ang nangyari. Si Jenica ang nakaangkas sa bike ni Thonie. Habang si Nicco namay ay kay Enzo. Sa kanilang apat ay si Nicco ang pinakamasaya. Umaayon talaga sa kanya ang pagkakataon! Blessing in disguise talaga iyong pagkaka-flat ng gulong ng bike niya. May maliit na upuan sa likod ng bike ni Enzo kaya doon pumwesto si Nicco. Pwede naman na sa upuan mismo siya humawak para hindi siya mahulog pero mas pinili niyang sa beywang ni Enzo kumapit. Alam naman niya na balewala lang iyon kay Enzo dahil ang alam nito ay isa siyang straight na lalaki na tulad nito. Tapos kapag dumadaan sila sa mga humps ay pasimple niyang pinipisil ang beywang nito. Kunwari ay mahuhulog siya. Naggigigil kasi talaga siya dito! Nang mapansin ni Nicco na walang tao sa dinadaan nila ay pasimple niyang inamoy-amoy ang likod ni Enzo. Nasa unahan naman nila sina Thonie kaya `di nakikita ng mga ito ang ginagawa niya. Ang bango-bango naman ni Enzo kahit pawsan na!, tili ng utak ni Nicco. Nasa ganoon siyang gawain nang biglang lumingon sa kanila si Thonie! At huling-huli siya nito habang inaamoy niya ang likod ng kuya nito! Oh no!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD