CHAPTER FOUR

2641 Words
WALANG pagsidlan ang kasiyahan ni Thonie ng mga sandaling iyon habang nakaangkas sa bike niya si Jenica. Mabuti na lamang at na-flat iyong bike ni Nicco dahil kung hindi ay `di rin ito mangyayari. Nauuna sila ni Jenica ng pagba-bike kina Enzo. Bago pa lang kasi nagtututo ang kanyang Kuya Enzo sa pagbibisikleta kaya may kabagalan pa ito. Hindi alam ni Thonie pero tila may nag-udyok sa kanya na lingunin sina Enzo at Nicco at hindi niya inaasahan ang kanyang makikita. Si Nicco nakapikit at inaamoy ang likod ng Kuya Enzo! Nang magmulat ito ng mata ay nagkasalubong ang mata nila at nakita niya ang pagkagulat sa mukha ni Nicco. Agad siyang nagbawi ng tingin at itinuon niyang muli ang atensiyon sa pag ba-bike pero hindi naalis sa kanyang isipan ang nakita. Bakit inaamoy ni Nicco ang likod ng Kuya Enzo niya na parang sarap na sarap ito? Hindi kaya... Bakla si Nicco? Sa pag-iisip na iyon ni Thonie ay isa-isang nag-flashback sa utak niya ang madalas na pag-akbay ni Nicco sa kapatid niya. Pati na rin ang pagboluntaryo nito na umangkas sa bike ng kapatid niya. Tama! Bakla si Nicco at may gusto ito kay Kuya Enzo!, sigaw ng utak niya. Bakit hindi pa niya nahalata dati? At dahil sa natuklasan na iyon ni Thonie ay isang plano ang naisip niya. Isang plano upang maging sila ni Jenica! NARATING na rin nilang apat ang park sa wakas sa pamamagitan ng pagbibisikleta. Nakaupo silang apat sa damuhan habang nakasandal sa puno ang bisikleta nila ng Kuya Enzo niya. Puro sila kwentuhan tungkol sa kanilang mga sarili. Isa sa napuna ni Thonie ay tila hindi na masyadong masungit si Jenica. Sumasagot na rin ito sa mga tanong niya. "Ah, may gusto sana akong sabihin sa inyo, Enzo at Thonie," maya-maya ay turan ni Jenica. "I just want to say sorry sa inyong dalawa kasi naging masungit ako sa inyo. Hindi lang talaga ako nakikipag-friend sa mga strangers. Pero ngayong nakilala ko na kayo, i realized na okey naman pala kayo." "Eh, bakit ako kinaibigan mo agad kahit `di pa tayo magkakilala noon?'' natatawang singit ni Nicco. Napansin ni Thonie ang pamumula ng mukha ni Jenica. "Ah, eh, kasi... Ibang case naman `yong sa iyo, Nicco," sagot ni Jenica. Bigla namang nagsalita si Kuya Enzo niya. "Okey lang `yon, Jenica. Naiintindihan naman namin ni Thonie na 'meron' ka lang noon kaya masungit sa amin!" biro nito. Hay, mabuti na lang at hindi na mag-susungit sa amin si Jenica. Mukhang mapapadali ang pakikipaglapit ko sa kanya..., bulong pa ni Thonie sa sarili habang titig na titig sa magandang mukha ni Jenica. "Ang mabuti pa, let's sealed this friendship sa pamamagitan ng panlilibre ko sa inyo!" ani Nicco. "Wow! Gusto ko `yan! Ang alam ko, may malapit na pizza at ice cream parlor dito. Kung `di mo naitatanong, Nicco," natatawang pagpaparinig pa ni Jenica. Tumayo na si Nicco. "Favorite mo talaga ang pizza at ice cream, `no? So, tara na?" "Sandali lang," singit na naman ni Enzo. "It's better siguro kung dito tayo kumain sa park. Look, sayang ang view dito. Ang ganda! Ano sa tingin niyo?" suggest ng Kuya Enzo niya. Pumayag naman silang lahat sa suggestion na iyon ng Kuya Enzo niya. Tama nga naman ito. Biglang pumasok sa isipan ni Thonie iyong plano niya para maging sila ni Jenica. Dapat na niya iyong isagawa kaagad! ''Wait, sinong sasama sa akin pagbili? Hindi ko kayang dalhin lahat 'yon, `no!" ani Nicco. "Ako na lang!" pag-piprisinta ni Jenica. "`Wag na, Jenica! Ako na lang ang sasama kay Nicco. Maiwan na lang kayo muna dito ni kuya. Tara na, Nicco! Gutom na ako, eh!" at agad niyang hinila si Nicco paalis. HABANG naglalakad sila ni Nicco papuntang tindahan ay agad niya itong kinausap. Yes, sisimulan na niya ang plano niya. At si Nicco ang gagamitin niya sa planong iyon! "Nakita kita kanina, Nicco..." aniya. Tiningnan siya ni Nicco. Obvious ang pamumutla nito. "A-anong ibig mong sabihin, Thonie?" kinakabahang tanong nito. "Nakita kita kanina noong nag ba-bike tayo... Inaamoy mo ang likod ni Kuya Enzo!" "Ha? I-iyon ba? Nagustuhan ko kasi iyong pabango ni---" "Nicco, `wag ka nang tumanggi. Alam ko na. Bakla ka, `di ba?" Umiwas ng tingin sa kanya si Nicco. "H-hindi ko alam ang sinasabi mo." "Crush mo si kuya, `di ba? I can help you with him." "Talaga?!" biglang bulalas ni Nicco. Nanlalaki ang mga mata nito. "Matutulungan mo akong mapalapit kay Enzo?" Malakas siyang tumawa. "Sabi ko na nga ba't tama ako. Bakla ka, Nicco!" tila tumama sa jackpot ng lotto na sabi ni Thonie. Bahaw na tumawa si Nicco. "Ano ka ba? Joke lang `yon! Sinaskyan ko lang mga sinasabi mo, ano!" pagpapalusot pa nito. "Lalaki ako. Straight guy. Look, may bakla bang ganitong manamit at kumilos?" biglang naging uneasy si Nicco. Pinagpapawisan na rin siya. Kailangang mapaamin niya si Nicco. "Okey, gawain ba ng isang tunay na lalaki ang amuyin ang kapwa niya lalaki? Sa panahong ito, ruler na lang ang 'straight'. Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin, Nicco. Naglipana na ang mga paminta..." pumalatak pa siya. "Teka, alam ba ni Jenica na bakla ka?" "Of course, alam niya---" biglang naitakip ni Nicco ang dalawa niyang kamay sa kanyang bibig. For the second time ay nadulas na naman ito. Tama nga ang kasabihan na sa bibig nahuhuli ang isda. "Strike two, Nicco!" nangingiting turan ni Thonie. Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ni Nicco. "Okey, aamin na ako... You're right, bakla nga ako..." "Isusumbong kita kay kuya!" pananakot niya dito. "Huwag! Huwag mo akong isusumbong kay Enzo!" pakiusap sa kanya ni Nicco. "Sige. Hindi kita isusumbong sa kanya pero sa isang kondisyon." "A-anong kondisyon?" "Ilalakad mo ako kay Jenica! Tutulungan mo akong ligawan siya." aniya. Biglang tumawa ng malakas si Nicco. Halos mamatay-matay ito sa pagtawa. "Bakit ka tumatawa? May nakakatawa ba sa sinabi ko?" "Eh, kasi parang sinabi mo na rin na paulanin ko ng snow sa Pilipinas! Sa tingin mo papatol si Jenica sa lesbian? Patawa ka!" natatawa pa ring sabi ni Nicco. Umirap si Thonie. "Bakit sa palagay mo ba ay papatol si kuya sa baklang tulad mo?" natameme si Nicco. "Don't deny it Nicco, may gusto ka kay Kuya Enzo!" Biglang nalungkot si Nicco. "Ang hirap naman kasi ng situation natin. Iyong taong mahal natin, parang imposibleng mahalin din tayo dahil bakla at tomboy tayo..." "Teka, `wag ka munang magdrama ngayon, okey? Iniiba mo ang usapan, eh. Tutulungan mo ba ako kay Jenica o isusumbong kita kay kuya?!" "Teka nga lang din! Akala ko ba friends na tayo, eh, bakit bina-blackmail mo ako?! You're such a good friend!" sarcastic na turan ni Nicco. Natigilan si Thonie sa sinabi nito. Nakaka-konsensiya rin naman pala. Tama si Nicco, maling i-blackmail ang isang kaibigan. Pero iyon na lang kasi ang naiisip niyang paraan para mapasagot niya si Jenica. Paano na kaya ito? "Sige na nga, hindi na kita iba-blackmail pero may naiisip akong ibang paraan!" aniya habang ngingiti-ngiti. May ideya kasing naglalaro sa utak niya ng mga sandaling iyon. "Ano na naman ba iyan?" "I know you will like my new plan. Makikinabang ka rin dito, Nicco!" "Talaga lang, ha!" Inakbayan ni Thonie si Nicco at pabulong na sinabi niya ang naiisip niyang plano. "Ganito kasi `yon... Tutulungan mo akong mapalapit kay Jenica, tapos ako naman, tutulungan kitang mapalapit kay Kuya Enzo. What do you think, ayos diba?" "Ay! Like ko `yan! Sige!" at nag high five pa silang dalawa. Nagkamay pa silang dalawa to sealed their agreement. From now on, its Thonie and Nicco's alliance! Ang pagsasanib-pwersa ng bakla at tomboy! "MOMMY, we're here!" sigaw ni Thonie pagkauwi nila ng Kuya Enzo niya mula sa park. Agad na pumasok ang kuya niya sa kwarto nito. "Bakit ang tagal niyo yata?" ang Mommy nila, habang bumababa ito ng hagdan. Niyakap ni Thonie ang mommy niya. "Enjoy pong mag-bike sa park, eh. Tapos may nakilala pa kami ni Kuya Enzo na new friends!" sagot ni Thonie. "Well, that's good, anak!" Pagkatapos niyang makipag-usap sa ina ay dumiretso na rin siya sa kanyag kwarto. Agad siyang humiga sa kama niya at inilabas ang isang cellphone mula sa bulsa ng suot niyang pants. Kaylapad ng ngiti ni Thonie habang isa-isang tinitingnan ang mga stolen shots ni Jenica kanina sa park. Ang swerte ko talaga! Walang nakapansin sa akin kanina sa park habang kinukunan ko ng picture si Jenica. Ang ganda niya talaga! Matagal-tagal na rin pala mula nang huli na magkagusto siya sa isang babae. And that was three or more years ago. Hindi na niya matandaan. Ang name ng girl na iyon ay Barbie. Barbie is her first love and first heartbreak too. Sabay kasi nilang niligawan noon si Barbie ng Kuya Enzo niya. Siyempre, ang sinagot nito ay ang kuya niya. Ano ba ang laban niya sa tunay na lalaki, `di ba? Hindi niya matanggap ang nangyari. Mahina pa siya that time kaya she committed suicide. Ininom niya lahat ng sleeping pills ng Mommy niya. Luckily, naka-survive siya at naka-move on na rin kay Barbie. Year after that ay nabigla siya nang malamn niyang nakipagbreak na si Barbi sa Kuya Enzo niya. May nag-offer kasi kay Barbi ng modeling career sa ibang bansa. Marahil ay hindi naniniwala si Barbie sa long distance love affair kaya nito ginawa iyon. Pinagpalit nito ang kuya niya sa pangarap nitong maging isang modelo. Pero ang alam niya, nangako si Barbie na babalikan ang kuya niya but ilang years na ang lumipas, wala pa ring Barbie na bumabalik. And now, dumating si Jenica sa buhay nila. Hindi manhid si Thonie. Nararamdaman niya na may gusto rin dito ang Kuya Enzo niya pero ramdam din niya na nagpapaubaya lang ito. Siguro ay natatakot ang kapatid niya na magpakamatay ulit siya. Talaga nga yatang binibiro sila ng tadhana dahil palagi na lamang na sa parehas na babae sila nagkakagusto. Sinusubok talaga ang pagiging magkapatid nila. Thonie gave a one last look sa mga photos ni Jenica at pagkatapos n'on ay ipinatong na niya ang cellphone sa side table na nasa gilid ng kanyang kama. Binuksan niya ang drawer at kinuha naman ang kanyang laptop. Every weekdays lang sila nagbabantay ng Kuya Enzo niya sa shop nila. Rest day naman nila kapag weekends. May kinukuhang tao ang kanyang Mommy upang magbantay sa shop kapag wala sila. Tinuruan kasi sila ng Mommy nila na hindi porke't mayaman sila ay hindi na sila magtatrabaho. Dapat daw ay paghirapan nila ang perang makukuha nila. Which is a good thing dahil natuto silang magkapatid how to value their money at `di rin sila naging spoiled-brat tulad ng ibang mayayaman. Binuksan niya ang laptop at in-open ang kanyang f*******: account. Maraming nag-add sa kanya pero karamihan ay di-ni-cline lang niya dahil hindi naman niya mga kilala. Napangiti siya nang makita niyang in-add siya nina Jenica at Thonie. Siyempre, in-accept niya! Biglang pumasok sa kwarto niya ang Kuya Enzo niya. "Hi, Kuya!" nakangiting bati ni Thonie sa kapatid. "Anong ginagawa mo dito? May kailangan ka ba?" "Wala naman. Manghihiram lang sana ako ng card reader sa iyo." "Saglit lang, kuya," tumayo si Thonie at kinuha ang card reader at inabot sa kapatid. "`Eto na, kuya. Ingatan mo iyan, ha." "I will!" at nakangiting lumabas ng kwarto ang kapatid niya. Saan kaya gagamitin ni kuya ang card reader?, tanong niya sa sarili. Ikinibit na lang ni Thonie ang kanyang balikat at bumalik sa harap ng kanyang laptop. "TAO po! Tao po!" halos manakit na ang lalamunan ni Nicco kakasigaw sa harapan ng bahay nina Jenica pero wala pa ring nagbubukas sa kanya ng gate. Nakailang 'tao po!' pa siya bago bumukas iyong pinto at isang maliit at cute na batang babae ang bumungad sa kanya. "Sino ka?" naka-crossed arms at nakataas ang kilay na tanong sa kanya n'ong batang babae. Ang taray, ha! Tinalo pa ako?! "Si Jenica, nandiyan ba siya?" nakangiting tanong ni Nicco. "Sino ka ba?" Napakaintrimitida naman ng batang ito. Pinigilan ni Nico ang sarili na huwag mainis. "Friend ako ni Jenica. Ako si Nicco. So, `andiyan ba si Jenica?" he asked. "She's here pero nasa CR pa siya. Naliligo..." napansin niya na titig na titig sa mukha niya iyong bata. "Ikaw pala iyong nasa picture na nasa room ni ate! Pasok ka na." Ano daw? Hindi niya na-gets ang sinabi ng bata kaya hindi na lang niya ito pinansin. "Upo ka muna, Kuya Nicco. I'll get you a snack," umalis na ito at nagpunta yata sa kitchen. Pagkabalik nito ay meron na itong dalang tray. "Kumain muna... Hintayin mo na lang dito si ate, ha." Muntik nang matawa si Nicco nang makita niya ang 'snack' na tinutukoy n'ong bata. Limang piraso ng gummy bears at isang Yakult! Ilang sandali pa nga ay dumating na si Jenica. Halatang bagong paligo pa nga ito dahil medyo basa pa ang buhok nito. Umupo ito sa tabi niya. "Hoy, Charm, d'on ka muna sa kwarto mo!" sabi ni Jenica sa bata. "Nanonood kaya ako ng TV, ate!" "Isusumbong kita kay Mama. Mag-uusap kami dito, oh. `Di ba, sabi ni Mama, abawal kang makinig sa usapan ng matatanda?" Nakasimangot na umalis iyong batang babae. Mukhang natakot ito sa sinabi ni Jenica. "Sister mo ba iyon? Ang cute niya, ha," turan ni Nicco maya-maya. "Yes, si Charm. Pasensiya ka na. Cute lang siya pero talagang makulit!" nakatirik ang mga mata na sabi ni Jenica. "Bakit ka nga pala `andito?" Inilabas ni Nicco iyong dalawang ticket sa Enchanted Kingdom at ibinigay niya iyon kay Jenica. "Ibibigay ko ito kasi sa iyo..." Sumaya ang mukha ni Jenica. "Pupunta tayong Enchanted?! Kailan?" "Bukas. Iyon ang nakalagay na date diyan sa ticket, eh. Kaya lang, hindi ako makakasama. May pupuntahan kasi ako bukas..." "Ganoon ba? Sayang naman 'tong mga tickets..." "Sayang talaga... Wait, ano kaya kung si Thonie na lang isama mo? Para makabawi ka na talaga sa pagsusungit mo sa kanya," suggest ni Nicco. Napatawa si Jenica. "Grabe ka, ha! Sige na nga, si Thonie na ang isasama ko! Kung hindi mo lang ako sinabihan na huwag nang magsungit sa magkapatid na iyon, hindi ko ito gagawin, Nicco! Lakas mo talaga sa akin! Thank you dito sa tickets!" Jenica replied. "Welcome!" Lihim na napangiti si Nicco. Actually this is just a part of their plans...nila ni Thonie. Sa ngayon ay alam niyang kumikilos na rin si Thonie. Si Thonie naman ang magbibigay ng dalawang tickets sa Enchanted Kingdom kay Enzo at pipilitin nito na siya ang isama ni Enzo sa naturang theme park! MABILIS na itiniklop ni Enzo ang laptop na nasa harapan niya nang biglang pumasok sa kwarto niya ang kapatid niyang si Thonie. Nakalimuan pala niyang i-lock ang pinto. Agad itong sumampa sa kama niya at kinausap siya. "Hello, Kuya Enzo! Kuya, may surprise ako sa'yo," anito. Kumunot ang noo niya. "Surprise? Para s'an? Katatapos lang ng birthday ko, ah..." "Dyaraaan!!!" at dalawang piraso ng papel ang iwinagayway sa kanya ni Thonie. "Dalawang tickets sa Enchanted Kingdom!" "Ticket sa Enchanted?!" excited na sabi niya. "Ayos, iyan, ah! Kailan tayo pupunta? Aba, tamang-tama kasi matagl na iyong last na punta natin diyan, `di ba?" "You are absolutely right, kuya! Binigyan kasi ako tickets n'ong friend ko na anak ng pinsan ng isa sa owner ng Enchanted Kingdom. Para bukas ang date na nakalagay sa tickets. Pero, sadly, hindi ako makakasama sa iyo..." Thonie bite her lips. Umayos siya ng upo sa kama. "Ha? Bakit naman?" "Eh, kuya, may lakad ako bukas kaya `di kita masasamahan." "Sayang naman `yang tickets. I will not go kung mag-isa lang ako," aniya. Sandaling nag-isip si Thonie sabay pitik sa hangin. "Si Nicco! Tama, siya ang isama mo, kuya! Atleast, magagamit niyo itong dalawa, `di ba?" tukoy nito sa tickets. Not bad... Pero gusto ko sana si Jenica ang isama kaya lang baka mag selos si Thonie, aniya sa kanyang isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD