"NAPAPAYAG mo na ba si Jenica?" tanong ni Thonie kay Nicco. Nasa bahay silang dalawa ng huli at pinag-uusapan nila ang plano nila.
"Yes, pumayag na siya!" masayang tugon ni Nicco. "How 'bout Enzo?"
"Don't worry. Pumayag na rin si kuya kaya wala ng problema pa. Madali ko nga siyang napapayag, eh!" pagmamalaki pa sa kanya ni Thone. Nag-high five pa silang dalawa.
Nagtataka lang si Nicco kung bakit tila "ibinubugaw" nito ang sariling kapatid sa kanya. Talagang tinutulungan pa siya nito na magkalapit sila ni Enzo. Ganoon na ba talaga kamahal agad ni Thonie si Jenica para gawin iyon? Nakipagsabwatan pa talaga ito sa kanya. Siguro ay naiintindihan ni Thonie ang nararamdaman niya kasi parehas silang kabilang sa third s*x. Sinu-sino pa ba ang magtutulungan kundi sila-sila lang, `di ba?
"Teka nga lang, Thonie. Hindi kaya mabuking tayo nito? Biruin mo, sa iisang place lang natin ide-date ang mga dates natin," tanong niya maya-maya.
Kakamot-kamot sa ulo na sumagot si Thonie sa kanya. "Eh, `yon lang kasi ang ibinigay sa akin na ticket ng kakilala ko. Hayaan mo na kasi. Galingan na lang natin ang strategy para hindi mag-cross ang landas natin sa Enchanted Kingdom, okey?"
"Okey. Sabi mo `yan, ha," pagkikibit-balikat na lang ni Nicco.
TUWANG-TUWA si Jenica nang makapasok na sila ni Thonie sa Enchanted Kingdom. Pangalawang beses pa lang niyang nakapunta dito. The last time is noong nag field trip pa sila. First year high school pa lang siya noon, eh, kaya talagang matagal-tagal na.
Tila isa siyang batang paslit na iginala ang kanyang paningin sa paligid. Siya na ang abot-tenga ang ngiti!
"Saan mo gustong unang sumakay, Jenica?"
Medyo nagulat pa si Jenica sa tanong na iyon ni Thonie. Muntik na niyang makalimutang na may kasama nga pala siya--- si Thonie. Mas masaya sana siya kung si Nicco ang kasama niya ngayon. `Di bale, sa susunod na punta niya dito, sisiguraduhin niyang ito na ang kasama niya. At baka nga magboyfriend at girlfriend na sila that time. Kinikilig na naman siya tuloy sa imagination niyang iyon!
E-enjoy-in na nga lang niya ito kahit na wala si Nicco. Aba, madalang pa sa pag-reregla ng matanda ang ganitong chance, `no!
"D'on muna tayo sa carousel!" naka-smile na sagot ni Jenica habang nakaturo sa naturang rides.
"Wala namang thrill diyan, eh!"
"Tatanung-tanungin mo ako tapos hindi ka naman a-agree!" kunwari ay umirap pa siya kay Thonie. "Ang gusto ko kasi, unahin muna natin `yong mga `di nakakatakot at ipanghuhuli natin iyong mga extreme rides!"
Nag-aprub sign sa kanya si Thonie. "Ganoon ba? Actually, may point ka..." sagot ni Thonie at sumakay na sila sa carousel.
Parang bumalik si Jenica habang umiikot na iyong carousel. Panay naman ang picture sa kanya ni Thonie. Siyempre, panay din ang pose niya ng bongga! Hindi siya papayag na pangit siya sa mga pictures niya. Ngayon lang napagtanto ni Jenica na ayos naman pala kasama si Thonie. Ramdam niyang type siya nito pero kahit na binibigyan niya si Thonie na makipaglapit sa kanya ay hindi ito nananamantala. Ang ibig niyang sabihin ay hindi ito nananantsing. Iyong mga ganoong bagay.
Pagtingin niya sa unahan niya ay may nakita siyang dalawang lalaki na nakatalikod sa kanya na tila pamilyar. Limang kabayo ang layo sa kanya n'ong dalawang.
Parang kilala ko ang dalawang iyon, ah... Parang si Nicco at Enzo? Ay, imposibleng si Nicco iyon. May pupuntahan siya ngayon, eh.
Pagkatapos n'on ay sa Flying Fiesta at Jungle Log naman sila sumakay. Napagkasunduan nila munang magpahinga. Bumili silang dalawa ng soft ice cream at iyon ang nilantakan nila habang sila ay naglalakad-lakad.
"Buti na lang pumayag ka na sumama sa akin dito, Jenica. Thank you, ha," napatingin si Jenica kay Thonie sa sinabi nito.
"Ha? Bakit naman hindi, eh, bihira lang naman iyong ganitong chance. Saka para naman mas makilala kita ng lubusan. Ganito kasi ako kapag may bagong kaibigan. Kinikilala ko muna ng husto," sagot naman niya.
"Pero, hindi ka ba naiilang sa akin?"
"Bakit naman? Dahil ba sa isa kang tomboy? Hindi naman ako tumitingin sa kasarian ng kakaibiganin ko, eh."
"No. Jenica, alam kong nararamdaman mo na gusto kita. I like you!" Natigilan si Jenica sa binulalas ng kasama. "Gusto kitang ligawan Jenica..." patuloy pa ni Thonie.
Sinasabi na nga ba niya. Hindi siya nagkamali. May gusto sa kanya sa Thonie!
"Hanggang friends lang ang mai-ooffer ko sa iyo, Thonie..." sagot niya.
"Please, Jenica. Bigyan mo naman ako ng chance. Kaya kong patunayan sa iyo na mahal talaga kita."
"Mahal na agad?" nang-uuyam siyang ngumiti. "Kanina 'like' lang ngayon mahal na? Ang bilis mo, Thonie. Tinalo mo pa si Lydia de Vega at Petrang Kabayo sa bilis!"
Nagulat siya sa sunod na ginawa ni Thonie. Mahigpit siya akong hinawakan sa braso at iniharap siya nito dito. Hindi na nakapalag pa si Jenica nang mariin siyang halikan ni Thonie sa kanyang labi! Nanlaki ang mga mata niya at agad niyang itinulak ito palayo. "Ano ba?! Kadiri ka!!! Bakit mo ako hinalikan?!" galit na sigaw ni Jenica.
Grabe! Thonie kissed her in public! Ang daming nakakita! Nakakahiya talaga. Atang masaklap pa nito, Thonie just got her first kiss na nakareserve na sana kay Nicco!
"J-jenica, sorry---" natigilan si Thonie nang biglang pumatak ang luha ko.
"Sana man lang iginalang mo ako! Kahit kailan hindi kita magugustuhan, Thonie! Dahil---"
"Dahil ano? Dahil isa akong tomboy, gan'on ba?" pilit na ngumiti si Thonie. "Alam ko naman 'yon eh... Pero sinubukan ko lang naman. Dahil naniniwala ako na sa pag-ibig, walang lalaki, walang babae, walang bakla at walang tomboy. Lahat pantay-pantay dahil pare-parehas lang tayong may puso!"
Medyo tinamaan si Jenica sa sinabing iyon ni Thonie. Magsasalita pa sana siya nang may biglang tumawag sa pangalan nilang dalawa ni Thonie!
HABANG naglalakad si Enzo kasama si Nicco para pumunta sa pila sa rides na Anchors Away ay may napansin siyang dalawang tao na parang nagtatalo. Nakatalikod ang mga ito sa gawi niya pero hindi siya maaring magkamali. Kilala niya ang dalawang iyon...
''Jenica? Thonie?" tawag ni Enzo sa dalawang iyon at halos sabay na lumingon ang mga ito sa kanya. Parang umiiyak si Jenica tapos parang na-shock naman si Thonie. Iyon nag mga reaksyon ng mga ito ng makita niya.g makita ako. "Magkasama kayong dalawa?" tanong niya.
"K-kuya!" tila hindi makapaniwalang bulalas ni Thonie.
"Nicco? Magkasama kayo ni Enzo?" nagtatakang tanong naman ni Jenica.
Bakit parang namumutla si Nicco nang tingnan niya ito? At parang hindi mapakali.
Hinawakan siya ni Nicco sa balikat. "Ah, eh... E-enzo... Ano... Let me explain," Nicco said.
Nangunot ang noo ni Enzo. Explain? Bakit kailangang mag-explain ni Nicco?
Tinanggal niya iyong pagkakahawak ng kamay ni Nicco sa balikat niya. "Explain? May dapat kang i-explain? Teka, may inililihim ka ba Nicco?" napataas ng konti iyong boses niya. Sa lahat kasi na ayaw niya ay iyong parang niloloko siya/
Nakita niyang nagkatinginan sina Thonie at Nicco. Parang nag-uusap ang mga ito through their eyes. Marahang tumango si Thonie...
"Itong pagpunta natin sa Enchanted Kingdom...lahat ng ito ay planado namin ni Thonie para makasama kita, Enzo..." nakayukong sabi ni Nicco sa kanya.
Mas lalo siyang naguluhan. "Bakit?"
"Enzo, I'm g-gay... A-at mahal k-kita!" Nicco declared.
What? Tama ba ang narinig ko? Bakla si Nicco?
Napatingin si Enzo kay Thonie at nag-iwas ito ng tingin sa kanya. Binalingan niya si Nicco. "Joke lang ito, `di ba? Niloloko niyo lang ako," ngingiti-ngiti pa niyang turan. Ayaw niya talagang maniwala sa sinabing iyon ni Nicco. Parang gusto niyang masuka kapag naiisip niya ang mga pahawak-hawak at paakbay-akbay sa kanya ni Nicco noon.
"Totoo ang sinabi ko, Enzo. In love ako sa iyo!" diretsong tumingin sa mata niya si Nicco.
Damn! He's serious!, sigaw ng utak niya.
"SO, all of this time, niloko mo lang ako. Paano mo ito nagawa sa akin, Nicco? Tinuring kitang kaibigan pero iba pala ang tingin mo sa akin!" napayuko si Nicco sa sinabing iyon ni Enzo. Pulang-pula na ang mukha nito at halatang pinipigil ang galit.
"Hindi ko intensiyon ang lokohin ka, Enzo. S-sorry... Natakot lang akong sabihin sa iyo na bakla ako dahil baka layuan mo ako."
Umaatras si Enzo nang tangkain niya itong lapitan. Hinawakan niya ito sa braso pero pinalis lang nito ang kanyang kamay.
Ngumisi si Enzo. "I am trying to understand you, Nicco, pero hindi ko kaya, eh. Ayoko pa naman sa lahat ay `yong niloloko ako!"
"Enzo, please..." Wala naman talaga sa plano niya ang umamin sa tunay niyang pagkatao kay Enzo. Pero dahil nagkaipitan na ay hindi na niya napigilan ang kanyang sarili. "Enzo, i love you..." aniya pa. Nagbabadya na ang luha sa kanyang mga mata.
Naningkit ang mga mata ni Enzo. "You love me? Mangilabot ka nga sa pinagsasasabi mo Nicco. Parehas tayong lalaki! You fooled me! Pinaniwala mo ako na kaibigan ang tingin mo sa akin!"
"I'm so sorry, Enzo," sinubukan na naman ni Nicco na lumapit kay Enzo pero itinulak lang siya nito na sanhi upang matumba siya at lumugmok sa semento.
Lumakad palayo si Enzo at sinundan naman ito ni Thonie.
Nanatili siyang nakaupo habang nakayukong umiiyak. He never thought na magiging ganoon ang reaksyon ni Enzo oras na malaman nito na bakla siya.
Sayang... Kung kailan nagiging close na kami, nanghihinayang na turan niya sa sarili.
Naramdaman niya ang kamay ni Jenica sa likod niya. "It's okey, Nicco... Tara na. Tumayo ka na d'yan," anito.
"It's not okey. Leave me alone, Jenica..."
"No. Tumayo ka na d'yan. Pinagtitinginan ka na ng mga tao, oh!"
Pumiksi si Nicco. Para itong batang nagmamaktol. "I don't care! Hindi naman nila ako kilala. Saka umalis ka na nga!" iritadong sabi niya kay Jenica.
Hinawakan pa siya ni Jenica sa kanyang kili-kili at pilit niya itong binuhat patayo. "Tara na kasi Nicco! Magtatae ka kasi mainit iyang inuupuan mong semento!"
"Ano ba?! Leave me alone!!! I don't need you!" sigaw niya. Isinubsob niya ang mukha niya sa mga palad niya.
"Bakit sino ba ang kailangan mo? Si Enzo?! Eh, iniwan ka nga niya nang malaman niyang bading ka eh! Mag-isip ka, Nicco!" then she walked out.
Gusto sana ni Nicco na tawagin si Jenica upang mag-sorry. Aminado siya na nabigla lang siya sa sinabi niya dito. Pero agad itong nawala sa paningin niya. Hindi niya iyon dapat ginawa kay Jenica dahil ito ang nag-iisang nakakaintindi sa kanya.
He wiped his tears and stand up. Naglakad-lakad siya at natagpuan niya ang kanyang sarili na nakapila sa rides na Space Shuttle. Biglang naalala ni Nicco iyong sinabi noon ng isang kaibigan niya na kapag nasaktan daw ang puso niya, sumakay lang daw siya sa roller coaster at mawawala na ang sakit.
Hmm... Masubukan nga kung effective! Why not?
KANINA pa paikot-ikot si Jenica sa buong Enchanted Kingdom pero hindi niya pa rin makita si Nicco. Dapat pala ay hindi niya ito iniwan, eh! Brokenhearted ang kaibigan niya at baka kung anong gawin nito sa sarili.
Ang drama ko kasi kanina, may pa-walk-out walk-out pa akong nalalaman!, paninisi ni Jenica sa kanyang sarili. `Asan na ba siya? Nahihilo na ako kakahanap sa kanya, ha!
Hanggang sa may mapansin siyang tila nagkakagulo doon sa may rides na Space Shuttle. Bakit parang bigla siyang kinabahan? Kaya napagdesisyunan niyang pumunta doon.
"Sir, tama na po," nauulinigan ni Jenica na sabi n'ong attendant sa Space Shuttle.
"No! Sasakay pa ako!"
Kilala niya ang boses na iyon. Si Nicco!
"Pero, sir, this is your fifth times na sumakay ng sunod-sunod. Makakasama na po 'yan sa inyo."
"Please... Last na lang! Promise!"
Patuloy si Jenica sa paghawi sa tao makapunta lang sa kinaroroonan ni Nicco. Sa wakas ay nakalapit na rin siya dito. Agad siyang lumapit kay Nicco na nakaupo sa front seat ng Space Shuttle at tila nakikipagtalo pa ito d'on sa taong nag-a-assist sa mga sumasakay sa rides.
"Nicco!" nanlalaki ang mga mata na tawag ni Jenica kay Nicco. "Anong ginagawa mo?!"
"Miss, kakilala mo ba siya?" tanong sa kanya n'ong attendant.
Sunod-sunod na tumango si Jenica. "Opo! Friend niya po ako. Ano po bang nangyayari?" pa niya.
Nakita niya na parang hilong-hilo na si Nicco.
"Concern lang po kami sa friend niyo kasi limang beses na siyang sumakay sa ride na ito ng sunod-sunod..."
"What?! Limang beses?" hindi makapaniwalang ulit na tanong niya. Nanatiling nakayuko si Nicco nang lapitan niya ito. "Nicco, totoo ba ang sinasabi niya? Limang beses na sunod-sunod kang sumakay dito ng Space Shuttle? Bakit mo ba 'to naisip gawin? Buti `di na-dislocate mga ugat mo sa utak. Kaloka ka!"
Tumingin sa kanya si Nicco at pilit itong ngumiti. "May nakapagsabi sa akin noon na kapag nasasaktan ang puso mo, sumakay ka lang sa roller coaster at mawawala na ang sakit na mararamdaman mo," nakaramdam ng kirot si Jenica sa kanyang puso nang makita niya ang pagpatak ng luha sa mata ni Nicco. "Pero bakit gan'on, Jenica? Limang beses na akong sumasakay dito, pero bakit ramdam ko pa rin yung sakit dito?!'' sabay turo nito sa tapat ng kanyang puso niya.
Talaga nga palang nasaktan ni Enzo ang kaibigan niya. It only means na mahal nito talaga si Enzo. Kahit sa maikling panahon pa lang na nakilala ni Nicco ay minahal na niya ito agad. Sabagay, siya nga kay Nicco, eh.
Sana naging hunderd percent na lalaki ka na lang Nicco. Sana ako na lang ang minahal mo para walang ganitong eksenang nangyayari!
Ringgg!!!
Medyo nataranta si Jenica nang marinig niya ang tunog na iyon. Hudyat na tatakbo na ang Space Shuttle! Napasakay tuloy siya ng wala sa oras sa Space Shuttle. Magkatabi sila ni Nicco sa front seat. Matapos ma-secure ang safety belt ay umandar na iyon. Malakas na napatili si Jenica nang maramdaman niyang tila hinahalukay ng halimaw ang tiyan niya. Sa lahat naman kasi ng rides ito ang pinakaayaw niya. Kuntento na siya sa bump car at carousel!
Bawat loops at pagbaba ng shuttle na kinalululanan nila ay parang hinahalukay ang kaloob-looban ng balun-balunan at baticolon ni Jenica.
Hindi sinasadyang napatingin siya kay Nicco at parang nag slow motion ang lahat... Very dramatic na nakapikit si Nicco habang tila ninanamnam niya hangin na humahampas sa mukha niya.
Bakit parang umiiyak pa yata siya? Umiiyak nga siya... Bulong niya sa kanyang sarili nang mapansin niya na mamasa-masa ang gilid ng mga mata ni Nicco. Nicco... Nasasaktan ako kapag nasasaktan ka, Nicco.
SAKAY na sila Jenica at Nicco sa bus. Pauwi na sila. kami ng bus ni Nicco. Wala silang imikan. Parang parehas nilang iniisip ang lahat ng nangyayari kanina. Ang daming nangyari na `di inaasahan.
Nagtapat si Thonie na mahal siya nito. Wala naman sanang problema pero talagang ikinagalit niya ang pagnanakaw nito ng halik sa kanya. Kaya simula ngayon ay galit na siya dito! `Wag lang talagang makalapit-lapit ito sa kanya at baka may magawa siyang hindi maganda! Tapos ito namang si Nicco umamin na kay Enzo na beki siya at ang masaklap ay isiniwalat na din nito na mahal nito si Enzo.
Hay! Kakaloka ka talaga Nic---
Natigilan si Jenica sa pag-mo-monologue nang makaramdam siya ng bigat sa kaliwang balikat niya. At doon niya lang napansin na nakahilig na pala ang ulo ni Nicco doon habang mahimbing itong natutulog. Impit na napatili si Jenica dahil sa naguumapaw na kilig na nararamdaman niya. Napakainosente pala nito kapag natutulog. Mas lalo tuloy siyang na-i-inlove sa baklang ito!
Inihilig rin ni Jenica ang ulo niya sa ulo ni Nicco at ipinikit niya ang kanyang mga mata.