"NICCO... Hoy, Nicco. Gising..." Ang mahinang pagyugyog sa kanyang balikat at ang boses na iyon ni Jenica ang nagpagising kay Nicco. Pupungas-pungas na tiningnan niya ang kaibigan. Doon lang niya napagtanto na nakatulog pala siya sa balikat ni Jenica habang nagbabyahe sila sa bus. Sobrang pagod at pagkahilo kasi ang nararamdaman niya dahil sa makailang ulit na pagsakay niya doon sa Space Shuttle. Pasimple niyang pinahid ang gilid ng kanyang mga labi dahil baka may tuyong laway d'on. "What happened? Ang sama ng panaginip ko, Jenica. Umamin daw ako kay Enzo that I am a gay and I love him. Sobrang nagalit daw siya sa akin at---" "Hindi iyon panaginip Nicco..." putol ni Jenica sa sinasabi niya. Umiling ako. "I'm just dreaming! Hindi galit sa akin si Enzo. Tropa pa rin kami, right? `Di ba?

