DWIGHT: NATUOD ako sa kinatatayuan na bigla na lamang sumulpot si Hailey dito sa restaurant kung saan kami naroon ni Anastasia. Napalunok akong naikuyom ang kamao nang mapalingon sa akin si Anastasia na nagtatanong ang mga mata. "Dwight? Anong pinagsasasabi ng babaeng ito?" tanong nito na napakatiim ng pagkakatitig sa aking mga mata. "Hon? Bakit hindi mo sabihin sa kanya kung sino daw ako?" untag ni Hailey na ikinaigting ng panga ko. "Baby, I can explain everything," maalumanay kong saad kay Anastasia na napailing lang at kita ang pagdaan ng sakit sa mga mata nito. "I can't believe you, Dwight." Puno ng dismayang saad nito na dinampot na ang pouch nito sa mesa at malalaki ang hakbang na lumabas ng restaurant. "Ana, wait!" pagtawag ko na dinampot ang panty nito at akmang susunda

