ANASTASIA: LUMIPAS ang mga araw na hindi ko pinapansin si Dwight. Naiintindihan ko naman ang side niya. Isa pa ay likas siyang babaero noon pa man. Hindi ko lang maiwasang magtampo at masaktan sa mga nangyari. Habang nagdudusa pala ako noon ay pinapaligaya naman siya ng iba't-ibang babae. At 'yon ang masakit sa akin. Dahil wala akong ibang hinahangad noon at ipinagdarasal kundi ang makabalik na ako sa asawa ko. Pero 'yon pala, 'yong asawa ko ay pinapaligaya na ng ibang babae. Hindi naman ito sumusuko. Naglalambing at bumabawi siya sa atraso niya kahit hindi ko siya pinapansin. Kaya sa tuwing nandidito sina Drake at Delta ay sinasamantala ako nitong nilalambing dahil hindi ako makatanggi at kaharap namin ang mga bata. Si Angelique naman ay magdadalawang taon pa lang kaya hindi pa nakak

