ANASTASIA: NANGINGITI akong pinagmamasdan ang mag-aama kong naghaharutan sa pool nitong mansion. Napakalutong ng halakhak nila sa pangunguna ni Dwight na kalaro sina Delta, Drake at Angelique. Karga ko naman si Sharanaya dahil magtatatlong buwan pa lamang ito. Maya pa'y umahon na si Dwight na iniwan ang tatlo sa pool. Mababaw naman ang level ng tubig na kinaroroonan nilang pinasadya ni Dwight para sa mga bata. Lumapit ito dito sa lounge chair na kinauupuan ko habang karga si baby Naya. "Wanna join, Mommy?" malambing tanong nito na inilingan ko. "Kayo na lang, baby. Ang saya niyo ngang panoorin eh." Sagot ko na ngumiti ditong naupo sa gilid ko na niyakap kami ni baby Naya. "Mas masaya kung tayong buong pamilya, baby." Ungot nito na hinahalik-halikan ako sa balikat habang hawak ang

