TPPOV NAPABALIKWAS ang dalaga na sapo-sapo ang ulo nitong parang minamartilyo sa sobrang kirot no'n! "Aahhh!" impit nitong daing na napasabunot sa ulo nitong parang mabibiyak na sa sobrang kirot! "Tonio, si Isay yata iyon!" bulalas ng matandang ale sa asawa nitong kasalukuyang nagsisibak ng kahoy. Dali-daling pumasok ang dalawang matandang mag-asawa sa barong-barong nilang bahay na pinuntahan ang ampon nilang dalaga sa silid na kinaroroonan nito. "Isay? Anong problema? Saan banda ang masakit!?" bulalas ng matandang babae na dinamayan ang dalagang umiiyak na napasabunot sa ulo nito habang nakayuko sa kinauupuan nitong katre. "Ang ulo ko. Parang binibiyak ang ulo ko--urghh!" sagot nito na napapadaing. "Anong gagawin natin, Tonio? Paano maiibsan ang pangingirot ng ulo niya?" bulala

