GABI-GABI ay iyon ang nagiging routine ng buhay ni Dwight. Ang nagpupunta kung saan-saang Bar at nagpapalipas ng sama ng loob. Sa maghapon ay nagkukulong ito sa opisina nito para maiwasan na rin si Adeline. Hanggang ngayon kasi ay wala pa ring maayos na improvement sa investigation ng mga PI nito kung nasaan si Anastasia. Hindi niya namamalayan na nagkakasala na siya sa kanyang asawa. Dahil sa tuwing may pinupuntahan itong Bar na may natipuhan ay ikinakama nito. Na hindi na naiisip ang maaaring maging bunga o maramdaman ng asawa kapag nalaman ang mga pinaggagawa nito. Isang gabi. Maaga itong umuwi galing sa Bar. Naabutan naman nito si Adeline na gising pa. Mukhang hinihintay ang pagdating nito kahit madalas ay umaga na itong umuwi mula sa inuman. "Hey, bakit naman naglasing ka," malam

