"Oh my God! Talaga?" sigaw ni Isha mula kabilang linya ng tawag.
"Oo. Finollow niya 'yong sinabi kong dummy account ko sa twitter."
"So, meaning. Totoo ngang si Vern ang nakausap mo sa Omegle kanina!"
Confirmed. Si Timothy ang nakausap ko sa omegle. He followed me on my twitter account and I assume it is because of the help I offered him. Though, wala pa siyang dm or any sign of communication.
"Anong balak mo ngayon? Lalandiin mo ba? Zely, huwag gano’n."
Napairap ako kahit hindi niya naman makikita. "Hindi, 'no. Bakit ko gagawin 'yon? Kapag nag-chat siya, makikipag-usap ako ng maayos."
At iyon nga ang ginawa ko nang mag-dm siya sa akin sa twitter. Medyo matagal pa bago ako nag-reply.
I was a little nervous. Hindi ito ang unang beses na makakausap ko si Timothy pero nakakakaba pa rin. I admired him from afar since Grade 7. Minsan lang kung makausap ko siya at madalas dahil sa school related na bagay. He was my crush and I don't know why I never have the guts to even talk to him.
Vern: Hi. Omegle?
Me: omo yes hello^_^
Vern: still remember?
Me: oo naman hahaha
Akala ko nung una charot lang na
Ikaw si Vern, ang galing
Vern: Well, now you believe?
You said you know me but still
Hi, I'm timothy
You are?
Me: I am? If pretty, yes I am hahaha
I agree if you say na ang kapal ko. Tamang self support na lang 'to. I smiled when he replied.
Vern: hahaha I'd like to agree but to
see is to believe, right?
Me: charot lang hahahah
Just imagine na kamukha ko si
Seri ng crash landing on you xd
Vern: Hmm sino ba 'yon?
Nag-send ako sa kanya ng isang picture ni Yoon Se Ri na kasama pa si Captain Ri. Pareho silang nakangiti at magkadikit. Sila 'ang bida sa isa sa paborito kong Kdrama: Crash Landing on You.
Me: *picture*
Yung girl dyan si Seri
Di ako ganyan kaganda pero
isipin mo na lang na ganun nga
Ang pretty niya noh
Vern: well, if you say so then I agree
Me: true yon maganda talaga siya♡
kailangan talaga english?
Vern: bawal?
Me: Did I say so?
Pwede naman
Vern: haha no
ano bang gusto mo?
Gusto ko? Ikaw sana kaso taken ka na. But it's okay. I still have my kdrama.
Me: i know english naman so ikaw na
bahala kung ano gusto mo
Vern: mostly english then
Mas mabilis mag-type
Me: okayyy ako mag-korean
Annyeong haseyo
Vern: i don't know Korean naman
that's not fair
Natawa ako sa panggagaya niya sa sinabi ko. I didn't know Vern is this friendly. Akala ko siya 'yong tipo na medyo suplado at hindi palakaibigan masyado. Ganoon ang aura niya, e. Well, I'm not really sure since I rarely talk to him in school.
Me: tagalog then hahaha
Vern: kung anong gusto mo
Since wala na akong ma-reply, I changed the topic.
Me: bakit ka nga pala nag-chat?
Yieee gusto mo na yung help ko?
Vern: you mean with Trish?
Me: yesss
Diba sabi ko tutulungan kita
If you want lang naman
Vern: not just exactly that
I also want to be friends if that's
okay with you
Natigilan ako. Sabi na nga ba at magiging weird ang sitwasyon namin. He said he wants to be friends while he knew he is my crush. Not to mention, tutulungan ko pa siya sa crush niya. Isn't that awkward?
Me: of course noh sureee
Let's be friends hahaha
Vern: friends then?
Thank you
Me: hala bakit nag thank you ka pa
Okaaay langgg
Friendly ka naman pala hahaha
Vern: haha what do you mean?
Hindi naman ako suplado sa
school, right?
Me: sure ka hindi? Charrr
Vern: wait, am I?
Me: hindiii charot nga lang hahaha
It was really awkward at first. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. Throughout our first conversation, I just usually say nice things. Say 'hahaha' and put some hearts. Basta may masagot ako sa mga reply niya.
He is actually friendly and nice to talk to. I almost regret that I was too shy to talk to him at school. Nahihiya ako. I feel like I am not good enough to be friends with him. O kaya baka hindi niya ako pansinin lalo kapag nalaman niyang crush ko siya.
We talked about random things for a while bago ako nagpaalam na matutulog na. Kahit na sa totoo lang ay manonood lang talaga ako ng bagong kdrama.
Malapit ng matapos ang bakasyon kaya sinusulit ko na ang panahon para makapanood ng kdrama. I am already at senior high school sa pasukan. And I heard it is a lot more stressful in higher years kaya sinasamantala ko na ang natitirang araw. Baka hindi ko na magawa ito kapag may pasok na.
Days passed swiftly. Timothy and I occasionally text with each other with some random stuff. We have become friends but not really that close. Ang sabi ko ay sisimulan kong tulungan siya sa panliligaw sa pasukan.
One time, he texted me something I really don't want to answer. Iniiwasan ko talaga ang tanong na iyon at pakiramdam ko ay hihimatayin ako sa gusto niyang mangyari.
Timothy:
Can you tell me who you are? I'm really just curious. You know me but I feel like a stranger.
Hindi ako agad nag-reply. There's nothing wrong with getting to know each other, right? I mean we are friends and we have been talking for a while na. But I just really don't feel like it.
For years of having a crush on him, I never really tried to get close with him. Makakasalubong ko siya sa daan at hindi ko siya papansinin kahit na kinikilig ako deep inside. Why? Nahihiya ako. I am content from admiring him from afar. He was more like an inspiration to me.
Ako:
Kailangan ba talagaaaa? Pwede bang saka na ako magpapakilala hahahaha
Tumunog agad ang phone ko sa reply niya.
Timothy:
Why not now? Now or next time, hindi naman magbabago pangalan mo.
Ako:
Magbabago kayaaa. Kapag kinasal na ako hahahaha char.
Timothy:
Come on, that's not the point.
Ako:
Oo nga eto ang point oh "•"
Hindi na siya nag-reply. Hala, nainis ba? I was just playing around para hindi ko masagot ang tanong niya, e.
Ako:
Charrr lang naman hahahahaha
I waited for his reply but it did not came. Baka kaya nainis na at hindi na ako kakausapin kahit kailan? Totoo naman kasing ganoon ang point, e. Pilosopo nga lang.
I was on the fourth episode of the kdrama I am currently watching when I received a reply.
Timothy:
Slr. Bumisita si Lola.
Ako:
Ahh okaay lang^_^
Timothy:
May side ka palang pilosopo.
Ako:
Huh? Point naman talaga yon eh hahahaha chos sorry na
Timothy:
Pilosopo nga haha
Ako:
Maganda pa rin charrr
Timothy:
Patingin naman ng ganda.
Ako:
Sorry, but my pretty face is not for show. ^_^
Timothy:
Damot
Natawa ako. Anong ipagdadamot ko, hindi naman talaga ko maganda talaga. Tamang support lang sa sarili 'yan.
Timothy:
But then, I already met you, right?