"Congressman Sebastian! Anong ginagawa mo rito?" tanong niya nang makilala ang lalaking sumuntok sa nambastos sa kanya at humila sa kanya hanggang sa parking lot kung saan sila nakatayo ngayon.
"Are you okay? Anong ginawa sa iyo ng lalaking iyon?" sunod-sunod na tanong nito at hindi man lang sinagot ang tanong niya.
"I am okay, hindi naman niya ako nabastos," sagot niya at napalingon nang may marinig na sumigaw sa di kalayuan.
"Ayun sila! Sila iyon!" sigaw ng lalaking nambastos sa kanya kanina sa loob ng bar.
Nanlaki ang mga mata niya nang makitang may iba na itong kasama. Kanina mag-isa lang ito, ngayon ay apat na sila at pawang lalaki. Mukhang hahabulin sila para gumanti dahil nasuntok ito ni Sebastian kanina.
"Lagot kayo sa amin!" galit na sigaw ng isa sa mga lalaki na nagkatama pa sila ng tingin. Kinilabutan siya.
"Sebas—" hindi pa man niya natatapos ang pagtawag sa pangalan ni Sebastian, nahila na nito ang kamay niya at tumakbo kaya napatakbo na rin siya.
Nang lingunin niya ang apat na lalaki, tumatakbo na rin ang mga ito at mukhang seryoso na mahabol sila. Panay pa ang sigaw ng mga ito ng kung anu-anong mura.
"Nasaan ba ang mga security mo?" tanong niya kay Sebastian habang tumatakbo pa rin sila. Katamtaman lang ang liwanag sa parking lot pero nasusundan pa rin sila ng apat.
"Mag-isa lang ako," sagot ni Sebastian.
"What? Bakit ka naman lumalakad mag-isa eh Congressman ka! Dapat lagi kang may security!" sabi niya habang hinihingal na sa kakatakbo. Medyo nakalayo na sila pero patuloy pa rin ang apat sa pagsunod sa kanila.
"Dito!" sabi ni Sebastian at hinila siya para magtago sa likod ng isang kotse. Hinila siya paupo ni Sebastian. Napatili pa siya sa gulat at bago pa siya muling tumili, mabilis nang tinakpan ni Sebastian ang bibig niya gamit ang malaking palad nito habang mahigpit na hawak ang isang kamay niya.
"Ano ba! Bakit nawala! Anak ng, hanapin niyo! Hindi pwedeng hindi ako makaganti sa gagong iyon!"
"P_tcha, paano mo mahahanap sa ganito kadilim!"
"P_tang ina!"
Malinaw niyang naririnig ang palitan ng mura ng apat na humahabol sa kanila ni Sebastian habang nagtatago sila sa likod ng kotse. Nasa bibig pa rin niya ang kamay ni Sebastian at hawak pa rin nito ang braso niya na parang ayaw siyang makawala.
Pakiramdam niya, hindi na siya humihinga sa takot at kaba, lalo pa at nakatakip ang palad ni Sebastian sa bibig niya. Kung kanina parang nalalasing siya at wala nang energy, ngayon ay biglang nawala ang kalasingan niya dahil sa takot.
Nakahinga lang siya nang maluwag nang tumakbo na palayo ang apat na lalaki. Mariin pa niyang ipinikit ang mga mata at nang magmulat, laylay ang balikat na tiningala si Sebastian. Nakita niyang sinisilip nito ang apat kung nakalayo na nang husto sa pinagtataguan nila.
Napalunok pa siya nang kahit sa dilim ay naaninag niya ang maayos na hugis ng gwapong mukha nito. Alam niyang gwapo si Sebastian, noon pa man ay pansin na niya ang appeal nito. Pero ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataong matitigan ito nang ganito kalapit.
Hindi lang pala ito gwapo, sobrang gwapo. Parang lalaki sa Turkish drama na sobrang gwapo with the beard. Ang macho palang tingnan ng lalaking may beard tapos makinis ang mukha. Kung gwapo si Sebastian noon, mas gwapo pala ito ngayon. Bagay na bagay pa rito ang suot nitong itim na sombrero. Nagsombrero marahil ito para hindi makilala sa loob ng bar.
"Are you okay?" tanong ni Sebastian nang lingunin siya at noon pa lang tinanggal ang kamay nito sa bibig niya.
Napalunok pa siya nang magtama ang mga mata nila. Maganda rin pala ang mga mata nito, bagay na bagay sa masculine aura nitong lalaking-lalaki. Yung tipong alam mong ligtas ka kapag ito ang kasama mo.
Napanganga pa siya rito dahil sa kagwapuhan nito at tumango. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Masyado siyang na-starstruck sa mukha ni Sebastian na ngayon lang niya napansin nang ganito.
"Wala na sila, hindi na nila tayo makikita pa," sabi ni Sebastian sabay tayo at inalalayan siyang makatayo mula sa pagtatago sa likod ng kotse.
"Salamat," pasalamat niya nang makatayo at hinanap din ng mga mata niya ang mga humahabol sa kanila.
"Let's go, umuwi na tayo," sabi ni Sebastian.
Tumango siya rito. Hindi na rin naman siya makakabalik pa sa loob ng bar para magpaalam sa mga kasama niya, baka makita pa siya ng mga humahabol sa kanila. Mas mabuting umuwi na siya, baka mapahamak pa siya ulit at madamay pa si Sebastian.
Mula sa pinagtataguan nilang kotse, ilang sasakyan lang ang layo ng luxury SUV na dala ni Sebastian.
"Sumakay ka na, Eliana," sabi ni Sebastian nang buksan nito ang pinto para sa kanya.
"Nasaan ang mga security mo?" tanong niya. Tinanong na niya ito kanina pero hindi nito sinagot.
"I am alone, Eliana," sagot nito at inalalayan siyang makasakay sa sasakyan at ito na rin ang nagsara ng pinto.
Medyo nagtaka siya sa sinabi ni Sebastian na mag-isa lang ito. Hindi ba ito natatakot na umalis mag-isa, politiko pa naman ito.
Agad na ring binuhay ni Sebastian ang makina nang makasakay ito at nagmaneho na. Hindi naman niya naiwasang sumulyap sa labas ng bintana para tingnan ang mga humahabol sa kanila. Nakahinga siya nang maluwag nang wala siyang makitang grupo sa parking lot at sa labas ng bar. Mukhang pumasok na sa loob ang mga ito.
"Sebastian," tawag niya habang nagmamaneho ito. Hinubad na nito ang suot na itim na sombrero kaya kitang-kita na niya ang gwapong mukha nito. Liningon siya nito nang mabilisan at muling itinuon ang atensyon sa kalsada. Gabi na kaya halos madilim na sa buong kalsada. Ito yata ang unang beses niyang abutan ng ganitong kalalim na gabi sa kalsada. Kung tutuusin, ito ang unang beses niyang pumunta sa party.
"Bakit ka nga pala nasa bar kanina?" tanong niya rito.
"Actually, your Mom called me," sagot nito.
"Si Mommy!" bulalas niya at napakagat sa ibabang labi. Sinulyapan siya ni Sebastian at nahuli niya itong nakatingin sa ibabang labi niyang kinakagat.
"Nag-aalala ang Mommy mo sa iyo dahil hating-gabi na at wala ka pa sa bahay niyo. Isa pa, hindi mo raw sinasagot ang mga tawag niya," litanya ni Sebastian at muli siyang sinulyapan.
Hindi na niya kinakagat ang ibabang labi pero nahuli niya itong doon pa rin tumingin nang mabilisan bago itinuon ulit ang atensyon sa kalsada.
Nakulitan kasi siya sa Mommy niya kanina kaya hindi na niya sinagot ang mga tawag nito. Isa pa, hindi na naman siya sinama sa family dinner ng mga ito kaya nagdesisyon siyang mag-bar na lang kaysa magmukmok at mabulungan pa ng mga kasambahay doon dahil hindi siya sinasama sa mga family dinner.
"Nakiusap sa akin ang Mommy mo kung pwede kitang hanapin sa bar na sinabi mo sa kanya. Then ayun, nakita naman kita. Sakto lang na may nambabastos sa iyo kaya pinagtanggol na kita," paliwanag pa ni Sebastian.
Nagyuko siya ng ulo. Nahihiya siya sa ginawa niya. Kung hindi siya nag-inarte at nag-stay na lang sana siya sa bahay, hindi na madadamay pa si Sebastian sa gulo niya.
"Pasensya na, Sebastian, nadamay ka pa tuloy," nahihiyang paumanhin niya habang nakayuko pa rin.
"It's okay, Eliana. Mabuti na nga lang at dumating ako on time. I can't imagine kung ano ang mangyayari sa iyo kung wala ako roon. Baka tuluyan ka nang nabastos ng lalaking iyon. Mukhang hindi mo pa naman kayang ipagtanggol ang sarili mo," mahabang litanya ni Sebastian.
Nag-angat siya ng ulo para sana dumepensa sa sinabi nitong hindi niya kayang ipagtanggol ang sarili niya, nang mapansin niyang iba ang pinasok nilang daanan. Hindi iyon ang daan papasok sa subdivision ng bahay ng bagong asawa ng Mommy niya.
"Sebastian, sandali. Hindi ito ang daan pauwi sa bahay namin," sabi niya.
"Sinabi ng Mommy mo na sa hotel ka na muna magpalipas ng gabi ngayon. Baka raw malaman ng Tito Arthur mo ang tungkol dito at magalit sa iyo," sagot ni Sebastian.
Napalunok siya habang nakatingin kay Sebastian na nakatuon ang mga mata sa kalsada at hindi man lang siya nilingon.
"Kung ganoon, bawal akong umuwi sa bahay nila," malungkot niyang bulong.
"Iyon ang bilin ng Mommy mo," sagot ni Sebastian.
Humugot siya ng malalim na paghinga at hindi na lang kumibo. Malungkot niyang sinulyapan ang labas ng bintana. Nakaramdam siya ng awa sa sarili. Paano na lang kung wala si Sebastian? Saan siya magpapalipas ng gabi kung ayaw siyang pauwiin ng Mommy niya.
Pagdating sa hotel na pagmamay-ari ni Sebastian, agad silang bumaba ng sasakyan at dumaan sa parking lot kung saan may VIP elevator para lang kay Sebastian. Para hindi na ito dumaan pa sa lobby sa tuwing papasok at lalabas ng hotel.
Tahimik lamang siya habang sakay sila ng elevator. Iniisip niya ang Mommy niya. Tiyak na galit ito at hindi na niya mauulit pa ang paglabas nang ganito. Tiyak na sasabihan siya ng ina na mag-stay na lang sa bahay. Bilang siya ang kailangang makisama sa bahay na iyon, wala siyang magagawa kundi sumunod na lang.
Sa pagkakaroon ng ikatlong asawa ng Mommy niya, ngayon niya naramdaman na parang hindi na siya ang priority ng ina, hindi tulad noon na siya lagi ang inaalala nito dahil babae siya. Ngayon, ramdam niyang mas mahalaga pa sa ina ang dalawang anak ng Tito Arthur. Parang napapabayaan na siya ng ina.
Lumabas sila ng elevator at naglakad patungo sa penthouse ni Sebastian. Nagulat pa siya kung bakit sa penthouse sila nagpupunta. Sigurado naman siyang pwede siya sa isa sa mga hotel rooms nito.
"Sebastian," tawag niya nang buksan na nito ang pinto ng penthouse at pinapapasok na siya sa loob. "Bakit dito?" tanong niya.
"Eliana, I am a congressman, hindi lang ako basta nagmamay-ari ng hotel na ito. Kung ikukuha pa kita ng sarili mong room dito, baka kung ano ang isipin nila sa akin. You are still a minor na hindi pa pwedeng mag-check in dito sa hotel. Ayokong makahanap sila ng butas laban sa akin kapag nakita nilang may kasama akong minor de edad dito," paliwanag ni Sebastian.
Naintindihan niya ang paliwanag nito kaya tumango na lang siya at pumasok sa loob ng penthouse.
"Feel at home, Eliana. Para mo na ring bahay ito. Minsan ka rin namang naging anak ni Papa," sabi ni Sebastian nang makapasok na sila sa loob ng malaking penthouse. "Kung nagugutom ka, magpa-deliver na lang tayo. Bottled water lang kasi ang meron ako dito aside sa alak," sabi nito sa kanya.
"Huwag na, I am okay. Thanks," sagot niya.