Chapter-7

1306 Words
Kanina pa siya nakatitig sa dalawang kamay niya na humawak sa kamay at bibig ni Eliana kanina. Hindi niya alam kung matutuwa siya sa nangyari o ano. Hindi niya inaasahan ang nangyari sa loob ng bar, kahit alam naman niyang normal na ang ganoong eksena sa ganoong lugar. Kapag may nalasing na lalaki, tiyak na may babaeng mababastos. Ang kaibahan lang, kanina hindi lasing si Eliana. Nakainom ito, amoy niya at halata niya, pero hindi pa ito lasing kaya alam pa nito ang ginagawa. Hindi niya nagustuhan ang nakita niya kanina. May mga kasamang lalaki si Eliana at ang isang mukhang Chinese ay halos nakayakap na rito. Pansin niyang hindi naman naiilang si Eliana sa lalaki, na para bang okay lang dito na hawakan at yakapin siya. Ilang minuto rin niyang tiniis na makita si Eliana na katabi ang lalaking iyon. Iniwasan kasi niyang gumawa ng gulo at lalong iniwasan na may makakilala sa kanya bilang Congressman. Hindi makakatulong sa political career niya kung may makakita sa kanya sa loob ng bar. Baka kung ano pa ang isipin ng mga tao sa paligid. Kahit gusto na niyang hilahin ang lalaking iyon at pilipitin ang leeg, hindi niya ginawa dahil sa posisyon niya. Kung sa ibang lugar sila magkikita ng lalaking iyon, baka hindi siya magdadalawang-isip na ilayo si Eliana. Lalaki rin siya at alam niya ang galawan ng kapwa lalaki. Obvious na may gusto ang lalaking iyon kay Eliana. Tinalasan niya ang mga mata kaya nasundan niya si Eliana nang tumayo ito para magpunta sa powder room. At doon na nga nangyari ang pambabastos ng isang lasing na lalaki. Hindi na siya nakapagpigil kaya sinuntok niya ang lalaki. Umaasa siyang hindi siya nakuhanan ng CCTV at hindi siya makikilala kapag pina-review ng lalaking iyon ang kuha at baka kasuhan pa siya. Hindi naman siya natatakot na makasuhan dahil sa pagtatanggol kay Eliana. Ang makilala siya bilang Congressman Sebastian Lopez ang iniiwasan niya. Eliana Roxas is special to him. Hindi lang ito basta anak ng dating stepmother niya. Hindi lang dating stepsister ang tingin niya rito. Seventeen years old siya nang mag-asawa ulit ang Papa niya matapos ang matagal na paghihiwalay nito sa Mama niya. Doon niya nakilala si Eliana, isang ten years old na batang sobrang cute at maganda kahit bata pa. Lutang na ang ganda ni Eliana noon pa lang. Hindi lang basta cute at maganda si Eliana nang makilala niya, napaka-sweet pa nitong bata kaya nagustuhan niya agad ito. Bihira lang naman sila magkita dahil sa States siya naka-base kasama ang Mama niya. Tuwing bakasyon, umuuwi siya sa San Juan para makasama ang Papa niya at doon nakakasama rin niya si Eliana kahit saglit lang. Matagal na ang dalawang linggo sa bakasyon niya sa bahay ng Papa niya. Hindi kasi gusto ng Mama niya na nagtatagal siya kasama ang Papa niya at ang bago nitong pamilya. Kinse anyos na si Eliana nang mamatay ang Papa niya. Ganap nang dalaga si Eliana sa paningin niya at wala na ring nag-uugnay sa kanilang dalawa dahil wala na ang Papa niya. Malaya na rin ang Mommy nito. Sa pagkawala ng Papa niya, hindi na siya umalis pa ng San Juan. Siya na ang nag-asikaso ng lahat ng naiwang negosyo ng Papa niya. Isa pa, wala na rin siyang balak umalis pa ng San Juan dahil kay Eliana. Sa pag-stay niya sa San Juan, hindi man madalas, pero at least nakikita pa rin niya si Eliana at nababalitaan pa rin niya ang dalagita dahil sa Mommy nito. Hindi man niya gusto ang ugali ng Mommy ni Eliana dahil sa simula pa lang alam na niyang gold digger ito at pera ng Papa niya ang habol nito. Mabuti na lang at matino ang isip ng Papa niya at sa kanya pa rin pinamana ang lahat ng ari-arian nito. Malaking halaga rin naman ang nakuha ng stepmother niya, para raw iyon sa pag-aaral ni Eliana. Iyon nga lang, wala pang isang taon nang mamatay ang Papa niya, naubos na ng Mommy ni Eliana ang naiwang pera para sa kanila. At makalipas ang isang taon, nakapag-asawa na naman ng bago ang Mommy ni Eliana, at iyon ay ang director na si Arthur. At doon na ngayon tumutuloy si Eliana. Tutol siya sa muling pag-aasawa ng Mommy ni Eliana dahil nag-aalala siya para rito, para sa kaligtasan nito bilang babae. Mabuti na lang at puro babae ang anak ni Arthur at hindi siya masyadong nag-aalala para kay Eliana. Nag-aalala siya kay Eliana dahil alam niya sa sarili niya na disisiyete pa lang siya, tinamaan na ang batang puso niya para kay Eliana. Hanggang ngayon, tinatago pa rin niya ang damdaming iyon. Hindi pa rin niya magawang aminin sa dalagita kung gaano ito kahalaga sa kanya at kung gaano niya ito kamahal. Dahil si Eliana lang ang babaeng gusto ng puso niya. Never siyang pumasok sa isang relasyon. Hindi siya naghahanap ng commitment sa kahit sinong babae, tanging si Eliana lang ang gusto ng puso niya. Ganoon pa man, marami pa rin siyang nakakalarong babae. Isa na rito si Marjorie na naging regular na niya sa loob ng dalawang taon mula nang manatili siya sa San Juan. Si Marjorie ay laging available kapag gusto niya ng makakalaro at gusto niyang mag-relax. Alam na alam kasi ni Marjorie kung paano siya paligayahin. Aware naman si Marjorie sa setup nila. Pareho silang malayang makipagkita o makipagtalik sa iba dahil wala naman silang commitment, basta naglalaro lang sila kapag gusto nila. Walang pakialaman sa personal na buhay. They are both free to do anything they want. "Eliana," bulong niya sa pangalan ng babaeng unang nagpatibok ng puso niya at hanggang ngayon ay nagpapatibok pa rin ng puso niya. Sa dami ng babae sa paligid niya, si Eliana pa lang ang nagpatibok ng puso niya nang ganito. Sana magkaroon na siya ng lakas ng loob na aminin dito ang tunay niyang damdamin. Kailan kaya? Sana hindi pa siya mahuli. Bago siya bumaba matapos magbihis, tinawagan na niya ang Mommy ni Eliana para sabihin na kasama na niya si Eliana at nasa hotel na ito. Nagpasalamat lang sa kanya ang Mommy ni Eliana. Hindi man lang nito tinanong kung kumusta ang anak nito na muntik nang mabastos kanina sa loob ng bar kung hindi pa siya dumating. "Hindi pa rin siya nagbabago. Pera pa rin ang mahalaga sa kanya kaysa sa anak niya," bulong niya at napailing. Sadyang hindi mo nga mapipili ang magiging magulang mo. Siya man ay hindi perpekto ang mga magulang. May ibang pamilya na rin ang Mama niya at bago nawala ang Papa niya, nakailan din itong kinakasama. At tanging ang Mommy ni Eliana lamang ang muli nitong pinakasalan bukod sa Mama niya. Habang si Eliana naman ay hindi nito kilala kung sino ang tunay nitong ama. Ang Mommy naman nito ay sinasamba ang pera at ayaw bumaba sa pedestal kaya asawa nang asawa ng mayaman at hindi na iniisip ang kahihiyan ng anak nitong babae na dalaga na. Kung may lakas lang talaga siya ng loob, aaminin na niya kay Eliana na matagal na niya itong mahal para magsama na sila at hindi na siya mag-aalala pa sa kalagayan nito sa bahay ng asawa ng Mommy nito. Balita pa naman niya, maldita ang mga anak ng asawa ng Mommy nito. Nag-aalala siyang baka hindi maipagtanggol ni Eliana ang sarili. "Oh, Eliana, kung alam mo lang kung gaano kita kagustong alagaan at protektahan," bulong pa niya habang nakatingin sa mga kamay niya. Masaya na siya sa simpleng paghawak sa kamay ng babaeng mahal niya. "I love you so much, Eliana. I am willing to do everything for you," bulong niya. Kahit ano pa ang ginagawa niya, handa niyang iwan basta para kay Eliana. Sino man ang kasama niya, iiwan niya para kay Eliana, dahil mahal na mahal niya ito. Sadyang duwag lang siya ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD