"How come nakapasok ka sa bar kanina?" tanong sa kanya ni Sebastian habang kumakain siya. Tumanggi siyang magpa-deliver ng pagkain pero nag-order pa rin si Sebastian ng fast food para sa kanya. Bigla naman siyang nakaramdam ng gutom nang maamoy ang burger at fries kaya kumain na siya. "Seventeen ka lang, isn't it, Eliana," dagdag ni Sebastian. "Yung friend ko na si Philip, kakilala niya ang owner kaya nakapasok ako. Besides, eighteen na rin naman ako this month," sagot niya at kumagat sa malaking burger. Nakatingin lang sa kanya si Sebastian at parang wala itong planong kumain kahit good for two naman ang inorder nito para sa kanila. "Friend? Yung katabi mo kanina while drinking alcohol?" may diin ang tanong ni Sebastian. Napalunok siya at sinulyapan si Sebastian na nakatingin sa kan

