“What do you think?” tanong ni Kyle De Silva, ang CEO ng DS Modeling Agency kay Sahara. Nasa conference room sila. Naroon din ang secretary nitong si Fred, abogado ng DSMA na si Atty. Mercado at Atty. Toledo na abogado naman ng De Silva Group of Companies. Kasama rin nila si Lutchie Ramos. Natatandaan niya ang babae, nakita na niya ito noong nag-audition siya. “The offer is too generous. I think it’s too good to be true,” nagdududang tugon niya kay Kyle. Natawa ito sa sinabi niya, “You are the only model who questions a generous offer,” naiiling na sabi nito. “Just being cautious. I don’t want to enter a contract where I will be in big trouble,” sagot niya sa malamig na tinig. Masyadong maganda ang inihain na kontrata ng DS Modeling Agency. She will have a generous amount of salary. T

