bc

The Heartbreaker CEO (Daniel Justin)

book_age18+
14.9K
FOLLOW
134.2K
READ
revenge
forbidden
possessive
CEO
billionairess
drama
enimies to lovers
secrets
affair
model
like
intro-logo
Blurb

WARNING: MATURE CONTENT (SPG)

Daniel "DJ" De Silva was named The Heartbreaker CEO. A certified womanizer in the eyes of the public. Unknown to everyone, he is keeping a secret affair with a married woman.

His world turn upside down when the newest model of DS Modeling Agency offered him something he can't refuse.

Sahara Rodriquez, the new face of DS Modeling Agency. She will give up everything to get what she wants, destroying the person responsible for her suffering.

How far DJ De Silva is willing to give to protect the woman he loves.

How long can Sahara Rodriguez endure the pain sleeping with her enemy.

chap-preview
Free preview
Prologue
Nangangalit ang pangang hinampas ni DJ ang manibela ng kanyang sasakyan. Kakatapos lang ng pag-uusap nila ng pinsan niyang si Eros. Tumawag ito upang ipaalam sa kanya na isa naman sa mga potential investors nila ang umatras. Ang Haven’s Leisure Island project na pinamamahalaan niya ay ang bagong expansion project ng De Silva Group of Companies. Sunud-sunod ang aberya na kinahaharap ng naturang proyekto sa hindi niya malamang dahilan. Una, nagkaproblema sila sa permit dahil sa nawawalang pahina ng dokomentong pinasa nila. Tapos ilang invenstor ang bigla na lang nagback-out. Dalawang taon na nilang pinaghahandaan ang lahat. Ito ang pinakamalaking project ng Haven Hotel at ng De Silva Development Corporation. Malakas ang kutob niya na may sumasabotahe sa kanya. Ngayon naman ay isa pang problema ang kinakaharap niya. Mahigpit niyang kipkip ang envelope na pinadala sa mismong Hacienda De Silva. Mabuti na lamang ay hindi ito nakita ng kaniyang pamilya. Nagkataong nasa hacienda silang magkakapatid nang ipaalam sa kanya na may package siyang dumating. Nang buksan niya ito ay ganoon na lang ang galit na naramdaman niya. Lalong nadoble ang galit niya nang mabasa ang pangalan ng taong nagpadala niyon. Mabilis siyang nagbyahe mula hacienda papunta sa kanyang opisina, upang komprontahin ang taong nagpapadala ng mga package sa kanya nitong mga nakaraang mga linggo. Nagmamadaling lumulan siya ng pribadong elevator na laan sa kanilang magkakapatid. Nang huminto ito sa palapag na kinaroroonan ng kaniyang opisina ay agad siyang lumabas. Hindi niya pinansin ang pagbati ng kaniyang secretary at pabalang niyang binuksan ang kanyang opisina. “Ano ang mga ito!” galit na sigaw ni DJ sa babaeng prenteng nakaupo sa visitor’s chair. Bumaling ang tingin nito sa kanya mula sa binabasang magazine. Ibinato niya sa center table ang bagay na hawak-hawak niya. “So, natanggap mo na pala ang mga larawan,” nakaarko ang kilay na hayag nito sa kanya. “What do you think you’re doing?” galit na wika niya sa babae. Kinuyom niya ang kanyang mga kamao. “Ano ba sa tingin mo?” pagak itong natawa. “D*mn! Answer me!” nagpupuyos sa galit na sabi niya sa babae. Tumayo ito at buong pagkasuklam na nakipagtitigan ito sa kanya, “Ano kaya ang sasabihin ng pamilya mo kapag nakita nila ang mga iyan?” “I don’t have time to play your games!” nangangalit ang pangang wika niya sa babae. Bagamat matindi ang pagkainis na nararamdaman niya ay di niya mapigilan ang pagnanasang umahon sa kanyang pagkatao. Tila ba may taglay itong mahika at hinihigop ng mga mata nitong kasing itim ng gabi ang kanyang lakas. “Well, Mr. De Silva, you have to make time. Dahil nagsisimula pa lang akong makipaglaro sa iyo,” nanunuyang saad nito sa kanya. “I can’t believe you would stoop so low. Stop this nonsense right now!” mariin niyang wika. “Oh!” napatutop ito. Maya-maya ay bigla itong humalakhak, “I will not stop until I get what I want from you.” “Tell me what you want, para matapos na ang kabaliwan mong ito,” pigil ang galit na saad niya. “Leave her.” “Are you crazy! You know I can’t do that,” inis na saad niya. “I’m giving you two weeks to leave that woman, or else you will regret it the next time you will see those pictures,” anito. Naglakad ito, bago nito pinihit ang seradura ng pintuan ay di lumilingon na muli itong nagsalita. “Marami akong kopya ng mga larawang 'yan. Dalawang linggo lang ang ibibigay ko sa iyo para gawin mo ang gusto ko. Kung may desisyon ka na, alam mo kung saan ako pupuntahan,” malamig nitong hayag sa kanya. “Do you want me that much?” malamig niyang tanong, nakatitig siya sa likuran nito. Nakita niyang nanigas ang balikat nito, “Pwede naman kitang pagbigyan, tigilan mo lang ang kalokohang ito,” nakangising wika niya. Lumingon ito sa kanya, “You’re mistaken, Mr. De Silva! I don’t want you. What I want is to hurt and break your heart! Gusto kong maramdaman mo kung gaano kasakit.” Mababakas ang matinding galit sa mga mata ng babae sa bawat salitang binitawan nito “I don’t know why you are doing this. Wala akong alam na kasalanang nagawa sa iyo,” wika ni DJ sa babae. “Wala nga ba? O, talagang napakadali sa iyo ang lumimot. Sabagay baliw na baliw ka nga pala sa kabit mo!” nag-uuyam na wika nito sa kanya. “Wag mo siyang idamay dito!” bulyaw niya sa babae. “Talagang mahal mo siya,” mahinang bulong nito na umabot sa kanyang pandinig. Dumaan ang lungkot sa mga mata ng babae na agad ding nawala. “You’re a devil hiding behind your beauty,” puno ng pagkasuklam na wika niya rito. “I’ll take that as a compliment.” Matamis siyang nginitian nito na agad ding napalitan ng kaseryosohan. “You will pay for this! I will send you in hell!” nangangalit ang pangang wika niya sa babae. Pumalakpak ito at puno ng pag-uuyam na humalakhak, “Ganyan nga Mr. De Silva, manggalaiti ka sa galit! Tignan natin, malay mo sa bandang huli magkasama pala tayo sa impyerno.” “Leave!” kuyom ang kamaong wika niya sa babae na tinawanan lang muli nito. “I said leave.” “With pleasure!” matamis ang ngiting wika nito, bago lumabas ng kanyang opisina. Nagpupuyos ang kalooban niya sa galit sa babae, pero di niya maintindihan kung bakit sa kabila ng galit na nararamdaman niya ay may binubuhay itong ibang damdamin sa kanyang puso. *** Kipkip ang kanyang naninikip na dibdib ay pinipigilan niyang pumatak ang kanyang mga luha. Nanginginig ang mga tuhod niyang pumasok siya sa elevator. Wala sa sariling lumabas siya nang huminto ito sa basement parking ng gusali. Nagmamadaling tinungo niya ang kanyang sasakyan. Pagkapasok na pagkapasok niya ay pinakawalan niya ang kinikimkim niyang emosyon. Humagulgol siya ng iyak. Isinubsob niya ang kanyang ulo sa manibela ng kanyang sasakyan. Hindi naging madali sa kanya ang lahat para harapin si DJ De Silva. Bawat himaymay ng kanyang pagkatao ay pagkapoot ang sinisigaw para sa lalaki. Matagal niyang pinaghandaan ang lahat. Pinapangako niyang hindi siya titigil hangga’t hindi niya naisasakatuparan ang kanyang mga plano. Iniangat niya ang kanyang mukha sa manibela nang marinig niya ang pagparada ng isa pang sasakyan sa tabi niya. Tinted ang sasakyan kaya hindi siya nag-aalala na makikita siya nito. Kilalang-kilala niya ang babaeng lumabas sa isang itim na SUV. Naka all black fitted dress ito. May malaking itim na salamin sa mga mata. Kahit gaano pa itago ng babae ang pagkatao nito, hindi niya malilimutan ito kahit kailan. Parang reyna na naglakad ito papuntang elevator. Nang huminto ito sa tapat ng elevator ay siya namang bukas nito. Lumabas ang lalaking kani-kanila lang ay nagpupuyos sa galit na kausap niya sa opisina nito. Mabilis na yumakap ang babae at buong alab nitong hinagkan si DJ sa mga labi. Larawan ng dalawang taong nagmamahalan, si DJ at ang babae. Ikinawit ng babae ang mga braso sa mga bisig ni DJ. Naglakad ang mga ito papunta sa isa pang nakaparadang sasakyan. Bago pumasok sa passenger seat ang babae ay mapang-akit nitong nginitian si DJ. Kumikirot ang kanyang dibdib sa eksenang kanyang nasaksihan. Lalo lang ito nagpaalab sa galit na nararamdaman niya para sa dalawang tao na naging dahilan ng walang kapantay na sakit sa kanya. “Mga demonyo kayo! Sige lang, samantalahin ninyo ang mga sandaling magkasama kayo. Dahil hindi na magtatagal ang mga masasayang araw ninyong dalawa. Hindi ako titigil hangga’t hindi kayo nagbabayad sa mga kasalanan ninyo sa akin!” buong poot niyang bulong habang nakatanaw sa papalayong sasakyan ng mga ito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
72.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook