“Bakit wala pang resulta ang pinapagawa ko sa iyo, Bernard?” tanong ni Don Victor Gonzalo kay Mr. Valle. “Ginagawan ko na ng paraan, Don Victor,” kabadong sagot nito sa Don. “Balita ko ay siya ang kinuha ng manugang mo para sa campaign event ng partido ng mga Aguilar,” malamig na wika ng Don. Nanlaki ang mata ni Mr. Valle, “Ganoon na nga, Don Victor. Ang pagkakaalam ko rin ay sa resort ni Lemuel ginanap ang pictorial niya kaya magkakilala sila,” wika ni Mr. Valle sa garalgal na tinig. Tumango-tango ito, “Inaasahan kong gagawin mo ang pinapagawa ko sa iyo, Bernard, ” wika ng Don. “Makakaasa po kayo, Don Victor,” tugon ni Mr. Valle. “Pinadala na ni Ivan ang pera sa account mo,” hayag nito na kinangisi ni Mr. Valle. “Maraming salamat, Don Victor,” masayang sabi nito kay Don Victor. Tu

