KABANATA 3

1050 Words
Tatlong araw na ang lumipas buhat nang makita , mahawakan at mag mukhang engot si Abby  sa harapan ni Rony pero damang-dama pa din niya ang kahihiyan. Nai-imagine niya ang itsura niya habang tinatanong siya nito kung ayos lang siya at wala siyang naging maayos na sagot kundi tango, tango ,at tango. "Abby!!" Malakas na tawag ni Amanda sa bungad pa lamang ng bahay nila . Agad namang lumabas ang nanay niya mula sa kusina at agad na pinagbuksan si Amanda. Hihingal- hingal ito habang nakatukod ang mga kamay sa tuhod nang matapat na sa pintuan ng  bahay nila Abby. "Anong nangyari sa'yo Amanda?" Nagtatakang tanong ni Linda kay Amanda. "Si-Abby po?" "Nandito sa loob , halika't pumasok ka muna." Anyaya nito matapos luwagan ang pagkakabukas ng pinto. Mabilis namang pumasok si Amanda sa kalooban ng bahay at agad lumapit sa nagtatakang kaibigan. "Anong nangyari sa'yo?" Nagtatakang tanong ni Abby . Walang sali-salita namang inilabas ni Amanda ang cellphone sa bulsa tsaka nagpipindot doon. "Ito, tingnan mo. Nakita mo na ba ito?" Itinutok nito ang cellphone sa mukha niya at doon ay nagpe-play ang video na kuha sa isang appliance store. Nanlaki ang mga mata ni Abby nang makitang si Rony ang ipino-focus sa camera ,pag katapos ay lumipat iyon sa babaeng kaharap nito na nakatalikod naman. Halos malaglag ang panga niya sa gulat, siguradong siya iyon, dahil sa suot niya at dahil sariwang-sariwa pa rin sa ala-ala niya ang tagpong iyon. "Paanong?" Nagugulumihanang tanong ni Abby sa sarili. Mabuti na lang at nakatalikod siya sa camera ,kundi isa iyong malaking problema ,o problema nga ba?  Instant celebrity siya panigurado. Nang tingnan niya ang views niyon ay nasa million views na iyon at nadadagdagan pa. "Ikaw ito Abby, I'm sure , ipapaputol ko ang daliri ko kung hindi ikaw ito. Bakit hindi mo sinabing nakita mo si Rony nang araw na iyan?" Naghihinagpis na tungayaw ni Amanda. "Hindi ko rin alam, ano kase... Mabilis yung pangyayari eh." "Sasakalin talaga kita , ang swerte mong bruha ka , bumili lang ako ng milkshake nakadaupang palad mo na si Rony? Nasaan ang hustisya doon?" Sabi nito habang inaalog ang balikat niya. Mahilo-hilo na siya nang bitiwan ng kaibigan. "Paano mo nalaman ang tungkol diyan?" Usisa ni Bea ng kumalma na si Amanda . "Trending sa lahat ng social media. Kahit sa sss ito ang mainit na usap- usapan. Marami ang nagtataka kung sino ang babae sa video. To think na tuwang tuwa si Rony sa iyo. Susme Abby ,hanggang ngayon gusto kitang kurutin kahit picture hindi mo nakuha?" "Eh nasa state of shock kase ako diyan. Malay ko bang makikita ko siya nang hindi sinasadya." Tugon niya habang tinitingnan ang mga comments sa video mula sa YouTube. Napangiwi siya. May mga curious, may mga atribida at may mga animo girlfriend ni Rony na hindi pa nga siya kilala at nakikita ay inuulan na siya ng banta at lait. Who's the girl? Bakit kase likod lang ang nakuhanan? Madalang makita si Rony na may kasamang girl sa public places especially malls ,baka girlfriend niya? Oh my god ! May gf na si Rony , cannot be! Baka fan lang iyan. Ashumerang hitad.  Girl look naman how he touch her cheeks , that's so affectionate. Girlfriend niya iyan.  I bet she's just an ugly faney.  Rony Lucas won't date a girl in f*****g mall. Like duuh..so cheap like that girl.  Iilan lang iyon sa sandamakmak na comments na nabasa ni Abby . Pulang-pula ang pisngi niya sa hindi maipaliwanag na hiya at kaba. Paano kaya kung pati mukha niya ang  nakuhanan ,baka kinukuyog na siya ng mga bashers. "Goodbye teacher, goodbye classmates." Sabay-sabay na bigkas ng mga estudyante ni Abby . Iyon ang huling klase niya para sa taon, at simula na ng bakasyon sa susunod na mga araw. Simula na din ng boring na dalawang buwan para kay Abby. "See you all  next school year , kay teacher Amanda naman kayo sa susunod kaya magkikita pa tayo ulit lahat." Nakangiting palakpak ni Bea habang nag-a-abot ng maliit na supot ng mga candies. Parang pa-thank you at pa-goodbye treat na din nya. "Thank you po teacher Abby !" Muling sabi ng mga bata. Nagliligpit na siya ng mga gamit  ng istorbuhin siya ng cellphone. Si Ireen. Hindi na sana niya iyon papansinin pero wala iyong tigil sa pagring kaya wala siyang nagawa kundi sagutin ang tawag nito. Para lamang makulili ang tenga sa walang katapusang kwento na umiikot sa buhay may asawa nito. Pahinamad na naupo  si Abby  sa sofa nang makauwi  ng bahay. Parang naubos ang lakas niya sa pakikipag-usap  pa lang kay Irene at sa iba pa niyang kaibigan sa cellphone. Kung hindi lang kabastusan pinatayan na niya ng cellphone si Ireen. Sa tuwing makakausap  niya ito , lagi nitong ipinapa-mukha na she's the last best , the last choice , and how boring her life will be. Sobra din kung mag-describe ito sa napangasawa nito. How good looking, how gentleman, and how happy she is to have a husband with a great job. And may she add that how extravagant, how expensive  , how this, and that the wedding of her niece will be. Balita niya ay sa resort daw iyon gaganapin kung saan acting supervisor ang asawa ni Ireen. Si Diane at Queenie nalang ang humingi ng pasensya nang matapos  sa pagmamalaki sa kanya ang kaibigan . "No wonder, no ones paying attention to you, you're such a boring person. Ganyan ka nalang talaga ang buhay mo Abby ? " Para iyong mantra na paulit-ulit at sumisingit sa isip niya. Sabi ng nanay niya , she's the most beautiful baby nang manganak ito sa kanya. Lahat nga daw ng nurses na naduty sa maternity ward siya ang laging nilalapitan. Pero nausog yata siya, because she can't find the beauty her mother is talking about. Tumayo siya sa pagka-kaupo sa sofa at saka humarap sa half body mirror na nakasabit sa pader ng sala nila. There she saw the woman with tired eyes, pale lips and boring face. She don't have an hour glass body, or a model like physique. She's too simple, too ordinary. No wonder.. No wonder no one's paying attention to you..  That keeps on repeating inside of her head eating every inch of confidence that was left. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD