KABANATA 2

1115 Words
"Fan ka din ba n'yan?" Turo ni Amanda sa tinitingnan ni Abby . Isa iyong malaking poster ni Rony Lucas Valliente , isang sikat na modelo at singer. Naka-paskil ang human size poster nito sa isang sikat din na clothing line. Nakasuot ito ng black rimmed eye glass ,at naka low waists jeans, kaya kitang kita ang garter ng suot nitong brief o boxer, na kapareho ng tatak ng suot nito. Wala iyong pang-itaas na saplot kaya litaw na litaw ang detalye ng upper body at ang v-line na iyon pababa sa .. "Hoy." "Tuko! " Halos maitili ni Abby ng bigla s'yang sikuhin ni Amanda buhat sa pagpipyesta niya sa katawan na iyon ni Rony . "Pinagpapantasyahan mo si Rony noh?" Nanunuksong pagsiko-siko nito sa tagiliran n'ya. "Hindi ah." Mariin namang tanggi ni Abby. "Oh, eh bakit tulo laway ka." "Huh?" Mabilis na ipinunas ni Abby ang palad sa labi , pero wala namang laway doon. Masama ang tinging nilingon niya ito ng humagalpak ito ng tawa. Nag-e-enjoy sa kanya ang bruha. "Napaka-inam mo." Nakairap na sabi niya dito. Ngali-ngaling kutusan niya ito sa kahihiyang nararamdaman. "Huwag kang mag-alala Abby , sa dami niyo hindi lang ikaw ang nagpapantasya kay Rony , baka nga yung iba nirerape na iyan sa panaginip nila. Actually, kuhanan mo nga kami ng picture , iwo-wallpaper ko lang." Nakangising abot ni Amanda sa cellphone nito tsaka nagpose sa tabi ng poster na iyon. "Kunwari ka pa , isa ka din naman." *** "Ayoko ng revealing," Mariing tanggi ni Abby nang itapat ni Amanda sa katawan niya ang dress na pinili nito. Malalim ang neckline niyon , at masyadong maliit sa tingin niya. "Payatot lang yata ang makakapagsuot niyan." Dagdag pa nito. "Ano ka ba, body hugging ito , kaya kahit triple pa ng size mo maisusuot ito noh. Tsaka ipakita mo doon sa best friend mo na may ibubuga ka nang matigil sa pangmamaliit sa'yo." Alam kase ni Amanda kung ano ang nakaraan nila ni Ireen , kaya kahit hindi pa nito nakikita ang kaibigan ay puno na ng pagkadisgusto ang nararamdaman nito. "Hindi naman kase malaki dibdib ko, kaya ayoko niyan." "Eh di , bumili tayo ng push up bra, hindi rin naman maliit yan eh. O kaya gayahin natin yung nasa internet , patungan mo ng mga maraming bra para lalong lumaki. Wag mo lang ipapahimas ah." "Sino naman ang hihimas? Puro ka kalokohan , ayoko nga niyan. Hanap na lang tayo ng iba." Inagaw niya dito ang damit tsaka iyon muling ibinalik sa pagkakahanger. "Fine. " Pero muli din naman iyong nilingon ni Amanda. "Ayaw mo ba talaga?" Muling tanong nito. Iniisip niya tuloy na ito ang may gusto sa damit. "Sayang , hindi kase yan pwedeng pang-simba. Baka buhusan ako ng holy water ni father kapag ako ang nagsuot. " Nanghihinayang na sabi ni Amanda bago sumunod kay Abby. "Teka lang Abby ah , bili lang ako ng milk tea, hintayin mo nalang ako dito." Tukoy nito sa tapat ng appliances store. Tapos na silang mamili , nakapamili na siya ng pang-regalo sa magiging baby ni Ireen at susuotin sa engagement party ng pamangkin nito. Nagiikot-ikot na lang sila bago umuwi. "Sige , pero punta lang ako ng cr." Nakaalis na si Amanda ng maglakad na siya patungong cr nang mula sa kung saan ay may bumangga sa kanya. Halos tumumba ang katawan niya kundi lang maagap na sumalo sa kanya yung nakabangga at ipulupot ang mga bisig nito sa katawan niya bago pa siya pulutin sa sahig. Nag-uunahan sa pagtibok ang puso niya sa takot kaya hindi niya napansin na nakapulupot din ang mga braso niya sa leeg nito. "Are you hurt somewhere? Are you okay?" Nag aalalang tanong nung nakabangga sa kanya ,bahagya nitong niluwagan ang pagkakayakap kay Abby upang tingnan kung nasaktan siya. Nawiwindang na napahugot ng hangin si Abby tsaka tiningala ang lalake. Takot ang unang pumuno sa isip at dibdib niya ,kung hindi maagap na sinalo at inakap siya nito, malamang nabalian na siya ng buto sa laki ng katawan nito. Ang labi agad nito ang unang nabigyan ng pansin ni Abby , pinkish , nahiya tuloy siya dahil putlain ang labi niya. Sunod na dumapo ang mga mata niya sa ilong nito, an'tangos at makinis ,halos hindi niya makita ang pores nito ,hanggang sa naglandas ang mga mata niya sa mata nito , sa may kakapalang kilay, sa malalantik na pilik mata, sa hazel eyes..napakunot noo siya, bakit parang nakita na niya ito? "Rony?" Hindi makapaniwalang anas ni Abby ng rumehistro sa isip niya kung sino iyon. Lumitaw ang mapuputi at pantay pantay nitong ngipin sa pagkakangiti. Hindi makapaniwalang hindi siya agad nito nakilala. "Anong gi-" Mabilis nitong tinakpan ng palad nito ang bibig ni Abby nang makarinig sila na mga yabag. Mabilis siya nitong hinila patayo at agad siyang isinama papasok sa loob ng home appliance store, halos magkandarapa siya dahil di hamak na mas mahaba ang biyas nito. Pero hindi siya makapagreklamo , ni makapagsalita sa pagka-star struck dito. "Shhh.." Senyas nito sa kanya habang sumisilip sa pagitan ng mga naglalakihang appliances. Nang makalagpas ang mga kulumpon ng taong palinga linga sa paligid ay parang nabunutan ng tinik na napahinga si Rony. "I'm really sorry , I didn't mean to drag you, nasaktan ka ba?" Tanong nito sa babaing muntik na niyang masaktan sa pag-iwas sa mga naghahabol sa kanya. Hindi niya alam kung bakit hinatak-hatak pa niya ito. Pero tulala lang ang dalaga habang nakatingala sa kanya. Nangingiting tinapik tapik niya ang pisngi nito ,bago iyon bahagyang pinisil. "May masakit ba sa iyo? " Tanong ulit ni Rony ng magbalik sa katinuan si Abby. Umiling siya nang paulit ulit, habang awang pa din ang labing nakatunganga sa kaharap. "Are you sure na okay ka lang? I can take you to the hospital to make sure. " Tango lang ulit si Abby. Napakamot na lang sa batok ang binata, bago lumingon -lingon sa paligid. "Anyway, pasensya ka na talaga, and thank you na rin. Kung hindi kita nabangga mako-corner ako ng mga humahabol sa akin, hindi naman ako artista ,pero ..di bale na nga." Tango lang ulit si Abby, hanggang sa natawa na ng tuluyan ang binata. "Mauna na ako , thanks ah...ano ngang pangalan mo?" "A-ab-by. Abegail," Parang nabudol-budol na sagot nito. "Great, see you when I see you Abegail." Tapik ni Rony sa balikat niya bago kaswal na naglakad. Tulala namang sinundan ito ng tingin ng cashier na nasa gawi ng pinto na kanina pa pala nanunood sa kanila. Sinenyasan ni Rony ng zipper sign iyon matapos ngitian at tuluyan nang makalabas matapos muling lingunin ang dalagang tila nabato balani na sa kinatatayuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD