KABANATA 13

1059 Words
"Hindi mo sinabing may kakilala ka pa pala dito?" Bulong ni Abby kay Amanda habang pinapanuod nila ang ginagawa ng kaibigan nito na isang make-up artist. Nasa loob sila ng isang studio kung saan ipi-film ang music video ng isa sa mga kanta ni Rony. Luckily, ang kaibigan ni Amanda na si Joey ang kinontrata para maging make up artist doon. Ang buong akala niya ay bading o silahis si Joey pero lalaking-lalake ito at sadyang forte lang ang pagpapapaganda sa mga kababaihan. "Swerte lang tayo dahil kahit last two minutes na-inform ako ni Joey na posible nating makita si Rony dito. Since kanta niya ang gagawan ng music video, sabi daw ng direktor makikisilip iyon." Imporma nito. "Tama, makakapag-pa autograph kayo kung sakali. Hindi naman suplado iyon, nakikihalubilo pa nga 'yang si Rony sa mga staff dito." Ani Joey. Ngumiti lang sila ni Amanda, kung alam lang ni Joey ang dahilan ng pagsuba nila sa Maynila ay baka pagtawanan siya nito. " Punta lang muna ako sa comfort room. " Paalam ni Abby. " Samahan kita? " Tanong naman ni Amanda. Umiling siya bilang tugon. Nadaanan naman nila ang comfort room at hindi naman siya maliligaw. Habang sakay ng elevator pababa ay napaisip pa siya kung tama lang ba ang ginagawa niya. Baka isipin ni Rony desperada siya. Hindi nga rin niya alam kung bakit siya napapayag ng kaibigan na pumunta doon at hanapin ang binata. Ano ba ang sasabihin niya? O kung may dahilan bang itanong pa dito kung bakit bigla na lang itong nawala? Nang huminto ang elevetor ay kumaliwa lang siya kung saan naroroon ang pakay. Kaagad niyang ginawa ang nais. Ninenerbyos lang siguro siya kaya pakiramdam niya ay lagi siyang naiihi. Paglabas sa cubicle ay parehong napako ang tingin nila sa isa't isa ng babaeng nag-reretouch ng make-up. Inihinto nito ang akmang pagpahid ng lipstick upang ngitian siya na sinagot naman niya nang mas maaliwalas na ngiti. The woman is tall, perhaps 5'6 or 7"? Marahil ay modelo din dahil sa pangangatawan nito. She's slim with a nice pair of legs na tila 'sing haba ng expressway, and have the curves that shows off with her dress. Jet black, long and wavy hair, porcelain white skin and those almond eyes and plump lips. She's so pretty, na sa sobrang ganda ay nakakahiyang tabihan. Plus the fact na sobrang bango. She ignored the awkwardness that she felt and just wash her hands. Nang mapansin marahil ng katabi niya na nasa side nito ang tissue ay humila ito ng ilang piraso at iniabot iyon. Natitigilang nilingon niya ito bago ngumiti. "Thanks.." Aniya, muntik pa siyang pumiyok. "It's nothing." Napapikit si Abby, maging ang boses nito ay masyadong masakit sa p********e niya. It's sweet and friendly. If there's an embodiment of a perfect woman, that woman beside her can be very much the definition of it. "You have a beautiful face..heart shape. " Awang ang labing muli siyang napalingon dito. "Oh..I have something here, I'm sure bagay ito sa iyo." Anito atsaka naghalungkat sa bitbit nitong clutch. Nang iabot nito ang isang lipstick ay taka pa siyang napatingala dito. Literal na napatingala, sa taas niyang 5'3" mapapatingala talaga siya. "Take it, it's a gift. Ang ganda din kase ng hugis ng lips mo." Nang hindi niya iyon abutin ay bahagya itong natawa. "Oh I'm so sorry, am I being pushy? I can't help it, part of my job I guess..here." Inilapag nito ang hawak bago kumaway sa kanya at saka humakbang na palabas. Nasundan na lamang ng tingin ni Abby ang babae. Nang bumaling ang tingin niya sa iniwan nito ay nanlaki ang mata niya. Hindi biro ang halaga ng maliit na lipstick na iyon at higit sa lahat selyado pa iyon at hindi pa nagagamit. *** "What took you so long?" Naiinip na tanong ni Vanessa kay Illana. "I just retouch my makeup. Oh I met someone.." Enthusiastic na simula nito. Vanessa just rolled her eyes. "Let me guess, umiral na naman ang pagka- fashion guru mo, s***h mapagbigay. What did you give this time?" Naghihinalang tanong niya. "Oh.." Natatawang tinalikuran siya nito. "Don't oh me Illana.. I know you."  "It's just a lipstick, not a big deal. Besides hindi ko naman magagamit iyon. I have lots of them." Vanessa scawled at her. Magsasalita pa sana siya nang mula naman sa isang direksyon ay matanawan nila si Rony. "There he is!" Excited na lingon ni Illana sa kanya bago kumaway sa binata na napansin din sila at ngayon ay patungo na sa kanilang direksyon. "Calm down Illana, baka atakihin ka na naman ng hika mo." "Can you blame me? I missed him so much." "Yeah, halatang-halata naman eh." Tikwas ang kilay na siring niya sa kaibigan. Nang makalapit si Rony sa kanila ay nakasimangot na sinamaan muna niya ito ng tingin bago nagpasyang iwan na muna ang dalawa. "Sa cafeteria lang ako, if ever na hanapin niyo ang presense ko, which is imposible yata." "Thanks Nessa, see you later." Magiliw na paalam pa ni Illina habang tinunguan lang siya ni Rony. Nang makalayo na si Vanessa ay doon lamang itinuon ni Rony ang atensyon sa dalaga na maganda ang pagkakangiti sa kanya. Ibubuka na sana niya ang bibig upang komprontahin ito, subalit nabitin iyon sa kanyang lalamunan nang kintalan siya nito ng halik at maglambitin sa kanyang leeg. "I freaking missed you, so damn much babe." Wala siyang nagawa kundi ang ipulupot ang mga braso sa katawan nito, pero hindi niya napag-handaan na sa kanyang pag-angat ng tingin ay hindi niya inaasahan ang taong makikita. Nanigas ang katawan niya, hindi maialis ang mga mata sa pagkakatunghay sa babaeng ilang araw ng umuukilkil sa isipan niya. How can she possibly be there? "Let's have lunch together? I have so many...Rony? You with me?" Doon lamang siya tila naibalik sa reyalidad. Nilingon nito lugar kung saan siya nakatingin pero wala nang tao doon. "I'm sorry, I'm - I'm just..tired." Katwiran niya bago muling sinilip sa sulok ng kanyang mga mata ang lugar kung saan niya nakita si Abegail. "Oh? Gusto mo bang dumaan tayo sa clinic?" "No..it's okay. How about lunch together?" "That's what I'm talking about earlier.." "You did? Then let's do it." Aniya bago humalik sa noo nito at akayin na ang dalaga palabas,not before to took another glance at the spot where he saw Abegail.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD