"Bakit hindi mo pa tinuka!"
Namimilog ang matang dukwang ni Amanda kay Abby. Hindi siya nito tinantanan hanggang sa maikwento niya ang pangyayaring naganap sa *bakasyon *niya.
"Bakit ko naman gagawin iyon?"
Gulat na tanong ni Abby sa kaibigan. Tinampal nito ang noo bago nito inabot ang balikat niya at bahagya siyang yugyugin.
"Friend si Rony iyon! The freaking model, s***h singer, s***h the man of your wet dreams."
"W-wet?"
"Psh, huwag ka na ngang pa-bebe d'yan Abegail. I know for sure na dati mo nang pinapantasya ang lalaking pangarap ng nakakarami. And I bet, sabihin mong hindi, you dreamed for that kiss to happen, o baka nga hindi lang halik ang bumubulabog sa iyong panaginip. "
Tikwas ang kilay na turo nito sa kanya.
Maang at awang ang labing hindi makasagot ang dalaga sa garapalang pahayag nito. Since partly ay totoo naman na minsan..oo, hindi lang minsan na napapanaginip niya ang binata ang gabing iyon. And yes, that kiss do happened..only on her dreams that leaves her wide awake and unavailable to go back to sleep.
"See.."
Nanunuksong ani Amanda na tila proud na proud pa.
"Pero wala namang kahulugan iyon, it's just..a spur of the moment?"
Alanganin niyang katwiran dito.
Nangalumbaba si Amanda at saka mataman siyang tinitigan.
"Patunay lang na kulang ka sa pakikihalubilo sa opposite s*x. Friend ang bawat kilos ng isang lalaki ay may motibo o hindi naman kaya ay kahulugan."
"Gaya nang?"
"Kagaya na lamang ng gabing iyon. Kung hindi sumingit sa eksena ang cellphone mo, malamang sa alamang hindi na virgin sa wakas ang labi mo. Nakatuka kana sana. Why do you think Rony requested you stay for another day or two? Kase he find something intriguing or interesting about you. If not, ano nalang ba na kawayan ka niya o ngitian lang kung na-kilala ka niya. He can easily avoided, shoo you out like a fly but he didn't. Instead he treat you out, hang out with you, and he may o may not be aware but he seem attracted to you. "
Mahabang paliwanag ni Amanda na hindi magawang paniwalaan ni Abby.
" Kailan ka ba huling naligawan? Kailan huling may lumapit na lalake sa iyo at magpakita ng interes?"
"Never?"
Nahihiyang aniya.
"Huh? As in bokya talaga? Seryoso?"
Nang hindi sumagot si Abby ay Napabuntong-hininga nalang si Amanda.
"Imposible naman yata iyon..maganda ka, matalino, infact girlfriend material ka.."
"Kaibigan kita kaya nasasabi mo iyan."
"Exactly. Kaibigan mo ako kaya nakikita ko ang good traits mo, pisikal man o hindi. Real friends don't lie."
Amanda pointed out. Abby smiled appreciatively.
"Thanks Amanda."
"Well, how about visiting Rony Lucas sounds like?"
Nakangising ani Amanda.
***
"It's a good thing they really like you."
"No Marvin, it's the money that they like not me."
Pagtatama ni Rony. Nang makabalik siya mula sa Pangasinan ay kaagad siyang dumiretso kay Marvin. He quickly made phonecalls and arrange his schedules. Sunod-sunod ang meetings niya sa mga nakaraang linggo at ang pag-aayos sa mga *nagusot *daw niyang kontrata.
"That's business Rony, and your mom keeps asking me about you. Hindi ka pa ba nagpapakita sa kanya?"
"I already issued a cheque for her."
Bale wala niyang sagot dito.
"Naririnig mo na ang sarili mo Rony?"
Kababakasan na ng iritasyon ang boses ni Marvin. Tumayo ito, lumapit sa bintana at tumingin sa labas na para bang makakatulong ang pagmamasid sa traffic sa kalsada bago muling lumingon sa kanya.
"She's asking about you, not your money. Bakit ba lagi nalang kasahog ang pera sa tuwing nag-uusap tayo? People around you..do you think they're just after your money?"
"Yes."
Walang pasubaling sagot niya. Sa tagal niya sa industriya ng pagmomodelo sa maagang pagsabak sa pagtatrabaho, ilang tao lamang ang nasa tabi niya na hindi tinitingnan ang estado niya sa lipunan o ang laman ng kanyang bulsa. Most of the people he knew leeches on him because he can give them what they've been looking. Money, name, and a little bit of fame. Sadly but it's the truth.
"Nagtatalo na naman ba kayo?"
Sabay na napalingon si Rony at Marvin sa babaing nakatayo sa bungad ng pintuan. Hindi man lang nila namalayan ang pagpasok nito.
"No"
"Yes"
Magkasalungat at sabay na sagot ng dalawa na ikinataas ng kilay nang bagong dating. Kibit balikat na nagsimula itong maglakad papasok at saka naupo sa sofa. Itinaas ang mga kamay at ipinatong padipa sa sandalan bago tumingala at pumikit.
"What brought you here?"
Tanong niya.
"Sinusundo ka."
Walang lingon na sagot naman nito. Nang tumingin ito sa kanya ay hinilot-hilot naman nito ang batok. She look tired.
"Nagtatampo na si Illana. Matagal ka na daw nakabalik hindi mo pa siya pinupuntahan."
"I will, may mga inaasikaso lang ako. Besides we've been talking through phones."
Katwiran niya.
"Is she home now?"
Tanong naman ni Marvin.
"Yes."
"Then ako nalang muna ang bibisita sa kanya, may pupuntahan pang meeting si Rony mamaya."
Suhestyon ni Marvin. Hindi kaagad sumagot ang babae, sa halip ay kay Rony ito tumingin. Dismayado ang itsura nitong tumayo at saka inunat ang skirt na suot.
"And here I thought that Mr. Gorgeous here will feel some *pagkasabik* to see Illana . Anyway I should go."
Paalam nito na hindi na hinintay pang sumagot ang dalawa.
"Vanessa."
Kagyat na napalingon ito mula sa tangkang pagbukas sa pintuan nang marinig ang pag-tawag na iyon ng binata.
"Tell Illana I'm going to see her soon."
"Whatever."
Anito bago tuluyan nang lumabas.
"Mainit talaga ang dugo sa iyo ni Vanessa huh?"
Untag ni Marvin.
"She's always like that."
"Pero iba ang lebel pagdating sa'yo."
"You know what Marvin?"
"What?"
Tanong nito. Gumuhit ang nakakalokong ngiti sa labi ng binata
"You and Vanessa..fits for each other. Halos pareho kayo ng topak."
"Oh please, shut up."
Angil nito na lukot ang mukha sa pagkadisgusto. Vanessa is beautiful, infact she was hailed as Mutya ng Pilipinas before. Hindi lang nito idiniretso ang pagsali sa beauty pageant dahil mas pinagtuunan ng pansin ang pagtatrabaho. The woman is independent, strong willed and have that *mataray*vibes. But one thing that he really don't like about her, she's too obsessed with Illana's welfare. It reminds her of his mom, *controlling*.