"Where have you been?"
Iyon kaagad ang bumungad sa pandinig ni Ron nang sagutin niya ang tawag ni Marvin. Ilang araw ng patay ang cellphone niya, ilang araw niyang isinara ang anumang komunimasyon sa kahit na sino man nang araw na makarating siya sa Pangasinan.
"Are you mad?"
Balewalang tanong pa niya manager niya gayung naki-kinita niya sa isip ang itsura nito sa mga oras na iyon. Mad is an understamentent, he is furious and he can't blame him. But he don't care..he really don't.
"Alam mo ba kung gaano kalaking problema ang iniwan mo sa akin Rony? We lost projects worth of millions, prospect clients and renewal of contract mo sa ine-endorse mong product. To top it all hindi pa rin humuhupa ang tsismis tungkol sa iyo at sa babaeng kasama mo sa mall. Rumors are already spreading that you might have been somewhere with that girl right now."
" I've already told you that I wanted a break Marvin. "
" I didn't give you the permission yet. Hindi ganoon kadali na ayusin basta-basta nalang ang schedule mo- "
" I just told you Marvin , I didn't need your permission. May I remind you that those schedules aren't discussed on me? Basta-basta ka nalang tuma-tanggap at umo-oo sa mga bagay na wala akong permiso. But since you are my manager I trust you on that matter. They can sue me, the hell I care. "
May bahid na ng pagkairita na sagot ni Rony.
Buntong- hininga mula sa kabilang linya ang narinig ng binata.
" Look..Rony we are friends aside from the professional relationship that we had. I'm sorry if I acted like as if you are a working machine for me, all I just wanted is for you to open up. Muntik ka nang ipa-blotter ng mommy mo dahil bigla ka nalang nawala na parang bula. And honestly speaking I panicked aswell. I mean..it isn't the first time that you asked for a break, but this is the first that you didn't tell us what happened or where you are going. "
"I'm in somwhere safe."
Maiksi niyang sagot.
"You need to go back."
"Mike..one week lang ang hinihingi kong bakasyon, can't I atleast finished my goddamn get away?"
"Well, sorry to tell you this Rony Lucas but Illana arrived last night."
"What?"
***
"Nag-checkout na po si sir Valliente ma'am."
Anang receptionists matapos na magka-lakas loob si Abby na magtanong.
Awang ang bibig na hindi siya makapaniwala. May nangyari ba? Okay naman sila bago sila naghiwalay nang nakaraang gabi hindi ba? Medyo awkward lang pero wala namang nagbago noon. Subalit kinaumagahan nang hintayin niya ang binata para sabay silang mag-breakfast ay hindi ito lumabas. She even knocked on his door but no one answered so she thought he's still sleeping, ngayon hapunan lang niya naisipang alamin sa reception kung nasaan si Rony. Kaya ngayon hindi niya alam kung bakit tila hinila pababa ang puso niya sa nararamdaman. Hindi man lamang nagawang magpaalam nito sa kanya.
"Sige salamat."
Ani Abby bago ngumiti ng pilit .
" Anyway ma'am, we've been informed that you can stay here for as long as you want."
Dagdag pa nito pero kahit na maganda ang impormasyon na iyon ay hindi magawang mag-saya si Abby.
Did she do something wrong?
Maybe he have some important emergency?
" Kamusta ang bakasyon mo? "
Malawak ang ngiting salubong ni Linda sa anak. Ito pa ang umabot sa hindi kalakihang traveling bag ni Abby.
"Masaya po."
Nakangiting sagot ni Abby bago nagmano sa ina.
"Mabuti naman at nag-enjoy ka doon. Pero ano anak? May kasama ka ba?"
"Kasama?"
Kunot noo'ng baling ng dalaga.
"Boyfriend ba? Sa resort ka galing hindi ba? Maraming binata doon tiyak. Nasaan na?"
Luminga-linga pa ito sa labas ng pintuan.
"Nay..um-attend po ako sa party ni Irene, hindi ako nag-boy hunting. Isa pa, mayayaman ang mga bakasyunista na naroroon."
"Oh eh ano naman? Por que mayaman ay hindi na pwedeng ma-inlove sa iyo? Aba'y ka mahal-mahal kaya ang anak ko."
Taas ang kilay at liyad ang dibdib na ani Linda.
"Linda, tigil tigilan mo na kase ang kakapanood ng mga drama sa TV, lalo na iyong galing korya. Masyadong naaapektuhan ang imahinasyon mo."
Singit ng popsie o tatay ni Abby na si Danilo na tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa.
"Korea iyon popsie."
Natatawang pagtatama niya dito na sinagot lang ng pagwagayway ng hawak nitong dyaryo.
"Ganoon din iyon. Masaya ba sa pinuntahan mo? Kamusta ang mga kaibigan mo?"
Bahagyang ngumiti si Abby sa tanong ng popsie niya at tila nahulaan naman nito na kagaya ng mga naunang pakikipagkita niya sa mga kaibigan ay umuuwi siyang malamya. Sa pagkakataon na iyon ay nakauunawang tinapik-tapik nito ang balikat niya at saka siya niyakag patungo sa sofa habang taka namang nakasunod lamang ng tingin si Linda sa dalawa.
"Narito lang naman kami ng nanay mo, at si Amanda, si oppa.."
Tukoy nito sa aso nila na o kung aso nga ba iyon dahil hindi man lamang niya marinig na tumahol. Ang nanay niya ang nagpangalan sa alaga nilang aso dala na rin ng pagkahumaling nito sa kdrama.
" Alam ko naman yun popsie. "
Sagot niya sabay hilig sa braso nito. Itinuon niya ang atensyon sa TV pero wala pang ilang minuto ay nawala na doon ang interes niya. Muling bumabalik sa kanyang balintataw ang huling gabi magkasama sila ni Ron. Ginising ng binata ang natutulog niyang kamalayan sa opposite s*x. Ngayon para siyang hibang sa pagiisip kung paano kaya..paano kaya kung hindi nag-ring ang phone niya?
Wala sa loob na umangat ang kamay niya at dinama ang labi. Darating pa kaya ang pagka-kataon na makikita niya ang binata? Kagaya ba niya ay naiisip din siya nito? O baka isa lamang siya sa ordinaryo at kaswal na pangyayari sa araw-araw na buhay nito na hindi naman malayong mangyari. Wala namang espesyal sa lahat ng naganap diba? Lilipas din ang mga araw at babalik sa normal ang buhay niya. Ang walang kalatuy-latoy na daloy ng buhay niya.