"Okay lang ba talaga na nandito tayo?"
Paniniguro ni Abby habang hindi mawaglit ang mata sa gazebo.
"No doubt. Dito kami namamahinga ng mga kaibigan ko dati, especially Gibson. He love these place. Come and let me show you what's inside."
Muling inakay ni Ron ang dalaga patungo sa naghihintay na gazebo. Hindi niya masisisi ang kaibigan nito kung bakit ginawa ng restricted ang bahagi ng lugar na iyon. Ang anumang ingay mula sa resort ay tila ba nilulunod ng tunog na nagmumula sa alon ng dagat. Kung mag-isa siguro siya sa lugar na iyon ay hihilahin siya ng antok sa sobrang payapa ng natatanging lugar na iyon.
Nang makarating sila sa harap ay may hinugot si Ron sa bulsa nito. Para iyong brooch, o hindi naman kaya ay keychain. Nagulat na lang siya nang magliwanag ang paligid ng gazebo. Ang mga blinds ay unti-unting tumitiklop paitaas dahilan upang mahantad ang mga salaming bintana at maging visible kung ano ang nasa loob.
"Tara?"
Anyaya ni Ron kay Abby.
"Parang sa fairy tales lang.."
Wala sa loob na bulaslas ng dalaga. Naalala niya kase ang Cinderella kung saan ang kalabasa ay naging isang magical na karwahe, pero ang nasa harapan niya ngayon ay tila isang malaking golden lamp gazebo.
"Hindi naman ganito ang ayos nito dati, it was re-decorate . But yeah..come to think of it, it kinda have a magical touch."
Pagkapasok sa loob ay nakangiting nilapitan ni Abby ang octagon bed na naka-gitna mismo. Sa tingin niya ay kasya kahit limang tao doon o higit pa nga. May maliit na kitchen counter, bar stand, TV, at Playstation set.
" Hanggang kailan ka dito Abegail?"
Tanong ni Ron matapos na abutan ng softdrinks in can ang dalaga habang beer naman ang hawak nito para sa sarili.
"Tapos na ang party ni Irene kaya bukas siguro ay aalis na kami.."
May bakas ng panghihinayang sa boses na iyon ni Abby na hindi nakatakas sa pandinig maging sa mga mata ng binata.
"Would you like to stay?"
"Huh?"
Maang na sambit ni Abby. Alanganin namang napakamot sa batok si Ron. Kusang lumabas sa labi niya ang paanyayang iyon, ni hindi niya nagawang pag-isipan man lamang.
"Well, I mean..kung wala ka namang iba pang gagawin pagkatapos ng bakasyon mo dito.."
"Gusto mong mag-extend ako?"
Hindi makapaniwalang napatitig ang dalaga kay Ron. Isang Rony Lucas Valliente lang naman, ang nag-iisang makinang na tala sa kanyang kalangitan ang nag-nanais na manatili pa siya sa resort na iyon. Bahagyang humigpit ang pagka- hawak ni Abby kanyang drinks habang sinusupil ang pag-ahon na iyon ng kilig sa kanyang dibdib.
Calm down my fragile heart, hindi proposal ng kasal ang sinabi niya..
"Kung gusto mo lang naman. I still have a few days left to spend my vacation here. And honestly..I really do enjoy being with you just like this Abegail."
And just like that Abegail answered with a very pleasant yes.
Kinabukasan ay hindi alintana ni Abby ang nag-aakusang mga tingin ni Irene lalo na nang malaman nitong personal na hiniling ni Ron ang pananatili niya sa resort. Sinamahan pa siya ng binata na ihatid sa lobby ang mga kaibigan. Masaya man si Queenie at Diane para sa dalaga ay hindi naman maipinta ang mukha ni Irene lalo na ng bahagyang kabigin ni Ron si Abby palapit sa katawan nito na sa tingin ng dalaga ay sinadya nito upang lalong inisin ang kaibigan.
"Ang swerte mo Abby."
Nanunuksong ani Queenie habang yakap ang dalaga. Nag-iinit ang mukhang nilingon ni Abby si Ron na abalang nakikipag-usap kay Zaldy, Elton at Teo bago muling ibinaling ang pansin sa kaibigan.
"He really is nice.."
Komento ni Diane.
"And handsome..yep."
Dagdag ni Queenie bago binunggo ng balikat si Abby.
"Ano na? Tatayo na lang ba tayo dito? My feet are aching..Zaldy let's go."
Naiiritang tawag pansin ni Irene sa asawa at sa mga kasama nito. Napabuntong-hininga na lamang si Zaldy bago nag-papaumanhing tumango kay Ron.
"I'm really sorry about the last time Rony. And don't worry about the pictures, sinabihan ko na ang mga staff at ang mga kaibigan at kamag-anak ko na andito. Rest assured that you have your privacy here."
"Thanks, I appreciate it."
"Take care of Abegail please.."
Ani Zaldy na ikinakunot-noo ni Ron.
"Yeah.."
Tanging sagot niya hanggang sa tumalikod na ang mga ito. Pinagsalikop niya ang mga braso habang minamasdan si Abby na kumakaway sa mga kaibigan. Nang humarap ito sa kanya pagkaalis ng mga kaibigan nito ay kaagad siyang ngumiti at humakbang palapit.
" Seems like it's just the two of us now.."
"Huh,ah..oo nga."
Tila natatarantang sagot ng dalaga. Rony's eyes squinted with amusement as he watch her face turned red.
"Shall we have breakfast then?"
Tanong niya na tinanguan nito. He take her hand, stop for moment and look at her face or rather into her eyes.
"May problema ba?"
Tanong ni Abby ng mapansin ang tila pagka-lito sa mukha ni Ron.
"Nothing.."
Ani Ron at saka banayad na hinila patungo sa indoor restaurant ang dalaga.
Dalawang araw pa ang mabilis na lumipas, dalawang araw na ang tanging magkasama ay si Ron at Abby lamang. Ginugugol ang bawat sandali sa pamamasyal sa dalampasigan, pagtambay sa pergola, magkasamang pagkain mula sa almusal hanggang sa hapunan. Abby felt happy, happiness that she always dreamed to experience. The kind of feelings that are new to her,and as she look longer and spent more times to Ron, she knew that those feelings are no longer for fangirling or admiring. She fell in love.
Hiding from the rain and snow, trying to forget but I won't let go,
Lookin at the crowded street, listening to my own heart beat.
So many people, all around the world, tell me where do I find someone like you girl..
Take me to your heart, take me to your soul
Give me your hand before I'm old,
Show me what love is, haven't got a clue..
Show me that wonders can be true,
They say nothing last forever, we're only here today,
Love is now or never, bring me far away..
Ron smiled as he sing while looking at Abby with her eyes closed, savoring that moment. Nakumbinsi siya ng dalaga na kumanta habang tumutugtog ng gitara. Naroon sila sa dalampasigan hindi kalayuan sa pergola. Star gazing as she describe it.
"Bakit ka huminto?"
Napamulat si Abby ng biglang tumahimik pero kasabay nang paglisan ng anumang ingay sa paligid ay ang pag-palit naman ng ingay na iyon sa kanyang dibdib. Malakas na malakas ang t***k ng kanyang puso habang halos hindi magkandatuto ang kanyang mga mata kung saan ipipirmi ang tingin, sa mga mata ba ni Ron na ngayon ay matamang nakatitig sa kanyang mukha o sa labi nitong tila nag-iimbita, o sa mga bituin sa langit?
Mariin siyang napakapit sa carpet habang tila kaybagal ng oras, o di kaya ay huminto ang oras para sa kanilang dalawa? Gayunpaman ay hindi maitatatwa ang antisipasyon ni Abby. Ron is about to kiss her. Her eyes slowly closes as the distance between them became narrow..she felt his breath fanning across her cheek, his fragrant cologne that invaded her nostril. But that magical moment evaporated when the loud ringing of cellphone blasted through the air.
Sabay na napatulala at tila parehong nagising sa isang hipnotismo si Abby at Ron dahil doon.
"S-sorry..phone ko iyon.."
Ani Abby at saka mabilis na dinampot ang nag-iingay na cellphone habang gulat at hindi pagkapaniwala sa sarili ang nakalarawan sa mukha ng binata.
How come that he almost lost himself..or perhaps he already lost in that moment, and if it weren't for that device he might have regretted what could have happened.
Or could he?