Masusing pinag-masdan ni Ron si Abby. Namumula ang mukha nito sa marahil ay hiya at pag-babadya ng pagbalong ng luha. Ngayon ay nag-karoon na siya ng ideya kung bakit o parang malungkot ito ng gabing makita niya. The girl whom she calls a friend, caused that.
His braws furrowed and heaved a sigh. Instead of knocking some sense to those people around her, they seemed shocked of his arrival. Mukhang kilala siya ng mga iyon.
"Ron..anong ginagawa mo dito?"
Si Abby na unang nakabawi ay agad na naglakad palapit sa binata na halos mag-isang guhit ang kilay sa labis na pagka-kunot ng noo nito.
"Kilala mo siya? And you didn't even tell me?"
Gulat at akusa ni Irene sa kanya. Nakangiwing napailing na lamang ang dalaga. How come Irene can be so insensitive? Bago pa man makalapit si Abby kay Ron ay naunahan na siya ni Irene na malalaki ang hakbang at hindi alintana ang naghuhumiyaw nitong tiyan.
"Hi, nice to see you here. I'm Irene. Hindi ko alam na darating at inimbita ka pala ni Abby..she should have told me sooner.."
Irene smiled sweetly and reach for Ron's hand to shake. But he simply put his hands into his pockets and balled them into fist. Abby look at him apologetically. Her eyes pleading avoid anymore unwanted scenes, so with a heavy chest he tried to compose himself and gaze at the woman in front of him.
"I didn't tell her that I will come, and I'm not really interested. I just happen to passed by and heard you..dishing your own friend."
Sa una ay nakangiti pang nakatingala si Irene sa binata pero ng marahil ay maproseso ng utak nito ang sinabi niya ay unti-unting nanlaki ang mga mata nito at saka napa-awang ang labi.
" W-what ? "
She uttered with disbelief.
" E-excuse me Rony.. "
Pumagitna na si Queenie na kabuntot si Diane. They might be star struck by his looks, who wouldn't? Perhaps they all are at that time. But it's as clear as water that the guy didn't take a liking for Irene and not one to hide that fact.
" Pwedeng mag-pa-picture?"
Singit ni Diane. Halos maipitan ng ugat sa leeg si Queenie sa pag harap sa kaibigan.
"Seriously Diane?"
"What? It's now or never."
She shrugged.
"I'm really sorry about that Rony..Irene can be tacky and kinda difficult sometimes but we are all friends ever since so..Abby.."
Bumaling si Queenie kay Abby.
"Thanks Ron, pero hindi naman big deal iyon. And everyone wants to talk to you now. "
Abby tried to be convincing. Although, totoo naman ang sinabi niya na tila ba hindi na mapakali ang mga kasama nila upang makausap din ang binata. As far as she know, umiiwas si Rony sa maraming tao pero ngayong nagpakita na ito ay hindi na maiiwasan na hindi siya makisalamuha at syempre ang may masabi na hindi maganda ukol dito.
"Okay..okay.. "
Napipilitang tango ni Ron bagaman sukal sa kalooban niya ang sumangayon sa dalaga. But seeing that relief on Abby's face, a small smile make its way on his lips.
***
"Saan tayo pupunta?"
Hindi na nakatiis pa ay tanong ni Abby kay Ron. Ilang hakbang itong nauuna mula sa kanya. Hindi nakatagal ang binata sa shower party na iyon ni Irene kung kaya pa-simple siya nitong inilayo. Ang higit na nakakapag-taka ay kung bakit tinangay-tangay pa siya nito gayung pwede naman itong mag-paalam.
"You'll see..."
Hindi lumilingong sagot nito sa kanya. Nang makarating sila pinaka vecinity ng hotel at muli silang maglakad ay doon na nalito si Abby. Ang daan na tinatahak nila ay patungo sa main entrance ng resort, at kahit na naninigas na ang kalamnan ng kanyang mga binti dahil hindi naman siya sanay sa lakaran o mas tamang sabihin na kulang na kulang siya sa ehersisyo ay hindi niya magawang mag-reklamo. Ron save him from further embarrassment that day, and she'll be one hell of a hypocrite if she won't take every chance and opportunity of being with him.
"Tired?"
Untag ng binata ng lingunin siya nito. Ngumiti lang si Abby at umiling. Hinihintay siya nito sa paanan ng mini bridge patungo sa kabilang bahagi ng mini swan lake.
"Eh..bawal na tayo dito diba?"
Alanganing itinuro ni Abby ang karatula na nagsa-sabing hindi na sila maaaring lumampas pa sa kabila ng tulay.
"It's fine. Didn't you crossed some lines before?"
Nakangising sagot naman ni Ron.
"H-hindi pa-"
"Come on Abegail. Akong bahala sa iyo."
Putol nito sa pangangatwiran niya. Mabilis nitong naabot ang braso niya at saka hinila-hila siya patawid sa tulay. Ang protesta sa utak ni Abby ay kinain ng magkahalong kaba at pagkasabik at tuwa.
Pagkatawid sa tulay ay inakay ni Ron ang dalaga patungo sa likod ng fountain. Nagmistulang kurtina ang curtain creepers na malagong-malago sa likod niyon. Nang subukang hawiin ni Ron ang mga naglawit na halaman ay hinigpitan niya ang pagkaka-hawak sa kamay nito at saka bahagyang hinila.
"Ron..where are we going? Baka malaman ng may-ari na nakikialam tayo sa property niya."
"Scared?"
He tauntingly asked, but Abby just scowled at him which make him chuckled.
"I won't put you into trouble Abegail. Don't you trust me?"
Do I trust him?
Piping tanong na iyon sa isipan ng dalaga na walang pasubaling sinagot din niya ng oo. Kahit anong kapa sa kaibuturan ng puso niya ay hindi niya matagpuan ang sariling nag-du-duda dito. She completely trust him and that's the thing that makes her scared.
"You're not planning to murder me or anything right?"
She nervously laugh at her own joke.
"Funny."
Rony pinch her nose.
"If it makes you feel comportable, kaibigan ko ang may-ari nitong resort at sa kasalukuyan ako ang naghahaharian dito. Yung mga employees dito na matagal na, kilala na ako. Usually kapag gustong bisitahin ni Gibson, that's my friend who owns these place..ang lugar na ito, he will bring me and my other friends as companion. Which is napaka-dalang. "
" I'm just kidding.."
Naka-labing depensa ni Abby dahil sa haba ng paliwanag nito.
" I know. Ayaw mo kaseng tumigil sa pagtatanong. "
Ani Ron at saka siya muling hinila matapos mahawi ang vines and the moment she saw whats behind that curtain creepers her jaw dropped.
Ang daraanan nila ay gawa sa bricks kung saan may mga lamp post na animo mga sulo magkabilang side. Sa dulo ay naghihintay ang isang vinyl gazebo. It's like a giant vintage lamp on her eyes from where she's standing.
"Sobrang ganda.."
Abegail muttered dreamily.
"You're right. Beautiful indeed.."
Rony said almost like a whisper. He can't remove his eyes at the woman standing next to him. His chest constricted the moment his heart started to beat differently. He took a deep breath trying to regain the normal function of that organ inside of his chest.